"Good morning!"
Napalingon si Reed nang marinig ang masiglang boses ng Mommy niya. Tumayo siya mula sa kinauupuan, saka iniusog ang katabing upuan para makaupo ang ina.
"Thank you, darling."
Tipid siyang ngumiti. "You're welcome, Mom, and good morning." Hinalikan niya ito sa pisngi.
"Aw, why so sweet, my son?" nangingiting turan nito.
Napapailing siyang bumalik sa upuan niya. Kasalukuyan silang nasa hapag-kainan. Wala ang Daddy niya dahil may business trip sa ibang bansa.
"Are you excited?"
Kumunot ang noo niya sa tanong nito. "Why should I? Parang high school lang din naman ang college," aniya.
"Anak naman, college ka na. Hindi ka ba excited? This is the next chapter of your life. I know your Dad will be proud of you kaya galingan mo sa mga academics subject mo, Okay?"
Muli siyang napailing saka ipinagpatuloy na lang ang pagkain. Hindi siya excited lalo na sa Rampage University siya mag-aaral na halos mga mayayaman ang nag-aaral. Anak mayaman nga siya pero simpleng tao lang naman siya, ayaw niyang abusuhin ang yaman na meron sila ngayon.
He was rich and he can do everything he wants but he is not used bragging his family's wealth that is why he choose to be a low key guy and live his life as simple as it can be, even if he studies in the Rampage University.
Maliban na lang sa ina niya. Napatingin siya rito. Halos mapuno na ng mga gintong alahas ang katawan nito, pati ang suot nitong damit ay nakikisabay rin sa uso. Materialistic at maarte ang Mommy niya pero mapagmahal na ina at asawa naman ito.
"I'm done, Mom. Mauna na ako sa'yo." Tumayo na siya at humakbang na palabas sa dining area. Napahinto siya nang magsalita ito.
"Teka lang anak, tingnan ko nga iyang suot mo."
Bumuga siya ng hangin at naiikot ang mga mata sa ere, pinipigilan na hindi mairita sa ina. Tumayo ito at lumapit sa kanya, sinusuri ang suot niya.
"Ito ba iyong damit na binili ko sa'yo? Branded ba ito, anak? Parang hindi naman..." turan nito habang kinakapa nito ang tela ng suot niyang T-shirt.
Hinawakan niya ang kamay nito para pigilan. "Mom, stop it. Masyadong big deal sa'yo ang suot ko." Nakasimangot niyang turan dito.
"Anak naman, isang kilala ang papasukan mong paaralan sa college. Halos lahat mga mayayaman ang papasok doon. Dapat lang maganda at mamahalin ang suot mo."
He scoffed at her. Hindi niya maintindihan kung bakit ang mga babae ay big deal sa kanila ang maliliit na bagay katulad na lang ng mga damit, accessories, bag, sapatos at kung ano-ano pang materyal na bagay.
Nakasuot siya ng white T-shirt na pinatungan niya ng black leather jacket at ripped jeans. Ang motorcycle ang gagamiti niya ngayon patungong Rampage University. License na naman siya dahil 18 years old na siya.
"My God, Reed! Bakit ba mahilig ka sa ripped jeans? Nagmumukha kang tambay riyan sa tabi-tabi." Litanya nito, nakapaweywang pa ito.
"Mom, mali-late na ako." Tuluyan na siyang lumabas sa dining area, nakasunod naman ito sa kanya.
"Ipapahatid na kita sa driver natin, anak."
"I'll drive my motorcycle," saad niya sa naiinis na boses.
"Reed, first day of school motor ang sasakyan mo? I won't allow you to drive!"
Napatingala siya at bumuga nang hangin mula sa bibig. Kaya ayaw niyang wala ang Daddy niya dahil sa kaartehan ng Mommy niya, lahat na lang pinapakialaman. Buti pa ang Daddy niya ay supportive at may tiwala sa kanya sa lahat ng mga ginagawa niya o desisyon niya sa buhay.
"Bye, Mom! See you!" usal niya saka mabilis niyang kinuha ang backpack na nakalagay sa couch.
"Reed!"
Hindi na niya pinansin pa ang pagtawag nito sa kanya dahil dumeretso na siya palabas sa bahay nila. Nandoon na rin ang motorcycle niya. Mabilis niyang naisuot ang helmet.
"Ingat kayo, sir!" sambit ng driver nila.
Binuksan na nito ang malaking gate. Tinanguan niya ito bago pinaharurot ang kanyang Kawasaki Ninja H2 motorcycle.
Malapit na siya sa gate ng village subdivision nila nang may sumulpot na Mercedes Benz mula sa palikong bahagi ng daan. Buti na lang ay nakapag-preno siya at hindi siya dumeretso sa kotse, kung hindi ay baka nagsalpukan na sila. Tinanggal niya ang suot na helmet nang bumaba ang driver at lumapit sa kanya.
"Sir, pasensya na." Hinging paumanhin nito.
"Ako po ang dapat manghingi ng paumanhin, Manong. Mukhang napabilis po ang pagpapatakbo ko." Napakamot siya sa batok.
"Manong, let's go!" narinig niya ang matinis na boses babae mula sa loob ng kotse.
Napakunot ang noo niya dahil pamilyar sa kanya ang boses na iyon. Tumingin siya sa likuran ni Manong at kaagad na umasim ang mukha niya nang makita ang babaeng nakasungaw sa bintana ng kotse.
"Bagong driver ba kayo ng pamilya Hofer, Manong?" tanong niya.
"Opo, sir, bakit niyo po alam?" nagtatakang saad nito.
"Kasi po kilala ko ang dating driver ng babaeng sakay ninyo sa kotse," aniya.
"Ah, ganoon ba. Magkakilala ba kayo ni Miss Sasha?" tanong nito, mayamaya ay natawa rin nang hindi siya sumagot. "Oo nga pala, pareho lang kayo ng subdivision na tinitirhan, malamang magkakilala kayo."
Hindi lang magkakilala, magkaaway pa sila. Gusto niya sanang sabihin pero hindi niya na lang itinuloy. Ayaw niya sa mga babaeng maarte, sosyal at materialistic kaya inis na inis siya kay Sasha kapag nakikita niya ito. Parang nakikita niya ang ina sa katauhan nito, young version nga lang. Love niya naman ang Mommy niya, iyon nga lang ay naiinis siya minsan.
"Manong, ano ba! Mali-late na ako sa school!" muling sigaw nito, saka itinaas na ang windhield ng bintana.
He chuckled. Bumaba siya sa kanyang motor at humakbang palapit sa kotse nito. Kinatok niya ang bintana nito. Nakatatlong katok siya bago nito ibinaba ang windshield. Nakasimangot at nakairap na ito sa kanya.
"Hey, sossy, gumaganda ka ngayon, ah!" pang-aasar niya rito.
"Huwag mong sirain ang araw ko, moron! " asik nito sa maarteng boses.
"Alam mo, kahit ma-late ka sa school okay lang, paganda lang naman ang ambag mo roon." Ngumisi siya.
Kinindatan niya pa ito dahil sa nakikita niyang reaksyon sa mukha nito. Halatang inis na inis na.
"Wala akong pakialam kung ganda lang ang ambag ko sa school na papasukan ko basta hindi ko lang makita ang pagmumukha mo sa school na 'yon!" angil nito sa kanya.
Mas lalong lumapad ang pagkakangisi niya. "Bakit? Saan ka ba papasok ngayon?"
"At bakit ko sasabihin sa'yo? Sosyal ang school ko ngayon, sa Rampage University." Natutop nito ang bibig pagkabigkas sa paaralang papasukan nito.
Kung minamalas ka nga naman, pareho na naman sila ng school.
***