Chapter One

1173 Words
Kahit ilang beses nang nakita ni Gwen  ang Cabanatuan Police Department o CPD, hindi pa rin niya maiwasang humanga nang gusto sa establisimyento. Matagal siyang nakatitig sa malaking gate niyon bago siya pumasok. Malaki ang CPD, at para sa kaniya, iyon Ang pinaka magandang police station na nakita niya. Ipinangako niya sa sarili na doon siya mag-a-apply tutal naman ay nakapasa siya sa NAPOLCOM examination. May iilan din siyang kakilala roon na puwedeng magrekomenda sa kaniya. Isa na ang kaniyang pinsan na si kuya Mark na siyang hinihintay niya sa labas. Mangilan-ngilang police officer sa labas ang ngumingiti at bumabati sakaniya at ganoon din Ang ganti niya sa mga ito. "Mayor Jay Dominguez Carlos has a  lead regarding his wife's murdurer," naka simangot na sabi ng isang lalaking mukhang isang police inspector sa tindig, Mataas at maputi Ang police. Binabasa nito ang artikulo ng isang diyaryo habang naglalakad palampas Kay Gwen, "Pinag iinitan na naman ni Mayor Carlos si Captain Ryle. Bakit hindi muna niya bigyan ng atensyon ang mabibigat na sindikato dito sa Lugar?" Anito na animo kausap Ang sarili. "Hoy, Kuya Mark!" Tawag ni Gwen nang makalayo ito sakaniya. Napahinto si kuya Mark at tumingin sa gawi niya saka naging maliwanag ang ekspresyon ng Mukha nito. "Uy! Gwen 'andiyan ka na pala? Susunduin Sana Kita, eh. Tapos na ang duty ko." "Bakit parang galit ka? Ano'ng meron diyan sa binabasa mo?" Turo niya sa hawak nito. "Ah, eto ba? Nagpapa star na naman si Mayor Carlos. Imbes na ang mga sindikato rito sa Lugar natin bigyan niya ng solusyon, eh, inililihis na naman niya ang usapan. Pinagpipilitan talaga niyang si Captain Ryle ang pumatay sa Asawa niya!" Gigil nitong nilamukos Ang hawak na diyaryo. "Hindi naman siguro, kuya Mark. Ginagawa lang iyon ni Mayor dahil sa Asawa niya. Gaya niya ay gustong gusto ko ring mahuli Ang mamatay taong iyon." Malumanay niyang tugon. "Para mabigyan Naman ng katarungan si Mrs. Carlos." Lumambot ang expresyon ng Mukha ng pinsan niya. "Gwen, naniniwala kaba talagang si Captain Ryle ang may gawa ng krimen na iyon?" "Hindi ba lahat ng ebidensya, siya ang tinuturo?"   Ngumuso si kuya Mark at napakamot sa noo. "Kung na-meet mo lang si Captain Ryle sa personal, Gwen, hindi ka maniniwalang magagawa niya Ang krimen na iyon. Masasabi mong imposible." "Ang kaso nga, hindi at minsan ko lang siya Napanood sa Balita sa TV. Para siyang Supercop, parang si Ping lacson. Kaya lang ang pinag kaiba, pumatay si Ryle." "Hindi mo siya na-meet Kasi nga buong four years mo sa college, sa maynila ka nag-aaral. Sina tito at tita ang sumasaglit sa dorm mo. At twing bakasyon Naman, Wala ka! Hindi mo manlang maisipang umuwi rito. Nasa'n ka tuwing summer? Nasa Singapore! Kina Lola. Hindi ka nagsawa sa Merlion." "Kapag nagli-leave ka tuwing summer noon nagkikita Naman Tayo do'n di ba? Napangiti si Gwen at kumapit sa Braso ng pinsan, naglambing na parang pusa. Si kuya Mark Naman pabirong umismid. Idolo ng kaniyang pinsan Ang dating kapitan ng SOAR o Special Operation and Rescue team na si Ryle Mcgregor. Ang nasabing team ay special unit  ng Cabanatuan Police Department na maihahalintulad din sa SWAT. Tinutularan si Ryle ng mga tao sa paligid nito dahil sa Hindi matatawarang credentials. Kaya lang, Ang lalaki Ang suspect sa pagpatay Kay Mrs. Joanni Carlos na Asawa ng kasalukuyan Mayor. Isang taon na Ang nakaraan magmula nang insidenteng iyon. Nakulong ng ilang araw si Ryle, ngunit nakatakas din at hanggang ngayon ay pinaghahanap pa. Naniniwala si Gwen na dapat managot Ang may Sala. Ngunit Ang pinagtataka niya ay majority ng opisyal ng CPD ay hindi naniniwala na si Ryle ang may gawa niyon.  Minsan, inisip niya na bulag ba ang mga ito? Nakalantad na nga Ang mga ebidensya at mga testigo, ayaw pang maniwala. Siguro ay nanghihinayang lang Ang mga ito Kay Ryle at naki simpatiya dahil doon din sa CPD dati nagtrabaho ang binata. "Natutuwa talaga ako, Gwen! Excited makatrabaho ka, Officer Gwen Rose Alcantara," Saad ni kuya Mark, nangingislap Ang mga Mata. At kasalukuyan silang nasa isang simpleng restaurant at kumakain. "Grabe ka naman, kuya Mark. Officer na agad!? Hindi pa nga ako nakakapag-apply. Mukang mas excited kapa sa akin, ah?"natatawang tugon ni Gwen at sumipsip ng iced tea. Pero sa loob-loob niya ay excited na excited talaga siyang mag-apply. Pero hindi pa siya nakakapag pasa ng resumé sa CPD. Kinokondisyon muna Kasi niya Ang mga magulang sa kaniyang desisyon. "Teka nga lang, hindi kana ba magtutuloy sa law?" "Balang-araw nalang siguro. Kating Kati na ako magtrabaho, eh. Gusto ko ng magkaroon ng sariling pera kahit paunti-unti lang." "Mangyayari 'yan, Gwen. Iniisip ko kung ano kaya ang magiging una mong misyon." "Oo nga, eh. Ngumiti siya. Si kuya Mark lang ang nag-iisang pinsan ni Gwen sa Ama. Twenty six years old na ito, siya naman ay twenty -three. Gaya niya, Wala ring kapatid Si kuya Mark kaya ever since sila Ang magkadikit at magkalaro. Sa lahat ng bagay pareho sila ng hilig. Pareho sila ng paboritong pagkain at mahilig magbasa ng historical at mystery Novel. Ang ayaw niya ay ayaw narin nito. Pero sa isang bagay lang sila nag-tatalo--- Ang paniniwala tungkol sa pagkatao ni Ryle. Bukod doon ay Wala na. Ang pinsan niya Ang pinaghihinalaan ng marami na naka impluwensiya sa kaniya sa gusto niyang maging Propesyon. Pero bukod Kay kuya Mark ay Marami Rin namang nagsasabi na bagay siyang maging isang policewoman dahil sa kaniyang appearance. Five-four Ang height at physically fit Ang pangangatawan. Marami ring nagsasabi na matapang Ang kaniyang Mukha dahil sa paarko niyang kilay, itim na mga Mata, bahagyang matangos na ilong at maninipis na mga labi. Idagdag pa Ang more Ang balat at hanggang balikat na itim na buhok. Pero gusto ni Gwen na maging pulis hindi lang dahil sa impluwensiya nang kaniyang pinsan, kundi dahil din sa hangarin niyang makatulong sa kapwa at ipaglaban Ang katarungan. Ini-imagine palang niya na nakikipag habulan siya sa masasamang-loob ay nais na niyang lumundag sa excitement. Kaya lang ay taliwan iyon sa kagustuhan ng mga magulang niya. Gusto siyang maging doctor ng mga ito dahil iyon din Ang trabaho ng mga magulang niya. Ang daddy niya at cardiologist, samantalang Ang mommy niya ay dermatologist. Pero A.B Political Science ang kursong kinuha niya. "Nga pala, kuya. Dumaan na ako sa warehouse ng books for less kahapon. Kahapon ko lang din nalaman na sale sila hanggang katapusan ng buwan. Marami akong nabili! Hindi na Kita na-inform. Super busy ka, eh. Balik nalang Tayo next time." "Ah gano'n? Ang daya mo naman. Sige pahiram na Lang ako ng Isa, idaan mo sa himpilan. Hindi muna ako ako makakapunta sa inyo eh, " sagot ng pinsan niya.  "Okay! Sige kuya Mark, aalis na ako. Bukas nalang Tayo ulit muling Makita. "Sige-sige mag-ingat ka sa pag-uwi mo." "Salamat kuya Mark! Kumakaway pa siya dito habang papalayo. At kumaway din ito bilang tugon, tuluyan na nga siyang nakalabas ng restaurant.  "Excited na talaga ako! Sobra. Hindi mapigilang sambit niya.. at napatingin sa papalubog na na araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD