Kabanata 4 - Anastasia Olivia POV

2419 Words
Maaga akong gumising kinabukasan dahil kailangan kong pumasok ng maaga sa opisina dahil madami akong dapat tapusin na trabaho. Ayokong ma-disappoint na naman sa akin si daddy, tulad ng nangyari kahapon. Ramdam na ramdam ko na sobrang na disappoint sa akin si Dad ng malaman niyang hindi ko nakuha ang deal at pati na rin si mommy, napakahirap pa naman na kunin ang loob nilang dalawa kaya kailangan kong ayusin ang trabaho ko. Bumangon na ako sa kama ko at dumiretso na ako sa banyo para ayusin ang sarili ko. Humarap ako sa salimin at tiningnan ko ang sarili ko, namumugto ang mata ko dahil sa pag-iyak ko kagabi at masakit pa rin ang ulo ko dahil do'n. Ngumiti ako at kinalma ko ang sarili ko. “Kaya mo ‘yan Olivia” sabi ko sa sarili ko. Hindi ko naman kasi pwedeng hindi kayanin ang lahat, kung ano man ‘tong bigat na nararamdaman ko mawawala rin ‘to kasi ganun naman lagi ang nangyayari. Kailangan ko lang kalimutan lahat ng mga masasakit na salita na naririnig ko galing sa mga magulang ko para maging maayos ako. Hindi naman kasi ako lumalaban at paglumaban ako mas lala lang ang sitwasyon, hindi naman kasi ako si ate na kahit sagutin niya ang mga magulang namin wala lang at saka hindi naman ako magiging si ate kahit kelan. Huminga ako ng malalim at inalis na sa isipan ko ‘yon. Kailangan ko ng maligo at mag ayos ng sarili para umalis. Bawal malate ngayon at saka hindi naman pala talaga ako pwedeng malate kahit kelan. Tumapat ako sa shower at bumuhos sa katawan ko ang malamig na tubig na nagmumula dito. Mas gusto kong malamig na tubig ang ipinapaligo ko sa sarili ko para magising ako at mabuhay ang loob ko lalo na tuwing umaga. Nang matapos akong maligo ay nagpunas na ako ng katawan ko saka dumiretso sa walk-in-closet ko para magbihis ng damit pang opisina. Nagsuot lang ako ng shirt at simpleng sleeveless blouse saka ko binitbit ang coat ko at lumabas na ako ng walk-in-closet ko. Umupo ako sa vanity mirror ko at sinimulan ayusin ang muka ko. Simpleng make-up lang naman ang ginagawa ko araw-araw dahil hindi ko naman kailangan ng makapal na make-up saka hindi rin ako sanay na may kung ano-ano sa muka ko. Pinatuyo ko ang buhok ko gamit ang blower saka kinulot ng pa beach wave lang. Pagkatapos ay inipit ko sa magkabilang tenga ko ang mahaba kong buhok saka ko inayos ang mga gamit na kailangan kong dalhin sa trabaho ngayon. Inilagay ko lahat ‘yon sa bag ko pati na rin ang laptop ko saka ako lumabas ng kwarto ko. Sobrang tahimik ng bahay namin at hindi na bago sa akin ‘yon, lagi naman tahimik dito . Bumaba na ako at ang sumalubong sa akin pagbaba ko ay si manang na nakangiti sa akin. “Good morning, Oli,” masayang bati sa akin ni manang kaya ngumiti ako sa kaniya. “Good morning din po,” sabi ko sa kanya. “Kumain ka na ng umagahan mo at sabayan mo na ang mommy saka ang daddy mo, asa dining area na sila at iniintay ka,” sabi ni manang sa akin. Napatingin tuloy ako sa wristwatch ko dahil sa sinabi ni manang. Kumunot ang noo ko ng makitang maaga pa. Hindi ko naman kasi sila nakakasabay kumain sa agahan dahil maaga akong umaalis at gumigising kesa sa kanila pero ngayon ay mukang naunahan nila ako at kinakabahan tuloy ako. “Sige po,” sabi ko kay manang at kinuha n’ya sa akin ang bag na dala ko. Naglakad naman na ako patungo sa dining area namin at natigilan ako sa naabutan ko. Hindi lang kasi ang magulang ko ang nandito ngayon kung hindi may ibang tao rin. “She’s already here, come and join us Olivia” sabi ni mommy sa akin kaya naman lumapit ako sa kanila. “Good morning po,” bati ko sa kanila at humalik sa pisngi ni mommy pati na rin kay Dad. “Sit down and join us Olivia,” sabi ni Dad sa akin kaya naman umupo na ako sa pwesto ko at nagsimulang kumain. “You did not greet our guest,” bulong sa akin ni mommy kaya umayos ako ng upo. Huminga ako ng malalim at tumingin sa bisita namin ngayon, “Good morning, Jaxon” bati ko sa kan’ya at hindi ko na s’ya pinansin. “Good morning too Oli,” nakangiting sabi n’ya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit nandito na naman s’ya pero tuwing nandito s’ya hindi ko nagugustuhan ang nangyayari lalo na kapag may nagawa na naman akong hindi nagugustuhan ng mga magulang ko. “What are you doing here again Jaxon?” tanong ko sa kanya pero pabulong lang ‘yon. “Tito invite me here,” sagot n’ya sa tanong ko at palihim ko s’yang inirapan. Napatango na lang ako at ipinagpatuloy ko na ang pagkain ko, ayoko na sanang kumain pero hindi pwedeng hindi ako sumabay sa kanila ngayon dahil mapapagalitan na naman ako. Para kasi akong bata na sobrang daming bawal gawin at madalas nakakasakal na pero wala akong magawa dahil wala naman akong kapangyarihan para lumaban sa magulang ko saka kahit ganyan sila sa akin ay mahal ko pa rin sila at may respeto ako sa kanila. “Oli you can go with Jaxon today, he is coming to our company, and you should be with him” sabi ni dad sa akin kaya napatigil ako sa pagkain at napatingin kay daddy dahil sa sinabi n’ya sa akin. “I have my car dad,” sabi ko sa kanya. “You can’t use your car from now on until you get the project again,” sabi ni dad sa akin. Napabuntong-hininga na lang ako at hindi na kumibo. Parang ang laking kasalanan ng ginawa ko, makukuha ko naman ung project kung hindi sumingit si Jaxon ‘non at ngayon s’ya ang bida sa harap ng mga magulang ko lalo na kay dad. “Don’t worry Oli I can drive you there every day and we are working together,” sabi ni Jaxon sa akin kaya tumingin ako sa kanya at tumango na lang ako. Wala naman akong ibang choice, wala naman akong naging choice noon pa man. Nang matapos kaming kumain ay naunang umalis ang mga magulang ko at sumunod naman ako sa kanila, umakyat na si dad at mom sa taas kaya humarap ako kay Jaxon at pinagtaasan s’ya ng kilay. “Hindi mo na ako kailangan isabay dahil kaya ko naman mag commute,” sabi ko sa kanya. “Your parents already know na sa akin ka sasabay saka malalaman nila kung hindi ka sasabay sa akin,” sabi n’ya sa akin. “Kaya ko ang sarili ko Jaxon, hindi na ako bata” sabi ko sa kanya. “Nagiging matapang ka talaga sa tuwing wala ang parents mo pero pag nandyan sila hindi mo naman mailabas ang tapang mo,” sabi n’ya sa akin. “Ano bang pakielam mo Jaxon?” tanong ko sa kanya at pinagtaasan s’ya ng kilay. “Sumabay ka na sa akin Oli ng wala ng usapan,” sabi n’ya sa akin. “Fine ng tumahimik ka na pero wag mo akong kakausapin,” sabi ko sa kanya at nauna akong lumabas ng bahay namin. Sumakay na ako ng kotse n’ya at ganon din s’ya. Buong byahe namin papunta sa kompanya namin ay tahimik lang ako at ganon din s’ya. Mabuti na rin ‘yon dahil wala talaga akong balak na kausapin s’ya. Hindi ko alam pero naiinis talaga ako kay Jaxon kasi nararamdaman kong may hindi magandang mangyayari kapag nandyan s’ya. Nang makarating kami sa kompanya ay nauna akong bumaba sa kanya at pumasok sa loob. Sinalubong naman ako ng team ko. “Ma’am may bago pong improvement para sa project,” sabi nila sa akin. “Okay I need to review it and we will have a meeting now,” sabi ko sa kanila. “Okay po,” sabi nila sa akin. Sumakay na kami sa elevator at sila na ang pumindot ng floor namin. Wala na akong pakielam kay Jaxon kung nasaan s’ya ngayon. Ang importante sa akin ay maayos ko ang project na ‘to para maipakita kay dad na kaya ko at deserve ko ang posisyon na hawak ko ngayon. I don’t want to disappoint him again and even mom, ayokong maging disappointment na naman para sa kanila. Buong buhay ko kasi ‘yon ang tingin nila sa tuwing may nagagawa akong mali kaya kailangan kong gumawa ng ikakasaya nila. Nang huminto na ang elevator ay lumabas na kami at dumiretso sa conference room para simulan ang meeting namin. “Ma’am Oli ito po ang bagong improvement,” sabi nila sa akin at kinuha ko naman ang folder na inabot nila. “Janices plug my laptop on the projector please, I need to discuss something” sabi ko sa secretary ko na agad naman n’yang sinunod. “Okay na po,” sabi n’ya sa akin. “As you can see on the screen that was our previous mistake and this improvement is not suitable for the project so meaning you need to figure out some minor details that can help us to improve the project so that we can present it to the board as soon as possible. For the major details I already finish it and you just need to familiarize with it so that you can do the minor,” sabi ko sa kanila. “We will work on that ma’am as soon as possible,” sabi nila sa akin. “Great, I need it tomorrow morning” sabi ko sa kanila at iniwan na sila sa conference room. Sumunod naman sa akin ang secretary ko, pumasok na ako sa opisina ko at umupo na ako sa swivbel chair ko saka sumandal ‘don. “What’s my schedule for today?” tanong ko sa kanya. “You have a meeting with the head of Finance at ten o’clock in the morning, business transaction with Mr. Cy at one o’clock in the afternoon and lastly a meeting with Mr. Jaxon for the rest of the afternoon po,” sabi n’ya sa akin. “Bakit ako may meeting kay Jaxon mamaya?” tanong ko sa kanya. I did not approve that. “It was your father decision po and Mr. Jaxon will also accompany you po to all of your meeting today po,” sabi n’ya sa akin. Napabuntong hininga ako sa sinabi n’ya at napahawak na lang ako sa ulo ko. “You can leave,” sabi ko na lang sa kanya at umalis na s’ya. Naiinis ako sa schedule ko ngayon dahil kasama ko si Jaxon. Napalingon ako sa pinto ng opisina ko ng pumasok ‘don si Jaxon at naiinis ako sa pagmumuka n’ya dahil lahat panigurado ng kilos ko ay malalaman ng mga magulang ko dahil sa kanya. “What are you doing here?” tanong ko sa kanya. “Because I need to discuss something to you before we have our meeting at the head of finance,” sabi n’ya sa akin. “Wala ka bang ibang trabaho Jaxon? As far as I remember you have your own company so why are you here pestering me if you can just go back to your company and work there,” sabi ko sa kanya. “You need my help Oli, your parents asked me to help you because they are disappointed to your work” sabi n’ya sa akin. “You ruin my plan Jaxon that’s why, alam mong maayos ang project ko at wala naman problema ‘don pero sinira mo pa rin. Hindi ko alam ang motibo mo pero hindi ako papayag na masira mo pa ang mga plano ko,” sabi ko sa kanya. “I just did what I need to do Oli, your project is not going to succeed, and I just say my opinion about it. Wag kang magalit sa akin dahil nagsabi lang ako ng totoo Oli,” sabi n’ya sa akin. “Just leave me alone,” sabi ko na lang sa kanya at hindi na s’ya pinansin. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtatrabaho, wala akong pakiealam sa kanya kasi ang gusto ko ay mapatunayan sa mga magulang ko na kaya kong mabawi ang project na ‘yon. I will not disappoint them this time and I will make sure of that. I will strive to prove my worth. “Ma’am the head of finance is already here,” sabi sa akin g secretary ko. “Let him in,” sabi ko sa kanya. Hindi nagtagal ay pumasok na ang head of finance at kamasa n’ya si Jaxon. Wala naman akong magawa dahil pag hindi ko isinama si Jaxon ay mapapagalitan ako. “Good morning, ma’am” sabi n’ya sa akin. “I need to report please,” sabi ko sa kanya kay naman inabot n’ya sa akin ‘yon. Tiningnan ko naman ang report at kumunot ang noo ko ng makitang ang daming expenses ng kompanya namin ngayon pero hindi naman ganun kadami ang pumapasok na income. Dad will be mad if he sees this report and of course malalaman agad ni dad ‘to dahil kay Jaxon na ngayon ay may kopya na rin ng hawak ko na report. “What happened to our expenses?” tanong ko sa head ng finance. “Nagkaroon po ng over expenditure dahil sa ginawang project last period at hanggang ngayon po ay hindi pa rin po ito tapos,” sabi n’ya sa akin. “Maybe we should stop that project and focus on the more profitable things,” sabi ni Jaxon kaya pinagtaasan ko s’ya ng kilay. May point naman s’ya sa sinabi n’ya pero saying ung naubos na pero kung ihihinto pa ang project na ‘yon and that project was not my idea in the first place because they reject my idea and approve that project kahit na sinasabi kong madaming mauubos ‘don at wala naman kasiguraduhan tulad na lang ng nangyari ngayon but the blame will be on me because I’m here and I’m the one who will get the blame for the things that I did not do. Maganda sana ung suggestion ni Jaxon pero ang masaklap lang ay hindi naman ititigil ni dad ang project na ‘to at alam ko na ‘yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD