2. Unang Araw ng Pagpapanggap

2858 Words
MALALIM na paghugot ng hininga ang pinakawalan niya sa dibdib bago lakas-loob na pinindot ang doorbell. Nanginginig pa ang kanyang mga daliri habang hinihintay ang tugon mula sa loob ng napakalaking bahay. Isang may-edad na lalaki ang lumitaw mula sa kaliwang bahagi ng bahay. “Sino ang sadya mo, hija?” tanong nito sa mababang boses. Bantulot na sumagot ang dalaga, ipinakilala ang sarili bilang Londyn Chivalez. “Ako ho ang fiance ni Rigo.” Nanlaki ang mata ng matanda, tila nagulat sa kanyang sinabi. "Fiancée ni Rigo? Aba, ikaw pala ang kanyang nobya!" Bumungad ang ngiti sa kulubot na mukha ng matanda. "Halika, pumasok ka, siguradong matutuwa ang amo ko sa'yo." She nodded and forced herself to smile. Dahan-dahang pumasok si Nadja, pilit pinapatahan ang kaba sa dibdib. Sa kanyang unang hakbang pa lang sa loob ng bahay, agad siyang pinukaw ng karangyaan at katahimikan Kanina, habang lulan sa taxi na inarkila niya’y namangha siya sa kagandahan ng tanawin. Nakahilera sa magkabilang gilid ng kalsada ang mga puno na tila daang taon na ang tanda. Nakayungyong ang mga sanga niyon dahilan para bahagyang lumilim ang daan. Hanggang sa humantong nga siya sa tapat ng isang wrought iron gate. Hindi mahirap matunton ang address sa Valle Verde. Sa gitna ng malawak na solar ay nasilip niya sa siwang ng gate ang nakatirik na dalawang palapag, may malawak na verandah, at isang garahe na kasya ang tatlong sasakyan. The block was huge, at napapahugot siya ng hininga nang makita ang garden na nasisilip niya mula sa gate. It was immaculately kept. Iba’t ibang uri ng orchids na nagpapaligsahan sa kulay at anyo. Ngayon ay walang dudang nasa teritoryo na siya ni Rigo Sariego, na nakatakdang makaharap ang lalaki. Ang palad niya’y nanlalamig at nanginginig sa salik na nararamdamang kaba. Bulag ang lalaki, kaya’t malamang malabong malaman nito na hindi siya si Londyn—ang babaeng minamahal nito. Bukod sa pisikal na kaanyuan ay hindi nalalayo ang height nilang dalawa ng pinsan. Maging sa built ng katawan ay hindi rin naiiba, at ang pitch ng kanilang boses ay halos magkasing tunog. Nanalangin na lang siya na sana’y malabong makilala siya ng lalaki. Huminga siya ng malalim, alam niyang hindi magiging madali ang araw na ito. Pagpasok sa living room, bumungad sa kanila ang bulto ng isang lalaki. Nakaharap ito sa window glass. Tahimik itong tila nakatunghay sa malawak na kagandahan ng Taal Lake, na ngayon ay tila nagbibigay sa kanya ng kapayapaang hindi niya matagpuan sa sarili. “Young Master, mayroon ho kayong panauhin,” pormal na anunsyo ng matanda. "I don't want visitors. How many times do I have to say it?" Rigo's sharp voice cut through the air like a knife, laced with anger and sorrow. And each word struck Nadja’s heart deeply. Hindi man niya makita ang mukha ng lalaki, ngunit ramdam niya ang mabigat at malamig na presensiyang bumalot sa buong silid. Napakagat-labi si Nadja, pinilit niyang itago ang nanginginig niyang damdamin. Ngunit kahit pilit niyang ipaglaban ang papel na ginagampanan, alam niyang sa harap ng ganitong damdamin ni Rigo ay baka hindi niya kayanin. “If its not Londyn. Tell them to leave. I’m not in the mood to talk to anyone right now. I want to be alone!” Rigo’s tone was frigid as he continued, leaving no room for negotiation. “Aba ay siya nga ho, Young Master.” tugon ng matanda. Pigil ang hininga at parang may laksa-laksang paruparo sa loob ng kanyang tiyan nang pumihit ang bulag na binata paharap sa kanila. Diretso ang tingin na halos lampas sa kanilang kinaroroonan. Ngunit hindi naging kabawasan ang pagiging makisig nito sa pagiging bulag. Her inference was right. He was Rigo Sariego, a charming and debonair man, but not at that moment. Standing there felt like she needed to think again bago niya pangatawanan ang karakter. Napalunok siya nang masalubong ng mga mata niya ang madilim nitong anyo. His bold and dark eyes had an adhering fierceness na kayang magdulot ng takot na magpa-urong sa kanya. Ang malagong bigote at balbas nito sa mukha ay tila ilang linggo nang hindi naaahitan. It almost covered the entire skin of his jaw and cheeks. The man's aura was intimidating. His posture was strong and dominant, exuding a powerful presence that she could feel even from a distance. Sa kabila ng pagiging bulag ng lalaki, nabubuhay ngayon ang lahat ng senses niya sa katawan. “Is that you, Londyn?” he asked in a cold voice. She tried to clear her throat before answering. “Y-yes it’s me, Rigo. Talagang inaasahan mo ang pagdating ko ha?” aniya na pilit na pinagalak ang tinig. Ngumiti si Rigo, ngunit tila matabang at walang saya. “Hindi ko inaasahan ang pagbabalik mo, after everything what happened,” may himig ng kirot at sakit sa likod ng boses na saad nito. She was taken aback by his words, her mind racing with questions and confusion. What did he mean by ‘after everything that happened?’ “As his fiancée, Rigo wants me to meet his family and announce our wedding publicly, Nadja. But I still don’t know how to tell him that I’m backing out of the wedding. Nahihirapan akong sabihin ito dahil natatakot akong masaktan siya, especially with the state he’s in right now. Malaki ang naging epekto sa kanya ng aksidente, kaya hindi ako matatahimik kung may mangyari sa kanya.” isip ni Nadja habang bumabalik ang alaala ng pag-uusap nila ni Londyn. Kaagad niyang inilihis ang paksa. “Hindi ka ba masaya ngayong narito na ulit ako sa tabi mo?” tanong niya. Naramdaman ang tahimik na pag-alis ng matandang lalaki upang iwan sila nito. “I’m not sure, Londyn. You ghosted me when I left the hospital, at hindi mo siguro aasahan kung ano man ang nararamdaman ko.” She felt guilty and pity for the man. Ang inakala siguro nito ay inabandona na siya ng nobya. At parang iyon na nga ang ginawa ng babae sa kasintahan nito. She left him hanging. Oh, Londyn! You're a crazy woman! Iniisip niyang naloloka na nga ito pag-ibig but unfortunately, not with this man standing in front of her, but with Craig, ang tunay na mahal nito. “I-I’m so sorry, Rigo. Alam mo naman na—” “I know, mas pinili mong iwan ako at lumipad sa Bangkok dahil sa trabaho at sa mga commitments mo, right? Kaya nga hindi na kita tinatawagan pa.” There was a trace of bitterness in his voice, and she hardly heard it. “Oh, please. Ayoko na munang pag-usapan ngayon ang trabaho,” she said. Trying to sound convincing. Sa isip niya, napakahirap makuha ang puso o simpatiya ng lalaki. Kailangan niyang maging convincing, ngunit ramdam niya ang mga bato na bumabalot sa puso ni Rigo. Rigo laughed sarcastically as he used the walking stick to turn and took a step away from her. Sa nais na alalayan ito ni Nadja at hawakan sa braso ay pinigil niya ang sarili. Gamit ang tungkod, inalalayan ni Rigo ang sarili patungo sa balkonahe, gamit ang kanyang tungkod na may ultrasonic sensor. Ayon kay Londyn, ang pag-alalay ang ayaw na ayaw ng lalaki. Ang iparamdam dito na useless at isa itong inutil na walang kakayahang gawin ang mga bagay na kaya ng isang normal na tao. At kahit gaano pa ka-advanced ang teknolohiya, sa huli, hindi pa rin maalis ang sakit ng pagtingin sa kanyang sarili bilang may kapansanan. “I cannot believe I’m hearing those words from you, Londyn. Nasanay ako na mas gusto mong pinag-uusapan natin ang tungkol sa trabaho mo rather than preparing for our wedding. Hindi ko nga maiwasang magtaka kung naiisip mo pa ako o kung nag-aalala ka man sa ‘ting dalawa. Nakakalungkot isipin na ang trabaho mo bilang modelo ay parang higit na mahalaga sa iyo kaysa sa relasyon nating dalawa.” halata ang pait at sakit sa tinig nito. Oh God! Ganoon ba si Londyn tuwing kasama ang lalaking ito? himutok ni Nadja sa sarili, puno ng pagdududa sa tunay na ugali ng pinsan. Humakbang siya palapit kay Rigo. At kahit na anong pigil ng dalaga sa nais ay natagpuan niya ang sariling nakahawak sa braso ng binata. Parang napaso siya sa pagdidikit ng kanilang balat. Gusto niyang bawiin ang kamay rito pero huli na para bumitiw. It will take to her grave if does that. “A-alam kong marami na akong pagkukulang sa iyo, Rigo. And I'm not trying to have a serious conversation about work right now. Kaya ako andito para bumawi sa ’yo, lalo na sa kalagayan mong ’yan,” bulalas niya, ang boses ay puno ng pagsisisi at pagnanais na humihingi ng patawad. “Kung ang kalagayan ko lang naman ang iniintindi mo para mag-stay ka, you better stay away from me. I don't need you!” Napaigtad si Nadja sa pagtaas ng boses ng lalaki. Natakot siya habang tinitingnan ang mukha ni Rigo na puno ng galit. Hindi niya inaasahan na ganoon kalaki ang pinagbago nito magmula nang maaksidente. Nagiging hot-headed at tyrannical na ito. Pero alam niyang ang lahat ng ito ay dulot ng trauma mula sa insidente. But she had to say something. Hindi maaaring nakatayo lamang siya sa tabi at hindi na magsasalita para lang hindi ito masaktan. “Alam mong hindi iyon ang ibig kong sabihin,” sabi niya, bahagyang hinaplos ang balikat ng binata upang kumalma. “I know you've been through a lot, and I want to support you. Pero hindi ako papayag na tratuhin mo ako ng ganito. Kailangan nating mag-usap para maintindihan natin ang isa’t isa.” Rigo didn’t respond right away, but his grip tightened around her. Nadja could feel the weight of his unspoken thoughts, the unresolved pain lingering between them. She could only hope that she could keep this charade up long enough. “Kumusta ang lagay mo habang wala ako rito?” malumanay niyang tanong, sinusubukang ilihis ang paksa. “Quite well,” maikli at malamig na sagot nito. Tumingin si Nadja sa mga mata ng binata, puno ng pag-aalala. Ayon sa nakalap niyang impormasyon kay Londyn, sinabi ng doktor na fifty-fifty ang chance upang makakita pa ang lalaki. Masyado raw naapektuhan ang optic nerves nito nang maaksidente ang kotseng minamaneho kamakailan. She bit her lower lip. Hindi alam kung ano ang sasabihin. Hindi niya gusto ang katahimikang namamagitan sa kanilang dalawa ni Rigo. “Uhm, kumain ka na ba? Would you like me to cook something for you? I’m sure it would help you feel a bit better.” Matamang natawa ang lalaki. Hindi sadyang lumabas ang mapuputi nitong mga ngipin. “There you are again, Londyn. You really haven’t changed. Lagi mong sinisingit ang pinsan mo sa usapan. And you always make me believe that foods would make me feel better.” Naagaw ang atensiyon niya sa tinutukoy na pinsan. Siya ba ang tinutukoy nito? Sapagkat siya lamang ang nagsasabi ng ganoon kay Londyn. She smiled. “Hindi ba’t totoo naman? Ang pagkain ay may paraan para gumaan ang pakiramdam natin. Tama naman ang pinsan kong si Nadja. Gusto kong maka-recover ka ng mabilis. May magandang future pa tayong dalawa na naghihintay sa atin. At hindi ba’t may mga pangako pa tayo sa isa't isa?” Nagdaop ang kanilang mga palad at naramdaman ang bahagyang paghila nito sa kanyang kamay. Napilitan siyang humakbang at sumunod dito habang nakaalalay upang marating nila ang mahabang sofa para maupo. Akala ni Nadja ay papaupuin din siya ng lalaki sa tabi nito, ngunit nagkamali siya sa kanyang inaasahan. Nagulat siya nang matagpuan ang sariling nakakalong kay Rigo. Sa ginawang iyon ni Rigo, parang tinangay siya ng hangin at hindi siya nakapagsalita. Natuod siya sa kinalalagyan. “Naninibago ako sa iyo, Londyn. Bakit parang. . . mas maalaga ka ngayon. Mas malambing kaysa dati,” wika ni Rigo, malalim ang boses, na may kakaibang tono ng pagtataka. Nadja felt her heart pounding in her chest. Kung si Londyn ito, paano siya aakto? “Ah... baka naman dahil na-miss kita ng sobra,” she said softly, trying to sound as convincing as possible. Kailangan niyang maging maingat sa bawat galaw at salita. “Missed me? You weren’t like this before. Something’s changed, Londyn,” he said with suspicion in his voice. Nadja’s mind raced. Alam niyang hindi siya pwedeng magkamali ngayon. Bawat pagkakamali’y maaaring magdulot ng mas malalim na gulo. “Siguro nga... lahat ng nangyari sa atin—sa ’yo—it made me realize a lot of things. I want to be here for you, Rigo. To make things right,” she whispered, hoping to ease his doubts. “I was thinking about something these past few days noong wala ka.” Kaagad lumukob ang kaba sa dibdib ng dalaga. Nang titigan ito ay walang bakas ng anumang ekspresyon ang mukha ng lalaki. Ngunit sa kabila ng kanyang mga salitang naglalaman ng pag-asa, tila wala pa ring epekto iyon sa nakatunganga na ekspresyon ng lalaki. Mula sa kanyang mga mata, mahirap basahin ang kanyang nararamdaman. Kaba ang bumabalot sa kanyang dibdib, sinasabi sa kanya na kailangan niyang maging maingat sa kanyang mga susunod na salita. “May mga katanungan na hindi maalis-alis sa isip ko,” “A-ano’ng mga katanungan?” “Like you’ve changed your mind? Matatawag ba iyon na kakalas ka na sa kasal?” he asked, each word heavy with unspoken pain. Sa tanong na iyon, parang huminto ang mundo para kay Nadja. Her lips parted, uncertain and trembling, unable to form the words that raced through her mind. “You know, I won’t blame you, Londyn. Mas naiintindihan kita dahil hindi na kita mapapaligaya sa kalagayan ko ngayon.” Kinabahan siya. Pilit na natawa sa sinabi ng lalaki kahit hindi naman nakakatawa. “We’ve already talked about it, ’di ba? Pumapayag na ako na sumama sa ’yo sa Batangas to meet your family.” Kung saan man niya nakuha ang salitang iyon ay hindi niya alam. Rigo smiled kindly and took a deep breath. “At alam mo rin ba na matagal na ’kong hindi nakakaramdam ng init sa katawan?” His face was tensed, trying to control himself for something. “A-ano’ng ibig mong sabihin?” she asked in confusion. Ang kabang nararamdaman ay higit na nadagdagan. “Kahit ano’ng gawin ko, nararamdaman kong lumalayo ka na sa ’kin sa tuwing magkakalapit tayo nang ganito. Pero ngayon, mas naging iba ka at gusto kong ipaalam ko sa ’yo na gusto ang ginagawa mo.” Sa isang iglap ay sakop na siya ng mga braso nito. He slightly reeled his face and claimed her mouth to kiss. Her eyes widened in astonishment, hindi inaasahan ang ganoong kapangahasan ng lalaki. Ang mundo niya ay tila nawala, at sa kanyang pag-singhap, Rigo’s tongue slipped between her teeth—tasting, exploring, igniting a fire deep within her. Lalong natilihan si Nadja. Oh, God! She couldn't bear the sensation na pinaparamdam nito sa kanaya. Ngunit ang makulong sa mga bisig nito’y parang doon siya nararapat, parang iyon ang tama. Sa kabila ng kanyang pag-aalinlangan, may bahagi sa kanya ang nagpasya na sumuko sa alon ng damdamin. Being in his arms felt like home. Iyon ang idinidikta ng isip niya kaya naman tumugon din siya ng halik at yakap. Bagaman biglang huminto si Rigo sa paghalik at bahagya siyang inilayo mula sa katawan nito, nakatingin siya sa kawalan na tila nawala sa sarili. She gasped. Napangiwi sa nangyaring hindi dapat mangyari. Muli, bumangon ang kaba sa kanyang dibdib. Did he notice? bulong ng kanyang isip, ang takot ay nangingibabaw sa kanyang puso Mariing pumikit si Rigo. Nakitang kinokontrol nito ang sarili sa kanya. “Ipapaasikaso na kita sa mayordoma,” wika nito. Speechless, she stared at him na parang na-stuck sa kung ano ang dapat niyang sabihin. Bahagyang lumayo at tumayo siya. Hindi mawari ang nararamdaman sa mga oras na iyon. Ano’ng nangyari at pumayag siyang magpahalik sa lalaking ito? Oh god! her mind cried in distress. She took advantage of him! Ang kaguluhan sa kanyang isip ay nagbigay-diin sa katotohanan. Kailangan niyang makausap si Londyn sa lalong madaling panahon. Dinudurog ang puso niya sa katotohanang niloloko lamang nila ang lalaki. Sooner or later, kakalasan din ni Londyn ang lalaking ito. At bakit patatagalin pa niya? Hindi niya kayang dagdagan pa ang sakit na nararamdaman ng binatang ito na umakit sa kanya. “I-I’m sorry, pero kailangan ko nang umalis.” Rigo sighed. “Okay, I can’t force you to stay here with me. But I just hope you will come back tomorrow. I don’t want to wait for another days weeks, Londyn. Marami pa tayong pag-uusapan at aayusin sa pag-alis natin patungong Batangas.” This was the right time to tell him there would be no Batangas. There was no need to talk about the future nor about the marriage. Dahil ang bride ay kakalas na mismo sa kasalang magaganap. At kahit siya’y hindi na niya kaya pang manloko ng tao. She and Londyn should stop this ridiculous plan. But to her surprise, she smiled and found herself saying, “Pangako . . . babalik ako bukas.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD