Kabanata 8 - Anastasia Olivia POV

1765 Words
Dalawang araw na akong natutulog dito sa opisina at hindi ako umuuwi sa bahay namin dahil tambak ang trabaho ko dahil na rin madami pang ibinigay na trabaho si daddy sa akin. Ayaw n’ya ata talaga akong pauwiin sa bahay dahil sa trabahong tinambak n’ya sa akin. Sabagay mas gusto ko na rin dito sa opisina kasi tahimik ang buhay ko, hindi ko naririnig ang sermon ni mommy at mas nakakapag-isip ako kapag mag-isa lang ako na ganito. Malayo sa kanila na s’yang dahilan ng stress ko. Hindi ko alam kung anong iniisip ni daddy at halos lahat ata ng trabaho itinatambak sa akin at ang masakit hindi man lang nila ako kinakamusta at hinahanap. Hindi nga tumatawag sa akin si mommy para kamustahin man lang ako. Napabuntong-hininga na lang ako, wala naman na nga palang bago do'n dahil kahit naman dati ay ganon na s’ya sa akin. “Ma’am Olivia ito daw po ang report para sa expansion sa US,” sabi akin ng secretary ko at inilapag ‘yon sa lamesa ko. “Thank you and kindly send this to the HR department,” sabi ko sa kanya. Kinuha naman n’ya sa akin ang folder at umalis na. That’s my annual leave, gusto ko ng gamitin ang leave ko para naman makapagpahinga ako. Gusto ko munang lumayo dito para tumahimik ang buhay ko pero hindi ko alam kung papayagan akong umalis dahil si dad pa rin ang may kailangan pumirma ‘non sana lang pumayag s’ya kasi mukang mas pabor nga sa kanya ‘yon dahil mawawalan s’ya ng sakit sa ulo at pwede na n’yang ipalit si Jaxon sa posisyon ko kasi parang si Jaxon pa ang anak kesa sa akin ngayon. Napasandal na lang ako swivel chair ko at binasa ang report na binigay sa akin. Kumunot ang noo ko ng mabasa ko ang report. Gusto ko na lang sumigaw dahil sa report na ‘to, naiinis ako at ung stress ko mas matataas na sa’kin. Ang dami kasing problema, alam ko naman na magkakaroon talaga ng problema dahil hindi naman ganon kadaling mag expand ng business lalo na kung sa ibang bansa pa pero hindi naman ganito kadaming problema ang inaasahan ko sa report na ‘to. Paniguradong pag nakita ‘to ni dad uusok na naman ang tenga ‘non sa galit and worst-case scenario I’m the one who will receive all of his anger. Inayos ko na lang ang dapat kong ayusin sa report na ‘to and nakipag-coordinate ako sa mga staff namin na pupunta sa US next week para mas maayos pa nila ‘tong problema na ‘to. Buong maghapon ‘don lang umikot ang trabaho ko kaya naman pagod na pagod ako at nagpapasalamat ako an hindi ko na nakikita dito si Jaxon sa kompanya. Wala akong pakielam kung nasaan s’ya at kung ano ng nangyari sa kanya, masaya ako na wala s’ya dahil tahimik ang buhay ko. Wala naman s’yang naitutulong sa’kin dahil perwisyo ang dala n’ya sa buhay ko simula pa lang noong nag-aaral pa kami. Hindi ko nga alam kay dad kung anong nakita n’ya sa lalaki na ‘yon. “Ma’am Oli ito na po ung final document about sa site,” sabi ng secretary ko sa akin at inabot ang dalawang folder. “Thank you, Janice” sabi ko sa kanya. “Ma’am magpapaalam po sana ako sa inyo na kung pwede na po akong umuwi,” sabi n’ya sa akin. Napatingin naman ako sa relo ko at oras na pala ng uwian, ang bilis ng oras at maghapon lang akong nakulong dito sa opisina ko. “Okay, you may go home” sabi ko sa kanya. “Thank you po,” sabi n’ya sa akin at lumabas na. Napasandal na lang ulit ako sa swivel chair ko at hindi ko alam kung uuwi ba ako sa bahay ngayon. Ilang araw na rin akong hindi umuuwi sa amin. Kung pwede nga lang na bumukod na ako ginawa ko na pero hindi ko kasi alam kung papayagan nila ako. Para na nga akong nakabukod sa kanila sa ginagawa nilang pagtrato sa akin minsan dahil kahit nasa bahay lang ako para akong isang invisible na tao at wala silang pakielam sa akin. Mapapansin lang naman nila ako kapag nakagawa ako ng mali at hindi nila nagustuhan. Sa huli ay nakapagdesisyon pa rin ako na umuwi na dahil wala naman na akong gagawin dito sa opisina ko, natapos ko na ang trabaho ko sa ilang araw kong pamamalagi dito. Kunuha ko na ang mga gamit ko saka lumabas ng opisina ko, wala na ang mga staff ko at ako na naman ang huling lalabas. Bumaba na ako sa basement at sumakay sa kotse ko para makauwi ako sa amin. Pinaandar ko na ang kotse ko at nagmaneho na ako pauwi sa amin. Habang nagmamaneho ako may bigla na lang sumulpot sa harap ng sasakyan ko kaya naman mabilis kong tinapakan ang preno at kinabahan na ako. Tumumba kasi ang tao sa harap ko kaya naman bumaba ako ng kotse ko para tingnan kung anong nangyari sa kanya. Kahit na natatakot ako ay lumapit ako sa tao na ‘yon at tiningnan ang lagay n’ya. Wala pa naman dumadaan na mga sasakyan dito dahil gabi na at hindi pa naman ako masyadong nakakalayo sa opisina. Tiningnan ko ang lalaki at sugatan s’ya, sigurado ako na hindi ‘to dahil sa pagkakabangga ko sa kanya dahil halatang sa bugbog n’ya ‘to nakuha. “Kuya kaya mo bang tumayo?” tanong ko sa kanya. “Help me please,” sabi n’ya sa akin at hirap na s’yang magsalita. Nakarinig naman ako ng ingay ng mga lalaki kaya nanlaki ang mata ko. Hindi ko alam ang gagawin ko at kinakabahan na ako. Hinawakan n’ya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya at mabilis ko s’yang inalalayan na tumayo saka ko s’ya isinakay sa kotse ko. “Dadalhin kita sa ospital,” sabi ko sa tao na ‘yon. Hindi ko s’ya pwedeng pabayaan na lang ‘don kahit na hindi ko s’ya nabangga, kargo ng konsensya ko kapag may nangyaring masama sa kanya. Alam kong hindi ko s’ya kilala at hindi tamang basta ko na lang s’yang isinakay sa kotse ko ng hindi ako nakakasigurado kung anong klaseng tao ba s’ya o kung may gagawin s’ya sa aking masama. Ang nasa isip ko lang naman ay iligtas s’ya sa kung sino man ang humahabol sa kanya. “Please don’t bring me to the hospital,” sabi n’ya sa akin. “Are you insane? May sugat ka at kailangan mong madala sa ospital,” sabi ko sa kanya. Hinawakan n’ya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. “I don’t need to go to the hospital just bring me somewhere else,” sabi n’ya sa akin. Hindi ko s’ya pwedeng dalin sa bahay dahil malalagot ako sa magulang ko. No choice ako kung hindi ang dalin s’ya sa isang hotel pero saang hotel ko s’ya pwedeng dalhin. Nakakastress ‘to sa totoo lang. Bago ako maghanap ng hotel a tutuluyan n’ya dumaan muna ako sa drugstore para bumili ng gamot at pwedeng igamot sa sugat n’ya. Kung sino man talaga ang tao na ‘to sana lang ay wala s’yang ginawang atraso o masama na labag sa batas. Bumalik na ako sa kotse ko at nanlaki ang mata ko ng makitang wala na s’ya ‘don. Saan naman nagpunta ang tao na ‘yon? sugatan pa s’ya. Tiningnan ko ang mga gamit sa kotse ko at kumpleto naman lahat ng ‘yon at walang nawala pero nasaan na ang tao na ‘yon? Baka mamaya kung ano na nangyari sa kanya, sinubukan ko pa s’yang hanapin pero hindi ko na s’ya nakita pa. Napabuntong hininga na lang ako at umuwi na ako sa bahay namin. Pagdating ko sa bahay ay wala na akong naabutan na taong gising kaya naman dumiretso na ako sa kwarto ko pero muntik na akong pamasigaw ng makita ko si dad na nakatayo sa harap ng kwarto ko. “Dad,” tawag ko sa kanya. “Anong oras na Anastasia? Oras ba ‘to ng uwi ng matinong babae?” tanong n’ya sa akin. “Sorry dad may inasikaso lang po ako,” sabi ko sa kanya. Nagagalit s’ya ngayon dahil late akong umuwi pero noong hindi ako umuuwi wala s’yang pakielam sa akin, hindi ko na talaga s’ya maintindihan. Saka minsan n’ya lang ako tawagin sa first name ko, tinatawag n’ya lang akong Anastasia kapag galit na talaga s’ya at ang huling tawag n’ya siguro sa pangalan ko na ‘yon ay noong bata pa ako kapag masaya s’ya pero ngayon kapag nagagalit na lang s’ya sa akin. “You need to be early tomorrow,” sabi n’ya sa akin na ikinakunot ng noo ko. Wala naman akong dapat pasok bukas dahil rest day ko sana pero mukang nawala sa isip ni dad ‘yon. “For what dad?” tanong ko sa kanya. “You need to go to one of our site tomorrow and inspect that,” sabi n’ya sa akin. “Why?” tanong ko sa kanya. “You need to fix the problem there, some of our employees are having a hard time at the factory” sabi n’ya sa akin kaya napatango ako. “Okay po,” sabi ko sa kanya. “Good, go inside and rest” sabi n’ya sa akin kaya pumasok na ako sa loob ng kwarto ko pero bago pa man ako tuluyan makapasok sa loob hinawakan ni dad ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. “Bakit dad?” tanong ko sa kanya. “Are you hurt?” tanong n’ya sa’kin at tiningnan ang dala kong supot. Umiling naman agad ako sa kanya. Bakit ba kasi hindi ko na lang ‘to iniwan sa kotse ko? “Okay lang po ako dad,” sabi ko sa kanya. “Okay, go and rest” sabi n’ya sa akin at binitawan ang kamay ko. Tuluyan na akong pumasok sa loob ng kwarto ko at ibinaba sa desk ko ang gamit ko saka ako dumiretso sa kama ko para mahiga. I miss my bed, ilang araw akong hindi umuwi dito kaya namiss ko ‘to at ipinikit ko na ang mga mata ko dahil napapagod ako. Maaga na naman ako bukas dahil sa trabahong ibinigay sa akin ni Dad at hindi ko alam kung anong aabutan ko don pagdating ko kaya kailangan kong ihanda ang sarili ko. Sa ngayon magpapahinga muna ako dahil gusto ko ng matulog dito sa kama ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD