Chapter five

1440 Words
Napanganga si Gwen. Wala siyang nagawa kundi ang umiling. Muli ay matagal silang nagkatitigan. Bakit para yatang naawa siya Kay Kyle. Batid niyang totoo ang sinasabi ng binata dahil nakikita niya sa mga Mata nito. But some like him could decieve anyone. Was the man really a criminal or was he innocent? Nagrambol tuloy Ang kaniyang isip. Dahan dahan nilang ibinaba ang kapwa hawak na baril. Muling tumalikod si Ryle at humakbang palayo sa kaniya. Ngunit mayamaya ay muli itong nahinto.. He looked over his shoulder. " I guess, gusto mong sumama sa akin? Delikado rito sa gubat para sa isang tulad mo." "Go ahead," dagli niyang sagot mailing at natawa Naman ito sa pinakita niyang pride. "Hindi lang mga lion Ang nandito. Marami rin dito na tigre, oso, at mga paniki marami rin dito na kapre, tikbalang-------" "Sandali! Sandali," mabilis na lumapit si Gwen Kay Ryle na tila nawala yata ang lahat ng sakit sa katawan niya. Mas gugustuhin pa niyang makaharap Ang mga mag nanakaw at kriminal kaysa ang mababangis na hayop sa gubat at lalo naman ang mga out-of-this-world creature. No choice siya. Aminin man niya o hindi, si Ryle lang ang kaniyang pag-asa para maka-survive sa nakaka Takot na gubat na iyon. Nakatakas ang isang sulok ng mga labi ng binata nang sulyapan siya kaya irap naman ang iginanti niya rito. Mukang Hindi naman ito gagawa ng masama kahit paano. Besides, may hawak siyang baril na kapag nagpakita ito ng Hindi maganda ay maaaring kalabitin niya iyon ano mang oras. Patuloy siya sa paglalakad. Walang magawa si Gwen kundi ang sumunod; Isa pa ay talagang nakakatakot Ang gubat; Pulos puno lamang ang kaniyang nakikita; mga kuliglig at kwago Ang naririnig maliban sa mga hakbang niya at ng kaniyang Kasama. Mabuti na Lang at bilog ang buwan dahil kung nagkataon na hindi at Wala silang makikita. "Saan ba Tayo pupunta?" Hindi na niya napigilan itanong dahil kanina pa sila naglalakad, mi Hindi man lang umiimik Ang lalaki. "Basta sumunod ka nalang. Saka na Ang tanong kapag nakarating na Tayo sa destinasyon natin, ha?" Nagtuloy sila sa paglalakad, pero saglit na nahinto sa kinatatayuan ay mayroong lupang pababa, nasa nine feet Ang Taas at hindi kaya kung mag-i-slide lang. "Medyo malalim ito pero kailangan nating makababa," untag ni Ryle, saka tumalon. Ni hindi manlang ito natumba o nagbago ang perpect posture. Saglit na natigilan si Gwen at lihim na hinangaan Ang lalaki sa katatagan nito. "Halika," tawag nito habang nakabuka Ang mga Braso. Napanganga siya. Balak ba siyang kargahin saluhin ni Ryle? Umiwas siya ng tingin, saka walang pasabing tumalon. Tinanggihan niya ang offer ni Ryle na saluhin siya, ngunit nagkamali siya ng pagtalon pagkalapag na pagkalapag niya sa lupa ay awtomatikong siyang nadapa. "Aray! Aww..." Napangiwi si Gwen at agad na sinapo Ang isang paa na namali ang bagsak napasalampak siya sa lupa. Napalatak at umiling-iling si Ryle. Tinapunan niya ng masamang tingin Ang binata at pinilit na tumayo. Nakagat niya ang ibabang labi. Diyos ko parang awa n'yo na po, tahimik niyang saying. "Iba talaga Ang nagagawa ng pride 'no? Alam mo ba na Isa yan sa seven deadly sins?" Sabi nito na tila natatawa pa. "Hindi ako ma-pride!" "Eh, ano'ng tawag sa ginawa mo?" Iniwasan niya ng tingin si Ryle. Bakit ba niya tatanggapin Ang officer nito? First of all, ang lalaki Ang suspect sa pagpatay sa Asawa ni Mayor Carlos. Pangalawa ay ito rin Ang dahilan kung bakit Wala siya sa Cabanatuan ngayon. "Basta, 'eto ang tandaan mo, huwag na huwag kang hihiwalay sa akin kung ayaw mong mapahamak. Kahit medyo pamilyar Ang Lugar na ito, hindi ko alam kung anong meron tuwing sasapit Ang Gabi." "Ewan ko sa'yo ..." She muttered. Ngayon Naman ay sapo niya Ang kanyang balikat. Pero alam niya na mayamaya lang ay mamamaga na Ang isang paa. Hindi narin siya magtaka kung bakit kabisado ni Ryle kung saan maglalanding Ang helicopter. No wonder. This man was intelligent. Iyon nga lang ay convict. "Naiintindihan mo ba Ang sinasabi ko?" "Hmp!" "I said, naiintindihan mo ba ang sinabi ko?" Tanong nito sa malamyos na tinig, hinawakan siya sa baba saka iniangat ang kaniyang Mukha. Muli ay kapwa nagtama Ang kanilang paningin. Hindi naramdaman ni Gwen na lumapit ang binata sa kaniya. Ni hindi man lang narinig Ang mga yabag nito. Napanganga lang siya , dahilan kung bakit napatingin si Ryle sa nakaawang niyang mga labi. And he even brushed his thumb against her Lower lip. "Closed your mouth. Kung hindi may papasok diyan. Do you like that? Anito, tumaas ang sulok ng mga labi. Agad naman siyang napaatras at muling umiwas ng tingin, saka nakasimangot na tinakpan ng sariling kamay Ang bibig. Narinig niya ang mahinang tawa ni Ryle humakbang ito papalayo sa kaniya. Tinignan lang niya Ang binata habang naglalakad. This man is really full of mystery. "Pwede bang magpahinga muna Tayo? " Tanong niyang nakangiwi. This is it mukhang lumobo na ang ugat sa Isa niyang paa. Pero pinipilit parin niya na makalakad. Kaya lang hindi na niya kaya dahil Masakit na iyon. Naupo siya sa ilalim ng isang puno. "Ano? Pagod kana agad?" Lumingon si Ryle na medyo nakalayo na. He muttered a curse nang makitang nagpapahinga na siya pero lumapit din ito. Tiningala niya Ang binata nang mag stop over sa kaniyang harap. "Ano bang klaseng police officer ka?" Bakit ang Dali mong mapagod!?": Sino ba kasi nagsabi na police officer ako? Binaling ni Gwen ang tingin sa malayo. "I guess, this is the reason," anito, nakaluhod sa kaniyang harap at nakatingin sa paa niyang namamaga. Nakatsinelas lang Kasi siya. "Masakit ba?" "Ouch!" Napasigaw siya nang Wala man lang pasabi na pinisil ni Ryle Ang paa niyang namamaga. "Ano bang problema mo? Bakit mo pinisil?" Natawa si Ryle at umupo. " I'm sorry. Ikaw Naman Kasi. Ang tigas ng ulo mo. 'ayan tuloy, namali ang bagsak mo. " Nabigla si Gwen ng muli ay hawakan nito Ang namamaga niyang paa. But this time, his touch was more gentle. Magpoprotesta sana siya pero tila nagbabanta Ang tingin nito kaya napaatras Ang kaniyang dila. "Tiisin mo muna. Medyo Masakit ito, pero mababawasan din Ang sakit kahit papano. "A-aray!" Daing niya nang magsimulang humaplos ang daliri nito sa kaniyang paa. "It's okay, I'll do it slowly." Brandon massaged her feet firmly but gently. Mukhang Hindi niya maramdaman Ang sakit dahil Ang mainit nitong palad ang kaniyang nararamdaman. Nag-init Ang kaniyang mga pisngi. Ano ba Ang gustong palabasin ni Ryle? Na mabuti itong tao? Eh, Wala namang audience! Mayamaya pa ay kumuha ang binata ng panyo sa bulsa at itinali nang mahigpit sa kaniyang paa at iyon ang nagsilbing bondage. Did he really care about her? Hindi niya na alam kung anong iisipin. "Mas mabuti na ito kaysa sa Wala," sabi ni Ryle ng matapos. Lumingon-lingon Ang binata sa paligid saka tumayo. Dinampot Ang isang mahabang sanga ng kahoy at iniabot sa kaniya. "Get up, Miss Ego. Hindi mo Naman siguro gustong magpabuhat sa akin, hindi ba? Hindi Naman Tayo pwedeng umistambay dito ng matagal." Napabuntong hininga si Gwen at napilitan tumayo, saka kinuha ang inabot ni Ryle. Kahit paano nawala Ang sakit sa kaniyang paa. "Thanks. Pero hindi 'Ego' ang pangalan ko. " "Oo nga pala. Kanina pa Tayo nag-uusap. Ano nga ba'ng pangalan mo?" "Gwen. O, mauna ka nang maglakad ginoong Ryle." Tumango-tango ito "Okay. Gwen, sabihin mo lang pag hindi mo na kayang maglakad. Papasanin nalang Kita," anito saka tumalikod. Napanganga si Gwen ng sambitin nito Ang pangalan niya. Parang may kung anong kakaiba pag ito Ang bumanggit ng pangalan niya. Nagpatuloy sila sa paglalakad, ngunit parang higante si Ryle kung humakbang. Medyo malayo na ito sakniya. "Ang bagal---- mo Naman." Huminto ito. Hindi niya ito pinansin bagkus ay nagpatuloy siya sa paglakad. "Wala akong magagawa, Masakit Ang paa ko. So please bear with me." "Kung Ikaw walang magagawa, ako meron," pagyayabang nito. Mabilis itong lumapit sa kaniya at walang pasabing binuhat siya! "A-ayy!" Hindi niya sinadyang mapatili. Naiyakap niya Ang isang Braso sa leeg ni Ryle. "A-ano ba, ibaba mo ako!" "Aabutin Tayo dito ng bukas kung lakad-pagong ka," anito na muling humakbang. Itinulak niya ng buong pwersa Ang binata, pero hindi ito natinag. "Ibaba mo ako! Ano na!?" " Pwede ba? Wag ka nang maarte at maingay. Huwag kang mag-alala, hindi ako mabibigatan sa'yo. Ang Gaan Gaan mo nga, eh." Anito, saka ngumiti "ilang pounds kaba?" Sumasakit narin ata pati ulo ni Gwen. "Hindi Naman iyon ang pinopoint ko." "If that's not your point, then shut up. 'Pag Hindi Kita binuhat, mas problema iyon. Okay? Shut up. " Diniinan pa lalo ni Ryle Ang huling sinabi.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD