APNI Part 2: Ang Kulay ng Karagatan

1855 Words
Ang Paraiso ni Irano AiTenshi June 18, 2019   Part 2: Ang Kulay ng Karagatan "Alam mo mabait at mapag kawang gawa si kapitan Baltazar, halos ilang taon na rin siyang tumatayong punong gabay dito sa isla. Namatayan siya ng asawa noon, dulot ng pag iisa ay nag sumikap siya kaya gumanda ang kanyang buhay. Ginawa niyang inspirasyon ang pag kawala niya para umasenso. Sa ngayon ang kasama niya sa bahay ang anak niya na si Cyan, mga kasambahay at ako bilang taga pamahala. Malaki ang bahay ni Kap kaya huwag mong isiping makaka sikip ka. Kung hindi ka naman komportableng mag isa sa kwarto ay maaari tayong mag sama sa iisang silid. Maliligayahan ka sa akin, ang ibig kong sabihin ay hindi ka malulungkot dahil may kasama ka." ang wika ni Tibur habang nag ddrive pauwi sa bahay ni Kap "Ayos lang naman akong mag isa, magulo lang ang isip ko ngayon." tugon ko "Kaya magulo ang isip mo ay dahil diyan sa buhok mong mahaba, cast away ka ba? O na trap sa isang isla? Hindi ko lubos maisip kung ano ang pinag daanan mo doon sa gitna ng karagatan pero makabubuti kung makapag papahinga ka muna para manumbalik ang katinuan ng utak mo. Heto na tayo, welcome sa bahay ni kap!" ang naka ngiting wika niya sabay hinto sa sasakyan. Maganda ang bahay ni kap, mayroon itong dalawang palapag at ang mga bintana ay nag lalakihan na gawa sa malalaking salamin, medyo malapit ito sa karagatan kaya mula dito sa aming kinalalagyan ay matatanaw mo ang magandang kulay nito. "Ang mga bintana ay disenyo ni Cyan, ang anak ni Kap. Gusto kasi niya na nasisilayahan ang karagatan. Huwag kang mag alala dahil hindi ito delikado kapag may bagyo. Gawa sa matibay na materyales ang buong kabahayan, kahit mag ka tsunami pa ay tiyak di ito masisira. Tayo na loob para makapag pahinga kana." ang pag yaya ni Tibur. Isang malalim na buntong hininga naman ang aking pinakawalan habang pumapasok sa tarangkahan ng kanilang bahay. Wala doon ang aking atensiyon kundi nasa tanawin sa kalayuan, nasa karagatan ang aking mata na para bang mayroon itong sinasabi sa akin na hindi ko maunawaan. Parang may isinisigaw ngunit baka nasa isipan ko lamang iyon o guni guni kaya? Tahimik.. Habang nasa ganoong posisyon ako ay tila may kung anong liwanag ang tumama sa aking mata dahilan para ako ay mapikit at matumba. Bumagsak ang aking katawan sa lupa at kasabay nito ang pag bigat ng talukap ng aking mata. Ang aking utak ay parang panandalian namatay o nag shut down. Narinig ko nalang ang tili ni Tibur na nang hihingi ng tulong sa mga kasambahay habang nag papanic sa aking pag kakabagsak. Noong imulat ko ang aking mga mata ay bumulaga sa akin ang isang maliwanag na ilaw. Ang aking kamay ay nakatali sa mag kabilang gilid ng kama at dito ay nakita kong naka bukas ang aking dibdib na para bang inooperahan ako na hindi ko labis maipaliwanag. Sa aking paligid ay may nakita akong mga nilalang na kakaiba ang anyo. Maliliit ang mga ito at kaiba ang itsura sa ating mga tao. Dahil sa takot at nag panic ako at nag wala "pakawalan niyo ako! Anong ginagawa niyo sa akin?!!" ang sigaw ko ngunit patuloy pa rin sila sa pag kalutkot sa aking laman loob. Wala silang naririnig at wala silang paki alam sa akin. "PAKAWALAN NYO AKOOO!!!" ang sigaw ko habang nag wawala, halos masira ko na ang aking higaan at maputol ko na ang aking mga braso. Ngunit wala pa rin. "Bitiwan niyo kooooo! Wala akong ginagawang masamaaaaaa!!" "Saklolo! Tulonggg!" ang sigaw ko pa sabay balikwas ng bangon sa aking higaan. Agad kong kinapa ang aking dibdib at hinahanap ang hiwa nito ngunit wala naman, maayos rin ang aking katawan at muling bumalik sa normal ang aking pag hinga bagamat halos maligo na ako na ako sa matinding pawis. Tumutulo ito mula sa aking noo pabagsak sa aking patilya. "Ayos ka lang ba?" ang bungad ni Tibur noong biglang sumulpot sa aking harapan kaya naman nagulat ako. "Nagulat ka ba? Sorry ha, nag decide kasi ako na dito matulog sa tabi mo para mayakap kita ah e ang ibig kong sabihin ay mabantayan kita. Ano? Okay ka lang ba? Mukhang masama ang pananginip mo." ang wika niya habang lumalapit sa akin ang mukha kaya naman lumayo ako at kinuha ang kamot at ibinalot ito sa aking katawan bagamat may damit naman ako. "Oo, ayos lang ako." ang sagot ko. "Sus, para ka namang r**e victim niyan. Anyway huwag kana matakot dahil panaginip lang ang lahat. At naniniwala ako na dreams are made to be broken." ang malandi niyang salita habang tumatabi sa akin. "Promises yata iyon, hindi dreams." ang pag tatama ko dahilan para matawa siya. "Hayaan mo na, ang gwapo mo kasi kaya nawawala ako sa concentration." tugon niya. At habang nasa ganoong posisyon kami ay biglang bumukas ang pinto at pumasok si Kap sa loob ng silid. "Tibur, huwag mong takutin si Irano. Mag handa na kayo ng hapunan." ang utos nito kaya naman wala siyang nagawa kundi ang umalis sa aking tabi at lumabas sa silid. Nanatili kami ni Kap sa loob ng silid. "Kamusta ang pakiramdam mo hijo?" tanong niya. "Maayos na po, salamat." ang tugon ko sabay bitiw ng ngiti. Tahimik. Napabuntong hininga ang kapitan at lumakad sa malaking bintana, binuksan niya ang salamin nito kaya pumasok ang malamig na hanging nag mumula sa karagatan. "Iyan ang mahirap kapag nag ttrabaho ka sa gitna ng karagatan, wala siguridad, maaari kang mapamahamak. Kung sa bagay, sino ba naman ang hindi maaakit sa bughaw na kulay nito, ang kulay ng tubig sa dagat ay ang aking pinaka paboritong kulay, iba kasi ang pag ka asul nito, katulad ng bughaw na kalangitan. Kaya naman napag desisyunan ko na ipangalan ang aking anak sa kulay nito. Cyan, o yung bughaw na hindi matingkad at hindi rin ganoon kalamlam." ang wika niya habang lumalanghap ng hangin sa labas. "Nasaan ang asawa mo?" ang tanong ko. "Matagal na siyang pumanaw. Doon sa mismo sa karagatan. Isa siyang matapang na babae, maganda at may sariling paninindigan. Medyo pasaway at hindi nakikinig sa akin. Ayun, nadisgrasya tuloy." ang natatawa niyang sagot na may halong pag bibiro. "Sorry, sana ay hindi na ako nag tanong." tugon ko rin. "Ayos lang iyon hijo, maaari kang tumira dito hanggang gusto mo. Sa tingin ko ay mag kakasundo kayo ni Cyan dahil halos hindi kayo nag kakalayo ng edad. Huwag mo nalang ulit ako bibiruin na ang taon ng kaarawan mo ay 1922 dahil tiyak na tatawanan ko lang ito. Siguro ay masyado ka lang nastress o napagod doon sa gitna ng karagatan. Huwag kang mag alala dahil kapag naging maayos na ang iyong pakiramdam ay sasamahan kita doon sa siyudad upang maka gawa ng report at matunton ang iyong pamilya." “Mabait naman kayo, kaya’t tiyak na mabait rin ang iyong anak. Nga pala kap, maraming salamat sa pag tulong at pag papatuloy sa akin kahit na hindi ko alam ano o saan ako nag mula.” ang wika ko Ngumiti siya at tinapik ang aking balikat. “Wala iyon hijo, bukas ang tahanan ko para sa iyo.” Habang nasa ganoong posisyon kami ay narinig naming tumatawag na si Tibur sa kusina. “Naka handa na ang hapunan! Espesyal ito, may adobong pusit, daing na bangus, octopus soup, crab soup at kung ano ano pa, mula sa puso ko.” ang wika nito at habang nag sasalita siya ay may isang pang tinig kaming narinig. “ARWKKK!” boses ng isang lalaki sumusuka o dumuduwal. “Ay!!! Jusko papa Cyan!! Lasing kana naman! Pero ang gwapo pa rin kahit lasing ka infairness!!” ang maarteng wika ni Tibur. “Ayan na yung anak kong pasaway.” ang wika ni Kap sabay labas sa aking silid, sumunod rin ako sa kanya patungo sa sala at dito nga nakita ko ang isang lalaking nakaupo sa pintuan habang sumusuka. Naka suot ng itim na sandong butas at gulo gulo ang buhok na parang dinaanan ng kung ano. “Cyan, bakit ginagabi ka sa inuman? Sana ay tumulong ka man lang doon sa barangay hall bago ka mag bisyo.” ang sermon ng kanyang ama. Sasagot sana ang kanyang anak ngunit sumuka nanaman ito “Arwkk!!” kumalat ang suka niya sa sahig. “Ay! Jusko Cyan, wag ka naman dito sumuka, pwede doon ka nalang sa CR? Bibihisan tuloy kita! Papaliguan at aalagaang mabuti.” hirit ni Tibur. Walang nagawa ang kanyang ama kundi ang mapailing nalang at alalayan ang lasing na anak. Inilagay niya ang braso nito sa kanyang balikat at buong lakas na itinayo. Tutulong sana ako ngunit napatingin siya sa akin. Iba ang itsura ni Cyan, gwapo ito, makinis ang balat at mapula ang labi. Kapansin pansin rin ang ganda ng kanyang katawan ang kanyang tangkad na halos nasa 6ft. “Bakit may ermitanyo dito? Sino ba iyang nuno sa punso na iyan?” ang naka kunot noo nito tanong habang nakatitig sa akin. “Ano ka ba, hindi iyan ermitanyo. Bisita natin siya. At dito muna siya hanggang sa maging maayos ang kanyang kalagayan. Gusto mo bang kumain muna papa Cyan?” ang tanong ni Tibur “Tulog na ko. Masakit ang ulo ko.” wika niya at dinala siya ng kanyang ama sa kanyang silid. Kami naman ay nanatiling naka tayo sa sala. “Ganyan talaga yung anak ni Kap na iyan, mabisyo, walang ginawa kundi ang makipag barkada sa mga tambay. In short ay wapakels siya sa mundo, hindi rin siya mapakinabangan ng tatay niya. Minsan ay sakit pa nga ito ng ulo, ilang babae na ang nagalaw nito at ilang beses na rin iyan muntik nang mapikot.  Basta kahihiyan sa magulang ang dala niya at mainit ang dugo niya sa mga bakla. Pwersa akin ha, doon sa iba.” ang wika ni Tibur. “Oh, bakit nakatayo pa kayong dalawa diyan? Kumain na tayo at lalamig itong mga pag kain.” pag yaya ni kapitan sabay upo sa harap ng lamesa. “Hijo, halika na dito, kailangan mong kumain upang mag karoon ng lakas ang katawan mo.” “Oo nga naman, kumain ka para may lakas ka.  Sayang itong ganda ng chest at braso mo kung manlalambot ka lang.” ang naka ngising wika ni Tibur sabay himas sa aking dibdib. “Ikukuha kita ng mainit na sabaw, pampalakas ng resistensiya.” Dagdag pa niya “Umayos ka nga, bakit ba ganyan ang boses mo? May sakit ka ba?” ang tanong ni kap. “Wala po kap, pinalalandi ko lang yung boses ko para maakit ko ito si papa Irano.” ang wika niya. “Oh hijo, wag kana mahiya, kumain ka ng marami.” ang wika ng kapitan sabay kuha ng mga ulam at inilagay ito sa aking plato. Napatingin ako dito at sinunggaban ko agad, hindi maunawaan ngunit pakiwari ko ay matagal nang hindi nalalamanan ng pag kain ang aking sikmura. Ang alam ko ay kagabi lamang naganap ang aksidente doon sa gitna ng karagatan, ang pinag tataka ko lamang ay ang pag haba ang aking buhok sa katawan at ang taon na aking kinabibilangan ngayon ay malayong malayo sa taon na aking pinag mulan. Gulong gulo ang aking isipan, siguro ay dala lamang ito ng labis na gutom at pagod. Siguro ay manunumbalik rin ang aking katinuan sa pag lipas ng mga araw. Sa ngayon ay nag desisyon ako na dumito muna sa bahay ni Kap, sa tingin ko ay mas ligtas ako dito at makapag papagaling ako ng husto. Itutuloy..                      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD