Be Mine 3

1264 Words
Be Mine 3 Naging smooth naman ang mga unang araw namin ni Ash as college dito sa ALU. Wala pa naman siyang nakakaaway and that's a good sign, I think? Kapag hindi badtrip si Ashley, ay tahimik din ang buhay ko. Naglalakad ako sa hallway no'ng may lumapit sa akin na babae at hinihingi 'yong number ko. Pero hindi ko pinansin. Sabi ko na lang na wala akong cellphone kahit na hindi naman kapani-paniwala ‘yong dahilan kong ‘yon. Pagkaalis no'ng babae ay nakita ko naman si Ash. May kausap siyang babae. Teka? Bihirang-bihira ko makitang may kausap 'yan na ibang babae bukod sa kapatid niya at kay Tita? Lalapit sana ako para mag-eavesdrop kaso nagulat ako no'ng nakita kong binato ng babae si Ash! Sapul sa ulo si Ash at nagtatakbo naman palayo 'yong babae. Grabe, nakita kong umusok 'yong ilong ni Ash. Tawa tuloy ako nang tawa. Hindi ako makapaniwala sa napanood ko. Sinundan ko sila. Popcorn na lang ang kulang, parang nanonood na ako ng action movie. Haha! Napahinto ako saglit no'ng biglang dumating si Biancx. Niyakap niya 'yong babae at mukhang mahuhuli na ni Ash 'yong kanina niya pa hinahabol.  Nag-usap pa 'yong magkapatid na parang nakikipag-negosasyon. Sa bandang huli ay nakatakas pa din 'yong babae dahil binitiwan siya ni Biancx. Nakakainggit. Sana ako na lang 'yong niyakap ni Biancx. "Cy!" Bigla kong narinig 'yong boses niya habang nakatulala ako. "Uy. Hi Biancx," nakangiting sabi ko. "May chismis ako. May babae yata si Biboy. Haha!" Tuwang-tuwang sabi pa niya. "Talaga?" Tanong ko at kunwari ay hindi ko nakita kanina. "Yup. Teka, samahan mo ko kay Jun Pyo My Loves may ibibigay ako," sabi pa niya. "Jun Pyo?" Nagtatakang tanong ko naman. "Hehe. 'Yong crush ko. Kamukha niya kasi si Lee Min Ho also known as Jun Pyo sa Boys over Flowers!" Tuwang-tuwang at tila kinikilig na kwento niya pa. Parang kumirot 'yong dibdib ko nang makarinig na may ibang gusto ang babaeng mahal ko. "May crush ka na, Biancx?" Tanong ko pa at umaasang nangti-trip lang siya. "Haha. Oo naman! Ano bang akala mo sa akin? Tomboy? Hindi nakaka-appreciate sa ka-gwapuhan na ginawa ni God? Ikaw talaga Cy-cy! You're so funny. Haha!" Sabi pa niya. Ayan na naman si Biancx. Tinatawanan na naman ako. Tsk. Bungisngis talaga 'to eh. "Dapat kinikilatis muna namin ni Ash ang mga lalaking lalapit sa’yo. Lalo na 'yong lalaking n-nagugustuhan m-mo," medyo nauutal ko pang sabi. Masakit kasing magsalita tungkol sa ibang lalaki na magugustuhan niya. Gusto ko, ako lang dapat 'yon. Kung pwede lang eh. "Crush lang naman. Baka bugbugin niyo pa ni Biboy kapag may pinakilala ako sa inyo. Don't worry, crush lang naman eh," nakangiting sabi niya pa sa akin. "Diyan nga nagsisimula 'yan eh. Sa crush lang," bulong ko pa. "Wow? Bakit, Cy? Nangyari na ba sa’yo 'to? Nagka-crush ka na ba? Tapos minahal mo? Uy..." Nakangising pang-aasar niya pa sa akin. Napabuntung-hininga na lang ako. Ayan na naman. Madudurog na naman yata ang puso ko nito. Mas maganda sana kung tuksuhin niya na lang ako sa sarili niya eh. Mas ok pa 'yon. "Secret," mabilis na sabi ko na lang. "Ngeks. Ang damot mo naman. Dapat pala hindi ko na lang sinabi sa’yo na may crush ako eh. Kapag may boyfriend na ako, hindi ko rin sasabihin sa’yo. Bleeeeh," inis na sabi niya na parang bata. "Uy, Biancx! Huwag gano'n. Hindi ko pa kasi pwedeng sabihin sa’yo kung sino eh. Masasabi ko rin sayo 'to sooner or later," mabilis na sabi ko kaagad. Masasabi ko rin na ikaw 'yong mahal ko. Pero hindi pa muna sa ngayon. "Talaga? Ngayon mo na lang kaya sabihin sa akin? What’s the difference between telling me now and telling me later? Same chika pa rin naman! Hehe," todo ngiting sabi pa niya. "Yakapin mo muna ako, Biancx," biro ko pa. "Sige ba!" Mabilis na sabi niya rin naman kaagad. Bigla niya nga akong niyakap. Takte! Napayakap din ako bigla. Binibiro ko lang naman siya eh. Bibiruin ko na nga 'to lagi. Joke lang. Baka bugbugin ako ni Ash. Bumitaw rin siya agad. "Dali. Sabihin mo na sa akin. Sino ba?" Pabulong na tanong niya pa. Tumingin ako sa wristwatch ko. "Start na pala ng next class namin, Biancx. Babye na muna!" Biglang sabi ko sabay takbo palayo sa kanya. "Cyrus! Ang damot mo! Isusumbong kita kay Tito PD!" Sigaw ni Biancx. Tinawag niya akong Cyrus. Haha. Parang Misis na galit sa Mister niya. Tinatawag sa buong pangalan. Haha. "See you later, Biancx!" Sagot ko sabay kaway pa sa kanya. "Hindi kita papansinin hanggang hindi mo sinasabi sa akin!" Sagot niya sabay talikod at lakad palayo. Pinipilit ako ng babaeng mahal ko na sabihin sa kanya kung sino 'yong mahal ko. Nakakapressure. Hindi ko pa pwedeng aminin sa kanya sa ngayon eh. Kung kaya ko lang at kung pwede lang sana. Badtrip naman. Kinabukasan, naglalakad ako sa bandang court no'ng may makita akong pamilyar na babae. "Ay, tipaklong!" Sigaw niya. Natapilok kasi siya at paika-ika bigla na lumakad. "Ayos ka lang, Miss?" Tanong ko kaagad habang pilit kong iniisip kung saan ko nga ba siya nakita? Napatingin siya sa akin at mukhang nagulat siya nang makita ako. "Ha? Ah? Oo, ayos lang naman ako. Salamat," mabilis na sagot niya. "Ipatingin mo na kaya sa clinic 'yang paa mo?" Suggest ko pa sa kanya. "Hindi, huwag na. Okay lang naman ako," mabilis na tanggi niya. "Sure ka? Sige. Ako nga pala si Cyrus. Ikaw?" Sabi ko na lang. Mukhang ang hirap pilitin nito eh. Kaya hindi ko na siya pinilit na magpunta sa clinic. "Marinella, but you can call me Ella. Salamat sa concern, sige mauna na ako," sabi niya tapos umalis na rin naman siya kaagad. Hindi ko talaga maalala kung saan ko siya nakita? Tsk. Di bale na nga. Maaalala ko rin 'yan. Nagpunta muna ako sa Cafeteria. Nakita ko ro'n si Ash saka si Biancx. Lumapit naman kaagad ako sa table nila. "Hi, Biancx." Nakangiting bati ko pa. "Biboy may naririnig ka ba? Parang may narinig ako pero parang wala namang tao," tanong niya pa kay Ash. Tsk. Mukhang nagtatampo pa rin siya sa akin. "Tara, Biancx. Bili tayo ng ice cream," aya ko naman sa kanya. "Tara," mabilis na sagot niya kaagad sabay tayo "Ang sabi mo sa akin kanina hindi mo papansinin si Cyrus, Taba?" Paalala pa ni Ash kay Biancx. "Kanina pa 'yon," sagot naman kaagad ni Biancx. "Sus. Kanina sabi mo ang damot niya. Ba't ngayon kinakausap mo na?" Tanong ni Ash. Takte naman 'tong si Ash eh. Baka magbago pa ang isip ni Biancx. "Eh kanina nga lang 'yon. Hindi na ako galit ngayon," nakangiting sagot ni Biancx. "Ako o si Cyrus?" Tanong pa ni Ash sa kapatid. "Ibibili mo ba ako ng ice cream?" Taas kilay na tanong ni Biancx sa kapatid. "Hindi. Ang taba mo na eh," sagot naman kaagad ni Ash. "Eh, di si Cyrus ang pipiliin ko. Ikaw 'yong madamot eh. Bleeeh," sabi ni Biancx sabay harap sa akin. "Tss. Oh, sige na. Bumili na nga kayo. Vanilla flavor lang sa akin," bilin na rin ni Ash bandang huli. Akala ko talaga seryoso siya ro'n sa pagpapapili kay Biancx eh. Pero ang sarap pala sa pakiramdam kapag ikaw ang pinili ng babaeng mahal mo? Kahit hindi naman seryoso dahil kaya lang naman ako pinili dahil sa ice cream, pero the fact na ako 'yong pinili niya? Parang binigyan niya ako ng pag-asa. Isang malaking pag-asa. And that is enough for me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD