Kabanata 5 - Anastasia Olivia POV

1803 Words
Buong maghapon ay puro trabaho lang ang ginawa ko at hindi ko alam kung paanong paliwanag ang gagawin ko kay Dad dahil sa bagong financial report na hawak namin ni Jaxon ngayon. Paniguradong magagalit na naman si Dad sa oras na malaman n’ya ‘to at paniguradong sa akin na naman ni dad ibubuhos ang galit n’ya dahil dito. Hindi ko pa nga naayos ung isang problema ko ay nadagdagan na naman ang panibagong problema. Ang sakit na ng ulo ko sa totoo lang, hindi naman ito ang gusto kong gawin sa buhay ko dahil hindi ito ang pangarap ko pero wala akong magawa kung hindi panindigan ang lahat ngayon, nandito na ‘ko at mas magagalit lang sa akin si dad kung tatalikuran ko lahat ngayon ‘to. Hindi lang naman ito ang mabigat na problemang pinagdaanan ko at kumpara pa nga noon ay mas okay pa ‘to. “What is your plan Oli?” tanong sa akin ni Jaxon kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya. “Do you hvae any suggestion now Mr. Palma?” tanong ko sa kanya at pinagtaasan s’ya ng kilay. Magaling naman s’ya diba. Gusto nga s’ya ni dad kaya baka may maganda s’yang suggestion kesa pahirapan ko pa ang sarili kong mag-isip tapos hindi lang din naman ako ang masusunod kaya s’ya na lang ang tatanungin ko baka kasi may naisip s’ya. “Did I hear it right? You’re asking for me opinion this time?” tanong n’ya sa akin kaya inirapan ko s’ya. Tatanungin ko ba s’ya kung may naisip ako ngayon. Pagkatapos kasi namin makausap ang head ng finance ay ipinaliwanag n’ya rin sa amin ang mga sinabi namin kanina at parehas naman kaming may point ni Jaxon pero kasi kung ititigil namin ‘yon ngayon na malapit ng matapos edi nasayang lang lahat ng ginawa namin do'n tapos kung ipagpapatuloy pa namin ay mahihirapan kami sa magiging budget namin sa ilang project namin ngayon. Ayokong maapektuhan ang mga empleyado dito kaya inilalabas ko na sila saka hindi naman nalulugi ang kompanya. Kailangan lang namin ibalanse ang lahat ngayon pero hindi s’ya ganon kadali lahat. “Just tell me your opinion Jaxon, a better one” sabi ko sa kanya. “Talk to your dad, that’s my opinion. He can help you with that, it’s not a simple problem and he is the CEO of the company Oli so talk to him and tell him what happened,” sabi n’ya sa akin. Parang ang dali lang ng gusto n’yang mangyari ngayon. Dad will get mad at me because of that problem and being the COO of the company, I should have a solution or a plan before telling him the problem. “Hindi ganun kadali ‘yon Jaxon,” sabi ko sa kanya. “You don’t have a solution Oli and it’s not only your problem. The one who should solve this is the person who is responsible for that project and we both know that it is not you,” sabi n’ya sa akin. Hindi nga ako pero nasaan ang may responsibilidad sa project na ‘yon? Wala naman eh. Kaya ako lang sasalo lahat, ako ang may responsibilidad ngayon kahit hindi naman kaya kung ano man ang problema sa akin lahat nakasisi kahit hindi naman dapat ako. “I’m the one responsible for that Jaxon, you know that” sabi ko sa kanya. “Then do what you think is right for that project and consult it to your father, I think he will listen to your opinion. He is your dad Oli,” sabi n’ya sa akin. “I know but my personal life is not involved here. He is my father outside the company but here he is my boss and you know how strict he is when it comes to work,” sabi ko kay Jaxon. “He is still your father,” sabi ni Jaxon sa akin. Napabuntong-hininga na lang ako at napatingin sa cellphone ko ng tumunog ‘yon. My father is calling me, hindi ko alam kung sasagutin ko ba s’ya o hindi pero kahit anong mangyari naman uuwi pa rin ako sa bahay at maghaharap pa rin kaming dalawa. Wala naman kasi akong ibang pwedeng takbuhan dahil wala naman akong kaibigan na malalapitan dito. I wish I have real friends that can help me, but I don’t have. Kinuha ko ang phone ko at sinagot ko ang tawag ni Dad sa akin. “Hello po,” sabi ko sa kanya. “Come to my office Oli, I need to talk to you” mariing sabi n’ya sa akin saka pinutol ang tawag. Sa boses pa lang ni dad ay alam ko ng galit s’ya at sa tingin ko ay alam na n’ya ang nangyari kaya kailangan ko ng ihanda ang sarili ko kapag hinarap ko s’ya ngayon. Alam ko kung paano magalit si dad at hindi na bago para sa akin ‘yon kasi ako naman lagi ang napapagalitan n’ya at nasanay na rin ako pero kahit naman ganon ay natatakot pa rin ako. “What did he say?” tanong ni Jaxon sa akin. “He wants me to go to his office,” sabi ko kay Jaxon. “Then go,” sabi n’ya sa akin. Wala naman akong magagawa kung hindi pumunta talaga sa office ni dad dahil kung hindi ako pupunta paniguradong mas magagalit pa s’ya. Huminga ako ng malalim at tumayo sa swivel chair ko saka ako lumabas ng opisina ko. Mabilis akong naglakad papunta sa office ni dad at kahit anong gawing kong pag-iisip ng idadahilan ko sa kanya o ng paliwanag ay walang pumapasok sa isip ko. Ang bilis ng t***k ng puso ko ngayon at gusto ko na lang umalis pero hindi ko pwedeng gawin ‘yon kasi mahahanap pa rin naman nila ako. “Ma’am Oli kanina pa po kayo inaantay ni sir,” sabi sa akin ng secretary ni dad. “Okay,” sabi ko sa kanya. Huminga muna ako ng malamim bago ako kumatok at tuluyang pumasok sa loob ng opisina ni dad. Naabutan ko s’yang nakaupo sa swivel chair n’ya at seryosong tinitingnan ang mga dokumentong nasa ibabaw ng lamesa n’ya. Sa itsura pa lang ng mukha ni dad alam ko ng wala s’ya sa mood at hindi maganda ang mangyayari ngayon. “Sir,” tawag ko sa kanya para makuha ko ang atensyon n’ya. “What the hell happened with this project!?” galit na tanong n’ya sa akin at ibinalibag sa muka ko ang mga papeles na hawak n’ya. Napayuko na lang ako dahil sa ginawa ni dad, tumama sa mukha ko ang mga papeles na ‘yon at hindi ko na lang ininda ‘yon pero nagpipigil na lang ako ng emosyon ko kasi kung papairalin ko kung ano ang nararamdaman ko baka itakwil na ako ni dad sa kung anong masasabi ko sa kanya ngayon. Ayoko rin na magsagutan kaming dalawa kasi sa totoo lang punong-puno na ako at ayokong sumabog ako sa harap ni dad kaya hanggang maari nagpipigil ako ng emosyon ko. May respeto ako sa kanya at mahal ko s’ya. “I’m sorry dad, aayusin ko po at ginagawa na po namin ng paraan ni Jaxon ang nangyari” sabi ko sa kanya. “I entrust you with that project Olivia! You’re the one who’s in charge with that and yet you fail me again!” galit na sabi n’ya sa akin. “Dad I already did what I can do to that project, sinunod ko naman po ang gusto n’yong mangyari kahit na alam kong may chance na mangyari ang ganitong bagay. Sinabi ko na rin po sa inyo ang bagay na ‘to pero you still insist to make this project work,” sabi ko kay dad sa mahinang boses lang. Ayokong isipin n’yang sinusumbatan ko s’ya kasi paniguradong ganon ang lalabas sa mga binitawan kong salita ngayon na hindi ko na pwedeng baguhin pa. “I said yes because you said you can do it Olivia! You know how much this project cost and look what happened to us now,” sabi n’ya sa akin. If my project was approved instead of this baka ngayon ay tapos na ‘yon at madami ng pumapasok na income sa kompanya. My team work hard for that project pero hindi kami pinaburan kahit majority ang mas may gusto ng amin, ganun naman kasi talaga dahil hindi naman ako ang papaboran ng magulang ko kung asa ganong sitwasyon. Kahit na hindi naman ako ang may kasalanan ngayon ako pa rin ang nasisi sa nangyari, ginagawa ko naman ang lahat ng magagawa ko pero hindi pa rin ‘yon sapat sa lahat. Minsan lang ako magkamali pero lahat ‘yon nakikita nila at hindi nila makita ang mga achievements na ibinigay ko sa kanila. “I’m really sorry dad, aayusin ko ‘to and I will make sure that in four months this project will be finish. Don’t worry too much dad gagawin ko ang lahat para sa project na ‘to,” sabi ko sa kanya. Gagawin ko ang lahat pero in the end hindi ako ang bida, sanay naman na ‘ko. Ang importante na lang sa’kin ay wala ng masabi ang mga magulang ko sa akin na wala na akong nagawang tama sa buong buhay ko, minsan nga naiisip kong totoo ‘yon kasi wala naman talaga akong nagawang tama para sa sarili ko. “Olivia this will be the last chance I will give to you, sa susunod na pumalpak ka ihanda mo na ang sarili mo na mawawala ka sa posisyon mo ngayon bilang COO at maalis ka rin bilang board of director ng kompanya,” sabi ni dad sa akin. “Naiitindihan ko po,” sabi ko sa kanya. “Leave now,” sabi n’ya sa akin. Tinalikuran ko na s’ya at lumabas na ako ng opisina n’ya. Gusto kong umiyak sa oras na makalabas ako ng opisina n’ya pero pinigilan ko ang sarili ko dahil ayokong may makakita sa akin. Mabilis na lang akong naglakad at pumasok sa loob ng opisina ko. “Jaxon can you please leave,” sabi ko sa kanya. “What happened?” tanong n’ya sa akin. “Just f*****g leave Jaxon because I want to be alone,” mariing sabi ko sa kanya. Hindi naman na s’ya nagtanong pa at lumabas na ng opisina ko. Pagkalabas ni Jaxon ay ‘don na bumuhos ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan dahil ayokong may makakita na umiiyak ako. Kahit na sanay na ako sa lahat ng sinasabi ni dad ay hindi ko pa rin maiwasan na masaktan. Masakit kasi na pagsabihan ako ni Dad na ganon na para akong tauhan lang n’ya at hindi anak na kapag nagkakamali ay basta na lang babaliwalain at itatapon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD