Kabanata 9 - Anastasia Olivia POV

2121 Words
Mabilis akong bumangon sa higaan ko ng makita ko ang oras sa cellphone ko, tanghali na kasi at late na ako sa lakad ko ngayon. Kapag pa naman ganito na inutusan ako ni dad at hindi ako agad nakasunod paniguradong uusok na naman sa galit ‘yon. Hindi ko nga alam kagabi kung bakit bigla na lang n’yang tinanong kung may masakit daw ba sa akin, usually naman kahit may sakit ako wala s’yang pakielam. Si mommy minsan pinupuntahan ako pero si dad wala akong natatanaan na kapag nagkakasakit ako ay dinadalaw o kinakamusta n’ya ako. Sanay naman na ako ‘don kaya nakakapanibago lang kahapon. Baka na rin siguro dahil nadami ung bili ko ng gamot para sa tao sanang tinutungan ko. Hindi ko rin alam sa tao na ‘yon kung anong pumasok sa isip n’ya na basta na lang umalis, sugatan pa naman s’ya. Napailing na lang ako at inalis ko na ‘yon sa isipan ko, hindi ko na dapat iniisip ngayon ‘yon pero kung tama ako pagkakaalala s’ya rin ung taong nakabangga ko noong bumili ako ng pagkain ko sa isang fast food chain. Coincidence nga naman. Hindi ko tinatawag na tadhana ‘yon dahil hindi naman ako naniniwala sa tadhana baka coincidence mana pa. Sa sobrang pagod ko hindi ko namalayan ang oras at humaba ang tulog ko, ilang araw na kasi akong walang maayos na tulog kaya ganito ang nangyari. Ayokong sumabog na naman sa galit si daddy kaya naman mabilis akong nag ayos ng sarili ko para makaalis na agada ko. Wala naman kasing gumising sa akin dahil alam halos ng mga kasama namin sa bahay na wala akong pasok ngayon saka ayoko ng ginigising ako pwera na lang kung utos ng mga magulang ko kasi kahit ayaw ko wala silang magagawa dahil utos sa kanila ‘yon. Nang masiguro kong maayos na ako at maayos na rin ang mga gamit ko ay lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba. “Olivia bakit nagmamadali ka?” tanong sa akin ni manang ng makita n’ya akong palabas sa pinto. “Kailangan ko pong umalis dahil may pinapagawa si dad,” sabi ko kay manang. “Teka lang kumain ka muna,” sabi sa akin ni manang kaya napatingin ako sa wristwatch ko at umiling. “Sa daan na lang po ako kakain manang,” sabi ko sa kanya at mabilis na lumabas ng bahay saka sumakay sa kotse ko. Alam kong nag aalala na naman si manang sa akin dahil hindi na naman ako kumain ngayon pero wala naman akong magagawa kesa naman magalit si dad sa akin kung mahuhuli ako. Ang sabi pa naman n’ya kagabi ay maaga akong umalis. Kung sanang maaga akong nagising hindi ako nagmamadali ng ganito ngayon. Hindi pa naman ako pwedeng magmabilis ng takbo dahil delikado pero kailangan kong makarating ng maaga agad sa site. Pati ba naman ‘to kailangan ko pang intindihin, napabutong hininga na lang ako at ipinagpatuloy ko na ang pagmamaneho ko ng biglang tumunog ang cellphone ko at nag appear sa screen ng kotse ko na si dad ang tumatawag sa akin kaya naman sinagot ko agad ang tawag n’ya. “Dad,” tawag ko sa kanya. “Where are you, Olivia?” tanong n’ya sa akin. “I’m on my way their dad,” sabi ko sa kanya. “Good, I need the update about the situation later and don’t disappoint me and keep safe,” sabi n’ya sa akin at ibinaba na ang tawag. Natigilan pa ako saglit sa huli n’yang sinabi, ngayon ko lang narinig kay dad ‘yon. Hindi n’ya ako sinasabihan noon at para tuloy akong tanga ngayon na nakangiti dahil ‘don. I never disappoint them dahil alam ko naman ang kakalabasan ‘non kapag na-disappoint ko sila kaya ginagawa ko lagi ang best ko para hindi na ako umabot sa punto na magalit sila pero kahit naman gawin ko ‘yon may pagkakataon pa rin na nagagalit sila sa akin. How I wish na sana isang araw magising na lang ako na malaya na ako dito sa hawla kung saan ako nakakulong. Ang tanda ko na pero hindi ko magawa ang mga gusto kong gawin sa buhay ko, sana katulad na lang ako ng kapatid ko na malaya na ngayon na gawin ang gusto n’ya. Well, lagi naman nga pala s’yang malaya sa gusto n’yang gawin sa buhay n’ya. Inabot ng dalawang oras ang byahe ko papunta sa site at ng makarating ako do'n ang daming tao ang nasa labas ng gate at mga nagwewelga. Hindi ko alam na ganito na pala kalala ang aabutan ko na sa puntong hindi na ako makaraan papasok sa loob, mabuti na lang ay may mga guard na pumigil sa kanila. Nang makapasok ako sa loob ay mabilis akong bumaba ng saksakyan ko at nilapitan naman ako ng person in charge. “What the hell is this?” tanong ko sa kanya. “Ma’am matitigas po ang ulo nila, sinabi naman na po namin ang sitwasyon sa kanila” sabi n’ya sa akin. “What is the situation? Walang akong natatanggap na report coming from here na ganito na ang nangyayari. Even dad doesn’t know this, and he will be mad if he finds this out, so we better solve this,” sabi ko sa kanya. “Yes, ma’am but we need to get rid of them first,” sabi n’ya sa akin kaya napailing ako. Hindi ko gagamitan ng pwersa ang mga taong nagpapakahirap na magtrabaho para sa amin para mapaalis lang sila. “I’ll talk to them and let them in, don’t treat them like this” mariing sabi ko sa kanya at napayuko naman s’ya. Sumunod naman agad sila sa gusto kong mangyari at pinapasok ang mga empleyado namin na nagwewelga sa labas. Hindi mabibigyan ng solusyon ‘to kung hindi ko maririnig ang side ng bawat isa at hindi ko rin pwedeng pabayaan na lang silang lahat. “Hindi n’yo kami pwedeng alisin na lang sa trabaho ng ganon, may mga pamilya kaming binubuhay!” sigaw nila sa akin at nagsunod-sunod na ‘yon. Napabuntong hininga ako at hinarap silang lahat. “Kumalma po kayo, kaya ako nandito para masolusyonan ang problema,” sabi ko sa kanila. “Paano kami magtitiwala sa’yo? Baka mamaya niloloko mo lang kami” sabi ng ilan sa akin. “I will assure you na magagawan natin ‘to ng paraan, we just need to analyze everything but for now let’s just stay calm dahil wala po tayong mareresolba kung ganito ang gagawin namin. Sa ngayon gusto kong may makausap kahit isa inyo,” sabi ko sa kanila at bahagya naman silang kumalma at lumapit sa akin ang isang matandang lalaki na sa tingin ko ay ang representative nila. Humarap ako sa person in charge dito at kinausap s’ya. “I don’t want anything to happened to them, make sure na maayos sila” sabi ko sa kanya at tumango s’ya sa akin saka nagbigay ng instruction sa mga guard. Pumasok naman na ako sa loob at tiningnan ang facilities pati na rin ang ibang nagtatrabaho dito ngayon. Kahit na kasi may nangyayari sa labas tuloy pa rin ang operation ng factory pero konti lang ang tao dahil halos karamihan ay nasa labas at nagwewelga. Pumasok ako sa loob ng conference room para makausap silang ng maayos. “Maupo po muna kayo,” sabi ko sa kanila at naupo naman silang lahat. “Ma’am ginagawa lang po namin ‘yon dahil kailangan namin magtrabaho para sa pamilya namin at hindi naman po tama na basta na lang kaming tanggalin at baba ang sweldo,” sabi ni manong sa akin. “Ano pong pangalan n’yo?” tanong ko sa kanya. “Bert po,” sagot n’ya sa akin. “Give me the Financial report for the past months and for this cycle,” sabi ko sa manager at mabilis naman na ibinigay n’ya sa akin ‘yon. Tiningnan ko ‘yon at maayos naman ang lahat, wala naman problema pwera na lang sa nitong nakaraan ay humina ang production at may mga nadelay na shipment abroad dahil dito pero kung ako ang tatanungin hindi basehan ‘to para gawin nila ‘yon sa mga nagtatrabaho dito sa factory. Hindi naman nawawalan ng pera ang companya. “Anong rason n’yo para gawin sa kanila ‘yon?” tanong ko sa kanya. “Ma’am sumusunod lang po kami sa order,” sabi n’ya sa akin na ikinakunot ng noo ko. “Sino ang nagsabi sa inyo na gawin ‘to?” tanong ko sa kanya. “Ako,” napalingon ako sa nagsalita at napayukom na lang ako ng kamao ko ng makita ko kung sino ‘yon. “Anong ginagawa mo dito?” mariing tanong ko sa kanya. “Excuse us for a while, mag-uusap lang kaming dalawa” sabi n’ya sa mga tao dito kaya lumabas sila ng conference room at kaming dalawa na lang ang naiwan. “Jaxon out of jurisdiction mo na ‘to. Kompanya namin ‘to at wala kang karapatan na magdesisyon para sa amin. Empleyado namin sila at kami lang ang may karapatan para magdesisyon kung anong gagawin namin!” galit na sabi ko sa kanya. “Olivia I just did that for your company, may mga machines naman na makakatulong sa kompanya n’yo saka mas mabilis pa ‘yon kesa sa kanila,” sabi n’ya sa akin. Alam ko kung ano ang punto n’ya pero mali pa rin ang ginawa n’ya. “You’re not helping Jaxon, kung ganyan kayo sa kompanya n’yo wala akong magagawa pero wag mong pakielamanan ang pamamalakad namin dito” sabi ko sa kanya. “I already talk to tito Augustus, and he agreed to my plan,” sabi n’ya sa akin at napayukom ako ng kamao ko. Ibang usapan na talaga ‘to. “I don’t give a damn about your plan Jaxon. Ako ang masusunod dito at kung magagalit man si Dad ako na rin ang bahala sa sarili ko. Hindi ko isasakripisyo ang mga taong tumulong para mapalago ang kompanya namin dahil d’yan sa kakitiran ng utak mo. Hindi madali ang gusto mong mangyari at dapat pinag-iisipan munang mabuti ang lahat. They are the one who are suffering to make our lives better and now you’re just firing them because they can’t work on time in just a short period of time. Hindi sapat na basehan lang ang Financial Statement na ‘to para gumawa ka ng desisyon mo na hindi man lang kinokunsulta sa akin. Alam kong mas matatas sa akin si Dad pero hindi ka dapat rumerekta sa kanya dahil under pa rin kita at sa katunayan nga wala ka naman posisyon sa kompanya namin. I’m sorry for being rude to you pero sinasagad mo lang talaga ang pasensya ko,” sabi ko sa kanya at tinalikuran s’ya. Bago pa man ako makalabas ay hinawakan n’ya ang braso ko kaya masama ko s’yang tiningnan. “If that’s what you want then I’ll let you pero wag mong isipin na ginagawa ko ‘to kasi ina-underestimate kita. I just want to help,” sabi n’ya sa akin. Napailing ako sa kanya, “Then you’re not helping,” sabi ko sa kanya at binawi ang braso ko sa kanya at lumabas ng conference room. Sumasakit talaga ang ulo ko sa pakikielam ni Jaxon sa takbo ng kompanya namin. Wala naman s’yang naitutulong at puro pahirap pa ang nagagawa n’ya. “Wag po kayong mag-alala dahil walang matatanggal sa inyo at nagkaroon lang ng hindi pagkakaintindihan, bukas po ay makakabalik na kayo sa trabaho n’yo” sabi ko kay manong Bert. “Maraming salamat po,” sabi n’ya sa akin at ngumiti ako sa kanya. Lumabas na kami sa labas para ibalita sa mga kasamahan n’ya ang naging desisyon ko. Alam kong mahabang paliwanagan ang gagawin ko kay daddy pagbalik ko sa Maynila pero wala akong pakielam. “Gusto ko lang po sanang humiling sa inyo na sana ay pagbutihan n’yo po ang trabaho n’yo. Nakikita ko naman po ang pagsisikap n’yo at ipagpatuloy ko n’yo po ‘yon,” sabi ko sa kanila at ngumiti. Lahat naman sila ay sumangayon sa sinabi ko. Mabuti na lang ay naayos ‘to ngayon dahil kung hindi mas malaking gulo pa ang mangyayari. “Ma’am let’s go inside to have some lunch,” sabi sa akin ng isang staff namin. “No need, just feed them instead of me” sabi ko sa kanila at ngumiti. Naglakad na lang ako palabas at dahil nga malayo ‘to sa highway at wala masyadong bahayan ay maaliwalas ang paligid kaya naglakad na lang ako. Masarap talaga ang buhay sa probinsya kesa sa Maynila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD