Kabanata 7 - Anastasia Olivia POV

2166 Words
Pagkatapos ng naging meeting ko with my team ang sumunod naman na kinausap ko ay ang finance department para malaman ko kung ano na ang nangyayari sa budget ng kompanya at para na rin malaman ko kung posible bang ituloy pa namin ang project na ‘yon o hindi na. Napakahirap kasing mangapa sa kawalan lalo na ngayon na wala naman kaming kahit anong ideya sa project na ‘yon. Alam ko naman na gusto ni dad na ituloy ‘yon pero kailangan ko munang alamin kung posible pa ba o hindi pero kung sakali man na hindi na, sayang lang lahat ng naging gastos ‘don at posibleng magkaroon ng loss ang kompanya dahil sa nangyari na dapat kong iwasan dahil sasabog sa galit si daddy. Sumasakit na ang ulo ko sa pag-intindi do'n pero tulad nga ng sinabi ko kanina hindi ako pwedeng magreklamo dahil wala naman saysay ang reklamo ko kung hindi naman nila ako papakinggan sa huli at mas mapapasama pa lang ako lalo. “Ma’am we already talk to Sir Augustus about the budget that will be allocating to the project,” sabi sa akin ng head of finance at inabot ang folder. Kinuha ng secretary ko ‘yon at ipinigay sa akin. Nang buksan ko ang folder ay napabuntong hininga na lang ako dahil sa budget na ibinigay ni Dad, hindi ko tuloy alam kung anong mangyayari sa budget na ‘to dahil sigurado akong kulang ‘to para maayos ang problema. “Ito na talaga ‘yon?” tanong ko sa kanila. “Yes po,” sagot n’ya sa’kin. “How about the other projects?” tanong ko sa kanya. “He postponed all of budget regarding to our on-going project ma’am” sabi sa akin ng secretary ko at inabot sa akin ang isang folder. Napapikit na lang ako at napakapit ako sa upuan ko dahil sa sinabi n’ya. Nagpipigil ako ng inis ko sa totoo lang dahil ayokong maibunton ang inis ko sa mga empleyado namin. Kinalma ko ang sarili ko at nahigpit na hinawakan ang folder na binigay nila sa akin. Tumayo ako sa upuan ko at lumabas ng conference room, hindi ko na pwedeng palagpasin ‘to. Madaming umaasa sa mga project namin at hindi pwedeng itigil na lang ‘yon dahil lang sa isang project na wala naman kakapuntahan. “Ma’am may kausap po si Sir,” sabi sa’kin ng secretary ni dad. “Who?” tanong ko sa kanya. “Si Sir Jaxon po,” sabi n’ya sa’kin. Hindi ko pinansin ‘yon at lumapit ako sa pinto ng opisina ni dad. Hindi nanan nakasarang mabuti ‘yon kaya narinig ko ang pinag-uusapan nilang dalawa at napayukom na lang ako ng kamao ko ng marinig kung anong sinasabi ni Jaxon. “No problem tito, that’s the best way to do it. Hindi pwedeng magsabaysabay lahat ng project dahil nagkakaroon ng problema,” sabi ni Jaxon. Siya na naman ang may pakana ng lahat kaya nangyari ‘to. Hindi ko alam kung anong trip n’ya at nakikielam sa’ya sa kompanya namin. Hindi s’ya parte nito at wala s’ya kang karapatan pakielamanan ang operation namin. May sarili s’yang kompanya na dapat patakbuhin hindi n’ya kami dapat pinapakielaman at hind n’ya dapat kinikontrol ang desisyon ni Dad. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at pumasok na ako sa loob ng opisina ni Dad kahit na hindi ako kumakatok. Wala na akong pakielam kung magalit si Dad sa akin, galit naman na s’ya edi sulitin ko na diba. Hindi ko na kasi kayang pigilan ang sarili ko dahil ibang usapan na ‘to, ung project ko ang napipirwisyo sa ginagawa n’ya kaya pag nagkaroon na naman problema ako na naman ang sisihin. Napatingin sila sa akin ng bigla na lang akong pumasok sa loob. “Olivia you should learn how to knock,” mariing sabi sa akin ni Dad. “Dad I can’t agree with this,” sabi ko sa kanya at inangat ang folder nahawak ko. “Jaxon can you leave us for a while,” sabi ni Dad kay Jaxon. “Okay tito, see you again tomorrow” sabi n’ya kay Dad saka ako nilingon at ngumiti sa’kin pero tiningnan ko lang s’ya ng masama. Nang makaalis si Jaxon masama akong tiningnan ni dad, alam ko naman na galit na s’ya pero iinis din ako. “Olivia ano bang problema mo?” tanong n’ya sa’kin. “Dad naman hindi pwedeng ganito ang gawin n’yo sa’kin. Hindi pwedeng alisan n’yo ng budget ang mga project ko para lang sa isang project na alam n’yo naman na may problema na” sabi ko sa kanya. “Wag mo akong pakielamanan sa mga desisyon ko Olivia. Alam ko ang mga ginagawa ko,” sabi n’ya sa akin. “So kapag si Jaxon okay lang sa inyo at kapag akong anak n’yo ang magsasabi sa inyo hindi pwede?” tanong ko sa kanya kaya sumama ang timpla ng mukha n’ya. “Jaxon is just helping us! Mabuti nga s’ya may naitutulong dito sa kompanya hindi katulad mo na” sabi ni dad sa akin pero hindi na n’ya naituloy. Napayukom ako ng kamao dahil sa sinabi n'ya, hindi man n'ya itinuloy pero alam ko na ako ang tinutukoy n'ya. Nagpipigil na lang ako ng emosyon ko kasi konti na lang sasabog na ako. Sa sinabi n’ya na ‘yon kasi parang ako ung walang naitutulong sa kanya at wala akong silbi! Kung matagal na akong walang silbi sa kanya sana noon pa lang inalis na n’ya ako sa trabaho ko at matagal na n’ya akong itinakwil. Hindi ako nagrereklamo sa kanila kahit na nahihirapan ako pero ibang usapan na kasi ‘to. Tiningnan ko s’ya at naglumanay naman ang expresyon ng mukha n’ya pero nakikita ko pa rin sa mga mata n’ya ang inis sa akin. “He is not helping us dad, he is just making things worst!” sabi ko sa kanya at hindi ko na mapigilan na hindi magtaas ng boses ko. “Don’t shout at me Olivia!” galit na sabi ni dad sa akin. Hindi naman ako sumisigaw, tumaas lang ang tono ng boses ko dahil sa emosyon ko. “I’m not shouting dad. I’m just saying that we should not trust Jaxon. He knows nothing about our company dad,” sabi ko sa kanya at naging malumanay na ang boses ko. “You still can’t change my decision Olivia,” mariing sabi n’ya sa akin at umiling. “Dad naman pinaghirapan ko ang mga project na ‘yon at malaki ang benefits non sa kompanya natin. Alam n’yong matagal ko ng inaasikaso ang mga project na ‘to dad,” sabi ko sa kanya. “I know that, but nothing will change,” sabi n’ya sa’kin. “Then don’t blame me if anything bad happened to our company,” sabi ko sa kanya at tinalikuran na s’ya. Wala akong pakielam kung tinatawag n’ya pa ako pero masama ang loob ko. Ngayon ko lang nagawa sa kanya ‘to pero pasensya na lang dahil hindi ko gusto ang nangyayari, ayoko man na talikuran na lang s’ya pero kapag kasi ipinagpatuloy pa namin ang pag-uusap baka mag-away na lang kaming dalawa. Ayoko ng makipagtalo pa sa kanya dahil hindi naman ako nanalo. Wala na naman akong silbi sa kanya, mas may silbi pa raw si Jaxon kesa sa akin na anak n’ya. Bago ako bumalik sa opisina ko ay dumaan muna ako sa finance office. “I need the exact report about this budget and make sure that it will be accurate, I don’t want to see any mistake when you pass it to me next week,” sabi ko sa kanila at iniwan sa kanila ang folder at bumalik na ako sa opisina ko para ipagpatuloy ang trabaho ko na parang wala naman ng silbi dahil ipinatigil ni dad ang project ko. Our company is a well-known multi-company not just in the country but in the Asia and we are planning to expand across the other continent at hindi magagawa ‘yon kung hind dahil sa ilang mga projects na ginawa ko at naging successful pero kahit na ganon wala akong narinig na kahit anong papuri sa mga magulang ko. Hindi ko na lang inintindi ‘yon dahil bata pa lang naman ako ganon na sila sa akin pero ibang usapan na ung ngayon na ikukumpara n’ya ako kay Jaxon na para bang may nagawa si Jaxon sa kompanya namin. I manage to expand our business by all of my successful deals with our foreign investor na kahit isa ay walang pumalpak pero wala pala akong silbi sa kanya sa lahat ng nagawa ko. Hindi ko alam kung anong pinakain ni Jaxon kay daddy at nagawa n’yang mapapayag si dad sa gusto n’ya. Ako na anak hindi nakikinig sa akin ang magulang ko pero sa kanya isang sabi n’ya lang pinakinggan na s’ya. Ayokong magtanim ng sama ng loob sa mga magulang ko pero hindi ko kaya dahil sa tuwing ganyan ang nangyayari bumabalik lang sa akin lahat ng mga ginagawa nila kahit na pilit ko ng ibinabaon sa limot ‘yon. Napakalungkot ng buhay ko dahil wala akong masandalan at wala man lang akong kahit isang totoong kaibigan. Sana dumating ung panahon na magkaroon ako ng kalayaan ko para naman maging masaya na ako. Hindi ko naman kasi nararamdaman ang totoong ligaya sa ganitong paraan. Masaya ako kapag masaya ang mga magulang ko pero may kulang pa rin, wala ung saya para sa sarili ko. Napabuntong hininga na lang ako at napapikit. Kesa nga isipin ko pa sila magtatrabaho na lang ako para matapos ko na ang mga kailangan kong gawin dahil problema ko pa kung paano kakasya ang budget na pinirmahan ni Dad sa sobrang gatos ng project na ‘yon. Buong atensyon ko ay ibinigay ko sa pagtatrabaho ko at hindi na ako lumabas ng opisina ko buhat kanina pa. Wala akong ibang ginawa kung hindi ang ayusin at basahin lahat ng papeles na nasa lamesa ko kahit na tambak ‘yon ay nagawa kong mapangalahati dahil sa sama ng loob ko. Napatingin ako sa cellphone ko tumunog ‘yon. Tumatawag sa akin si manang kaya naman sinagot ko agad ang tawag n’ya. “Nakung bata ka hindi ka pa ba uuwi?” tanong sa akin ni manang. “Hindi po ako uuwi ngayon manang dahil may ginagawa po ako ngayon sa opisina na dapat kong tapusin,” sabi ko kay manang. “Nagluto ako ng paborito mo,” sabi n’ya sa akin. “Itabi n’yo na lang po muna,” sabi ko sa kanya. “Paano ka? Kumain ka na ba?” tanong n’ya sa akin. “Opo manang,” sabi ko sa kanya kahit hindi pa talaga ako kumakain. “Sige, mag-iingat ka d’yan” sabi n’ya sa akin at ibinaba ko na ang tawag. Mabuti si manang naisip ako, napabuntong hininga na lang ako tumingin sa orasan sa gilid ko. Anong oras na pero hindi pa ako kumakain ng hapunan kaya naman pala nakakaramdam na ako ng sakit ng ulo at kanina pa kumakalam ang sikmura ko. Ako na lang ang tao dito sa floor na ‘to at ang security guard na nasa baba. Kinuha ko ang wallet ko saka ang susi ng kotse ko saka ako bumaba para bumili ng pagkain ko, sanay naman na ako sa ganito kasi kapag talagang madami akong trabahong kailangan tapusin dito ako sa opisina ko natutulog. “Ma’am uuwi na po kayo?” tanong sa akin ni manong guard. “Bibili lang po ako ng pagkain,” sabi ko sa kanya at sumakay na sa kotse ko. Sa oras na ‘to fastfood lang ang pwede kong mabilan kaya naman naghanap ako ng open na fastfood at ng makita ako ay ipinarada ko na ang kotse ko saka ako bumaba para pumasok sa loob. Wala naman madaming tao dahil late na kaya nakaorder agad ako at hindi na rin nagtagal noong dumating ang order ko. Pagkatapos ko ay bumalik na ako sa kotse ko ng may bumangga sa aking isang lalaki kaya muntik ng matapon ang binili ko pero buti na lang ay nasalo n’ya ‘yon. “Next time tumingin ka naman sa dinadaanan mo,” masungit na sabi ko sa kanya at naglakad na palayo. “Miss ung binili mo,” sabi n’ya sa akin. Napahinto naman ako at nilingon ko s’ya saka ko kinuha sa mga kamay n’yang ang pagkain ko. “Thank you miss,” sabi n’ya sa akin kaya pinagtaasan ko s’ya ng kilay. “You’re welcome and next time learn how to apologize” masungit na sabi ko sa kanya. “Sorry,” sabi n’ya sa akin pero inirapan ko lang s’ya at sumakay na ako sa kotse ko. May itsura sana pero hindi ko gusto ang ugali n’ya. Bumalik na lang ako sa opisina at pinagpatuloy ang trabaho habang kumakain. Hindi ko na inisip kung sino ba ang tao na ‘yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD