Be Mine 5

1654 Words
Be Mine 5 Few years later, nakagraduate na si Biancx at nakahanap na ng trabaho. Naiwan ako sa ALU. Ashley and I still have few years more. Ang lungkot. Sobrang lungkot 'yong hindi ko makita si Biancx tuwing gugustuhin ko. Hinahatid ko lang siya sa umaga, tapos susunduin ko naman sa hapon kapag swak ang schedule ko sa out niya. Tiniis ko ang halos dalawang taon na gano'n lang kami. Aamin ako, I was afraid. I was afraid that Biancx could find someone else while working in that company. Nakaramdam ako ng insecurity sa sarili ko. There was a time na parang nagduda ako if I'm really good for her? Or if  I'm the best? I know that there's a lot more for me to improve. Pero alam ko rin sa sarili ko na hindi ko hahayaan na mapunta si Biancx sa ibang lalaki. It would be a suicide for me if I let that happen. Dumating din 'yong point na sobrang nagseselos na ako sa ibang lalaki na nakakausap o nakakasama niya, but I couldn't do anything dahil in the first place she was never mine. "Biancx, attend ka sa graduation ni Ella, ha? Let's support her," sabi ko pa. "I'll try. May tinatapos kami ni Sir Francis. Maaga akong pinapapasok bukas. Habol na lang ako sa celebration if ever," sagot niya lang sa akin. Sir Francis na naman? Nananadya na yata talaga ang lalaking 'yon eh! She's in front of her laptop. Focus na focus siya sa ginagawa niya at halos hindi na nga ako napapansin. "Biancx, please? Please be there tomorrow. Tutulungan kita ngayon diyan sa ginagawa mo. Para pwede kang um-attend sa graduation bukas," pakiusap ko pa. Ngumiti naman siya kaagad. "Talaga? Sige, patulong. Magaling ka sa Math, di'ba? Di ko ma-gets kung paano ang logic nito eh," sabi niya sabay harap sa akin ng laptop niya. Agad akong lumapit sa kanya. Inaral ko sandali 'yong ginagawa niya. Nagpuyat kami that night para tapusin 'yong trabaho niya. I felt really really happy kahit puyat. I'm going to surprise her. Dahil bukas, sabay kami ni Ash na ga-graduate. Even Ella hasn't any idea. Surprise nga eh. - "Grabe ka, Cy! Ginulat niyo kami! Kaya pala todo pilit ka na um-attend ako! Haha! That was cool!" tuwang-tuwang sabi ni Biancx sa akin. "At buti na lang din, pumunta kayo. Kung hindi, baka nilangaw ang plano namin ni Ash." nakangiti ko pang sagot. "Naku, dahil diyan dapat ilibre mo ako! Gusto kong kumain ng sisig sa Sisig Hooray," sabi niya na tila excited pa. "Biancx. Bawal 'yon sa’yo. Iba na lang, ililibre kita sa kahit saan mo gusto, huwag lang sa bawal sayo." sabi ko "Kainis naman. Ang dami kong gustong i-try na pagkain eh. Sige na nga! Lechon na lang! Bwahaha," asar niya pa rin sa akin. "Vegetable salad na lang, Biancx. Di'ba 'yon ang sabi ng Doktor mo? Healthy food," paalala ko pa. "Not now, Cy. Gano'n na nga ang mga kinakain ko sa bahay at sa office eh. Iba naman ang ilibre mo sa akin," tanggi niya kaagad. "Tara, I know a place," sabi ko bigla. After we ate, we decided to take a rest. Nilibre ko rin siya sa footspa, dahil nagleave siya ngayon para umattend sa graduation ko. Tuwang-tuwa siya at kiliting-kiliti habang minamassage 'yong paa niya. Halos makatulog pa nga eh, kinakausap ko lang kaya nagigising. "Cy! You're the best talaga! Kaya gusting-gusto kitang kasama eh! Apir!" Nakangiting sabi pa ni Biancx. Nakipag-high five ako sa kanya. "Basta ikaw, Biancx," sagot ko rin naman. "Ay, oo nga pala, Cy! Nag-aaya sila sa office na gumala," sabi niya bigla. "Saan daw?" Kunot noo na tanong ko. "Hindi ko pa sure. Pero balak nila sa mga extreme activities daw," sagot niya. "Extreme? Bawal ka ro'n ah? Mapapagod ka. Hindi ka papayagan nila Dad mo," sagot ko kaagad. "Alam ko. Kaya nga sa’yo ko lang muna sinabi eh. Kasi isasama kita. Eh ‘di papayagan na ako ni Dad! Haha!" Tuwang-tuwang sabi niya pa. Napailing na lang ako. I should be happy dahil ako ang naiisip ni Biancx na isama sa mga lakad niya. Pero mas nangingibabaw sa akin ang pag-aalala. Kaso alam ko namang excited na 'yan eh. Wala na rin akong magagawa pa. Pipigilan ko na lang siya sa mga sobrang extreme na activities. 'Yong hindi siya mapapagod. - "Cy! Habulin mo ‘ko!" Tawag sa akin ni Biancx. "Biancx! We're supposed to be a team! We're partners!" Tawag ko pa sa kanya. Pero kahit sinabi kong kampi kami, tinakbuhan pa rin niya ako. Nagpahabol pa sa akin. Palibhasa alam niyang hahabulin ko talaga siya eh. Matagal naman na akong humahabol. Sumama ako sa outing ng Department nila. Hindi naman kasi papayag si Tito Xander na umalis si Biancx na walang kasama eh. At isa pa, ako kasi ang ipinain nitong si Biancx para magpaalam. Eh malakas sa akin 'tong si Biancx. Siyempre mahal ko eh, kaya lahat gagawin ko. Di'ba? "Saan 'yon?" seryosong tanong sa akin ni Tito Xander na Dad ni Biancx. I feel like we were back in high school dahil dito sa pagpapaalam na ginagawa ko. Nasa likod ko lang naman si Biancx. "Sa Pampanga raw po, 'To," mabilis na sagot ko naman. "Ano nga ulit ang pangalan ng pupuntahan niyo? Ipapacheck ko muna. Titignan ko ang reviews kung magaganda ang feedback. Kapag may nakita akong isang negative feedback, hindi ko kayo papayagan," seryosong sabi pa ulit ni Tito Xander. Napalunok lang ako ng laway. "S-sa Sand Square po, 'To. Tinignan ko na po 'yong mga customer's feedback. Okay naman po siya," sagot ko pa agad. "Still. I want to make a research. Tatawagan kita bukas, Cy," pinal na sabi nito sa kanya. Naiintindihan ko naman si Tito Xander. He's strict because of two reasons. First, dahil babae ang anak niya. He's just protecting his daughter. Second, may sakit si Biancx or should I say, sakitin si Biancx. Pwede siyang atakihin ng sakit niya kapag napagod siya sa mga activities, or kapag may nagtrigger sa emotion niya like gulat o sobrang tuwa o lungkot. I'm fully aware kung bakit ganyan si Tito. Ganyan din noon si Ash. And I managed to handle our situation before. Isa lang naman ang hiling ko eh, matupad ko lang 'yong pangako ko kay Tito Xander, magiging sobrang masaya na ako. Naglalaro kami ng paintball ngayon. Sinabihan ko 'yong mga kasama niya na salingpusa lang si Biancx at huwag nilang baril-barilin. Pero hindi aware si Biancx sa ginawa ko. At hindi rin naman niya pansin 'yon dahil tuwang-tuwa siya sa pagpapahabol sa akin. "Biancx, huwag ka masyadong tumakbo!" Sigaw ko sa kanya. Ang layo na niya sa akin. Hindi ko siya maabutan dahil maliksi talaga ang isang 'yon.Tili pa nang tili. "Biancx! Kapag naabutan kita, hahalikan kita," sabi ko pa. Pero mahina lang. Pabulong ko lang sinabi 'yong huling sentence para hindi niya marinig. Kahit gusting-gusto ko talagang sabihin ‘yon sa kanya. "Cy! Cy-cy! Ang taas dito! Wooo!" Tawag pa ni Biancx sa akin. Nagulat ako no'ng makitang nasa taas na siya at nakatungtong sa isang malaking bato. Napatakbo tuloy ako nang mabilis. "Biancx! Huwag kang maglikot at magtatalon diyan!" Saway ko sa kanya. Baka kasi hindi siya kayanin no'ng bato, baka mahulog siya. Buti naabutan ko siya agad. "Ang daya mo! Naabutan mo ‘ko! Babarilin kita! Haha! Teka? Paano ba gamitin 'to?! Tsk! Huwag na nga!" Naguguluhang sabi niya. Nainis siya no'ng hindi niya alam kung paano gamitin ang baril na kanina pa niya dala. Ang cute-cute niya lang talaga. "Biancx, huwag tayong masyadong lumayo sa iba," sabi ko pa. "Eh. Okay lang 'yan para hindi nila tayo mabaril," sagot lang niya. Nagtatakbo na naman siya paakyat. Pinanonood ko lang siya habang nakasunod din ako sa kanya. I love watching her back. Ang sarap yakapin. Minsan hindi ko rin lubos maisip kung bakit at paano umabot sa ganito ang pagmamahal ko kay Biancx. It just came to this point. Unti-unti. Bawat araw, lumalala. I was in deep thoughts of my love for her, nang biglang bumagsak si Biancx sa lupa. "Ay, mahal kita!" Natatarantang sigaw ko sa gulat no'ng makita si Biancx na nasubsob bigla. "Aray!" Reklamo niya. Plakda talaga siya. Nagmadali akong lumapit sa kanya para itayo siya. "Ayos ka lang Biancx?" Nag-aalalang tanong ko pa. Tumango lang siya. Pero hindi siya nakangiti sa akin. "Patingin ng kamay mo," sabi ko. Umiling siya at itinago niya 'yon sa akin. Inilagay niya 'yon sa likuran niya. "Biancx," mariin kong sabi. Sumimangot siya at bandang huli ay sumuko na rin no'ng ipinakita kong seryoso na ako. Inilahad niya sa akin ang mga kamay niya. And I saw a lot of scratches. At mukhang medyo malalim pa 'yong sugat sa kaliwang kamay niya. Damn! "You're not okay. I knew it, Biancx. Let it out. Masakit 'tong sugat mo, di'ba?" Tanong ko pa sa kanya. Bigla siyang sumimangot at parang nagbabadyang umiyak na. "Kainis 'to. I was trying to be strong eh! Pero sinabi mong masakit 'yong sugat ko. Now it really hurts na," sabi niya at tuluyan na ngang naiyak. Hinihipan ko 'yong dalawang kamay niya na may sugat. Just like when we're still kids. "Gagamutin ko 'yan mamaya. Di na 'yan masakit, di'ba? Nahipan ko na," sabi ko pa. She nodded. Niyakap ko siya. Kanina ko pa talaga siya gustong yakapin. Takbo kasi siya nang takbo eh. Nagpapahabol, namiss ko tuloy siya. "Sana lagi kitang kasama Cy. Sorry kung lagi mo kong iniintindi, ha?" Sabi niya habang yakap ko siya. "Wala 'yon, Biancx. Mas gusto ko nga na ako ang mag-iintindi at mag-aalaga sa’yo eh," sagot ko naman kaagad. "Sana kahit matanda na tayo, ganito pa rin," sabi niya pa. Napangiti ako. I also want that. Naghihintay lang ako ng kaunting panahon, so that I could make a move. I could make her mine. Kaunting panahon na lang. Kaunting tiis pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD