Chapter Four

1059 Words
Palihim na Pinagmasdan ni Regine si Ryle na nag o-operate ng helicopter. What's with the expression on his face? Bakit parang worried parin siya kahit nakatakas na? Pinilig niya Ang ulo. Kanina pa siya walang kibo sa loob ng helicopter. Kung ilang oras na Ang nakaraan ay hindi na niya alam. Saan ka pupunta? Tanong sa isip niya. Hindi Kasi alam ng lalaki na nakasama siya sa pagtakas nito. Actually, kanina pa niya ito Pinagmasdan Mula sa backseat. Ibinaluktot lang niya ang sarili upang hindi siya Makita. Hindi lang talaga niya Kasi kayang pigilan si Ryle. Baka mapano pa siya. Bumuntong hininga siya at sumandal sa likod ng upuan; napapikit at dagling nanalangin. Maingat siyang tumanaw sa labas ng bintana at Wala siyang clue kung nasaan sila. Madilim pa. Pulos puno,walang building at walang dagat. Isa lang ang sigurado siya hindi na iyon sa Cabanatuan. "Aragon, nasan Tayo?" Dahan-dahang nilapitan ni Gwen ang nagpa pilot na si Ryle. itinutok niya ang baril na nakuha niya sa upuan ng helicopter. Hindi niya alam kung bakit meron niyon doon. Pero mabuti nalang at may magagamit siya. "Ano'ng ginagawa mo dito? Paano ka nakasakay rito?" Sunod-sunod na tanong nito, bakas sa Mukha nito ang pag-aalala na dagling lumingon nang marinig Ang kaniyang boses. "Sumunod ako. Sa sobrang eager mo makatakas, hindi mo napansing sumunod ako sa'yo. Ngayon sabihin mo sa akin, saan Tayo pupunta!?" Lalo niyang itinutok dito ang baril na pinipilit huwag manginig. God, pakiramdam ni Regine ay ganap na siyang pulis, Exciting pero nakakatakot. Kapag nahuli niya si Ryle, ano kayang magiging reaksyon ng kaniyang pinsan? Umiling-iling siya at pinagalitan Ang sarili sa iniisip. "Nasa Mindanao na Tayo," kaswal na sagot ni Ryle na hindi parin inaalis Ang tingin sakanya. "Gusto mo akong barilin ? You wouldn't dare. Marunong kang mag operate ng helicopter? 'pag tinuloy mo yan, pareho tayong mamamatay. Kaya kung ako sa 'yo, ibaba mo na yan." Hindi parin inalis ni Gwen ang pagkakatutok ng baril sa lalaki. Hindi siya marunong mag operate ng helicopter at ayaw Rin niya mamatay. Hindi Rin niya kayang pumatay ng tao. minabuti niyang ibaba Ang hawak na baril. "Alam ko Naman na hindi mo ako kayang barilin, Kasi kung gusto mo akong mamatay, kanina pa Sana sa CPD pinabayaan mo na ako, di'ba?" Tila may paglalambing pa sa boses nito. Gwen saw it again , the same beautiful eyes na tumitig sa kaniya nang nakaraang araw. Pero hindi siya padadala Kay Ryle. Naisip niya na baka pag landing niya patayin na siya nito. Or worse ... Baka pagsamantalahan pa siya! "Subukan mong Gawin sa'kin iyon at hindi ako magdadalawang isip na barilin ka!" Aniya na muling itinutok ang baril. "Hey! Ano bang pinagsasabi mo diyan?" Sinimangutan siya ni Ryle. Obviously, he did not know what was on her mind. Natigilan si Gwen at muling ibinaba Ang hawak na baril. Ibinaling niya Ang tingin sa unahan ng helicopter. To her shock, muling nanlaki ang kaniyang mga Mata. "Ryle! Ryle!" "Ha!?" Dagli Naman itong napalingon sa unahan. Paano naman Kasi huli na Ang lahat at pabulusok na sila! Hindi na nila maiiwasan ang mabanggang mga puno. "Maupo ka. Ikabit mo Ang seatbelt mo, Dali!" Agad na utos ni Ryle. Ngunit hindi na kayang Gawin ni Gwen. Nahampas ang katawan niya sa magkabilang side ng pader ng helicopter at doon nawalan siya ng ulirat. Hindi maipaliwanag ni Gwen kung anong klaseng sakit Ang kanyang nararamdaman. Masakit Ang kaniyang likod, Ang ulo, at Ang mga Braso----- lalo na Yung napilay. Gumalaw siya ng kaunti ngunit napangiwi sa sakit na nadama sa tagiliran. Akala niya ay katapusan na niya. Pinilit niyang tumayo. Hinanap niya si Ryle na naroon lang malapit sa kanya, pilit din na tumayo. Kinabahan siya nang lumapit sakniya, but he only offered his help; iyon nga lang tinanggihan niya. "Sigurado kang okay kalang? Tatlong beses ng tinanong iyon ni Ryle matapos nilang makababa sa bumulusok na helicopter. Marahang mga tao lang Kasi Ang isinagot niya kanina. "Yung totoo? Hindi ako okay! Sa tingin mo, okay ako sa paghampas-hampas sa pader?" Naiinis niyang tugon. "Ako na nga itong concerned, Ikaw pa Ang galit? Bahala ka nga diyan!" Turan Naman nito. Tila Walang napinsala sa katawan ni Ryle na dere-deretso pa ring maglakad. Pinagmasdan ni Regine ang paligid. Nakakapanginig-balahibo ang ambiance ng gubat, lalo na at Gabi pa Naman. "Sandali lang! You're under arrest!" Tahasan niyang sabi ng ibaling Ang tingin Kay Ryle. "Wala ka namang posas at Wala ka ring baril," anito, humarap sa kaniya. "Sa tingin mo, magagawa mo akong arestuhin?" Napanganga siya. Napaka helpless niya sa sitwasyong iyon. Tama nga si Ryle. Wala siyang kalaban-laban. Tumalikod siya at nagtangkang bumalik sa nasirang helicopter. Subukan niyang humingi ng tulong gamit ang transceiver doon. "Saan ka pupunta?" Paliliparin mo pabalik ang sirang helicopter?" "Susubukan Kong magkaroon ng contact. Baka- sakaling may makatulong sa atin. Natawa ng bahagya ang lalaki. " You don't to make contact. May mga kasama ako rito. Kaunting lakad lang natin, makakarating na Tayo sa -------" "Dito ang hide-out mo?! You are really a murderer! Marami kang kasabwat sa pagpatay ni Mayor? Anong kaluluwa meron ka,?" Dagli niya itong itong nilingon dahil lalo siyang kinabahan. Napakunot-noo Naman si Ryle. "Ang dami mo namang tanong. Let me answer your first question. Oo aaminin ko, dito Ang hide out ko dahil bukod sa malayo, narito Ang taong tanging mapagkakatiwalaan ko at para ko na siyang kapatid at siya nalang Ang itinuturing Kong kamag-anak. Wala na akong pamilya, for your information. Pero hindi ako murderer gaya ng sinasabi mo na sinabi Rin ni Carlos sa buong pilipinas. At ika apat mong tanong? No comment ako diyan." "Sinungaling, mamamatay-tao ka!" Sigaw niya. Katahimikan ang namayani SA kanila nang ilang Segundo. Mayamaya pa ay humakbang si Ryle palapit sa kaniya habang nakatitig sila sa isa't Isa tuloy ay bahagyang napaatras si Gwen. "Hindi ko pinatay si Madam Carlos!" Ang tinutukoy nito ay Asawa ni Mayor Carlos, "Nagtrabaho ako, ako bilang bodyguard niya at napalapit ako ng husto sa kaniya. She's very important to me. But if you really insist that I am a murderer," hinawakan nito ang kaliwa niyang kamay at pinahawakan nito ang kanina ay nabitawan na baril na hindi niya alam kung papano nakuha ng binata---- at tinutok sa dibdib nito, "shoot me now. Iputok mo . Kung yan ang ikatatahimik ng isip mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD