Be Mine 1

1630 Words
Be Mine 1 CYRUS Mula pagkapanganak ay magkakasama na ang tatlong magkakaibigan. Si Mabelle ang panganay na anak nina Aly at Xander, ngunit sampung buwan lamang ang tanda nito sa kapatid nitong si Ashley. Kaya naman madalas ay napagkakamalan na si Mabelle ang mas bata at si Ashley naman ang panganay. Bukod kasi sa maliit ang height ni Mabelle ay hamak na mas matured kung mag-isip ang kapatid nitong si Ashley kaysa sa kanya. Si Cyrus naman na ka-edad lang rin ni Ashley ay lumaki na halos nasa bahay na nila Mabelle nakatira. Nag-iisang anak lamang ito ng magulang niyang sina Kath at Paul Drew pero mas madalas pa itong matagpuan sa bahay ng kaibigan kaysa sa sarili nitong bahay. "Ang taba mo tapos sayaw ka naman nang sayaw!" narinig kong sigaw ng isang batang lalaki. Napatayo ako agad para hanapin si Biancx. Naglakad ako palapit do'n sa boses na narinig ko. "Hoy!" sigaw ko naman kaagad nang makitang umiiyak si Biancx sa gilid. Tumakbo ako para lapitan ‘yong bata na nagpaiyak kay Biancx ko. Kinwelyuhan ko kaagad siya. "Sino ka ba?" Tanong naman ng bata habang hawak niya rin ‘yong kamay ko na nakahawak sa kwelyo niya. "Ako? Ako ang savior niyang batang pinapaiyak mo! Kahit lamok hindi ko hinahayaang dumapo diyan! Tapos papaiyakin mo lang?! Suntukan na lang!" Sigaw ko. "Sinabi ko lang naman ang totoo ah?!" Sigaw niya rin pabalik sa akin. "Ano’ng totoo?" Tanong ko tapos hinigpitan ko pa lalo ‘yong pagkwelyo sa kanya. "Sinabi kong mataba siya," sagot niya sa akin. Lalo akong nainis. Tinignan ko si Biancx. Umiiyak pa rin siya at walang kibo. "Ano?! Sira ka ba? Anong mataba? Hindi mo ba alam ang pinagkaiba ng mataba sa malusog?" Sigaw ko rin pabalik. Sasapakin ko na sana siya pero nakaramdam ako ng kamay sa balikat ko. Si Biancx, nasa likod ko na pala siya at nakatayo na. "Cy-cy, t-tama na 'yan. Umuwi na lang tayo," pag-away naman niya sa akin. Kahit gigil na gigil akong sapakin 'yong nang-away kay Biancx, nagtimpi na lang ako. Ayaw kong lalo pa siyang umiyak. At isa pa, hindi rin naman ako 'yong tipo na basagulero. Nagagalit kasi si Mama kapag umuuwi ako na puro sugat. Siguro kasi nga isang anak lang ako tapos makikita pa niya akong may galos. Madalas kasi kapag sumasali kami sa basketball ni Ash, lagi kaming napapaaway. Pikunin yon eh. Para namang hindi niyo kilala ang bestfriend kong yon? Sus. Inakbayan ko na si Biancx at tuluyan na kaming umalis. "Cy. Gano'n na ba talaga ako kataba? Masama ba ako kasi mataba ako? Kasi malakas akong kumain kaya marami na ang batang nagugutom sa mundo?" Nakasimangot na tanong niya sa akin. Lumapit kaagad ako sa kanya. Kahit humahagulgol siya sa pag-iyak ngayon, nakikita ko pa rin na ang cute na cute ng mukha ni Biancx. "Wala kang kasalanan do'n, 'no? Huwag mong pansinin ‘yong mga ‘yon. Hindi kasi malinaw ang mga mata no'n kaya akala niya mataba ka. Healthy ka lang. I like healthy girls," nakangiting sabi ko pa. "Talaga? I like healthy people too. Kasi hindi sila magkakasakit kaagad dahil healthy sila. Apir!" Nakangiting sagot naman niya. Napakamot ako sa buhok ko dahil kay Biancx. Paglaki ko talaga, papakasalan ko siya. - No'ng pumasok na sa high school si Biancx, hindi ko na siya masyadong nababantayan. Nagulat na nga lang ako sumali na talaga siya sa dance club. Masaya ako para sa kanya kasi hilig niya talaga ang pagsasayaw. Ilang buwan pa lang sa high school si Biancx habang nasa elementary pa rin kami noon ni Ash. Napansin ko nga kaagad ang pangangayayat niya nang bahagya. Medyo umitim din siya nang kaunti. Todo practice siguro sila ng sayaw? Tsk. Kahit si Ash napansin din ang pangangayayat ni Biancx pero sabi niya baka nagpapapayat daw talaga kasi dahil sa costume na susuotin nila. Tuwing uwian, dumidiretso kaagad ako kila Ash. Hindi para makipaglaro sa kanya ng computer games, kung hindi para makita si Biancx. Their house became my second home. Parang tunay na anak na rin nga ang turing sa akin ng mga magulang nila na si Tita Aly at Tito Xander. - Pagkagraduate namin ng elementary ni Ash, ipinaayos ko kaagad kay Mama 'yong mga requirements ko. Kinulit ko siya. Sabi ko ay gusto ko kaagad mag-enroll ng high school. Gusto ko kasing makasigurado na makakapasok ako sa school kung nasaan din si Biancx. Nauna pa nga akong mag-enroll kay Ash eh. Muntik na kaming hindi maging magkaklaseng dalawa. Wala eh, bata pa lang kami palagi ko na talagang sinusundan si Biancx. I don't want my day to pass by without seeing her. Noong una, crush lang 'to eh. Pero habang tumatagal pala, lalong lumalala. Kapag hindi naagapan 'yong nararamdaman mo, nahihinog din pala na parang kagaya ng prutas. As day passed by, namalayan ko na lang sobrang mahal ko na si Biancx. I will do everything for her. I will always be beside her no matter what happen. "Cy, may gagawin ka ba this Saturday?" Tanong ni Biancx sa akin. "Saturday? Wala naman. Bakit? May pupuntahan ka ba no’n? Sama ako," mabilis na sagot ko kaagad. "Hindi, wala akong ibang pupuntahan. Nood ka ng last practice namin bago 'yong laban. Tapos sabihin mo sa akin kung okay na 'yong galaw ko or  need na i-improve ko pa," sabi pa niya. "Sige, vi-video-han ko na rin," nakangiting sagot ko pa. High school kami nang simula ring dumami ang mga manliligaw ni Biancx. I've been blocking them since then. Pero inaalam ko muna siyempre kung ayaw ni Biancx sa mga lalaking ‘yon bago namin sila itaboy at takutin. Ashley and I became her bodyguards. Palagi naming sinisiguro na walang magpapaiyak sa Prinsesa namin. Lalo na si Ash, dalawa ang kapatid niyang babae, he needs to protect them both. Gano'n rin naman ako lalo na kay Biancx. - "Badtrip na ako sa mga may gusto kay Taba. Hindi talaga makaintindi eh. Sinabi na ngang hindi sila pwedeng lumapit sa kanya pero may sumuway pa rin?! Makakatikim ng sapak 'yong Emmanuel na 'yon," galit na sabi ni Ash habang nagpapatunog na ng mga daliri sa kamao. Tatayo na dapat siya para lapitan 'yong sinasabi niyang Emmanuel, pero pinigilan ko siya. "Ako na, Pre," sabi ko tapos ako ang lumapit do'n sa lalaki. "Cyrus!" narinig kong sabi ni Ash pero hindi ko na siya nilingon pa. Dire-diretso lang akong naglakad papunta ro'n sa lalaki. Nakatalikod naman siya sa amin. Pagkalapit ko sa kanya ay tinapik ko kaagad siya sa balikat. Lumingon naman siya. And I took the chance para bangasan siya sa mukha saktong pagkalingon niya. "What the?!" Sigaw niya sabay tayo dahil napa-upo siya no'ng sinuntok ko siya sa mukha. "Hindi ka marunong umintindi eh," kibit-balikat na sabi ko naman. "Problema mo, Pre??" Tanong niya pa sa akin. "Huwag mo kong tawaging Pre. Sinabi na ni Ash na bawal ligawan si Mabelle, di'ba? At higit sa lahat bawal siyang lapitan. Alina ng mahirap intindihin do’n?" Paalala ko pa. "Nakikipagkaibigan lang naman ako. Wala naman siyang sinabing bawal makipagkaibigan," nakangiting sabi niya pa sa akin na tila nang-aasar. Nagtawanan silang magtropa. Akala yata nila ay maga-gago nila ako. "You are really an asshole. Tanga ka ba? Sinabing bawal kang lumapit, sakop no'n 'yong pakikipagkaibigan. Niloloko mo ba 'ko? O talagang bobo ka?" Paliwanag ko. "Dude, feeling boyfriend. Kaya ba kinaibigan mo 'yong Ashley na ‘yon? Para mapalapit ka kay Mabelle? Haha. Hindi ka rin naman makakaporma sa kanya, Dude," nakangising sabi niya sa akin. Bigla na lang ulit siyang bumagsak sa sahig. Nag-init ang ulo ko no'ng sinabi niyang wala akong pag-asang makaporma kay Biancx. I won't do that. Hindi ko siya popormahan. I will do it the proper way. "Tangina. A ng lakas ng loob mong sapakin ang tropa namin? Mag isa ka lang! Kaya ka naming lumpuhin!" Sigaw ng isa sa mga kaibigan niya. "Sige, gawin niyo. Huwag niyo nang i-announce," sagot ko tapos inunahan ko ng sapak sa mukha 'yong nagsalita kani-kanina lang. Tatlo silang nandito. Isa lang ako, pero nandiyan lang naman sa paligid si Ash. Lilitaw 'yon kapag medyo bugbog na 'ko. "Gago talaga 'to ah?" sabi sa akin no'ng isa. Sumugod silang tatlo pero naitulak ko 'yong dalawa sa kanila. Kaya 'yong Emmanuel ang kasapakan ko ngayon. "You're a jerk. Hindi ka na dapat nakikilala ni Mabelle eh," sabi ko ro'n sa lalaking makapal ang mukha. "And you think you deserve her? Ikaw ang nararapat sa kanya? Kaya binabakuran mo na siya at hinaharangan kami? You are coward, Dude. Duwag ka, dahil hindi ka marunong lumaban nang patas," gigil na sabi niya pa sa akin. I punched him away. Naramdaman ko na lang na may sumapak din sa akin mula sa likod ko. Then the two of his friends hold both of my arms. Hindi ako makalaban dahil pinagtutulungan na nila ako. Pinagsusuntok ako no'ng walanghiyang pangit na Emmanuel. No'ng medyo manhid na 'yong mukha ko dahil sa suntok, nakita kong parang napaatras sila bigla. Binitiwan rin ako ng dalawang kaibigan niya. Nilingon ko para tignan kung ano bang mayro’n. Nakita ko si Ash na may dalang baseball bat at bola no'n. Sabi na eh, darating siya kapag medyo bugbog na ako. "May tatlo akong bola rito. Tatlo kayo, so tag-iisa? Sakto pala! Ang hindi matamaan ng bolang 'to, hahatawin ko ng baseball bat. Kayo ang magdecide. Takbo na!" Nakangising sabi pa ni Ash. Agad na nagsitakbuhan 'yong tatlo pagkatapos sabihin 'yon ni Ash. Kahit lupaypay na ako sa sahig, nakikita kong nag-e-enjoy si Ash ihagis ‘yong baseball do'n sa tatlo. Loko talaga 'tong kaibigan ko eh. Pinanood na naman akong mabugbog bago tumulong. Tsk. Buti na lang utol siya ng babaeng mahal ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD