Kabanata 6 - Anastasia Olivia POV

1274 Words
Pinunasan ko ang mga luha ko ng may biglang kumatok sa pinto ng opisina ko. Hindi ko alam kung ilang oras na akong umiiyak, ang sakit na kasi ng ulo ko at masama na ang pakiramdam ko ngayon. Gusto ko ng sumuko pero hindi ko pwedeng gawin ‘yon, nahihirapan na ako pero hindi ako pwedeng huminto na lang. Mas lalo ko lang papalalain ang sitwasyon ko kapag sumuko ako at hindi sumunod sa gusto nila. Isa akong preso sa sarili kong buhay, wala akong kahit anong kontrol sa desisyon ko at isang magpapakamali ko lang mawawala sa akin lahat ng pinaghirapan ko. “Are you okay?” tanong n’ya sa akin ni Jaxon ng pumasok s’ya sa opisina ko. Hindi ba n’ya naitindihan na ayokong makipag-usap sa kahit na sino ngayon? “I don’t have time Jaxon, kung may kailangan ka pa sabihin mo na kasi madami akong trabaho at kung kakaawaan mo lang ako umalis ka na lang” sabi ko sa kanya at inabala na ang sarili ko sa mga papeles na sa lamesa ko na kailangan kong matapos agad. Mukang dito na naman ako magpapalipas ng gabi sa opisina ko para lang matapos ko ‘tong mga trabaho na ‘to. Ayoko rin naman umuwi sa bahay dahil galit lang ang isasalubong sa akin ni mommy. Hindi nila ako sinasaktan ng physical pero sa mg salita naman nila ako nagbubugbog ng sobra. Nabibingi na nga ako minsan dahil paulit-ulit na lang ang mga sinasabi nila pero hindi naman ako pwedeng sumuway sa gusto ng mga magulang ko kahit anong pang masasakit na salita ang marinig ko sa kanila kailangan ko pa rin lunukin ‘yon. “I just came here to help Oli, kanina ka pa nagkukulong dito” sabi n’ya sa akin. “You’re not helping me Jaxon, simula noong dumating ka hindi na naging maganda ang flow ng lahat kaya pwede ba umalis ka na lang” sabi ko sa kanya at hindi ko na s’ya pinansin. Ipinagpatuloy ko na lang ang trabaho ko at hinayaan s’yang umalis. Mas gusto ko pa ung mag-isa na lang ako at hindi ko kailangan ng tulong ng iba dahil lang naawa sila sa akin. Sanay akong mag-isa na walang kahit na sinongg tumutulong sa akin. Ganon ako simula noong bata pa lang ako kaya sanay na sanay na ako. Kesa isipin ko ang mga sinabi ni Dad sa akin kanina nagfocus na lang ako sa trabaho ko na dapat ay matapos ko na kasi kailangan na ‘to ngayon. Pagnatapos ko lahat ng kailangan kong tapusin na trabaho balak kong mag file ng leave para makapagpahinga ako kasi konti na lang sasabog na ako saka simula noong nagtrabaho ako dito sa kompanya namin hindi ko na naranasan na magpahinga. “Ma’am ito na po ung file na hinahanap n’yo,” sabi sa akin ng secretary ko at inilapag ‘yon sa lamesa ko. “Don’t let anyone disturb me, call me if it is important and if not then don’t. You may leave and schedule the meeting with the team for later then after that we will have a meeting with the finance team,” sabi ko sa kanya. “Okay po,” sabi n’ya sa akin at lumabas na ng opisina ko. Ganito ako kapag wala sa mood, puro trabaho lang ang inuuna ko. Alam kong madami na naman mga empleyado ang maiinis sa ugali ko ngayon dahil sa ginawa ko dahil pati sila nadadamay sa init ng ulo ko kaya nga minsan mas gusto ko na lang magkulong dito at hindi lumabas kesa naman magalit ako pero kailangan ko lang talagang maayos na ‘to bago pa magalit ulit si Dad. Hindi s’ya nagbibiro sa sinabi n’yang tatanggalan n’ya ako ng mana at aalisin sa posisyon ko kapag hindi ko naayos ang problema at kapag pumalpak pa ako. Simpleng pagkakamali ko lang ang init na agad ng ulo n’ya pero kapag iba naman ang nagkamali okay lang minsan sa kanya. Iniisip ko na minsan na hindi ako anak dahil sa ginagawa n’ya na ‘yon pero imposible naman mangyari ‘yon. Kahit naman ganyan sila kalupit sa’kin alam ko naman na anak nila ako at hindi naman nila ako pinabayaan. Inayos ko na lahat ng mga trabahong natapos ko na at inilagay ko ‘yon sa isang tabi dahil kailangan kong ipasa ‘yon kay daddy mamaya dahil titingnan n’ya pa ‘yon. Ang dami ko pang kailangang tapusin trabaho kaya paniguradong dito talaga ako magpapalipas ng gabi sa opisina. Tiningnan ko ang orasan sa gilid ko at ng makita ko ang oras ay tumayo na ako dahil kailangan ko ng makausap ang staff ko. “Ma’am,” tawag sa akin ng secretary ko ng makita n’ya ako. “Call everyone and proceed to the conference room,” sabi ko sa kanya at naglakad na papunta sa conference room. Hinintay ko na lang sila ‘don. Wala naman kaso sa akin ang maghintay dahil maaga pa naman at gusto ko na lang matapos agad ‘to. Kahit naman mahigpit ako sa empleyado ko hindi naman ako masama sa mga empleyado ko. Ayokong matakot sila sa akin kahit alam ko naman na natatakot sila dahil wala akong kinakausap at tahimik lang ako saka hindi ngumingiti. Bihira lang nila akong makitang ngumiti at hindi ako tanga para hindi malaman ang tawag nila sa akin kapag nakatalikod ako. Hindi ko na lang sila pinapansin. “Ma’am sorry po late kami,” sabi nila sa akin ng pumasok sa conference room. “Sit down and let’s proceed to the meeting,” sabi ko sa kanila. Nagsi-upo naman na sila at nagsimula. Nakinig lang ako sa presentasyon nila at tiningnan mabuti ‘yon, hindi kami pwedeng magkamali kahit isa lang dito ngayon. We cannot repeat what happened again last time. Alam ko naman na walang mali at problema ‘yon pero dahil kay Jaxon nawala lahat ng pinaghirapan namin. Hindi ko alam kung bakit kailangan pang makielam ni Jaxon sa kompanya namin eh may sarili naman silang kompanyang pinapatakbo. “That’s all po,” sabi nila kaya napatango ako. “So far so good, wala naman akong nakitang problema regardings sa presentation. We need to make sure na sa susunod ay hindi na tayo papalpak, we cannot afford to fail again because we have a bigger problem to attend,” sabi ko sa kanila at inabot naman sa kanila ng secretary ko ang folder. “Ma’am is this about the last project na nanalo sa bid?” tanong ng isang empleyado ko sa’kin. “Yes,” sagot ko sa kanya. Nanalo sa bid dahil pinaburan ni Dad, wala naman akong magagawa ‘don. “Ano pong kinalaman natin dito?” tanong naman ng isa sa akin. “All of you are aware that the person responsible to that project is not here anymore so we are the one who assign to that and currently that project is not working well so we need to do our best to save it,” sabi ko sa kanila. Hindi naman dapat mangyayari ‘to kung natutukan ng maayos ang project na ‘yon at kung hindi nagpadala ang magulang ko sa kung sinong may responsibilidad sa project na ‘yon. Nasa akin tuloy ang sisi ngayon sa nangyari kahit hindi ako ang may kasalanan. Well, kailan ba ako nagkaroon ng choice sa buhay ko? Kahit kelan naman ay hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na magkaroon ng sarili kong desisyon. Ung puso ko para ng bato sa sobrang tigas, hindi ko na nga ata alam kung paano magmahal kasi kahit pagmamahal ng magulang ko hindi ko na maramdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD