Chapter Three

1222 Words
kahabaan ng Kapt pepe street. Habang nakahawak sa isang balikat. Hindi siya pupunta ng CPD, sa halip ay pupunta siya ng manghihilot. Napilay ata ang kaniyang Braso dahil natamaan siya ng pagkalaki-laking video camera na dala ng isang camera man nung nakaraang araw. Sa Braso lang niya tumama ang video camera pero ramdam niya ang sakit hanggang dulo ng mga daliri. Hindi man sa CPD Ang destinasyon ay saglit pa Rin siyang nahinto sa tapat ng naka bukas na gate niyon. She noticed the NBI team was in gear uniform and so was Ryle. Ipinasok ng mga ito si Ryle sa isang sasakyan. Alam niya na Iaalis na nang mga NBI soon Ang dating SOAR team Captain at ililipat sa NBI custody sa maynila. Napailing si Gwen, nahuli na Ang lalaki, pero bakit para yatang Wala siyang madamang satisfaction? Minabuti niya na humakbang palayo bago pa man mahawa ng kakaibang aura ng istasyon. Pero hindi pa man nakakalayo ay may muling pumigil sakaniya. Isang malakas na pagsabog ang kaniyang narinig halos mabingi siya. At napayuko siya at tinakpak Ang ulo; nadapa at bahagyang napaatras dahil sa lakas ng pressure ng pagsabog. Iyon ang Unang pagkakataon na Makita si Gwen ng ganitong scene. Tila may bumangong Takot sa kaniyang puso. But she also remembered that she was soon going to be police officer Gwen Rose Alcantara. Hindi pwede matakot! Bahagya siyang naka-recover. Pero may sumunod na Naman na ilang malakas na pagsabog. Malapit iyon sa main door at Wala nang sumunod pa dahil malaking sunog na ang naganap. Nasunog ang magagandang halaman na nakatanim sa paligid niyon at pati Ang poste ng police station at iba pang sasakyan. Hindi alam ni Gwen kung bakit Wala siyang marinig na alarm. Nabasag yata ang eardrum niya. Lalapit Sana siya sa mga nasaktang opisyal para saklolohan Ang mga ito. Ngunit sa isang sasakyan siya napalingon kung saan naroroon si Ryle na nakatagilid, nasusunog na ang kalahati ng sasakyan. Nakita niya na nakaluhod Ang lalaki, pilit na tinatanggal Ang posas na nakakabit sa bakal ng nakabukas na sasakyan. "Officer, pakawalan mo ako bilis!," Gusto sana niyang sagutin si Ryle kaso walang lumalabas sa kaniyang bibig. Nalilito siya pakakawalan ba niya ang isang mamamatay-tao.? "Miss! Tulala ka lang ba diyan? Masusunog na ako, o! Hinila ni Ryle Ang posas ngunit Wala itong magawa para makawala. Nagitla nang bahagya si Gwen. Papano kung patayin siya nang lalaki kapag pinakawalan niya ito? Papano kung makatakas ito at pumatay pa ng ibang tao? Pero gumana Ang mabuti niyang puso. Nilapitan niya si Ryle at hinawakan ang posas. Pinairal niya ang kunsensya. Wala mang susi pero meron Naman siyang perdible sa damit. Salamat din sa "master of lock-picking " niyang pinsan na nagturo sakaniya kung paano mabuksan ang mga simpleng lock. Mabuti nalang at mabilis gumana ang kaniyang isip at iyon Ang ginamit niya. Hindi naman niya Kasi maaatim na masunog si Ryle at maging uling. Kaya lang ng mapakawalan niya ito ay walang pasabing hinatak siya nito. "Aray! Ano ba? Bitawan mo ako? Pagpupumiglas niya. Ngunit parang walang narinig si Ryle. Hinila siya ng binata papalayo at papunta sa likuran ng police station. Napatili siya nang malakas nang sumabog ang sasakyan kung saan nakaposas si Ryle kanina lang. Kapwa sila natigilan saglit, ngunit kalaunan hinila siya ulit nito. Hindi na niya alam kung ano Ang iisipin. Hatak-hatak siya ng fugitive na ito at baka patayin siya anumang oras. Gusto niyang tulungan ang pinapangarap ng mga soon-to-be comrade, pero hindi niya magawa. Iyan ba ang magpupulis, Gwen? Umukilkil sa isip niya ang sinasabi ng isang bahagi ng kanyang pagkatao. "Aray! Tulong! 'andito si-------- Biglang tinakpan ni Ryle Ang bibig ni Gwen at hinila siya patago sa malalagong Chinese bamboo. Shock rushed through her system. Natakpan ng isang kamay nito ang kaniyang bibig while his left arm was wrapped so tight around her waist. "Hindi n'yo ba siya nakita?" "Hindi, eh!" Dalawang lalaki din ang nasilip nila na dumaan din kung saan sila naroon kanina. Siguradong si Brandon ang hinahanap ng mga ito at hindi maaaring magkamali si Gwen. Mga tauhan ni Mayor Ang dalawang lalaki at hindi Ang kaniyang mga "comrade." Muli na Naman siyang hinatak ni Ryle ng umalis Ang mga lalaki. "Ano ba? Bakit mo pa ako hinahatak, eh pinakawalan na Kita!? Parang awa mo na, bitiwan mo 'ko!" Ngunit tila Walang narinig si Ryle. Wala na siyang choice kundi saksakin ito. Mabuti nalang at may swiss knife sa kaniyang bulsa. Pero sadya yatang mas mabilis Ang kamay ni Ryle inihagis nito sa halamanan ang pinakamamahal niyang original swiss knife. Napanganga si Gwen habang Pinagmasdan ang pag landing ng kutsilyo sa isang halaman at mahirap narin iyong maabot. Umiling at nakangisi si Ryle nang ibalinh niya Ang paningin dito. Naisip niya na ihand-to-hand combat ang kriminal na ito ngunit pero walang silbi pagiging brown belter niya sa expert na lalaki. One of Gwen's capabilities was the ability to remain calm even in unpleasant situations. Pero ngayon ay nanghihina siya. Sino ba Naman Kasi Ang hindi magpa-panic? Mas malakas si Ryle. Ex-force, ex-SOAR team captain with various experiences pagdating sa pakikipag laban, higit sa lahat, convict. Wala na siyang nagawa. Baka Kasi pag magsalita pa siya at tuluyan na siya nito. Pumasok sila ng east wing ng istasyon kung saan naroon Ang dark room at hagdan papuntang rooftop. Nagpahatak lang siya hanggang nakarating sa itaas kung saan naroon ang security door papuntang helipad. "Password," malamig nitong utos. Bahagyang hinagis ni Ryle si Gwen sa security door. Tinignan niya ito nang matalim at dinapo Ang kaliwang Braso. Iyon ang sumasakit na bahagi ng katawan niya dahil nabagsakan ng video camera ng damuhong video cameraman nang nakaraang araw. Nadoble pa iyon dahil halos durugin ni Ryle Ang kaniyang Braso dahil sa mahigpit nitong hawak. "Ano pa'ng hinihintay mo? Sinabi nang password!" Nagulat at napapikit naman siya sa pagsigaw ng binata. Tinignan ang security camera na nasa sulok ng kisame at umaasa siya na makakatulong Ang camera para Makita manlang siya ng kaniyang mga com-rade. "Walang magagawa Ang camera na 'yan! Hindi ka niyan matulungan kaya bilisan mo bago pa uminit Ang ulo ko!" Singhal nito. Naiiyak na si Gwen. Hindi pa nga siya nagsisimulang magtrabaho bilang pulis, eh "notorious suspect" na agad ang nakaharang niya. Hindi niya Naman inaasahan iyon pero kailangan niyang magpakatatag. Nanginginig Ang kamay pati Ang buong katawan. Isa pa, hindi niya alam ang password dahil ngayon nga lang siya nakakatungtong sa Lugar na kinatatayuan nila ngayon. "Bilis Ang bagal----- " Hindi ko alam!" Hindi na napigilan ni Gwen ang galit kaya nasigawan na niya si Ryle. Napanganga Ang binata, sandaling natigilan at dagling lumapit sa security door. Dumistansya naman siya habang Pinagmasdan na tina-type nito ang password. Alam ba ni Ryle ang password? Bakit hindi siya nito pinilit? "When I was here a year ago, the password was ROMEOXJULIET. Wala na na kayong maisip na password? Ang daming phonetic alphabet. Bakit parang Ang couple na iyon ang ginagamit n'yo?" Nagawa pa nitong manermon. Paanong nalaman pa ni Ryle ang password? Nilingon ng binata si Gwen ngunit umiwas siya ng tingin. Awtomatiko Naman na bumukas Ang pinto ng pindutin nito ang "ENTER" button. "Thank you, officer," huli nitong sambit, sumaludo pa at nagmamadaling umalis. Agad niya itong sinundan at walang Duda nga na tatakas si Ryle gamit ang department helicopter.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD