Prologue
She is my bestfriend's sister. Kahit na dapat ay "walang talo-talo" pagdating sa mga utol ng barkada, I still can't stop my feelings for her. At kung pwede man na kontrolin ang puso, hindi ko pa rin gagawin.
She's the greatest gift I could ever have that I've been dreaming in my whole life. I don't know why and how, but I can't see myself in the future na hindi siya ang kasama. I need to see her everyday. Being with her is a daily routine for me.
Alam kong hindi niya alam ang tungkol sa nararamdaman kong 'to para sa kanya. Maybe that's a good thing, kasi hindi siya maiilang sa akin. Pwede niya kasi akong iwasan kapag nalaman niya ang nararamdaman ko. Hindi ko kakayanin kapag nangyari man 'yon. Just by thinking of her walking away from me, makes me wanna shot my head with a gun. Gano'n kalakas at katindi ang tama ko sa kanya.
I will patiently wait. Pero sana dumating ang panahon na magkaroon ako ng lakas ng loob para sabihin sa kanya na mahal na mahal ko siya. Sana that one day will come sooner, the day that she will finally... Be mine.