ADAM
Napangiwi ako nang biglang tumunog ang aking cellphone. Ramdam ko ang mahina kong katawan na dahan-dahang umupo sa kama at tinignan ang oras. Hindi ko mapigilang hindi mapamura nang makitang dis-oras pa pala ng umaga.
"What the! It's 3 am and who is the f*****g calling?" I muttered in anger and searched for my phone. Agad kong tiningnan ang caller ID ng gumambala sa aking pagtulog.
"Scott," I annoyingly answered as I rubbed my temple.
"Sorry if I wake you up but would you please give me a favor?" mahinahong sagot niya s akabilang linya. Ngunit kahit na mahinahon siya ay gusto kong suntukin ang kanyang pagmumukha sa mga oras na ito. Pwede naman sigurong antayin niyang tumilaok ang mga manok bago siya humingi ng pabor.
Huminga ako ng malalim bago sumagot. Sinusubukan niya talaga ang pasensya ko.
"Ano yun?" mahinahong tanong ko na pilit na pinipigilan ang aking galit.
"Pakisundo naman ang pinsan ko sa airport. kasi alam mo naman medyo abala na ako. May isang tao kasi diyan na nag back-out nag resign sa trabaho kaya doble sipag dapat ako ngayon. Alam mo na diba," sarkastilong sagot niya sa kailang linya. Ugali na niya ito kaya dapat ay sanay na ako ngunit nanggagalaiti ako sa galit ngayon.
"Okay!" buntong hininga kong sagot.
"Anong oras? Yung eksaktong oras scott at baka mapatay kita pag hindi."
***
AIRPORT 8:00 am
Isang oras na ata akong naghihintay at nakaupo lang sa isang bench. Hindi mapigilang hindi maikuyom ang mga palad ko sa galit. Eksaktong oras talaga ay mapapatay ko ang gagong yun.
Alas otso ang sabi niya ngunit heto ako ngayon namumula sa galit. Ayokong pinag-aantay ako. Tatayo na sana ako mula sa aking kinauupuan nang may biglang lumitaw sa kaing harapan.
"Adam bro!" bulalas ng lalaking nasa harapan ko.
"Oh?" tanong ko na ikinataas ng aking kanang kilay.
"It's me Keiro! Remember? Pinsan ni Scott," pagpapakilala niya habang tinuturo niya ang kanyang sarili.
Tumayo ako sa aking kinauupuan at sinuntok ng marahan ang kanyang balikat. He's already a grown up man. I can't even recognize him.
"Man! What was that for?" asik niya habang hawak niya ang parteng sinuntok ko.
"That's for keep me waiting."
Pareho kaming nagpoker face at nag eye-to-eye. Ugali namin ito nung bata pa.
"Oh man! Panalo ka na naman. Palagi akong natatalo," saad niya na parang isang bata. Yes, nagbago nga ang kanyang hitsura ngunit bata pa rin ang pag-iisip.
"Because I'm good," I grinned cause him to rolled his eyes.
"No you're not. I can't help myself but to close my gorgeous eyes. Look at you, are you planning to be call by someone a hermit because you really look like one,".tumawa siya nang mariin habang sinasabi ang mga salitang iyon .
"Tumahimik ka! Kunin mo na ang mga gamit mo at huwag mong asahan na tutulungan kita" sabi ko at agad siyang iniwan. Bahala siya sa buhay niya.
We were heading out of the place nang bigla akong nakakita ng isang babae na pula ang damit at may hawak hawak na bag. My heart pounded fast when I saw her face and I went numb when our eyes meet.
It's her, it is truly her.
Tumakbo ako patungo sa kanya. Hindi ko pinansin si Keiro na sumigaw, ang alam ko lang ay siya. Bumalik siya, buhay siya at hindi siya namatay. Wala na akong pakialam sa mga taong nakakabangga ko makatungo lamang sa kanyang direksyon. Hanggang sa nakita ko na lamang ang aking sarili na nakahawak na sa kanyang pulso at agad siyang hinila. Hindi ako makapaniwala na siya ang nasa harapan ko. Hindi ako namamalikmata o nananaginip dahil ramdam kong totoong totoo ang mga nangyayari.
"Adam," mahina niyang tawag ngunit kahit na mahina iyon ay dinig na dinig ko ito.
"Kilala mo ako?" tanong ko ng diretso sa kanyang mga mata. Sinambit niya ang pangalan ko. Malinaw mismo na nanggaling ito sa kanya.
"N-no!" she said trying to pull away and to lose his grip.
"You say my name," napahawak ako sa kanyang balikat
"I-I dont k-know y-you. Bitawan mo ako " sigaw niya at tumakbo palayo.
Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya sinunod ni hindi ko maramdaman ang aking sariling mga paa na parang naparalisado sa aking kinatatyuan. Tiningnan ko lang siya hanggang sa mawala siya sa aking paningin. Sinasabi niya ang aking pangalan kahit na sinasabi niya ito sa ilalim ng kanyang paghinga. I really heard it right she says my name loud and clear.
"Adam! Sinong sinusundan mo?" biglang lumitaw si Keiro halos makalimutan ko na kasama ko siya.
"Wala," sagot ko na nakatingin pa rin sa kalye kung saan siya nawala.
"Okay? Shall we go? I'm starving and I badly need some rest, jet lag bro," aniya at mukhang inaantok na siya.
"Tayo na, kunin mo na ang iyong maleta at ilagay sa likod ng kotse."
"Ano ang hinihintay mo?" tanong niya bago binuksan ang harapan ng pintuan ng sasakyan.
Naniniwala talaga ako sa kanya, buhay na siya. Ngunit hindi ko alam kung bakit patuloy niyang itinanggi na hindi niya ako kilala habang sa katunayan sinasabi niya ang aking pangalan. Bakit niya itinanggi na hindi niya ako kilala? Inaasahan ko na ang lahat ng aking mga katanungan ay magkakaroon ng sagot.
Mirana just come back into my life. I'll forgive whatever you have done. Just come back.