Be Mine 4

1742 Words
Be Mine 4 CYRUS Kakatapos lang no'ng isang araw ng competition nila Biancx. Medyo na naman inatake siya ng sakit niya pero buti na lamang at nadaan sa pahinga at pag-inom ng gamot. Nanghihina talaga ako kapag nakikita kong gano'n si Biancx, but at the same time, I want to be strong for her. Sinusubukan ko. Natatakot ako nang sobra kapag binibiro niya ako ng "hayaan mo na lang akong mamatay". Kahit alam kong hindi naman siya seryoso at biro lang 'yon para sa kanya, hindi ko pa rin gugustuhin na marinig ang mga gano'ng salita mula sa kanya. "Cy! Oh? Sabay kayong papasok ni Biboy?" Masiglang tanong ni Biancx pagkakita niya sa akin. "Ha? Hindi, mamaya pa ang klase namin, may kukunin lang sana ako. Ikaw?" Sagot ko rin naman kaagad. "Papasok na. Sige, una na muna ako sa inyo," mabilis na sagot niya tapos patakbo siyang bumaba ng hagdan. "Biancx! Sandali! Ano, ihahatid na kita, nahanap ko na pala 'yong kukunin ko," habol ko rin naman kaagad kay Biancx. Totoo naman 'yong sinabi ko eh. May kukunin talaga dapat ako. Si Biancx talaga 'yong kukunin ko dahil susunduin ko siya para ihatid sa ALU. "Cy-cy. Tingin mo na bagay kami ni Jun Pyo?" Tanong niya sa akin habang nasa kotse kaming dalawa. "Hindi," mabilis na sagot ko naman. Hindi. Dahil hindi ako papayag na kung sinu-sino lang na lalaki ang lalapit para maging crush o boyfriend ni Biancx. Ako lang dapat ‘yon. "Ang sama mo! Bagay kaya kami," sagot niya habang naka-cross arms pa na tila nainis sa isinagot ko sa kanya. "Magpalit ka na ng crush, Biancx," sabi ko pa. "Ha? Pwede bang palitan 'yon? Hindi 'yon gano'n kadali. Saka sino naman ang ipapalit ko? Hmm," tanong niya na parang nag-iisip. "Ewan," sagot ko naman kunwari. Ako. Ako, Biancx. Ako na lang! Tss. Ang saya sana kung kaya kong isigaw 'to sa buong mundo. Lalong-lalo na sa kanya mismo. "Sige, maghahanap na lang ako ng ibang crush ko. Ayaw mo sa kanya eh," pagsang-ayon niya bandang huli. Ang bilis niyang magbago ng isip. Nakakatawa talaga 'tong si Biancx. Napakasimple para sa kanya ng lahat. "Alam mo ba Cy-cy, may interview kami kunwari bukas. Professor namin 'yong kunwaring mag-i-interview. Dapat daw alam na namin 'yong position na aapply-an namin kapag naghanap na kami ng trabaho," kwento niya na parang nag-iisip pa. "Oh. Ano ba ang gusto mong maging? Programmer?" Tanong ko pa. Nagkibit-balikat lang naman siya. "Hindi ko nga alam eh. Parang ayaw kong magtrabaho na related sa IT. Nakaka-stress naman kasi eh," nakangiting sagot niya sa akin. Napailing na lang ako. "Pwede naman na hindi ka na magwork eh," sabi ko. "Ha? Ayaw ko namang maging tambay lang! Cy-cy naman eh," nakangusong sagot niya bigla. Nakakatawa talaga 'to si Biancx. I can still imagine na few years later, may trabaho na kami ni Ash. Uuwi ako ng bahay, tapos si Biancx ang sasalubong sa akin. Kung ako ang masusunod, gusto ko sanang nasa bahay lang siya. Napakataas na yata masyado ng pinapangarap ko. Ni hindi ko nga maamin sa kanya ang nararamdaman ko, nangangarap pa akong umuwi sa piling niya. Hindi bale, hindi pa sa ngayon. "Pwede ka namang mag-business eh," sagot ko. "Pwede, pero depende," tipid niyang sagot sa akin. - "Nasaan na naman ba 'yong dalawa?" inis na tanong sa akin ni Ash. We're out of town kasama ang family and other friends of our family, bonding lang. Kanina pa kami nandito. Napagtrip-an na nga kami ng mga girls kanina eh. Hinuli nga naming sila nang naka-trunks lang kami. Kaso ngayon nawawala na naman sila Biancx at Ella. Mukhang tinaguan na naman kami. "Ang tagal mo naman kasi magbihis, Pre," asar ko pa kay Ash. "Gago, nauna pa nga akong umakyat sa’yo rito eh. Ikaw ang matagal," sagot naman niya sa akin. "So, saan natin sila hahanapin?" Tanong ko na lang. "Sa kung saan-saan. Kahit saan pa sila magtago hahanapin natin. Humanda sa akin 'yang Babs na 'yan," inis na sabi na ni Ash. Humanda rin sa akin 'yang Biancx na 'yan. Joke lang. Few minutes after ng paghahanap. Natagpuan namin sila sa taas ng puno ng mangga, masayang nagtatawanan pa 'yong dalawa. "Hoy, tinataguan niyo ba talaga kami? Ang sarap ng tawanan niyo, ah?" Sigaw ni Ash sa dalawang babaeng nasa taas ng puno ng manga. "Ay, bakla!" Sigaw ni Ella dahil sa gulat. "Ay, tekla!" Sigaw rin naman ni Biancx nang Makita kami ng kapatid niya. Pareho silang nagulat. Nakatingin lang ako kay Biancx sa taas. Ang ganda niya pa rin talaga eh. "Akala niyo hindi namin kayo mahahanap? Umakyat pa talaga kayo riyan, ha? Baba!" Utos ni Ash sa dalawa. "Biancx, tara na. Magsu-swimming na raw tayo sabi nila Mama," dugtong na sabi ko pa. "Ha? Hehe. Sige, susunod na lang kami. Di'ba, Ella?" sagot lang ni Biancx sa amin. "Oo! Haha! Susunod na lang kami. Nagpapahangin pa kami rito. Ang sarap ng hangin eh. Haha," sagot din naman ni Ella sa amin ni Ash. "Isa. Bumaba na nga kayo ritong dalawa. Lakas trip kayo, ha?" Saway ni Ash. Mukhang asar na talaga itong isa. "Biboy, kasi naman eh," parang natatakot na sabi Biancx. "Dalawa!" Patuloy na pagbilang lamang sa kanila ni Ash. "Mamaya na kami bababa," patuloy na pakiusap pa rin naman ni Biancx. Teka? Bakit ba ayaw nilang bumaba? Ano ba ang mayro’n sa taas? "Sige. Ok lang sa akin, Biancx," sagot ko naman. "Sa akin, hindi ayos. Tatlo!" Kontra naman kaagad ni Ash sa sinabi ko. "Hindi namin kaya!" Nakasimangot na sabi bigla ni Biancx. "Alin ang hindi niyo kaya?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya. "Cy..." Nakatingin lang sa akin si Biancx na parang naiiyak na. "Huwag niyo na nga kaming pagtrip-an. Babs, baba na," sabi pang muli ni Ash. "Hindi namin kayang bumaba ni Ella!" Sabi ni Biancx. Literal na nahampas ko ang noo ko sa narinig kong sinabi ni Biancx, "Ano?!" Gulat na tanong ni Ash sa dalawa. "Haha! Sabi na nga ba eh. Nagulat nga ako kanina Biancx no'ng makita kitang nandiyan sa taas eh," natatawang sabi ko. "Sige. Tawanan mo pa ako, Cy! Ang sama mo! Umalis na nga kayo rito!" Nagtatampo na sabi ni Biancx. "Hindi na. Sorry. Hindi na kita tatawanan," mabilis na sagot ko naman. "Cy, hiram ka ng hagdan kila Manong," utos naman ni Ash sa akin. Agad akong sumunod. Na-gets ko na kasi kung para saan niya gagamitin eh. Nagmadali na 'kong kumuha ng hagdan, baka maiyak na sa takot 'yong si Biancx eh. Pagkabalik ko, nakita kong tuwang-tuwa 'yong dalawa. "Savior ka namin, Cyrus! Yes, makakababa na kami ni Mabs," sabi ni Ella. "Paki-alalayan mo 'tong si Taba, Cy," sabi ni Ash. Umakyat ako gamit 'yong hagdan. Nakita kong medyo nanginginig 'yong tuhod ni Biancx. Kaya agad kong inabot 'yong kamay niya. "Cy-cy!" Sabi ni Biancx pagka-abot ko ng kamay niya. Niyakap niya ako kaya medyo natigilan ako sandali. "Cy, saluhin mo na lang kaya ako sa baba? Tatalon na lang ako. Parang di ko talaga kayang bumaba?" Bulong niya habang nakatodo yakap pa sa akin "Baka mapilayan ka pa. Kumapit ka na lang sa akin nang mahigpit. Dahan-dahan tayong bababa," bilin ko pa. "Okay, sige. Pero pipikit ako. Nalulula talaga ako eh," sagot niya lang "Sige, basta kumapit ka lang sa akin," sagot ko pa. Saka yumakap ka pa lalo nang mas mahigpit. "Okay. One last step na lang," sabi ko, then humakbang na kami pababa. "Yehey!" Sigaw ni Biancx pagkababa namin sa lapag. Naghigh-five pa kaming dalawa ni Biancx dahil mission accomplished. "Cyrus, pakisauli na 'tong hagdan," biglang utos ni Ash. Nagtataka man, pero sinunod ko na lang din si Ash. Kanina pa 'yan badtrip eh. Haha. Iwan na muna namin sila ni Biancx. Baka maglalambingan pa 'yong dalawa do'n sa taas. "Cy, pahinga muna tayo. Parang nanghihina pa 'yong mga tuhod ko," biglang sabi ni Biancx. Huminto kami saglit sa paglalakad. Bitbit ko na 'yong mga bunga ng mangga na pinagkukuha nila ni Ella kanina sa puno. "Buhatin na lang kita para makapagpahinga ka," alok ko pa sa kanya. "Hala? Nakakahiya naman. Mabigat ako," tanggi niya pa sa akin. "Sus, kayang-kaya kita. Ikaw pa ba?" Pagpupumilit ko naman. "Sige na nga, mapilit ka talaga eh." Pagsang-ayon na rin niya sa bandang huli. Alam ko namang gusto niya rin talagang magpabuhat, tumatanggi lang talaga 'yan sa una. Kunwari na nahihiya tapos kapag pinilit ko, mapipilit din 'yon agad. Pagkabalik namin sa resort, hinintay lang namin saglit sila Ash at Ella. Nagsimula na kami sa laro. Naglaro kami ng tagu-taguan, at si Erpats ko ang taya. But knowing Mama? Gagawin na naman niyang burot 'yong asawa niya. Planado na ang lahat eh. Haha. Kami ni Biancx ang magkasama. Hinila ko na kaagad siya no'ng nagsimulang magbilang si Papa. Sinigurado ko na makakapagbonding kaming dalawa. "Cy! Tago tayo ro'n sa damuhan!" tuwang-tuwang sabi pa ni Biancx. "Di pa nga tayo nakakalayo eh. Mabu-boom agad tayo kapag diyan lang tayo nagtago," sagot ko naman. "Ay, sa bagay. So, saan tayo?" tanong niya kaagad. Huminto ako. At lumingon-lingon sa buong paligid. "Do'n sa kabilang Resort. Do'n tayo magtatago," sagot ko. "Hala? Ang layo. Baka hindi tayo mahanap niyan?" reklamo ni Biancx nang matanaw kung saan banda ang tinuro ko sa kanya. "Mas maganda nga ang mas malayo eh. Sila Mama nga at Mama mo mukhang mas malayo pa ang tataguan. Tara na," paliwanag ko pa sa kanya. Hindi na rin siya pumalag. Sumunod siya sa akin at sobrang nag-enjoy kaming dalawa. Nagswimming na kami ro'n sa kabilang resort. Good thing nakasando at shorts 'tong si Biancx bukod sa suot niyang maxi dress. "Cy-cy! Look. Para akong si Dyesebel!" sigaw niya pa. Napangiti naman ako. Tuwang-tuwang nagsu-swimming sa dagat si Biancx. At mas masaya ako dahil ako ang kasama niya at ako ang nakakakita kung gaano siya kasaya ngayon. "Dahan-dahan lang. Baka mapagod ka naman," paalala ko pa sa kanya. "I want to live like this forever, Cy. Parang sobrang nakakarelax," nakangiting sabi niya pa. "Pwede naman, Biancx eh. We can live like this forever," sagot ko din. "Sira! Hindi pwede, may trabaho sila Mom at Dad, tapos nag-aaral pa tayo," sabi niya lang habang natatawa pa. Hindi niya nagets 'yong point ko. Sabi ko, we could live like this forever. I was referring to just the two of us. Kasi kahit saang parte ng mundo ako mapunta, ayos lang. As long as I'm with her. Hindi ako magrereklamo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD