Kabanata 11 - Anastasia Olivia POV

1360 Words
Bukod sa kailangan ko pa palang mag report kay dad pagbalik ko ay kailangan ko pa pala s’yang tawagan. Nawala kasi sa isip ko ‘yon dahil ang atensyon ko ay natuon sa nangyayari kanina. Hindi ko kasi kayang tiiisin ang mga empleyado namin na nasa ganong sitwasyon pero sa tingin alam naman na siguro ni dad ang nangyari at ang ginawa ko dahil nandito ang mata at tenga n’ya. Tanggap ko ng walang tiwala sa’kin si Dad dahil kinailangan pang pumunta ni Jaxon dito. Hindi naman na kasi dapat nandito pa si Jaxon, kung ganon lang din naman pal asana hindi na lang n’ya ako inutuasan at namahinga na lang ako sa bahay ng wala pa akong problema at hindi pa kami magkakagalit na dalawa. “Dahan-dahan lang naman sa pagkain,” sabi ni Jaxon sa’kin kaya pinagtaasan ko s’ya ng kilay. “Wala kang pakielam,” sabi ko sa kanya at uminom ng tubig. Tinapos ko na ang kinakain ko at inayos ang gamit ko pagkatapos. Sa kotse ko na lang kakausapin si Dad dahil gusto ko na talagang umuwi. Gusto ko ng magpahinga at matapos ang araw na ‘to dahil panigurado pag uwi ko sa bahay at pag nalaman ni mommy ang ginawa ko s’ya ang unang magdidiwara sa akin. Madalas talaga dumadaan na lang sa tenga ko ang mga sinasabi nila at hindi ko na iniintindi dahil paulit-ulit na lang kasi sila ng sinasabi at wala ng bago don para sa akin. Araw-araw ba naman na nakikita nila ako puro kamaliaan ko ang naalala nila. “Saan ka pupunta?” tanong sa akin ni Jaxon. “Uuwi na,” sabi ko sa kanya at tinalikuran na s’ya. Lumabas na ako ng conference room at dumiretso na sana sa labas pero bago pa man ako makalabas ng factory biglang nagring ang cellphone ko kaya naman tiningnan ko ‘yon at si dad ang tumatawag kaya napabuntong hininga ako. Ayoko sanang sagutin dahil mas gusto ko s’yang kausapin ng personal pero mas magagalit lang s’ya kapag hindi ko sinagot ang tawag n’ya. Huminga ako ng malalim at sinagot ko na ang tawag ni dad para wala ng problema. “Dad,” tawag ko sa kanya. “What did you do Olivia?” tanong n’ya sa akin. “Hindi pa ba dad sinabi ni Jaxon sa inyo ang ginawa ko?” tanong ko sa kanya. Alam ko naman na alam na n’ya kaya hindi na n’ya dapat ako tinatanong sa kung anong ginawa ko. Ang ginawa ko lang naman ay ang alam kong tama. “I’m asking you Olivia kaya sagutin mo ang tanong ko sa’yo,” sabi n’ya sa akin kaya napabuntong hininga ako. “I resolve the problem ad by bringing back our employee but before you get mad at me, please hear me out first because I have a reason why I did that. I did that because they are the reason why we are in our position today and they are the one who are struggling to work for our company to earn a lot of profit and about the report for the delay of products hindi naman ganon kadami ung na delay saka ngayon lang nangyari ‘yon. Hindi naman dad pwedeng basta na lang natin silang tanggalin dahil ‘don ng walang kahit anong notice saka alam kong okay ung mga machine ang gamitin natin pero hindi muna sa ngayon kasi madami pa tayong kailangan iconsider,” sabi ko sa kanya. Hinahanda ko na ang sarili ko sa galit n’ya dahil alam kong may posibilidad na sumabog na s’ya sag alit dahil sa mga sinabi ko sa kanya. “I understand, just go back here when you’re done because I need you here” sabi n’ya at pinatay na ang tawag. Natigilan naman ako dahil ‘don. Hindi ako makapaniwala na si dad ang kausap ko at nasabi n’ya ‘yon. Handa na akong mapagalitan n’ya dahil nakontra ko ang usapan nila ni Jaxon at ako ang nasunod. Si daddy ba talaga ang kausap ko? Dapat maging masaya ako pero nagtataka lang naman ako sa naging reaksyon n’ya na ‘yon. Hindi kasi ganon si dad sa akin kapag may nagagawa akong alam ko naman na hindi n’ya nagugustuhan at kahit naman may nagawa akong nagustuhan n’ya hindi s’ya kumikibo. Saka ung isa pa n’yang sinabi na kailangan n’ya ako. Mukang may kailangan pa ata akong gawin. Hindi ko na tuloy alam ngayon kung ano ba talaga ang totoong reaksyon ni dad sa ginawa ko na ‘to. Napabuntong hininga na lang ako at naglakad na ako papunta sa kotse ko at inilagay ko ang gamit ko ‘don saka ako umalis na. Hindi ko na inintindi pa si Jaxon kung nasaan s’ya dahil nakapunta naman s’ya ditong mag-isa edi makakabalik din s’ya ng maynila ng s’ya lang. Habang nagmamaneho ako ay hindi ko maiwasan na mapatingin sa paligid. Ang payapa talaga ng buhay dito sa probinsya dahil parang walang problema ang mga tao at ang tahimik, hindi katulad sa Maynila na puro ingay lang ng mga sasakyan ang maririnig mo. Wala sa oras na natapakan ko ang break ng kotse ko ng may makita akong matandang bumagsak sa kalsada habang may dalang bilao. Mabilis kong iginilid ang kotse ko at lumabas agad ako para lapitan ko ang matanda. Delikado kung hahayaan ko na lang s’ya dito sa may kalsada, mabuti na nga lang at walang ibang dumadaan dito. “Okay lang po ba kayo?” tanong ko sa kanya at inalalayan ko s’yang tumayo. “Okay lang ako ija,” sabi n’ya sa akin at alanganin na ngumiti. “Sumabay na po kayo sa akin kung saan kayo pupunta para hindi na po kayo maglakad,” sabi ko sa kanya. “Nako wag na dahil malayo pa ang pupuntahan ko ija,” sabi n’ya sa akin at naglakad na palayo sa akin pero hindi pa naman s’ya masyadong nakakalayo ay natumba na naman s’ya kaya naman inalalayan ko na s’ya pasakay sa kotse ko. Mukang nanlalambot na s’ya at tinitiis na lang n’ya kung ano man ang nararamdaman n’ya kaya nagdesisyo na ako na dalhin s’ya sa ospital. Hindi ko s’ya pwedeng pabayaan na lang. Nang makarating kami sa ospital ay tinulungan naman ako ng mga nurse para iupo s’ya sa wheelchair. “Ano pong nangyari?” tanong nila sa akin. “Bigla na lang po kasi s’yang natumba sa may kalsada,” sabi ko sa kanila. “Kamag-anak po ba kayo ng pasyente?” tanong nila sa akin at umiling ako. “Hindi, nakita ko lang s’ya sa kalsada kanina” sabi ko sa kanila at napatango sila. Nagsimula na silang tingnan ang matanda at nag-intay na lang ako sa gilid dahil baka may kailangan sila at handa naman akong tumulong. Maaga pa naman at makakauwi naman ako sa Maynila ng hindi ako aabutin ng gabi. “Kayo po ba ang kasama ng pasyente?” tanong sa akin ng doktor. “Opo,” sagot ko sa kanya. “Okay na ‘ho s’ya pero kailangan n’ya lang ng pahinga. May number ba kayo ng kamag anak n’ya?” tanong n’ya sa akin. “Wala po pero kung may kailangan pong bayaran ako na po ang bahala saka kung anong gamot ang kailangan n’ya,” sabi ko sa kanila at ibinigay naman nila sa akin ang dapat kong bayaran pati na rin ang reseta ng gamot. Binili at binayaran ko lahat ng gatos ni manang dito sa ospital at ibinilin ko na lang s’ya sa isang nurse dahil kailangan ko ng umalis para hindi ako abutan ng gabi sa daan. Gusto ko sanang hintayin ang pamilya n’ya pero mukang matatagalan pa sila kaya aalis na ako. Lumabas na ako ng ospital ng may bigla na lang bumangga sa akin kaya muntik na akong matumba mabuti na lang ay mabilis ang pagkakabalanse ko. Masama kong tiningnan ang tao na ‘yon pero hindi n’ya ako pinansin dahil mukang nagmamadali s’ya kaya hindi ko na lang din inintindi at bumalik na ako sa kotse ko. Napakadaming nangyari sa araw na ‘to at gusto ko na lang talagang magpahinga pag-uwi ko sa bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD