Kabanata 10 - Anastasia Olivia POV

1607 Words
Hindi ko namalayan na malayo na pala ang narating sa paglakad ko. Hindi ko naman kasi alam na sa sobrang dami kong iniisip ay napalayo na pala ako sa site. Kung anu-ano kasi ang iniisip ko kaya hindi ko namalayan na malayo na pala ang nalakad ko. Ganito kasi ako kapag lumilipad ang isip ko sa mga problemang iniisip ko. Napabuntong hininga na lang ako at bumalik, hindi ko kabisado ang lugar na ‘to dahil ilang beses pa lang naman akong napunta dito at saka medyo kumakalam na ang sikmura ko dahil anong oras na rin at hindi pa ako kumakain ng kahit ano. Masyado ko kasing itinutuon ang atensyon ko sa trabaho ko kesa sa sarili ko. Mas mahalaga kasi sa akin ang trabaho kesa ang ibang bagay dahil hindi ko pwedeng pabayaan ang trabaho ko. Kapag napabayaan ko ang trabaho ko alam ko naman na ang kakalabasan ‘non. Galit ni dad ang haharapin ko sa oras na may ginawa akong kapalpakan. Naalala ko noong bata pa ako madalas akong pumunta sa hacienda nina abuelo at abuela dahil ‘don ako lumaki at kapag nandito sila ay nandoon ako sa kanila palagi. Mas gusto ko pa nga ‘don kesa nakakulong lang ako sa bahay namin na wala lang akong ginawa kung hindi ang mag-aral. Hindi nga ako diba nagkaroon ng kaibigan dahil bawal. Napakalungkot ng kabataan ko at hindi ko alam kung ano ang naging magandang nangyari sa akin noon dahil bukod sa puro aral ang ginagawa ko ay lagi rin akong napapagalitan kapag nahuhuli ako na tumatakas para maglaro sa labas. Madami kasing mga bata noon ang naglalaro sa park malapit sa bahay naming noon kaya tumatakas ako kasi naiingit ako sa kanila. Meron nga akong isang bata ‘non na naging kaibigan ko ng palihim lang pero nawala rin s’ya dahil noong isang araw na tumakas ako ay hindi ko na s’ya nakita pa saka simula noon hindi na rin ako pinalabas dahil nahuli ako ni mommy at nagalit s’ya sa akin. Nakakalabas lang talaga ako kapag dumadating sila Abuela. Sa tuwing dumadating si abuelo at abuela masaya ako kasi kinukuha nila ako kay daddy at mommy, si ate ‘non ay hindi sumasama sa amin dahil mas gusto n’ya sa bahay kaya na rin siguro na mas malapit s’ya sa mga magulang namin. Sabi ko hindi na ko mag-iisip ng kung anu-ano pero eto ako binabalikan ko pa rin ang nakaaraan ko na wala naman magandang nangyari kasi kung ano ang meron ako noon ganon pa rin naman ngayon. Walang nagbago, tumanda lang ako at nagkaisip kaya naiitindihan ko na ngayon lahat. Minsan sana naisip ko na lang na paano kung hindi sila ang magulang ko, ganito pa rin kaya ang buhay ko? Paano kung mahirap lang kami ganito pa rin kaya? Napabuntong hininga na lang ako sa daming tanong na nabubuo sa isip ko at dala na rin ‘to ng gutom panigurado kaya bumalik na lang ako sa site pero bago pa man ako makabalik ay nakasalubong ko si Jaxon. “I’ve been looking for you everywhere Olivia,” sabi n’ya sa akin. “Bakit mo naman ako hinahanap? May problema ba?” tanong ko sa kanya at pinagtaasan s’ya ng kilay. “Wala, hinahanap lang kita kasi bigla ka na lang nalawa” sabi n’ya sa akin. “Hindi mo naman ako kailangan hanapin dahil kaya ko naman ang sarili ko,” sabi ko sa kanya. “I’m just worried about you, hindi mo naman kabisado ang lugar na ‘to,” sabi n’ya sa akin. Tiningnan ko s’ya at huminto ako sa paglalakad ko. “Hindi mo rin naman ‘to kabisado Jaxon,” sabi ko sa kanya. “Ayoko lang Oli na may masabi si tito Augustus kapag may nangyaring masama sa’yo,” sabi n’ya sa akin. Edi lumabas din ang totoo na kaya n’ya lang ako sinundan at hinanap kasi ayaw n’yang mapasama s’ya kay dad. Wala naman pakielam sa akin ang mga magulang ko kahit na may mangyaring masama sa akin para nga sa kanila ako ung black sheep of the family kahit ako lang naman ang sumusunod sa kanila. Baliktad kasi ang sitwasyon, kung sino pa ung sumusunod sa kanila ‘yon pa ung ayaw nila tapos ung gusto nila wala naman na dito. “Wag kang mag-alala Jaxon kasi kapag may nangyaring masama sa akin hindi magagalit sa’yo si dad, hindi ka ‘non papagalitan dahil wala naman rason para magalit s’ya sa’yo” sabi ko sa kanya at binilisan ko na lang ang paglalakad ko. Nagugutom na ako at ayoko ng makipagtalo sa kanya. Gusto ko na lang umuwi kung wala na akong dapat asikasuhin na trabaho dito. Gusto ko na lang magpahinga sa bahay dahil wala naman na kaong trabaho na dapat tapusin dahil natapos ko naman na pwera na lang kung uutusan pa ako ni dad. Naglakad na ako palayo sa kanya at bahala na s’ya kung babalik s’ya o hindi dahil ako gusto ko na lang na matapos ang lahat ng ‘to para makauwi na ako. Pagbalik ko ‘don ay nagsisiuwian na ang mga empleyado namin na nagwewelga kanina. Sinabi ko naman sa kanila na bukas na sila pumasok dahil anong oras na rin kasi at hindi na nila matatapos ang ibang trabaho. “Ma’am maraming salamat po talaga,” sabi nila sa akin. “Wala po ‘yon, ako nga po dapat ang magpasalamat sa inyong lahat dahil kung hindi kayo nagsusumikap magtrabaho ay hindi naman po magiging maayos ang factory kaya po salamat sa inyong lahat,” sabi ko sa kanila at ngumiti. “Walang ano man po,” sabi nila sa akin. Nagpaalam na sila at nakikita ko sa mga labi nila ang ngiti ng kaligayahan habang sabay-sabay silang umaalis at ung iba naman ay kasama ang mga pamilya nila. Gumaan ang loob ko ng makita ko sila na masaya, ang gaan kasi talaga sa loob kapag nakakapagpasaya ka ng ibang tao. Sana nga magawa ko rin na mapasaya ang sarili ko. Huminga ako ng malalim at humarap sa manager at supervisor ng factory dahil kailangan ko pa silang kausapin tungkol sa nangyari. “Let’s go sa conference room,” sabi ko sa kanila at naglakad papasok sa loob ng conference room. Naupo ako sa swivel at nasa harap ko na sila ngayon. “Next time kung magkakaroon ng problema sabihin n’yo agad sa main office ng malaman ko, kailangan kasi ng proper analyzation and decision ang nangyari. Hindi pwedeng kapag indulto na lang na ganito saka n’yo sasabihin sa amin ang problema. Alam ko naman na gusto n’yo lang solusyonan sa sarili n’yo ang nangyari pero ibang usapan na kasi ‘yon at kami na ang may kailangan kaya sana sa susunod hindi na ‘to maulit and please don’t follow order to anyone aside from the person who is in charge and that’s me and my dad, hindi ibang tao” sabi ko sa kanila. “Yes ma’am,” sabi nila sa akin at yumuko. “You may leave,” sabi ko sa kanila at umalis na sila. Naiwan na lang akong mag-isa dito sa conference room kaya napasandal ako sa upuan ko at napahawak sa ulo ko. Sumasakit kasi ang ulo ko dahil na rin sa gutom ‘to. “You should eat,” napatingin ako sa nagsalita at si Jaxon ‘yon. Lumapit s’ya sa akin at may inilapag sa harap ko. Pagkain ‘yon at gusto ko sanang tanggihan dahil s’ya ang may bigay pero nagugutom na talaga ako kaya naman kinuha ko na ‘yon at binuksan. “Thank you,” sabi ko sa kanya. “Next time wag kang nagpapalipas ng gutom,” sabi n’ya sa akin. “Hindi ako nagpapalipas ng gutom,” sabi ko sa kanya at kumain na. Hindi ko na lang s’ya pinansin at nagpatuloy na ako sa pagkain ko, pagkatapos kong kumain ngayon ay babalik na ako ng maynila. Ayoko na dito dahil wala naman na akong dapat ayusin at kailangan ko pa palang mag report kay dad. Alton Noah Hindi madali ang buhay kapag nasa probinsya ka at napakadaming problema rin ang kailan mong harapin para makaahon ka sa buhay, kailangan mo rin na gumawa ng mga bagay na alam mong hindi tama para lang makuha ang kailangan mo. Hindi madali ang buhay, kailangan nating lahat dumaan sa butas ng karayom bago natin makuha ang mga gusto natin. “Alton, anak kumain ka na” sabi sa akin ni nanay kaya tumango ako sa kanya. “Nandyan na nay tatapusin ko lang ‘to,” sabi ko sa kanya at tinapos ang paghahalo ko ng palay na nakabilad sa gilid ng kalsada. Nang matapos ako ay sumunod na ako sa kanila at sumabay na kumain. Halos araw-araw ganito ang ginagawa namin simula ng makatapos kaming umani sa bukid at mamaya naman ay aasikasuhin namin ang mga kabayo sa rancho. “Kumain ka pa ng madami Noah, anak. Hindi ko man lang malaman sa’yo kung bakit ba umuwi ka na lang kagabi na may mga sugat ka. Ano ba ang nangyari?” tanong sa akin ni nanay. “Wag n’yo na lang pong isipin ‘yon,” sabi ko sa kanya at ngumiti. “Nakung bata ka, ako mamatay sa pag-aalala sa’yo dahil lumuwas ka lang ng maynila tapos umuwi ka na lang na puro sugat ka,” sermon na sabi n’ya sa akin. “Okay lang ako nay,” sabi ko sa kanya. Kaya ko naman ang sarili ko, mabuti na lang at may babaeng tumulong sa akin kahapon kaya nakaligtas ako. I need to see that woman again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD