CHAPTER 1 (FIRST MOVE)

1506 Words
ADAM Trinity Restaurante Alas-nuebe ng umaga . . . Makalipas ang ilang taon ay hindi pa rin makapagpatuloy si Adam sa kan'yang buhay labis p arin ang kan'yang pighati sa pagkawala ng babaeng kan'yang minahal. "Adam, alas-nuebe na ng umaga! Ang pinag-usapan natin ay eksaktong alas-otso ay nandirito ka na," agad na singhal sa akin ni Scott nang makapasok ako. "At ano naman sa tingin mo ang hitsura mo ngayon? Hindi ka ba nakakapagsalamin ha? Halos hindi ka papayagan ng security guard na makapasok dahil sa suot-suot mo. Hindi ko nga alam kung buhay ka pa o patay na. Ni hindi mo man lang pinaghahandaan ang pagpunta mo rito. Ni hindi ka man lang nakapag-shave ng iyong bigote at kailan ba binisita ng barbero ang buhok mo?" bulalas niya mukha na siguro akong ermitanyo o pulubi sa kan'yang paningin at hindi ko naman siya masisisi. Mas lalao lang akong naiirita sa kuda niya para siyang pusa na hindi makaanak. "Maaga pa para pagsabihan mo ako ng mga words of wisdom mo. Tell me, bakit mo ako ipinatawag? Siguraduhin mong importante ang sasabihin mo," diretso kong tanong dahil ayokong tumagal pa. "Kung nagbago ang iyong hitsura hindi din imposible na nagbago pati ang iyong ugali," wika niya na tila nanunuya. "Alam mo naman na sa mga oras na ito ay grabe ang traffic sa daan. Isip-isip din pag may time," wika ko habang pinu-puwesto ang aking mga kamay sa likod ng aking ulo. Napabuga naman siya ng hininga na para bang kinakalma ang kan'yang sarili. "Mayroon tayong isang misyon at kailangan namin ang kooperasyon mo, Adam. Ikaw lamang ang naisip kong makagagawa nito," aniya at mayroong isang tila folder sa kan'yang likuran. "I'm quitting," agad kong sagot bago pa man niya buksan ang folder. "You're not-" agad kong pinutol ang mga susunod niyang sasabihin. I know where the hell this is going. "Serious?" "Bakit?" tanong niya na nakasimangot sa sinabi ko. "Wala na akong gana sa mga ganito," sagot ko ngunit mukhang hindi siya sang-ayon sa aking tugon. "Dahil ba sa kan'ya?" tanong niya na sumulyap sa singsing na suot-suot ko. "Huwag mo siyang isama rito," galit kong saad ngunit tiningnan niya lamang ako na para bang nababaliw na. "Adam, hindi ka pa kasal! Kaya bakit mo suot ang singsing na 'yan?" mahinang sigaw niya bakas sa kanyang mukha ang galit at pagkaawa. I know I shouldn't be wearing this but this the only thing that keeping my faith to her. "Tingnan mo! Nagbago ka na tingnan mo ang sarili mo sa salamin, Adam. Akala mo ba magiging masaya siya sa estado ng buhay mo ngayon?" "Para sa akin ay kasal kami. Sa puso ko kasal kami at buhay pa rin siya Scott. Alam ko iyon, tawagin mo man akong baliw o ano I just can't help but to think of her every day. You don't know what I am going through. Let me be just please let me be. I am dealing this with my own f*****g way." "It's been two years Adam, two years have passed. We both witnessed the ashes so better move on," wika niya na tila nakikipag-usap siya sa isang bata. "Hindi ganoon kadali. Kailangan ko ng umalis," I stated firmly. Lumabas ako sa restawran na hindi na hinihintay ang kanyang tugon. "Alam kong babalik siya," bulong ko sa hangin bago binuksan ang pinto ng aking sasakyan. *** MARINA Canada Alas-otso ng umaga . . . "Marina please I'm begging you!" iyak ng kakambal ko. Kanina pa kami dito at hanggang ngayon ay hindi maproseso ng utak ko ang mga sinabi niya sa akin. "Hindi ko kaya," sagot ko kahit na nasasaktan akong makita siyang ganito. "Marina," tawag niya habang umiiyak. "Bakit ako Mirana? Bakit hindi ka na lamang magpakita sa kan'ya. Mas lalo mong ginagawang komplikado ang lahat-lahat at sino ba ang taong ito?" tanong ko at tinulungan siyang maupo. "Adam," sagot niya na pinunasan ang kan'yang luha gamit ang likod ng kan'yang kamay. "Adam," hindi ko alam ngunit tila kumirot ang aking puso sa sakit. Inalok siya ni Adam ng kasal. Ang lalaking dati kong minahal simula pa noong bata pa ako. "Oo" "Kung gayon bakit ka nagtatago? Bakit nagkakalat ka ng pekeng balita na patay ka na? Sinabi mo na mahal mo rin siya Mirana! Bakit mo ako ipinapadala sa kan'ya?" pinaulanan ko siya ng mga tanong dahil kahit ako ay nahihirapang intidihin siya. Hindi siya tumugon sa halip ay humaguholhol siya ng iyak habang hinahawakan ang aking mga kamay. Naaawa ako sa kakambal ko. "Mirana, sabihin mo sa akin ang lahat para naman maunawaan kita at baka matulungan," wika ko na hinahagod ang kanyang likod. Niyakap niya ako ng mahigpit habang humihikbi sa aking balikat. "Dahil ba kay Marco?" "Tinawagan ako ni Marco, sabi niya gusto niya kaming magsimula muli," bulong niya. "Diyos ko Mirana, akala ko ba'y natauhan ka na, niloko ka niya Mirana. Buksan mo naman ang iyong mga mata, piliin mo na lamang si Adam dahil siya...siyang ang nagmamahal sa iyo ng tapat. Please bumalik ka na sa kanya." Mahirap para sa akin na sabihin ang mga salitang iyon para sa kanya ngunit iyon ang tamang gawin. "Hindi ko kaya Marina, mahal ko si Marco kaya ako humihingi ng tulong sayo. Magpanggap ka bilang ako, hindi naman nagkakalayo ang mukha natin, kambal nga tayo diba. Ikaw nalang ang naiisip kong solusyon para dito. Ipakilala mo ang iyong sarili bilang ako," sabi niya na pinanlaki ng mga mata ko. "Bakit Mirana? Bakit ako?" "Hindi ko ipinagkakait na minahal ko din siya kaya kung ako ang magpapakita sa kanya baka hindi ko kayanin. So if you do it, it will no longer hard for me to break up with him. Come on Marina please," sabi niya habang hawak hawak niya ang aking mga kamay. "Maghiwalay?" tanong ko na hindi kayang iproseso ng aking utak ang kanyang mga sinabi hindi ko siya kayang paniwalaan. "Oo Marina, sabihin mo sa kanya na hindi ko siya mahal at hindi ko na siya kailangan," sabi niya habang tinitingnan niya ang aking mata. "Don't be so hard on him. And besides he loves you and it is not fair for him for you to split up with no valid reason. He thought you were dead, he thought you're gone for good. Then I'll show up? What if everything will go wrong or even more complicated?" "Si Marco ay isang mayamang tao at walang dahilan para malaman niya na buhay pa ako. Marina, dalawang taon na ang nakalipas at sa palagay ko ay naka-move on na siya," aniya na tila wala lang sa kanya ang kanyang mga binitawang mga salita. "Paano kung naghihintay pa siya? Inaasahan na balang araw ay babalik ka para sa kanya." "Mangyaring Marina, gawin mo ito para sa akin. It is only temporary that you will not endure to him" pakiusap niya at dahil doon ay hindi ko mapigilan na tanungin siya. "Kilala niya ba ako?" I asked even though I can't bear to her hear her answer. "Hindi" "Kailan ako aalis?" tanong ko habang nakasulyap sa salamin, I looked at my own reflection. Ako ay magiging isang anino ng aking kakambal sa harap ng lalaking mahal ko noon pa man. "Sa susunod na araw Marina sa lalong madaling panahon I will handle everything," sabi niya at ang kaninang nagdadalamhating mukha ay tila napalitan ng ibang awra. "Okay," sa wakas ay sumuko ako. Pansamantala lamang at hindi ako magtatagal. At inaasahan ko ang lahat ng sinasabi niya. Since I was thirteen, Adam has been my first love. Mirana and he were best friends at the time, so I can't expose myself to him because Mirana didn't want me to be one of his friends. She claims she only wanted to protect me, but I know deep down that she doesn't want me, that she doesn't want a twin sister. I wasn't surprised that even now, Adam is unaware that Mirana has a twin sister, and that sister is me. Hindi ko makakalimutan ang unang pagkakataon na magkahawak kami ng kamay. Si Mirana at siya ay naglalaro sa likuran ng bahay nang umalis si Mirana dahil maghahanda siya ng kanilang meryenda. Naglakad ako palabas ng aming silid. I was tiptoeing when I was in the middle of the stairs nang malapit na ako sa pintuan ay may humawak sa aking kamay. Natigilan ako nang marinig ang kanyang boses. "Mirana, halika may ipapakita ako sayo dali," saad niya na may buong pagkasabik sa kanyang tinig. Agad kong tinanggal ang kamay ko sa kanyang pagkakahawak. Dali-dali akong tumakbo sa aming silid at hindi pinansin ang mga tawag niya sa pangalan ng aking kapatid. Hinintay ni Mirana si Adam na umalis bago siya tumungo sa aming kwarto na punong-puno ng galit. Nung araw ding iyon ay napakarami niyang sinabi sa akin na papaano daw kung malaman ni Adam ang lahat lahat. Those days, she was really distressed. At ngayon kailangan niya ng tulong ko. Makikita ko ulit si Adam, isa ito sa gusto ko ngunit para lamang maging anino ng kambal kong kapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD