MARINA
APARTMENT 9:00 am
"Hindi...hindi pa dapat kami magkita," hingal kong saad hindi naman ako tumakbo ngunit hinihingal ako habang isnasara ang pinto. Para bang hangang ngayon ay hinahabol niya ako.
"Sino ang hindi mo pa dapat makita?" tanong ng tiyahin ko bago niya ako ginapos ng yakap, Napatingin ako sa kanya at kitang-kita s akanyang mga mata ang pag-aalala.
"Nakita ako ni Adam," sabi ko na kinakabahan.
Alam ni tiya ang lahat bago pa an kami makarating dito sa pilipinas. Nung araw ding iyon ay nagpasya siyang sasamahan niya ako kahit na tutol mismo si Mirana. Ngunit sa huli ay wala din siyang nagawa kundi ang hayaan si tiya sa kanyang kagustuhan. Nagsilbing ina na din si tiya para s aakin. Hindi niya kami iniwan nang namatay ang aming mga magulang.
Hindi ko mapigilang isipin kung nag-aalala ba si Mirana sa akin dahil pagkalapag nang pagkalapag ko dito ay hindi niya man lang ako tinawagan o ano. Alam kong hindi naman siya obligadog gawin iyon ngunit kinakabahan talaga ako sa mga gagawin ko. Kapatid ko siya kaya dapat lang na unawain at pagpasensyahan siya.
"Ano ang ginawa mo? Did you make any move that would suspect you? " tanong niya pagkatapos bigyan ako ng isang basong tubig at iginiyang maupo.
"W-wala," bulong ko bago uminom. Tiningnan niya ako at halatang hindi kumbinsido sa aking sagot ngunit hindi na siya nagtanong pa.
"Nakita mo na siya Marina, sana handa ka na sa iyong pinasok," she said as she cupped my face and look at me worriedly.
"Hindi ko alam kung bakit ako pumayag hindi ko alam kung handa ako para dito. I can't say no to my twin," sagot ko habang sumulyap sa bintana.
"Nandito lang ako Marina," aniya at hinila ako sa isang mahigpit na yakap.
"Salamat tiya."
"Marina, alam kong gusto mo ring makita si Adam tama ba ako?" tanong niya habang magkayakap kami.
Tumango lang ako sa sinabi niya.
Alam ni tiya ang aking nararamdaman kay Adam mula pa noong bata pa ako. Sinabi ko sa kanya ang lahat mula nang iwan kami ni papa at mama. Nasa tabi namin si tiya Emilia mula pa noong mga bata kami ay naging tagapag-alaga na namin siya. Para naring anak ang turing niya sa amin.
***
ADAM
PENTHOUSE
"It's her, I know it's her. The way she says my name, the way she looks at me, her touch, her smell but there is something that bothering me and I don't know what it is. I'll find her whatever it takes," I thought reminiscing what happened at the airport.
Pagkatapos kong maligo ay nag-dial ako kay Scott. Matiyagang hinintay ko ang kanyang sagot habang nakatayo sa dingding ng salamin at nakatingin sa mga ilaw ng lungsod.
"Kamusta Adam," sagot sa pangalawang linya.
"Nakita ko siya."
"Nakita sino?" tanong niya sa pagkalito.
"Mirana, nakita ko siya sa airport."
"You're hallucinating Adam, we both know that Mirana is dead. Please Adam let's get over it," galit niyang sinabi.
"Seryoso ako Scott. Talagang nakita ko siya, she even say my name. Buhay siya, buhay si Mirana. Scott hindi ako niloloko ng mga mata ko, sinasabi ko sa iyo ang totoo," I stated firmly and clearly to him.
"You know me well. MAniniwala lang ako kung may ipapakita kang proweba. Alam kong stress ka at nasasaktan ka pa pero huwag ka naman sanang gumawa ng kwento na pati ako dinadamay mo sa kabaliwan mo. Kaibigan kita pero hindi na kita masakyan s amga kabaliwan mo. Man, wake up."
"Marami kang kaibigan sa bawat ahensya ng mga airport 'di ba? Gusto kong ipa check mo kung may pangalan siya doon. Yan ang proweba ko," saad ko at narinig siyang nagbuntong-hininga and it looks like I already convinced him.
"Okay gagawin ko ito bukas ng umaga dahil alam mo naman diba busy ako sa trabaho mo. Nakakahiya naman kasi sayo. Tatawagan kita pagkatapos."
Pagkatapos naming mag-usap ay tumingin ako sa mesa at kinuha ang larawan na nakapatong, larawan naming dalawa.
"Mirana, bakit mo ako itinatanggi?" bulong ko sa hangin habang titig na titig sa aming larawan.
FLASHBACK
"Adam, game of thrones ulit?"
"Sweetheart nagseselos ka ba?" I chuckled as I grip her waist and pulled her closer.
"No I'm not," she clenched her arms to my waist and kissed me in the neck, leaving me with a taste of affection.
"Tinutukso mo ako sweetheart," ungol ko.
"No I'm not," she purred. I kiss her hungrily till she moaned my name.
"Ohhhhh, Adam," malakas na ungol niya.
"Mahal kita Mirana," sabi ko bago hinalikan ang noo niya at niyakap siya ng mahigpit.
"Mahal din kita Adam," she replied before giving me a peck in my lips.
"Come back to my life, Mirana."