Chapter two

1071 Words
"RYLE TRAIN MCGREGOR" usal ni Gwen habang binabasa ang lumang Resumé ng dating SOAR team Captain. Kasalukuyan siyang naglalakad sa tahimik na Lugar ng Kapt.pepe Street kung saan sa unahan niyon ay Ang Lugar ng CPD na. Ihahatid Kasi niya Ang hinihiram na libro ng kaniyang pinsan. "Kailangan pa talagang ibigay sa akin ito ni kuya Mark? Gusto niya ba na magbago Ang tingin ko sa lalaking ito?" Aniya habang tinitignan Ang lumang Resumé ni Ryle. Napulot lang daw ito ng kaniyang pinsan nang nakaraang araw sa isang basurahan ng CPD ng mag dispose ng ilang basura ng mga old files ang himpilan. Gusto lang Kasi ipagmalaki nang kaniyang pinsan Ang naabot ni Ryle. Palibhasa, idolo. Ibinaling ni Gwen ang atensyon sa two by two picture ni Ryle saka nagbasa. Ayon sa nakasulat sa resumé Ryle Mcgregor was a PMA class Valedictorian, batch 2004 , five years sa Phillipine Air forc, one year bodyguard at three years sa SOAR team Cabanatuan Police Department. Marami rin itong iba't ibang sinalihang affiliations at organizations pati achievements. Ayon sa kaniyang pinsan, marami ring odd experiences si Ryle na talagang beterano lang ang pwedeng makagawa. Ang higit na hindi siya makapaniwala ay at the ages of twenty-nine, naging team captain na si Ryle ng SOAR team. Naalala tuloy niya Ang sabi ni kuya Mark noong isang araw...... "Any ex-military or graduate of criminology , or any four-year course ay pwedeng mag-apply sa SOAR team. Walang age discrimination dito. As long as makapasa ka sa criteria for the position you are applying for. Having a work experience related to the job is an advantage." So. This man is really a genius. Muling ibinaling ni Gwen Ang paningin sa sa two by two picture ni Ryle. How can this man became a criminal? He was quite good-looking man in his Phillippine Air force uniform. Hindi ito nakangiti pero hindi rin nakasimangot. And he seemed to look professional. Paano mo nagawang pumatay ng tao, Captain McGregor? Tanong niya sa sarili. Ang galit na nararamdaman noon ay tila napalitan ng panghihinayang. Pinagkatiwalaan si Ryle ng mga katrabaho at tao sa paligid, pero sinira lang nito Ang sariling imahe sa isang iglap. Saglit na napahinto si Gwen dahil may umagaw ng atensiyon niya. Nasa tapat na pala siya ng bukas na Gate ng CPD. Iniipit niya Ang resume sa libro. Maraming pulis at iilang press Ang nasa loob ng gate, Kasama si Mayor Carlos at Ang mga bodyguard nito. Sunod-sunod Ang flash ng camera at hindi mapigilan Ang sunod-sunod na pagtatanong ng mga press ang kaniyang narinig. May bahid na lungkot ang Mukha ng mayor pero napansin niya na parang napipilitan lang ito. "Gaya ng pinangako kosa sarili ko at sa bayan, naipahuli ko na ang kilabot na pumatay sa aking mahal na Asawa," sagot nito sa kung anumang tanong ng press. "Kuya Mark! Ano'ng meron?" Dala ng kuryusidad at kahit bawal, pumasok si Gwen sa gate at tinawag Ang nakitang pinsan. Mula sa nagkukumpulang mga pulis, lumapit si kuya Mark sakanya. "Si Captain Ryle, nahuli na," sagot nito ng may pag-aalala. "Saan siya nahuli?" "Sa isang bahay ampunan, lumaki si Captain Ryle dito sa bayan natin pumanaw na 'yong isang Madre na nag-aruga sa kaniya. Eh, balitang sobrang malapit daw siya do'n. Malamang nabalitaan niya kung kanino na namatay na. Nahuli siya sa huling lamay kanina sa bahay ng Madre. May nakakita siguro," Paliwanag nito sabay hila sa kaniya. "Mas malapit kung dito natin siya titignan. " Dinala siya ni kuya Mark sa pwesto na kung saan tanaw na mas malapit ang iilang sasakyang pampulis. Mula sa isa sa mga sasakyan naroon may nakita si Gwen na kumikinang na bagay. Dog tags. Bumaba at naglakad ang isang matangkad na lalaki na may suot niyon,nakaposas ang mga kamay. Sunod-sunod Ang tanong ng press sa lalaki kaya saglit na nahinto sa paglalakad ang mga pulis na nagdala rito. Iyon kasi Ang utos ni Mayor Carlos na bigyan ng chance Ang mga reporter na makakuha ng impormasyon pati ng picture. Tila nakaramdam ng pagkadisgusto si Gwen, Hindi niya alam kung bakit, ngunit tila Wala lang Ang nangyayari sa lalaking naka posas. Imbes na yumuko ay taas-noo itong lumakad. Pero Mayamaya ay nahinto sandali Ang lalaki at napatingin sa gawi niya. Napanganga siya sa ng magtama Ang kanilang mga paningin, mapungay na animo nakangiti Ang mga Mata ng lalaki, tila nangungusap din. Ito ba talaga si Ryle? Iba ang itsura ng lalaki sa personal kaysa sa resumé, he had a short beard and mustache: medyo long hair pa. Pero sa kabila niyon ay pansin parin Ang gwapong Mukha nito. Nakamaong na kupas si Ryle at nakasandong itim Kaya kapansin-pansin Ang mga biceps. Tawag pansin din ang mga pilat sa magkabilang Braso. Natauhan lang si Gwen nang tumaas Ang isang sulok ng labi ni Ryle. Muli na namang in-escort-an ng mga pulis Ang lalaki na lumakad. "Uyyy! Gwen, nakita mo? Nginitian ka ni Ryle siko kaniya ni kuya Mark. Bakit parang natutuwa pa Ang pinsan niya? "Hala! Gwen, ipagdasal mo na huwag siyang makatakas ng kulungan kundi baka Ikaw Ang Una niyang biktimahin ngayon!" Pananakot Naman ni JR, police inspector din at kaibigan niya. "Tumigil ka nga! JR, huwag kang gan' yan!" Itinulak niya Ang kaibigan. Tawa lang ang isinukli ni JR. "Teka lang, titignan ko lang siya! Idol here I come!" Saka biglang kumaripas ng takbo. Isa Rin ito sa umiidolo Kay Ryle. "Ah. Gwen, mabibigyan narin ng katarungan ang aking Asawa. Ipagdasal mo na panghabang - buhay na si Ryle sa kulungan." Lumapit Ang mayor sa kaniya na napansin pala na naroon siya, saka bahagya pa siyang tinapik sa pisngi. "Oo nga po, Mayor." Matipid siyang ngumiti kakilala rin ni Gwen si Mayor Carlos dahil madalas itong kliyente ng kaniyang mommy. Lagi kasing nagpapa facial at nagpapa guwapo. Nang makaalis si Mayor Carlos at Ang mga tauhan nito sa kanilang harap ay napansin niya na bumubulong - bulong Ang si kuya Mark. "Eto na Ang ipahihiram ko sayo Romeo and Juliet! Mahirap intindihin yan," sabay abot niya ng libro sa pinsan. Muli ay Pinagmasdan ni Gwen ang paligid naipasok na sa loob si Ryle pero patuloy parin Ang press sa pagtatanong sa iilang opisyal na naroon, maging sila ni kuya Mark ay nilapitan din ng isang reporter at cameraman. Ngunit bago pa tuluyang makalapit ay biglang natapilok Ang cameraman at napasub-sob sa kaniya. Then there was a sudden pain in her shoulder.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD