Be Mine 2

1944 Words
Be Mine 2 During first year high school ni Biancx. Bukas na 'yong dance competition nila Biancx. Excited na ako para sa kanya. Nakita ko 'yong costume nila. I was a bit worried dahil medyo kita 'yong bandang tiyan niya dahil sa costume, tapos napaka-iksi rin ng shorts. Tsk. Gusto ko sanang mas medyo mahaba pa nang kaunti 'yong tela, kaso hindi na lang ako nangialam. Ano naman magagawa ng sasabihin ko? Kaibigan lang naman ako. Bago ako matulog, I called her. I wished her luck. Sobra raw ang kaba niya. And I was happy no'ng sabihin niyang 'buti tumawag ka'. Na-appreciate niya ang mga simpleng bagay na ginagawa ko para sa kanya. Sa gano’ng bagay ay kuntento na ako. Kinabukasan, bago magsimula ay sinilip ko muna si Biancx sa back stage. Mukhang kinakabahan siya dahil nakapikit lang 'yong mga mata niya at tahimik lang siyang nakaupo sa isang gilid at kinakagat-kagat 'yong kuko sa right thumb niya. Pagdilat niya ng mga mata niya ay napatingin siya sa bandang direksyon ko. Agad niya akong nakita. Kumaway ako at nag-thumbs-up pa sa kanya. Alam na niya ang ibig sabihin no'n. Ok lang 'yan. Nagvi-video ako sa harap habang sumasayaw sila Biancx. Pangatlo silang sumayaw. Napaka-graceful sumayaw ni Biancx. She is giving her best. Ang sarap panoorin na sobrang masaya siya sa ginagawa niya ngayon. Napansin kong habang sumasayaw si Biancx, parang nakatingin siya sa direksyon ko. Alam niya kasing kumukuha ako ng video, baka nagpapa-cute sa camera. Hindi ko tuloy mapigilang ngumiti habang nanonood eh. Natapos 'yong sayaw nila nang maayos. Napakaganda ng routine nila. So far sa kanila pa lang ako nagagandahan. Hindi ko kasi trip 'yong sayaw ng iba. Siguro dahil din kay Biancx eh. Bias talaga ako, siyempre nandiyan ang babaeng mahal ko eh. "Anak! You are so pretty! Ang galing mo sumayaw!" rinig kong sabi ni Tita Aly kahit medyo malayo pa lang ako. Karga ni Tita 'yong bunsong kapatid nila Biancx na si Jewel. Niyakap ni Biancx si Tita. Si Ash at Tito Xander naman ay nasa tabi nila, todo ngiti rin kay Biancx. Niyakap rin sila nito. At lumapit na rin naman ako sa kanila. "Hi. Ang galing mo kanina. Two thumbs-up ako. Grabe," nakangiting sabi ko kaagad kay Biancx. Bigla akong niyakap ni Biancx na medyo ikinagulat ko pa. Medyo natulala ako nang nga ilang segundo. "Thank you, Cy-cy! Pinagaan mo 'yong loob ko kagabi! Hindi ako makatulog eh, buti talaga tumawag ka," masayang sabi sa akin ni Biancx. I was speechless, but I’m enjoying the hug. "Ehem." Parang nagising ako bigla no'ng narinig kong umubo kunwari si Ashley. Bumitaw na rin si Biancx mula sa pagkakayakap sa akin. Tumingin pa siya saglit sa akin. Napansin ko naman agad 'yong pamumutla niya. "Biancx? Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ko kaagad pero hindi siya nagsalita Teka? Bakit parang bigla yatang hirap siyang huminga? "Tita, s-si Biancx po. Parang hindi s-siya makahinga," tawag ko kaagad sa atensyon ni Tita Aly. Agad namang lumingon sa amin si Tita at Tito, pati na si Ash. "What happened?" Nagtatakang tanong naman kaagad ni Tita. "M-mom," tila nahihirapang tawag ni Biancx kay Tita Aly. Hawak niya nang mahigpit 'yong bandang dibdib niya. Maya-maya pa ay bigla niyang ipinikit 'yong mga mata niya. "Mabelle! Anak!" Natatarantang sigaw ni Tita Aly. That's when I realized, nawalan siya ng malay. I became like a statue. Pakiramdam ko ay huminto ang buong paligid ko. Naririnig ko lang ang paghinga ko. At tanging si Biancx lang ang nakikita ko. Nawalan siya ng malay! Hindi pwede 'to! Binuhat agad ni Tito Xander si Biancx. Natataranta si Tita Aly, kaya kinuha ko muna sa kanya si Baby Jewel. Sumunod ako sa kanila. Naka-alalay kay Tito Xander si Ash. Nagmamadali kaming sumakay ng kotse at agad naming isinugod sa ospital si Biancx na mas lalong naging maputla na ngayon. Mabilis naming narating ospital. Sinusubukan kong maging kalmado. Nanginginig ang mga kamay ko habang karga ko ang bunsong kapatid nila Biancx at Ash. Matapos magsagawa ng kung anu-anong tests, narinig kong umiyak si Tita Aly. "She got that illness from our bloodline, Kaps! Pero bakit mas malala 'yong sa kanya? Off all people, bakit si Mabelle pa talaga?!" sigaw ni Tita habang umiiyak. Lumapit ako sa kanila, nakita kong nakatingin lang din si Ash sa mga magulang niya. "Mom, what is it?" Tanong ni Ash sa mga magulang. Nagpunas ng luha si Tita Aly at mukhang pinipigilan niyang maiyak. Si Tito Xander ang lumapit sa aming dalawa. Lumuhod siya sa harap namin kaya magkaka-level na kaming tatlo ngayon. "Ash anak, at Cyrus. From now on, you have to take care of Mabelle, ha? She needs you both. May sakit kasi siya, and it is a serious illness. We don't know what might happen, pero sana tulungan niyo kaming iparamdam kay Mabelle na mahal na mahal natin siya," seryosong sabi ni Tito Xander sa amin. Parang naiiyak din siya. Ako naman, hindi ko na napigilan, hindi ko masyadong alam ang ibang detalye. All I know is that Biancx is very sick. It hurts me, knowing that she's not in good health right now. Gagawin ko ang lahat para lang gumaling siya kaagad. Kung kinakailangan na bantayan ko siya para mabilis siyang gumaling, gagawin ko. Kahit umabsent pa ako ng ilang araw, gagawin ko. Babantayan ko si Biancx, at sisiguraduhin kong gagaling siya kaagad. I thought it was as simple as that. But, I was wrong. - As weeks, months and years went by, naintindihan ko na kung ano nga ba talaga ang sakit ni Biancx. I cried every night for a week no'ng malaman kong malala pala talaga ang sakit ni Biancx. It hurts me more dahil alam kong anytime ay pwede siyang mawala sa akin, sa amin. I will die if she will ever leave me. Iniisip ko pa lang, natatakot na ako. Ayaw kong ma-imagine. No'ng 2nd year college si Biancx, ay papasok pa lang ako bilang first year sa ALU. But she had another heart attack during my entrance exam day. For me, right now she is my priority, so I abandoned everything just to see her. Ayaw kong palagpasin ang bawat segundong kaya ko namang ibigay sa kanya. I want to be there for her always. I want to be her strength when she is weak. I want to be her smile when she is feeling sad. I want to make her realize that she will never be alone, as long as I am here, alive and breathing. Hindi ako nakapag-enroll that school year. Si Ash ay nakapag-enroll sa ALU but he stopped. Ewan ko ba ro'n bakit biglang nagrebelde. Information Technology rin kasi ang kinuha niya kagaya ng kay Biancx. Pero mukha namang hindi niya nagustuhan. Ayon, nag-drop sa lahat ng subjects. Pinilit ako noon nila Mama na kahit sa second semester na lang ako pumasok. Pero sabi ko ayaw ko. When I made sure na maayos na si Biancx, tinanggap ko 'yong offer sa akin ni Dad na magtraining do'n sa kapatid ni Mama. Engineer 'yon. At first ayaw ko, pero kalaunan pumayag rin ako. Naisip ko kasi, I should become someone that can make Biancx proud. Baka kasi sisihin na naman kasi niya ang sarili niya dahil hindi ako nakapagtake ng exam. I trained for almost eight months. Umuuwi ako sa bahay every two days. Namimiss kasi ako ni Mama, siyempre only child lang eh. Pero ang totoo, gusto kong makita si Biancx. Nakapagtiis ako ng halos walong buwan na every two days ko lang siya na nakikita. Buti na lang ay mabilis na lumipas ang panahon. Sa wakas, mag-e-enroll na kami ni Ash ngayon.a "Anong kukunin mong course, Pare?" Tanong ko sa kanya. Nagkibit-balikat siya. Loko talaga 'to. Baka mag-drop out lang ulit 'to this semester. "Ikaw? Ano ang course na kukunin mo?" Tanong niya rin pabalik sa akin. "Magpapaka-Engineer ako, Pare. Haha. Ikaw ba? Oh, baka umayaw ka na naman, ah?" Pabiro kong sabi sa kanya. "Lols. Kung ano ang course mo, 'yon na lang din sa akin. Nakaka-badtrip ang mga kaklase ko noon eh. Mga uhugin pa 'yong mga lalaki. Parang kapag sinapak natin, uuwi ng bahay sumbong kay nanay. Tss," inis na kwento niya pa sa akin. Tawa ako nang tawa sa ikinwento niya. Mabilis talagang mabuwisit ang isang ‘to. "Dahil lang do'n nag-drop ka?" Asar ko sa kanya. "Hindi lang dahil do'n. Tinamad lang din kasi ako," mabilis na sagot niya. "Sus, nagdrama ka lang yata para ibigay ni Tito Xander sa’yo 'yong condo niya eh," asar ko pa rin. "Parang ang sarap bumasag ng mukha ng itago na lang natin sa tunay niyang pangalan, Cyrus Arevalo," inis na sabi niya habang nakatingin sa kamao niya. Umatras naman kaagad ako. Baka totohanin niya eh. Mahirap na. Pikon na 'yan kapag ganyan na siya. "Kalma lang, Pre. Tara mag-enroll na tayo," natatawang sabi ko na lang. Pumila na kaming dalawa sa linya ng mga estudyante na mag-e-enroll. "Hoooy!" Biglang narinig ko ang boses niya mula sa hindi kalayuan. Pagkalingon ko ay nakita ko si Biancx na papunta sa amin ni Ash at todo ngiti pa. "Taba! Huwag kang tumakbo!" Sigaw naman kaagad ni Ash nang Makita ang kapatid niya. Hindi niya pinansin 'yong sinabi ni Ash. Paglapit niya sa amin ay inakbayan niya kaagad ako. "Cy-cy! Enrolled na ako! Woo!" Tuwang-tuwang sabi niya pa habang pinapakita sa amin ang printed form ng registration card niya. "Umayos ka nga ng galawan mo, Taba," inis nasabi ni Ash habang pinipilit niyang hilahin si Biancx palayo sa akin. Inakbayan din naman ni Biancx si Ash. "Kayo? Hindi pa kayo enrolled 'no? Puro kasi kayo Bromance eh," asar niya pa sa amin habang nakaakbay pa rin sa aming dalawa. Hindi ko napigilang mapahalakhak dahil sa sinabi ni Biancx. Bromance? Seriously? Sa kanya pa nanggaling? Kung alam niya lang 'tong nararamdaman ko, hindi niya sasabihing nakikipag-bromance ako sa kapatid niya. "Anong bromance ang pinagsasabi mo, Taba?" Kunot-noo na tanong ni Ash. "Eh kasi naman, lagi kayong magkasama tapos pareho rin kayong walang girlfriend! Hindi ko tuloy maiwasang isipin na bromance kayo," paliwanag pa ni Biancx sa kapatid. "Biancx, lagi din naman kitang kasama ah? At wala ka ring boyfriend, anong tawag do'n?" Hirit na pang-aasar ko rin naman sa kanya. "Cyrus, isa," narinig kong saway kaagad sa akin ni Ash. "Hmm. Romance ang tawag kapag babae at lalaki. Pero wala namang special feelings na involved kaya hindi romance ang tawag do'n. Friendship!" Nakangiting sabi niya habang mukhang nag-iisip pa. "Hahaha! Friendship? Haha!" Hagalpak at todo tawang sabi pa ni Ash habang nakaturo sa akin. Mukhang clueless talaga si Biancx eh. Napailing na lang ako sa isinagot niya sa akin. Medyo soplak. "Bilisan niyo mag-enroll. Ilibre niyo pa ako mamaya. Alis muna ako. Babye!" Nagmamadaling sabi niya sabay alis na. Nakatingin lang ako sa kanya habang papalayo siya. Bigla akong binatukan ni Ash. "Basag ka sa utol ko, Pre! Friendship daw! Haha," natatawang pang-asar niya pa rin sa akin. "Hoy. Huwag mong bigyan ng ibang meaning 'yon. She doesn't mean to hurt me. Clueless lang talaga si Biancx," mabilis na sagot ko naman. "Lols, asa ka naman. Sinabi na kasing iba na lang, huwag na nga ang kapatid ko. Susuportahan pa kita," sabi pa ni Ash. "Hindi nga kasi natuturuan ang puso, Pre," mabilis na tanggi ko naman. Umiling siya sa akin. Alam ko naman na hanggang ngayon ay against pa rin siya sa akin. Hindi pa rin naman ako gumagawa ng move para ligawan si Biancx, kahit gusto ko na sana. I respect them both. I will remain one step away from her. Not too close and not too far.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD