“THIS is wildly ridiculous, Londyn!” mariing tutol ni Nadja sa kinauupuan nang marinig ang pabor na inaalok sa kanya ng pinsan. Ang mga tao sa loob ng restaurant ay napapalingon sa dako nila.
“Hindi ko kayang magkunwaring ikaw sa harap ni Rigo Sariego. Delikado ang pinaplano mo. Mas mabuti pang humanap ka na lang ng ibang solusyon.” Agad siyang tumayo at balak iwan ang babae nang pigilan nito ang kamay niya.
“Please, Nadja! Just hear me out for a sec!” Londyn pleaded, grabbing her wrist gently. “Sit down. Let’s talk about this clearly.”
Napabuntong-hininga si Nadja at pinilit ang sarili na muling umupo.
Kung pagmamasdan sina Nadja at Londyn ay hindi mapupuna ng kahit sino ang pagkakaiba ng dalawang babae sa unang tingin, dahil sa halos na magkaparehong hitsura ng mga ito. Maliban na lang kung tititigan sila nang mabuti.
Palibhasa’y parehong namana ang angking ganda ng kanilang mga ina na ‘identical twins’. Aside sa pagkakapareho ng physical features ng bawat isa ay wala na rin pagkakatulad ang magpinsan.
Londyn was liberated the way she dressed and acted, since she grew up and lived in a city in Australia. Samantalang si Nadja ay napaka-demure, mas pinipili ang simpleng kasuotan, at lumaki sa isang isla. Kung ikukumpara, talagang iba ang mundo ng bawat isa.
Mayaman ang naging asawa ng ina ni Londyn kaya laki ito sa layaw. Sa kabilang banda, si Nadja ay matipid at nag-iisa na lamang sa buhay. Simple ang kanyang pamumuhay, hindi mahirap pero hindi rin marangya.
Her mother died before she was born at the age of twenty five. Namuhay siya na tanging kasa-kasama ay ang ama na si Andrew. Ito ang nagtaguyod sa kanya hanggang paglaki. Ngunit nitong tatlong buwan lamang ang nakalipas ay nasangkot ito sa kakila-kilabot na pangyayaring car accident. Ilang araw, linggo at buwan nasa ICU ang ama niya dahil sa critical na kondisyon nito. Na kalaunan ay binawian din ng buhay. Ang tanging naiwan lamang sa kanya ay ang iilang mga intellectual properties at beach resort nila sa Zambales.
May pagkakataong pinipilit siyang isama ng Auntie niya sa Australia upang makapagsimula ng panibagong buhay, ngunit tinanggihan niya ito dahil mas nais niyang manatili sa isla. Nangako siya sa sarili at magulang na ipipilit niyang muling ibabangon ang resort.
“Wala na akong ibang makakausap, Nadja. Ikaw lang ang taong alam kong makakatulong sa akin. What if I told you this would solve your problem?”
Nagdala ng pagkalito sa mukha niya ang huling sinabi ng pinsan. “Wala akong problema, Londyn. Hindi mo ako madadala sa ganito,” sagot niya sa matigas na tono.
Sandaling tumigil sa paghikbi si Londyn. Suminghot, kumuha ng tisyu sa maliit na kahon at marahang pinahid ang mga luha sa pisngi at ilong bago siya nito hinarap. “Well, kahit pa na sabihin kong unti-unti nang nawawala ang beach resort ng parents mo.”
Makahulugang tiningnan niya ang kaharap na sinalubong naman nito. Her face was solemn at hindi kababakasan ng anumang ekspresyon.
Noong nakaraang dalawang araw ay nakausap niya ang isang abogado. Pormal na pinag-usapan ang tungkol sa naiwang ari-arian ng kanyang ama sa isla. Ang sabi nito’y nakasanla ang resort nila at malaki ang babayarang halaga upang mabawi niya ang property.
“You still need five million pesos, Miss Pastrana.”
Her forehead furrowed as she took a fleeting glance at the attorney’s firm expression. Matagal bago iyon mag-sink in sa utak niya.
Kung kakalkulahin ang kabayaran niyon ay nakasisigurado na hindi niya kaagad maibibigay ang ganoong kalaking halaga sa loob lamang ng ilang araw.
“Kung hindi ka agad makahanap ng solusyon, tuluyan nang mawawala ang beach resort ninyo. Maraming tao ang interesado sa pagbili ng buong isla, at kapag iyon ay nangyari, wala ka nang pagkakataon para maibalik ito. Alam mo namang labing-apat na araw lang ang ibinigay na palugit sa iyo, hindi ba?”
Naiintindihang tumango siya. “Pero may iba pa naman sigurong paraan, Attorney Soriano?” tanong niya, puno ng pag-asa.
“Alam kong gusto mong makahanap ng ibang paraan, hija. At sa totoo lang, may iniwang trust fund ang mga magulang mo sa bangko. Pero sa kasamaang-palad, hindi sapat ang halaga nito para matugunan ang kailangan natin," sagot ng abogado.
Nanlumo si Nadja at nasapo ang noo. Malalim na nag-isip. Saan siya makakahanap ng ganoon kalaking halaga? Kahit pagsamahin ang savings niya at trust funds ng kanyang magulang, natitiyak niyang hindi iyon magiging sapat.
Naramdaman ng dalaga ang pag-alo ng kamay ng attorney sa kanyang balikat. “I’ll see you after three weeks, Miss Pastrana. I sincerely hope you already have the money in your hand. Tawagan mo ako kung may kailangan ka,” wika nito sa gitna ng panlulumo niya bago dinampot ang brief case sa table at nagpaalam.
“Listen to me, Nadja.” Londyn interjected, pulling her back to the present moment. “We can help each other. I am giving you a opportunity to help me first bago rin kita tulungan.” Londyn said in an empowering tone.
Hindi agad nakapagsalita si Nadja. Sinamantala iyon ni Londyn upang magbigay pa ng mga kondisyon.
“Kapag nagawa mo ang pakiusap ko sa ’yo, I’ll make sure na makukuha mo ang kabuoang property ng beach resort ng magulang mo.” her voice was pleading and promising. Gayundin ang mga mata nito na nakatingin sa kanya. “And why am I telling you this? Because you're the only one I can trust. No one else.”
Naglaban ang isip ni Nadja. May bumubulong sa isipan na tanggapin ang alok nito alang-alang sa ‘Beach Resort’ ng magulang. Pero nasa kabilang isip niya ang pagtutol na mali ang maaaring binabalak nilang gawin.
Hinawakan ni Londyn ang mga palad niya sa ibabaw ng lamesa. “I’m sorry . . . Much I wanted to help you without this condition ay wala akong magagawa sa ngayon.”
“Londyn—”
“For the last time, Nadja. Please consider my offer. Sandali lang ang pagpapanggap mo and it won’t take long. Hanggang makaya lang ni Rigo ang lahat. You saw him, right? You saw what he became after the accident. He’s lost almost everything—his confidence, his motivation to start over. I can’t let him suffer more because of me.” Nagsusumamo ang boses ni Londyn, taliwas sa anumang kanyang nararamdaman.
“I don’t know if he has suicidal tendencies, but I don’t want to take the risk. Ayokong masayang ang buhay niya just because of me.”
“Then don’t leave him!” aniya sa ‘di mapigilang pagtaas ng boses na ikinagulat ni Londyn, kahit maging siya.
“W-what I mean is, make a better choice. Kapag natantiya mo na kaya na ni Rigo ang lahat at kaya na niyang mabuhay nang wala ka, that’s when you can leave him. Just to be sure Craig can wait for you,” she added, shrugging as if it were the simplest solution.
“It’s not that easy,” Londyn replied, her tone filled with sorrow. "It’s easy enough to say that, but it’s a whole different story in practice. Mas ayokong mawala sa buhay ko si Craig. I know he loves me very much, but I don’t know if he can wait for me, especially kung si Rigo ang dahilan,”
Nadja locked eyes with her cousin, searching for the truth. “One question, one answer, Londyn. Did you really love Rigo the way he loves you?”
“O-of course!” Londyn replied, but the hesitation in her voice was obvious. She knew her feelings for Rigo didn’t quite measure up.
The understanding look on Londyn’s face turned into irritation. “Is that really how you see me?”
Hindi siya sumagot, subalit sa pananahimik niya ay nalaman nito ang sagot.
Londyn took a deep breath. “All right! I honestly don't know the answer, Nadja. I care for him deeply, but I'm not sure if it's love. I thought I knew what love was, but now I'm questioning everything.” nakokonsiyensiyang pagtatapat ng pinsan.
Pinatili niyang tikom ang bibig. Hinihintay pa ang sasabihin nito.
“He’s a good-looking man, wealthy, and responsible. But I can't ever imagine myself being with a man who's as cold as ice as Rigo.”
“And Craig is the opposite of him, isn’t he?”
“Oh, Nadja. Think about it. If I had met Craig first, this wouldn’t be happening. I know this is wrong, but I truly love Craig. I feel alive when I’m with him. Masama kung ipagpapatuloy ko pa ang pagsisinungaling kay Rigo. And what’s the point of being with a blind man, anyway?”
Naiintindihan niya ang sitwasyon ng babae ngunit wala siyang naapuhap na salita sa huling sinabi nito, kundi pagkamangha at awa sa lalaking pinagmukha nitong tanga.
“Don’t let this chance slip away. I’ll give you a couple of days to think it over. This is not only for you, this is also for the sake of your parent’s beach resort.” sabi ni Londyn, ngunit ang mga salita nito ay tila wala ng kabuluhan sa kanya sa mga sandaling iyon.