EPISODE 2

3726 Words
SHARA'S POV Malakas kong sinutok ang kaliwang mata ng kalaban ko. Tumilapon siya sa sahig habang nagmumura siya sa sakit. Napangisi ako matapos siyang bilangan ng taga-pangasiwa namin dito sa ground. "All right. I won! I lessen your suffering. It's better this way." ngiting tagumpay kong bulong sa sarili. "Again, the Legendary Lady Black Fire won the battle!" malakas na wika ng announcer namin dito. "She's a total package of all time in the world of Gang fight!" masayang pahayag niya. "Lady! Lady! lady!" "Lady Black Fire!" Ang sigawan ng mga tao sa paligid. Ngumiti ako sa kanilang lahat. Bahagyan akong napahawak sa tattoo mask ko. Tumalim ang aking mga mata nang may mapansin akong lumundag mula sa itaas. May bago pa ba? Masamang pangitain na naman iyon. Mabilis akong tumakbo papunta sa center box na nakalagay sa gitna ng ground. Mabilis kong kinuha doon ang chekeng pinanalunan ko. Pinaghahabol nila ako pagkatapos ng limang minutos kong pagkakatanghal na panalo sa Gang War. Wala akong sasakyan kaya palihim akong sumakay at nagtago sa isang truck malapit sa arena na pinagganapan. Pinunit ko ang damit ko saka ko itinali sa braso ko para matigil ang pagdurugo nito. Napangisi ako nang marinig kong nagmumura sa inis ang mga taong naghahabol sa akin. "This is bullshit! This is totally f**k-up! How could she do that?! The hell out of her!" galit na ani nang isang lalaki. "She's our pain in our ass!" sinapak ng isa ang truck. Napa-iling na lang ako. "Yeah. You are the total f**k-up performer here." bulong ko sa sarili ko. Napasandal lang ako  sa truck na tinataguan ko. Nang wala na akong marinig mula sa labas, saka lang ako dahan-dahang lumundag paalis sa tinataguan ko. Tumakbo ako paakyat muli sa building. Gusto kong malaman kung ano ang nangyayari pagkatapos kong tumakas kanina. Mabilis kong hinugot ang itim kong jacket na itinago ko kanina dito.  Isinuot ko ito agad saka ako lumapit sa bintana. Tinanggal ko ang ilang parte ng tattoo sa mukha ko gamit ang secret liquid. Itinapon ko ang bulak na ginamit ko saka ako lumingon sa baba. Napangisi ako nang muli kong makita ang duguang mukha ng kalaban ko kanina. Muntik na niya akong masaksak kanina. Ang usapan kanina ay mano-manong laban ang mangyayari pero may nakatago pa lang patalim ang gagong 'yon. Tsk! Umaliwalas na ang Arena hindi katulad kanina. Nagkaroon kasi nang makapal na usok kanina dahil sa inihagis kong Necklace Fire. Hindi ko naman gagawin 'yon kung hindi nila ako pinagtangkaang huliin kanina. Para tuloy silang mga tinapang inuluto gamit ang usok. Natigilan ko nang may makita akong lalaki na nakatingin sa direksiyon ko. Napalunok ako sa pagkakatitig sa mukha niya. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko sa hindi mawaring dahilan. Ngayon ko lang siya nakita. Hindi naman siguro niya ako pag-iisipan nang masama. Hindi naman na kasi halata masyado ang tattoo mask ko sa mukha. Mabilis akong naglakad pababa ng hagdan. Dumaan ako sa pinakalikod ng Building para hindi nila ako makita. Nagtungo ako sa isang eskinita dito sa malapit. "Lovely Shara!!!" masayang sabi ng mga bata nang makita nila ako. Ngumiti ako sa kanila. Nag-uunahan silang lumapit sa akin. "Wake up fellas! Lovely Shara is here!" masayang bulalas ni Leete. Ang pinakabata sa kanila. "Shara! You are here?!" tili ng ilan. Natawa ako nang mahina. "What's up little Angels? How are you doing here?" Maunlad na bansa ang US pero hindi mo pa rin maiaalis ang kahirapan sa ilan. Isa-isa ko silang niyakap. "Hey! Let me in! Will you?! Get out of my way! Oh please, giant gorillas!" bulalas ni Leete. Natawa ako dahil sa ekspresyon ng mukha niya. Naiinis na siya kasi hindi siya makasingit sa mga ito. Ang liit-liit kasi niya. Lumapit ako sa kanya saka ko siya binuhat. "Yey! I am the winner! I am the champion!" tili niya dahil binuhat ko siya. Hinaplos ko lang ang maliit  niyang ulo. "I came here to give you gifts!" masayang anunsiyo ko sa kanila. "Yey! Yey! Yey!" masayang-masaya sila sa sinabi ko. Kapag may pinapanalunan ako sa mga gang wars or illegal gatherings, sa kanila ko ipinapamahagi ang mga 'yon. "Thank you Shara, again..." naiiyak na turan ni Mrs. Baulton. Siya ang Nanay ni Leete. Sa kanya ko iniiwan ang perang budget para sa mga bata dito. Ibinaba ko si Leete saka ako lumapit sa kanya. Nag-usap kami nang masinsinan sa isang sulok. Ipinaalam ko sa kanya kung saan ko gustong mapunta ang perang bigay ko. Ang nais ko lang naman ay mapunta ang mga ito sa mga bata para mapanatili ang kanilang tamang nutrisyon. Pagkatapos naming mag-usap, nag-lakad ulit ako papunta sa terminal ng tren. Masyado nang gabi kaya nag-abang na lang ako ng mga dadaang sasakyan pauwi sa bundok Seattle. Tumakbo ako nang mabilis saka ako lumundag sa umaandar na truck. Mabuti na lang, mabagal lang magpaandar ang Driver nito. Lumundag ako mula sa truck na sinakyan ko kanina nang mapansin kong malapit na ako sa bahay. Dalawang oras din ang biyahe mula sa Arena Camp Sole hanggang sa bulubundukin ng Seattle na tinitirahan ko ngayon. Dumaan ako sa isang ilog malapit sa amin para maghugas ng mukha. Pinagmamasdan ko ang tunaw na itim na Tattoong natatangay ng tubig mula sa mukha ko na ngayon ay nasisinagan nang maliwanag na buwan. Unti-unti itong tinatangay ng agos ng ilog. Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang damit ko bago ako tumayo saka naglakad pauwi. KNOCK! KNOCK! KNOCK! Sunod-sunod na katok ko sa pintuan namin. Ang tagal ni Tita Trity. Lumabas ba siya ng bahay? Pero ala una na ng umaga. Saan naman kaya pupunta iyon? Napahawak na naman ako sa kaliwang braso ko. Sumasakit na naman kasi. Kakatok pa sana ako ulit nang biglang bumukas ang pinto. I am froze because of the man who is now standing infront of me. "Dad..." Mahinang bulong ko sa sarili. Nakatingin lang sa akin si Dad. Bumaba ang mga mata niya sa hawak-hawak kong braso. Nadaplisan kasi ako sa inihagis na saucer blade sa akin kanina. "Amarah..." mahinang anas  niya. After ten years, ngayon ko lang ulit narinig ang totoo kong pangalan. Five years ago noong huli kong makita si Dad kaso never niya akong tinawag na Amarah. Ricky ang laging tawag niya sa akin. Dahil tumira ako sa iba't ibang lugar kasama si Trity, hindi na kami madalas magkita. Noon, madalas niya akong bisitahin pero habang tumatagal ay madalang na niya akong puntahan. Hanggang sa umabot nang isang taon, dalawa, tatlo, apat at lima. Ngayon nasa harapan ko na siya. "Diyos ko Shara! Halika ka nga dito. Bilisan mo! Bilis! Sinasabi ko na nga ba, nakipaglaban ka na naman! Sinabi ko nang 'wag na 'wag kang lalabas dahil may lagnat ka pa kanina. Gusto mo ba akong patayin sa kaba? Ang hilig-hilig mong tumakas!" Si Tita Trity. Natawa ako sa itsura niya. Parang hindi naman na siya nasanay sa akin. Dahan-dahan niya akong hinila at ipinaupo sa sofa pagkatapos tumayo siya ulit. "kukuha lang ako ng gamot." kinindatan ko lang siya saka nginisihan. "What fight had you attended to?" Si Dad. "The community of Black Bohoma. If you only watched the play, you'll love it. Mas gumaling na sila ngayon. Hindi katulad noon na tatanga-tanga." Natatawa kong sagot. Nakatingin lang sa akin si Dad nang seryoso. Hindi ko alam kung natutuwa ba siya sa akin o hindi sa mga pinagsasabi ko. Hindi ako sanay na meron siya dito. Maybe because I am used to lived without him. "Chad 'yang anak mo, manang-mana sa 'yo! Napakatigas ng ulo!" litanya ni Tita Trity. Nandito na pala siya. Dala-dala niya ang first aide kit box. Isinadya niya talaga itong bilhin para sa akin dahil nasanay na siya na kapag umuuwi ako ng bahay, kung hindi sugat, bukol at pasa ang laging baon ko. Napabuntong hininga si Dad. "Trity, iwan mo muna kami ng anak ko." Si Dad. "Sige, pagsabihan mo. Wag mong kunsintihin!" Umalis na si Tita Trity. Nagtungo siya sa kusina. Nang mawala na nang tuluyan si Tita Trity, saka lang siya nagsalita. "Is this the life that you want?" Biglang tanong ni Dad. Napaangat ang tingin ko sa kanya. "Yes" maikling sagot ko. Maikling sagot lang pero seryoso ako. "Then after that fight you'll leave again the country right? Saan mo naman balak lumipat this time?! Hindi ka ba napapagod? Why don't you stop those goddamn fights of yours and start all over again?! Think for your future Amarah! Matalino ka, maganda, madiskarte and young! Anong plano mo sa mga 'yan? Makikipaglaban ka na lang ba hanggang sa mamatay ka? Hanggang sa pagtanda mo? Hindi mo man lang ba ako bibigyan ng mga apo?" tuloy-tuloy na sermon ni Dad. Hindi na ako magugulat kung mag-aalburuto na parang isang bulkan si Dad subalit sa huling sinabi niya ako nagulat. Apo? "Dad, stop! Wala akong plano sa mga pinagsasabi mo!" Inis na sagot ko. Lumapit si Dad sa akin. Alam kong naglakad siya papalapit sa akin pero hindi ko alam kung anong ginagawa niya dahil nakayuko ako kaya hindi ko nakikita. Napa-upo siya sa sahig gamit ang tuhod niya kaya magkapantay na kami ngayon. Kinuha niya ang braso kong may sugat saka dahan-dahan niyang pinahiran ng bulak. "When you were a kid, I used to do this. Napakakulit mong bata. Hindi ko akalaing hanggang ngayon..." Natawa si Dad nang malungkot. Napatingin sa akin si Dad. May namumuong luha sa mga mata niya. "I let you to spread your own wings. I let you fly freely as high as you can. I thought I'd be happy to see you up there but now I'm not. I never realized how many down falls did you encountered throughout your way and I'm not even there for you. How damn father I am to let you fall and get hurt. I never imagined how many wounds, bruises, tears and pain you felt that I've missed before because I let you faced those alone. I'm sorry anak. This is all my fault." Napahagulgol na si Dad. Nabigla ako sa tinuran niya kaya lumapit ako sa kanya para yakapin nang mahigpit. "Dad No! It's not your fault. It's my choice, I chose this, I did this and I meant it. I never blame you for who I am now. Look at me, I've learned a lot Dad. Hindi na ako lampa katulad noon. Ilang beses na akong nadapa noong bata ako pero ikaw ang laging nandiyan para bangunin ako, para patahanin ako sa kaiiyak at para patatagin ako. Dad, napatunayan ko na kahit wala ka, kaya kong tumayo mag-isa. Hindi na ako umiiyak at higit sa lahat, mas tumapang na ako. Hindi mo ako iniwan. Hinayaan mo lang akong matuto. Thank you Dad." "I miss you anak. I'm always here for you." Nagyakapan lang kami ni Dad at nag-iyakan. Hindi ko akalaing darating ang araw na ito. Ang mayakap siya at maiyakan. Masarap sa pakiramdam na magkaroon ng ama na ganito. Simula nang mawala ang Mommy ko, lagi na lang akong nagmumukmok. Medyo sinisi ko din siya kung bakit nagkaganito ang buhay namin. Humiwalay si Dad sa akin mula sa pagkakayakap. Pinunasan na rin niya ang mga luha niya. Ngumiti siya sa akin. "Do whatever you want but please, keep yourself safe." "Sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin Dad. Alam kong hindi lang 'yan ang gusto mong iparating sa akin. You traveled from Philippines to US. Now I want you to talk. I'll listen to you this time" "Gagawin mo ba kapag sinabi ko?" "Let's see Dad. If I can, why not?" Tumayo na si Dad. "I want you to settle down." seryosong sabi niya. Napakurap ako sa sinabi niya. He wants me to what? "Dad-" "I mean, I'm not talking about having your own family. Ahmmm... I guess you have to find someone if you are willing to. Ok joke! Gusto ko lang mag-suggest baka sakaling masagi sa utak mo at gawin mo." Natatawa na ako sa klase ng pananalita niya. Feeling ko, natatakot siyang magsalita nang maayos dahil alam naman niyang against ako sa mga gusto niyang mangyari sa akin. "Dad, just suggest the easiest favor that will surely fit for me not the complicated one." "I just don't get it. Anak, toby ka ba? Confess to me as early as you can. I would going to understand." Toby? napakunot noo ako sa ibinibintang niya. Hindi ko nga alam kung ano iyon. "Toby? What is Toby Dad?" Napakamot siya sa ulo dahil sa tanong ko. "Toby, Tomboy, lesbian-" Hindi na naituloy ni Dad ang paliwanag niya dahil bigla akong natawa nang malakas. Hindi lang talaga ako makapaniwalang pinag-iisipan niya ako nang ganoon. Alam kong siga ako pero never pa naman akong nagkagusto sa isang babae. "Dad, I'm not ok? Relax." Natatawa pa rin ako. "Stop laughing Amarah. Maganda ka naman, matalino at kakaiba. Wala man lang bang nanligaw sa 'yo dito o sa kahit saang lugar na tinirahan mo?" "Wala akong panahon sa mga ganyan Dad. I've been living to... to find Mom. I almost lived  every part around the globe but I never see her. Akala ko makikita ko siya kahit isa man lang sa mga pinuntahan ko pero wala." Napayuko na ako. Gusto kong umiyak pero walang luhang gustong lumabas sa mga mata ko. Naubos na siguro sa mga nagdaang taon. "Hindi ko na din alam anak. Just keep praying na sana maayos ang  buhay niya kung nasaan man siya ngayon. Ang mahalaga sa akin sa ngayon ay ang kalagayan mo." "Don't worry Dad, I'm fine. Hindi ko susukuan si Mom. Naniniwala akong makikita pa natin siya. Maliit lang ang mundo. Nandiyan lang siya." Tinapik ako nang mahina ni Dad sa balikat. "Anyway, are you willing to finish any degree? Hindi mo ba pinangarap grumaduate anak, magkaroon ng diploma at magtrabaho? Ikaw lang ang nag-iisa kong anak. Sa 'yo ko lang naman maaaring ipamana ang lahat ng mayroon kami ng Lolo mo. Gawin mo ang gusto mo pero sana kahit ngayon lang makinig ka sa amin ng Lolo mo. Inayos ko na ang lahat ng dapat kong ayusin. Naipangalan ko na sa 'yo ang lahat. Gamitin mo ang lahat ng mga iyon at ingatan. Hindi natin alam ang mga susunod pang mangyayari." Tuloy-tuloy na paliwanag ni Dad. Wala akong maisagot sa mga sinabi ni Dad. Hindi ko naman kailangan ng pera o kahit na anong kayamanan sa mundo. Ang gusto ko lang ay mamuhay nang simple. "Mag-iingat ka lagi dito. Makikibalita ako lagi sa Tita Trity mo sa mga plano mo. I have my flight an hour after. Uuwi ako ng Pilipinas for some business concerns. Huwag ka munang makikisabak sa mga Gang wars ok? Tatawag ako mamaya kapag nakarating na ako sa airport." Lumapit sa akin si Dad saka niya ako hinalikan sa noo bago siya tuluyang naglakad papalabas ng pinto. "I'll be going Trity. Ikaw na ang bahala dito." Malakas na sabi ni Dad para marinig ni Tita na ngayon ay nasa kusina. Mas mabilis pa sa kabayo si Tita dahil agad siyang kumaripas ng takbo papunta sa sala nang magpaalam si Dad. "Kuya, ang aga pa. Hindi ka ba kakain man lang?" "Hindi na. Nagmamadali kasi ako. Sige, mag-iingat kayo dito. Ikaw na ang bahala kay Amarah. Mag-report ka lagi sa akin ok?" "Oo naman kuya. Happy Trip!" Ngumiti si Dad sa kanya bago siya tumalikod at naglakad palabas ng bahay. Hindi ko alam kung ano ang nag-udyok sa akin para sundan siya sa labas. Hindi pa naman siguro siya nakakalayo. Tumakbo ako nang mabilis. Sakto naman na palabas pa lang siya ng gate. "Dad!" sigaw ko. Dahan-dahang lumingon si Dad sa akin. Nakarehistro sa mukha niya ang pagtataka. "Mag-aaral ako ulit. Pansamantala kong iiwan ang buhay ko dito pero babalik pa rin ako. Gagawin ko lang muna kung anong gusto niyo this time." Napangiti siya sa mga binitawan kong salita. "You need any help?" "No. Ako na ang bahala sa lahat. Pakisabi na din kay Lolo." "Pero anak, will you be ok?" nag-aalalang tanong niya. "Oo naman. Namuhay ako sa loob ng sampung taon na wala kayo sa tabi ko. Makakaya ko din ngayon." mayabang kong sagot. "That was before because I'm always providing money for you." "I'll try harder this time Dad... Ako na ang bahala." "I trust you Amarah..." nakangiting ani niya. "Dad... Mag-iingat kayo lagi. Mahal ko kayo." naiiyak kong bulong sa sarili habang pinapanood ko siyang naglalakad palayo. Pagkabalik ko sa loob ng bahay, nahiga ako agad sa sofa. Napatakip ako sa mukha ko. Masayang-masaya ako dahil nakasama ko si Dad kahit sandali lang. Napabalikwas ako nang biglang sumulpot si Tita Trity sa harapan ko. "Talaga? Shara?" Hindi makapaniwalang saad niya. "Totoo bang mag-aaral ka na ulit?" naiiyak na tanong niya. "Nag-text sa akin ang Daddy mo... Hindi mo lang alam kung gaano kasaya ang ama mo ngayon." Umupo siya sa tabi ko. "Opo..." ngumisi ako sa kanya. "Thank you Lord! Mabuti naman!" inakbayan niya ako saka niya ako niyugyog-yugyog. Inirapan ko siya. "Tita, tumigil ka nga diyan." natatawang sita ko sa kanya. Nagseryoso naman agad ang mukha niya. "Anong nangyari sa War?" "Ok naman." ngumiti ako sa kanya nang tipid. Napabuntong hininga siya nang malalim "Sana ito na ang kahuli-huliang  pagkakataon na makita kitang masaktan Shara." natahimik naman ako. "Mabigat sa loob ko kapag nakikita kitang ganyan. Katulad na lang 'yang sugat mo sa braso." malungkot niyang turan. "Hindi naman masakit eh." katwiran ko. "Mas masakit 'yong mawalan ng pamilya Tita." Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Siya naman ang natahimik. "Amarah... Ang Daddy mo ang isipin mo. Siya na lang ang natitirang pamilya mo." seryosong sabi niya. Ngumiti lang ako sa kanya. "Pati kaya ikaw." Napahagikgik naman siya. Kinilig siguro. "Tita, salamat sa lahat ha? Sorry kung lagi na lang kitang pinag-aalala." Hinawakan lang niya ako nang mahigpit sa mga kamay. "Ang mahalaga ay mag-aaral ka na ulit. Bigyan mo ulit ng kulay ang buhay mo..." Niyakap ko si Tita nang mahigpit. "Plano ko pong mag-aral sa pinakakilalang University sa Pilipinas..." "Talaga?" kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin. "Opo." "Hmmm..." napapaisip si Tita. "Ah! Alam ko na! Ang Howward Collie University ang tinutukoy mong school!" hinawakan niya ako sa mga kamay. "Maganda ang school nila. Siguradong magugustuhan mo doon!" "Talaga Tita?" nakangiting tanong ko. Excited na tuloy ako. "Pero mahal ang tuition anak... Napag-usapan niyo ba ng Daddy mo ang tungkol doon?" "Hindi po Tita eh. Sinabi kong ako na ang bahala sa lahat..." "Ha?!" napatakip ako sa mga tainga ko. Ang lakas kasi ng pagkakasabi niya. "Nahihibang ka na ba? Mag-aaral ka Shara. Kailangan mo ng tulong mula sa Daddy mo." "Tita, kaya ko pong kitain ang gagamitin ko sa pag-aaral ko." rason ko naman. "Kahit na! Mahirap pagsabayin ang pag-aaral at pagtratrabaho." "Tita, wala namang pinagka-iba ang magiging buhay ko doon sa buhay ko dito di ba? Dalawang sem na lang naman ang kailangan kong tapusin. Kaya ko 'yon." "Oo na." pagsuko niya. "Basta kunin mo sa tama ok? Ayaw kong makipagbugbugan ka ulit para lang sa pera. Sa totoo lang, madami ka 'non. Ayaw mo lang kasing gamitin." "Gusto ko lang matuto Tita. Promise, pipilitin kong magbago." "Huwag mong pilitin, gawin mo." "Opo!" pagpayag ko para mapanatag na si Tita. Kinabukasan, maaga akong gumising. Nakatayo ako ngayon dito sa tarangkahan malapit sa bahay namin. Isang simpleng bahay na gawa sa kahoy ang bahay na ito. Ganoon pa man, napamahal na sa akin ito. Dito kasi ako pinakamatagal na tumira. "Maaga ka ngayon ah!" napatingin ako sa bintana. Nakabungad doon si Tita Trity. "Ilang araw na lang kasi, gigibain ko na 'yang bahay natin." malakas ko namang balik. "Mami-miss mo itong bahay nating malabahay ng mga dwarfs no?" napangiti ako. Wala kasi itong ipinagkaiba sa bahay ng mga drawfs at Snow White sa panood na Snow White. "Sobra po pero kailangan..." Kinuha ko ang pala saka ko pinagbubungkal ang lupa sa kinatatayuan ko. May itinago kasi akong mahalagang bagay sa ilalim nito. Isa itong lumang bote na naglalaman ng formula. Ito ang likidong ginagamit ko sa necklace fire kaya nakakalikha ito ng itim na usok. "Pati ba naman 'yan?" napalingon ako kay Tita na nasa likod ko na pala. "Dadalhin mo 'yan sa Pilipinas?" "Oo Tita. Alam kong matre-trace nila ang lugar na ito balang araw. Ayaw kong may makalap silang mga bagay na pagmamay-ari ko." seryosong sagot ko. "Hangad ko ang ikakabuti mo Shara... Sana, tuluyan mo nang mahanap ang totoong kaligayahan mo..." "Pipilitin ko po." lumapit ako sa kanya saka ko siya niyakap. That was the last time I saw my Dad and my Tita. After two days, nagpasya na akong lisanin ang Seattle. Inayos ko ang lahat ng mga dapat ayusin bago ako umalis sa lugar. Sinunog ko ang lahat ng mga gamit ko kasama ang bahay na ipinatayo ko dito. Sa lahat ng mga pinupuntahan ko, ganito lagi ang ginagawa ko. Walang dapat maiwan na bakas upang magsilbing daan para matunton nila ako. Nagbiyahe ako papunta ng New York. Mamayang alas singko na ng hapon ang flight ko pauwi sa Pilipinas. Napangiti ako nang maamoy ko ang sariwang hangin na hatid ng dagat sa malayo. Malapit kasi sa baybay ang airport dito. Habang naghihintay ako, nagtungo muna ako sa isang view point dito kung saan makikita mo ang ganda ng baybay. Lumapad pa ang ngiti ko nang makita ko ang Shawty Ship sa malayo. Kakambal ito ng Shiato Ship. Ang barkong sinakyan ko patungo dito ten years ago. Espesyal sa akin ang Ship na 'yon pero matagal na akong walang naging balita doon "Batang may piring sa mga mata..." bulong ko sa sarili. "Kumusta ka na kaya?" Napangiti ako sa kawalan. Ngayon lang kasi ulit sumagi sa aking alaala ang batang lalaking iyon. Hindi pa rin ako makapaniwalang babalik na ako sa Pilipinas. Nagawa kong lisanin ang buhay na nakasanayan ko. Lumakad na ako pababa ng view point. Kumaway ako kay Anna nang makita ko siya. Boss ko siya sa isang maliit na store na pinagtratrabahuan ko dati. Nagpunta siya dito para idaan ang huling sahod ko. "Shara!" tawag niya sa akin. Niyaya ko siyang umupo dito sa may labas ng airport. "Are you really leaving US?" malungkot niyang tanong. "Yes Mam. I have to." "You want me to double your salary? I just want you to stay." Ayon sa kanya, ako daw 'yong pinakamaaasahan niyang empleyado. Nalungkot siya nang mag-resigned ako. "I badly need to go back there Mam. Thank you for hiring me and for your trust." "You said before, you don't have family. There's no need for you to go back." "I wished to die on my own country." natatawang biro ko sa kanya. "Oh! Don't say that Shara. You are too young. You should find your Prince Charming!" nakangiting ani niya. Muntik na akong masamid sa sinabi niya. "Prince Charming?" natawa ako nang alanganin. "Yes! The right guy whom will you spend the rest of your life!" "Oh my goodness! I thought it's a food." nakangiwing saad ko. Ano namang alam ko sa pag-ibig? Hindi pa nga ako nagkakaroon ng boyfriend ni minsan. Nainlove na ako dati pero sa parehong taong hindi ko kilala. "I'm serious Shara!" "I'll find my diploma first Mam." "Much better!" tuwang-tuwang sambit niya. "By the way, here is your money. I added it  just to ensure your future there." inilagay niya sa kamay ko ang puting sobre. "Thank you Mam. I really appriciate it!" masayang pasasalamat ko. "It's nothing. Just call me anytime you want. I'll be glad to help." "Ofcourse. Thank you again Mam." Pagkatapos kong makipag-usap sa dati kong amo, nagtungo ako kila Leete. Pinagmamasdan ko sila mula dito sa malayo. Gumawa na ako ng hakbang para ilapit sa gobyerno ng US ang atensiyong kailangan nila. Wala na akong planong magpakita sa kanila kahit kailan. Para din iyon sa kaligtasan ko. Sana umayos na ang mga buhay nila... Pagkamulat ng mga mata ko ay sakto namang palapag na ang eroplano dito sa NAIA. Nang makalabas na ako, tumingala ako agad sa langit. Maaliwalas ang panahon ngayon dito. Ilang taon ko ding tinakbuhan ang mga masasakit na alaalang nabuo sa bansang ito. "Welcome back Ricky Amarah." bulong ko sa sarili ko. END OF SHARA'S POV
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD