“SO, ikaw pala ang special someone na binabanggit kahapon sa amin ng pinsan kong si Nadja,” masayang ani ni Londyn matapos nguyain ang pagkain. Classy at graceful pa rin ito kung gumalaw.
Nasa hapag sila ng mga kasalukuyang iyon. Kumakain ng almusal at tutok ang bawat isa sa mga kanya-kanyang pagkain. Subalit hindi ang tulad ni Diego na sa tuwing susubo ay nakatingin at nakatulala sa guwapong si Rigo.
Naiinis na siniko niya ito upang bumalik sa reyalidad. “Ay, ang yummy!” malanding sambit nito. Napatingin ang lahat kay Diego. Agad niya itong pinanlisikan ng mga mata na umayos.
“What?” naguguluhang tanong ni Londyn. Si Rigo ay walang ekspresyon ang mukhang tumingin dito.
Mula sa ilalim ng mesa ay sinipa niya ang paa ni Diego na awtomatikong nagsalita. “U-uhm, ang ibig kong sabihin ay ang yummy ng mga pagkain. At ano ulit ang sinabi mo, Londyn? Pasensiya ka na, talagang lumilipad ako sa alapaap kapag nakakakita ako ng masarap na Fafa—este masarap na pagkain.”
Ngumiti si Londyn. “Ang sabi ko, kung dati ay wala man lang nababanggit si Nadja sa akin na nobyo niya pero ngayon ay meron na. At ikaw pala ang tinutukoy niyang special someone. But you seemed very familiar to me. Did we met?”
Natatawang umiling si Diego. “I don’t think so. Nakakasigurado akong ngayon lang tayo nagkita.” iwas nito at inabot ang malamig na tubig sa tabi at ininom iyon.
Tumango si Londyn. “I see, huwag mo na lang pansinin ang tanong ko.”
“No problem. Mabuti na lang at nakilala ’ko na rin kayo sa wakas.” he said in a full voice. Bago nakangiting bumaling sa kanya. “Maraming salamat sa napakasarap na luto mo baby ko. Mas lalo tuloy akong naiin-love sa ’yo.” yumukod ito upang hagkan ang noo niya.
Napangiti ng matamis si Nadja sa gawing iyon ng matalik na kaibigan. They really stand up to the role.
“Awe, how sweet seeing two of you happy and contented. Akala ko habang buhay ng bitter itong pinsan ko. At sa totoo lang ay masarap talaga iyang magluto si Nadja. Kaya masuwerte ang isang tulad mo Diego sa pinsan ko, lalo na kapag siya ang napangasawa mo. Alagaan mo lang siya at mahalin. Surely, I’ll gave my vote to you to be her husband.” kinikilig na wika ni Londyn.
“Thanks, and of course I am very fortunate to have this woman in my life.” pagmamalaking baling sa kanya ni Diego. Mula sa ibabaw ng lamesa ay hinawakan nito ang kamay niya. At hindi iyon nakaligtas sa mga mata ng lalaking si Rigo. Bahagyang naningkit ang mata nito. “Sa hindi niyo lang rin naitatanong ay pareho kami ng kinukuhang kurso nang ligawan ko si Nadja. At masasabi kong siya ang taong magandang nangyari sa buong buhay ko.”
“Hmm, may something in common na pala talaga kayo in the very first place. Natutuwa kaming malaman ’yan, right babe?” baling ni Londyn sa nobyo na kanina pa seryoso at nakikinig lang sa pinag-uusapan nila.
Si Nadja ay hindi maiwasan balingan ng tingin ang tahimik at guwapong si Rigo. Nang tumingin ito sa kanya’y nagsalubong ang mga paningin nila. She immediately turned her gaze away from him. Tipid na napangiti upang mawala ang agam-agam.
Nang hindi sumagot si Rigo ay iniba na lang ni Londyn ang paksa. “I have an idea, guys.”
Ang lahat ng atensiyon ay napunta rito. Excited itong tumingin sa kanila. “Why don’t we have a night party tonight?” suhestiyon nito.
“Why?” Rigo’s interrupt.
“Why? Narito tayo dahil sa bakasyon natin ng ilang araw. Kapag dumating ang team. It would be a busy work for so how many days, babe. At mawawalan na naman tayo ng oras niyan sa isa’t isa, ayoko naman mangyari ’yon. That’s why, let's spend our free time here in the island, okay? No KJ.” wika nito.
“Okay sure, call kami ng Baby ko.” Diego agreed as he turned to her.
Bahagya siyang lumapit rito at bumulong. “Sigurado ka ba?”
“Oo naman ‘no. Hindi ko ito gagawin para sa ‘yo kundi para sa matagal ko ng pinapantasya na makasama ang Fafa Rigo ko. Magsusuot ako ng two piece upang akitin at agawin siya sa pinsan mong merlat.” balik na bulong nito sa kanya.
Wala sa sariling napahagikhik ng tawa si Nadja. Kapag kasama niya talaga si Diego ay halos ilabas na niya ang tunay na halakhak niya.
“You two are look together.” kinikilig na litaniya sa kanila ni Londyn.”Hindi ko maipagkakaila kung bakit kayong dalawa ang magkakatuluyan sa isa’t isa sa bandang huli, right babe?” muling baling ni Londyn sa nobyo.
Rigo nodded. “Kailan ang kasal niyo, kung gayon?” biglang tanong nito na ikinabigla ng lahat.
“Babe, that is too fast. That is not what I meant to say.” namamanghang saway ni Londyn.
“Why not? Kung sa kasalan rin naman ang punta ng pinsan at ng nobyo niya. And I could see. Diego really loves your cousin for that much huh?” seryosong baling nito kay Diego na siyang ikinatameme nito.
“Mr. Sariego,” seryosong baling niya dito. Nasalubong niya ang itim na mga mata nito.
“Yes, Miss Pastrana?” he says in amusement tone. Tinapatan nito ang mga titig niya. At hindi kaila sa nararamdaman niyang unti-unti siyang bumibigay. Tila may nais sabihin ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Nang hindi na niya kayang makipag titigan rito’y siya na ang bumitaw ng tingin.
“May tamang oras at panahon para sa amin ni Diego kung kailan ang balak namin pagpapakasal. Were not rushing.”
Umismid si Rigo. “Precisely, dapat ay may kakayahan sa lahat ng mga bagay ang lalaking pipiliin mong makasama habang buhay. Hindi iyong taong hindi ka kayang buhayin dahil walang pagkukunan ng funds para sa bubuoing pamilya.” anito.
“Tama ka. Pero hindi ako tumitingin sa kayamanan ng lalaki Mr. Sariego. I’ll seek for love not money. Tama na ang taong damdamayan ka sa lahat ng problema at sabay ninyong reresolbahin.” seryosong sansala niya.
“Really? Hindi ka mabubuhay sa pagmamahal lang na sinasabi mo. Love is a business, nagi-invest ka ng pagmamahal at lifetime iyon, kaya dapat ay may makukuha ka ring malaking interest sa taong iyon. Which is love or maybe desires.”
Napanting ang tenga ni Nadja. “Ano bang alam mo sa love? Pera-pera lang? Isang negosyo? Kung ganoon, huwag mong pakialaman ang buhay ko! Magkaiba tayo ng gusto at susuyuding buhay.” wika niya sa nangangalit na tinig.
“Nadja. . .” si Londyn na pinigilan siya. Subalit wala siyang pakialam at nagpatuloy sa mga sasabihin. “Kawawa naman pala ang pinsan kong ito. Walang pagmamahal na inaasahan mula sa ’yo, kundi isang putso-putsong pagmamahal lang!” Pagkatapos ay tumayo siya sa upuan at nagpaalam sa mga ito.
Naiwang tahimik ang tatlo. Nang tangkang susundan ni Diego si Nadja ay pinigil ito ni Londyn. “Let her be, Diego. Mamaya mo na siya kausapin.”
Wala sa sariling tumango ito at bumalik sa pagkain.
Si Rigo ay nawala ang nakakalokong ngiti sa mga labi nang hinayon nito ang pinaglabasan ng dalagang si Nadja.