Kabanata 12 - Anastasia Olivia POV

1284 Words
Nang makapasok ako sa kotse ko pinaandar ko agad ito pero hindi muna ako umalis dahil gusto ko munang magpahinga kahit sandali lang. Ang dami kasing nangyari sa araw na ‘to at nakakapagod sa totoo lang. Ngayon ko nararamdaman ang pagod sa lahat ng ginawa kong trabaho hindi lang sa araw na ‘to at pagbalik ko pa sa Maynila ay kakausapin ko pa si Dad. Wala naman akong trabaho na dapat tapusin sa ngayon pero wala rin akong pahinga dahil kay dad. May pasok na ako bukas dahil aayusin ko pa ung mga pending project na inalisan ng budget ni dad. Hindi ko pa nga alam kung paano ko ang gagawin ko ‘don dahil ang hirap naman na basta na lang itigil ‘yon lalo na kung may mga taong umaasa sa project na ‘yon lalo na ung team ko. Sila ang nagpakahirap para ‘don pero ang ending ititigil lang dahil sa isang project. Hindi ko pwedeng pabayaan na lang ‘yon at kung kailangan kong gumawa ng paraan o magmakaawa ako kay dad para bigyan man lang ng budget ‘yon kahit paano ay gagawin ko. Kung kailangan ko rin humanap ng iba pang investor para ‘don ay gagawin ko rin. Kung meron lang ako sapat na pera para sa mga project na ‘yon ay hindi na sana ako magkakaproblema ng ganito pero wala eh. Mabuti na nga lang at hindi nagdiwara si dad noong kausap ko s’ya dahil dagdag sakit pa ‘yon ng ulo ko ngayon. Hindi ko na nga alam kung anong solusyon ang gagawin ko tapos magagalit pa s’ya dahil sa ginawa ko kanina. Hinanda ko naman ang sarili ko na magagalit s’ya sa akin so oras na malaman n’ya at alam ko naman na bago ko pa sabihin sa kanya alam na n’ya dahil kay Jaxon pero ang ipinagtataka ko lang bakit kailangan n’ya pa akong tanungin. Hindi ko alam kung sinabi ba talaga ni Jaxon ang ginawa ko o hindi pero sa tingin ko ay sinabi n’ya at hindi lang talaga nagbigay ng opinyon n’ya si dad. Baka kasi ang gusto n’ya magkaharap kami pag pinagalitan n’ya ako. Ung naiisip ko tuloy sa magulang ko hindi na tama kasi puro sama na ng loob ang meron dito sa puso ko dahil sa nangyayari at mga ginagawa nila sa akin. Mali ‘yon alam ko pero hindi kasi ganon kadaling mawala ang hinanakit na nararamdaman ko lalo na kung paulit-ulit na lang. Konti na lang talaga ay lalayas na ako sa bahay namin pero kapag ginawa ko naman ‘yon saan ako pupulutin? Baka itakwil ako ni dad kapag nagrebelde ako sa kanya, ako na nga lang ang nandito kasama nila tapos gagawin ko pa ‘yon kaya no choice rin ako kung hindi ang magtyaga. Napalingon ako sa may bintana ng kotse ko ng may kumatok ‘don at kumunot ang noo ko ng makita ko si Jaxon na nasa labas kaya naman lumabas ako ng kotse ko at hinarap s’ya. Hindi ko alam kung bakit at paano n’ya pa ako nasundan dito. Nauna na nga akong umalis sa kanya dahil ayoko s’yang makita, naiinis talaga ako sa kanya. “Anong problema mo?” tanong ko sa kanya. “Anong nangyari sa’yo? Bakit ka nandito sa ospital?” tanong n’ya sa akin kesa sagutin ang tinanong ko sa kanya Pinagtaasan ko s’ya ng kilay. Ano bang pakielam n’ya? “Wala,” sagot ko sa kanya. “Kanina pa kita hinahanap Oli simula noong umalis ka, may nangyari bang masama sa’yo?” tanong n’ya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. Mabilis ko naman inalis ang pagkakahawak n’ya sa kamay ko at umiling ako sa kanya. Hindi ako komportableng may humahawak sa akin. “Walang nangyari sa akin, naligaw lang ako kaya ako napunta dito” sabi ko na lang sa kanya. Hindi ko na kailangan sabihin pa sa kanya ang totoong nangyari dahil wala naman s’yang pakielam ‘don. Baka kung ano pa ang sabihin n’ya kay dad. Alam ko naman na kaya s’ya nandito ay para ireport kay dad lahat ng galaw ko. “If that’s the case sumunod na lang sa akin para hindi ka na maligaw,” sabi n’ya kaya tumango ako ng wala ng usapan. Bumalik na ako sa loob ng kotse ko at umalis na kaming dalawa. Nakasunod lang ako sa kanya at hinahayaan ko lang s’yang mauna sa akin kahit na sa totoo lang ay gusto ko ng mauna sa kanya. Ayoko na lang ng away kapag nakipagtalo ako sa kanya, nakakasawa na rin kasi. Hindi ko namamalayan na bigla na lang pa lang bumagal ang takbo ko at iniwan na ako ni Jaxon kaya naman hinabol ko s’ya pero napahinto ako ng may dalawang daan na lulusutan, dito ako nalito kanina at ngayon hindi ko alam kung anong daan ang tatahakin ko may mga sasakyan na rin sa likod ko at wala akong nagawa kung hindi ang dumiretso na lang. Sa tingin ko naman ay dumiretso si Jaxon at ito rin ata ang dinaanan ko kanina. Noong pumunta naman ako dito hindi naman ako ganitong nahirapan pero ngayon nahirapan na ako dahil dumidilim na rin kasi at mabuti na lang talaga may gas pa ako at maayos ang lagay ng kotse ko kasi kung hindi baka kanina pa ako bumalik. Puro kasi mga savanna ang dinadaanan ko at wala rin akong makitang mga sasakyan. Medyo kinakabahan na ako dahil ang tagal ko ng nagmamaneho pero hindi ko pa rin makita ang highway. Hindi naman ganito kanina noong dumaan ako papunta dito. Inihinto ko ang kotse ko ng mapansin kong wala na akong madadaanan dahil dead end na at mali ako ng nalikuran ko. Napabuntong hininga na lang ako at nag u-turn na ako dahil dumidilim na nga at delikado na ako dito. Napatingin ako sa kalangitan ng biglang kumulog saka kumidlat na lang, nagsimula na akong kabahan dahil ‘don. Matapang ako pero takot ako sa kulog at kidlat, may phobia ako do'n. Noong bata kasi ako madalas akong nagkukulong sa kwarto ko kapag kukulog at kikidlat na, gustuhin ko man na tumakbo sa kwarto ng mga magulang ko ay hindi ko magawa dahil nakalock lagi ang kwarto nila at hindi ako pwedeng pumasok. Minsan ay si manang lang ang yumayakap sa akin pero madalang lang ‘yon, nagtatago lang ako sa may closet ko at hindi lumalabas habang kumukulog at kumikidlat pa. May kung ano kasing bumabalik sa isip ko kapag kumukulog at kumikidlat na hindi ko mabigyan ng ibig sabihin. Mabilis akong nagmaneho pero napahinto ako ng may biglang humarang sa harap ko at muntik ko ng mabangga ang tao na ‘yon. Mabilis kong nilock ang mga pinto ng kotse ko dahil natatakot ako sa itsura n’ya. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya naman kinuha ko ang cellphone ko at sinubukan kong humingi ng tulong pero wala akong signal at kumulog pa lalo. Kinakalampag na ng lalaki ang hood ng kotse ko at umiikot s’ya sa paligid ko. Nanlaki rin ang mata ko ng may mga motor na huminto at may dala silang mga kahoy kaya lalo akong kinabahan. Sana pala binilisan ko na lang na magmaneho kanina para nahabol ko si Jaxon. Hindi ko na ininda ang taong umiikot sa kotse ko at tinapakan ko agad ang gas para makaalis ako pero iniharang nila ang mga motor nila sa dinadaanan ko. Kung hindi ako makaalis dito delikado ang buhay ko. Natatakot na ako at napapikit na lang ako ng lumapit sila sa akin at nagdadasal ako na sanay ay may tumulong sa akin at may magligtas. Anong kamalasan ba ang meron sa araw na ‘to?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD