"Sa isang iglap, maaaring mawala ang lahat." ang seryosong saad ng matanda.
Siya ang pinuno ng Black Bohoma. Humahangos na sumulpot ang isang tauhan niya.
"Confirm Boss. Lady Black is out of the country." report nito.
"Kailan pa?"
"I'm not sure Boss."
"How did you know?"
"After the war, we conducted another war. We assumed that she will going to come."
"And what happened?"
"Hindi siya pumunta Boss."
Huminga nang malamim ang matanda. "Halughugin niyo ang lahat ng mga airports dito sa US. Alamin niyo lahat ng mga pangalan ng mga pasahero. Report to me as early as you can."
"How about The Great Boss?"
"I can handle him. Wala naman siyang magagawa. The Lady Black Fire is a Legend. Wala pang nakakahuli sa kanya. Darating siya sa hindi inaasahang panahon at mawawala din na parang isang bula." ngumisi ang matanda. "Lagi na lang niyang pinapainit ang ulo ko."
"Mahihirapan tayo sa paghahanap sa kanya." kumakamot nitong sabi.
"May araw din siya."
"Kailangan pa ba nating ipaalam sa mga ibang Gangs ang tungkol sa mga nalaman natin?"
"No need. Let them work for their own benefits. Release posters of Lady Black Fire. Ikalat mo ang mga 'yon sa buong US. Naglabas na ang Japan kaya dapat maunahan natin sila." maowtoridad nitong utos.
"Ok Boss. I'll appoint them after this."
JACE'S POV
Naabutan ko si Bryle na nagkakalkal ng mga gamit dito sa Condo ko. Napapikit ako dahil sobrang kalat na dito. Gusto ko siyang pagalitan pero mas pinili kong manahimik na lang dito sa tabi.
Sa totoo lang gusto ko na siyang hagisan ng granada para malamang niyang kanina pa ako nagngingitngit sa ginagawa niya.
Nakitulog kasi sila dito sa Condo ko. Ewan ko ba kung anong nakain nila. Lalong-lalo na si Bryle. Hindi kasi niya ugaling makitulog sa lungga ng iba.
Seryoso siya sa ginagawa niya kaya inabot ko na lang ang Boy Bawang na pagkain ko sa table. Ngumunguya ako nang lumabas si Vince mula sa kwarto ko.
"Good morning-" bati niya.
Pagkanganga niya, hinagisan ko siya ng corn bit sa bunganga niya. Natawa ako nang malakas nang pumasok iyon. Hindi na tuloy niya nasabi 'yong susunod pa niyang sasabihin. Napatingin naman sa amin si Bryle.
"Hahaha! Shoot! Good for three points Jace! Good morning din mahal..." ngumiti ako nang kaakit-akit sa kanya.
Katulad ng mga ginagawa sa kanya ng mga babae niya. Nakita ko ang pagtitimpi ni Vince na masuntok ako. Napailing lang sa amin si Bryle. Trip ko siyang asarin. Ang ganda kasi ng chick niya kagabi.
"What the f**k! Gusto mo bang ma-letchon nang buhay ha?" galit na banta niya sa akin.
"Hahaha. Ok lang sa akin... Ako na 'yong pinakaunang letchon na may abs! Wow! First time 'yon sa history kung sakali!" maangas kong sabi sa kanya.
"Halika ka nga dito!" napa-ismid lang ako sa kanya.
"Wow! Ako na nga ang ile-letchon mo, ako pa ang lalapit sa 'yo? Parang nagvolunteer na din kong magpakamatay. Mahiya ka naman kung ile-letchon mo ako dito sa sarili kong Condo. Can you please take me out of here before you do that?" ngumisi ako sa kanya.
"Gusto mong kaladkarin kita pababa ng Building na 'to? You want me to grill you infront of this Condo Building?" nanlilisik ang mga matang ani niya.
Nagsubo ulit ako ng mais. "Nice suggestion Bro!" nang-aasar kong anas. "I hope my fans will let you do that."
"Fans? Is there? Mas madami ata akong Fans kaysa sa 'yo!" inirapan niya ako nang masama.
Inilapag ko na ulit ang boy bawang na ito sa table. Napasubo pa tuloy ako dahil dito.
"Eh di Sorry! Eh di wow, ikaw na ang chixser dito!"
"Nakakabanas ang ginawa mo! Umagang-umaga pinabaunan mo ako nang punyetang mais na 'yan! You're so corny Bro!" natawa lang ako nang mahina.
"Haha! Binibiro lang naman kita! You're too serious! Pinakain lang kita ng Boy Bawang tapos sumabog ka na? Dapat kanina linunok mo na lang tapos isinigaw mo 'yong DARNA!" nagboses babae ako sabay tawa nang malakas. Nagseryoso din ako agad. "Gusto ko lang agawin 'yong atensiyon ni Bryle kasi kanina pa 'yan nagkakalat diyan."
Napatingin kami kay Bryle na abala pa rin sa pagkakalkal.
"Men, anong hinahanap mo?" kunot noong tanong sa kanya ni Vince.
"Some important things." tipid niyang sagot. Naglakad si Vince palapit sa kanya.
"Ano 'yon Men? Gusto mo tulungan na kita? Bayaan mo na si Jace. Kanina pa ata siya gising. Hindi ka man lang niya nagawang tulungan." nang-uuyam niyang sabi saka siya tumingin sa akin. "Mas inuna niyang kumain kesa mag-toothbrush pa ata?"
Natawa silang dalawa nang mahina. Kung hindi lang ako magaling, baka kanina pa ako namula. Totoo kasi ang sinabi niya. Hindi talaga ako nag-toothbrush. Tatlong butil lang naman ng mais ang kinain ko ah!
"No need. Just help me fix these mess after."
Natawa ako nang mahina. May paalok-alok pa siyang nalalaman, nautusan tuloy siya. Ang dami kayang kalat ni Bryle dito. Nagmukhang mini Payatas dumb site na ata dito.
"Sure!" ngiting aso na tugon naman ni Vince.
As if naman kung magagawa niyang tanggihan si Bryle.
"Hindi naman sa ayaw ko siyang tulungan. Nagkataon lang na ayaw ko siyang abalahin sa ginagawa niya." paliwanag ko.
"Huwag ka ngang magpalusot." napaismid lang ako sa kanya.
"Hindi pa ba gising si Lolo Kevin?" Sakto naman na lumabas si Kevin.
Kakasabi ko pa lang pero meron na agad. Ang galing talaga ng powers ko!
"Anong nangyari dito?" bulalas niya agad.
Nakadamit siya nang butas-butas na T-shirt ngayon. Ipinahiram ko sa kanya 'yan kagabi. Naiinitan kasi siya kagabi kaya nagmukha siyang batang lansangan ngayon. Sira 'yong aircon ko dito kaya 'yan ang bagsak niya.
"Nandiyan na 'yong basurero!"
Itinuro ko siya sa mukha saka ako tumawa nang malakas. Natawa din sina Bryle. Pinagsasapak ko ang table sa harapan ko dahil sa tuwa.
"Batang yagit." pagtatama naman ni Vince.
"I think we should call him Nognog." seryosong ani ni Bryle.
Nagkatinginan kami ni Vince saka kami sabay na napatitig kay Bryle. Akalain niyo, nasabi 'yon ni Bryle?
"Hahahahahaha!" sabay kaming natawa ni Vince.
"Narinig mo 'yon? kamag-anak mo na pala ngayon si Vice President Binay?! Si Bryle pa talaga ang nagpamukha sa 'yo?! Ano aangal ka?" natatawang banat ko sa kanya.
"Jackass!" natawa siya nang alanganin.
Mas safe na asarin si Kevin kaysa kay Vince. Mabilis kasing mapikon si Vince. Si Kevin naman, madalas niyang talunin ang mga madre sa sobrang haba ng pasensiya niya. Umabot na ata hanggang Sulu ang pasensiya niya.
"I know what you are looking for?" ngumiti siya kay Bryle.
"Can you show me where is it? malamig niyang tanong. "I've been wasting my time since 4:30 a.m here."
Naglakad papunta sa isang sofa ko si Vince. Yumuko siya saka niya ito binaliktad. Ang lakas niya! Tinalo na niya si pareng Hulk! Hindi ko nga kayang buhatin ang letcheng sofa na 'yan. Yumuko siya saka niya inilabas ang isang golden Box.
"Wow! Treasure box!" napanganga ako. "May ginto pala sa Condo ko? But I'm not informed about this?" nalilitong ani ko.
"Hindi talaga kasi hindi naman sa 'yo ito." inirapan ko lang si Kevin.
Napahalukipkip ako. "You should atleast pay me. That treasure box is living with me for almost more than a year I guess? Dapat lang na magkaroon ako ng pabuya dahil kinupkop ko 'yan dito."
"Sira ka talaga Jace. Pinalamon mo ba 'to? Hindi naman ah! This box is priceless." Seryosong sabi niya saka siya napatingin kay Bryle.
Teka, ano bang meron sa box na dala-dala niya?
"Mahalaga ito kay Master." inilapag niya ang box sa harapan ni Bryle.
"Thanks Kevin... You really know where she hide this." napakamot ako.
Bakit hindi ko alam ang pinag-uusapan nila? Nakatitig lang kaming apat sa golden box. Para tuloy kaming mga na-hipnotized.
"Haysss! Hindi ko na talaga kaya!" himutok ko. Napatingin naman silang lahat sa akin. "Kulto ba 'yan para titigan niyo nang ganyan?"
"Kay T.G 'yan." napalunok ako.
Alam ko na kung bakit nagkaroon ng ipo-ipo dito. Hinahanap kasi niya 'yong box dahil galing ito sa espesyal na tao.
"Ano Men? Hindi mo pa ba bubuksan?" untag sa kanya ni Kevin.
Huminga naman nang malalim si Bryle saka niya hinawakan ang box. Napayuko siya.
"I can't..." nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Pilit siyang ngumiti sa amin. "Not now..."
"Mabuti pa nga. 'Wag na muna ngayon." tinapik siya ni Kevin sa balikat.
"Ano ba kasing laman niyan?" pang-uusisa ko.
Inirapan lang ako ni Vince. Eh sa gusto kong malaman eh!
"Saglit, paano napunta 'yan dito?!"
"Basta!" sagot naman ni Vince.
"Mag-ayos na tayo kasi may lakad pa tayo. Ngayon ilalabas ang Entrance exam Result!" masayang anunsiyo ni Kevin.
Napatingin kaming tatlo kay Bryle. Ngumisi ako sa kanya. Nag-aamoy pagkain na naman ang paligid. Nagmukha pagkain tuloy ang mga kasama ko.
Mukhang burger si Vince. Si Kevin naman ay naging Fries. Taong chicken naman si Bryle.
"Ikaw, sleeping Genius!" itinuro ko siya. "May balak ka bang magpakain?" tukso ko sa kanya. Napailing naman siya. "Sigurado akong ikaw na naman ang tatanghaling THE UNBEATABLE CHAMPION!"
Ang lapad ng ngiti ko. Nalagpasan ko na din ata ang bibig ni Mr. Mcdo.
"Woooohh! Kokey! Kokey! Kokey!" malakas na tili nila.
Hindi naman sa patay gutom kami, masayang-masaya lang talaga kami kapag si Bryle ang nanglilibre. Sabi nga nila, masarap kapag libre!
Kokey ang tawag namin kay Mcdo kasi magkamukha sila. Hahaha! Kaya kapag trip naming kumain, BOY, MAGPAKOKEY KA NAMAN DIYAN! 'yan ang linya namin.
"Ok, I will." napatayo ako sa pagpayag niya.
"Yes! That's our Baby Bryle!" ginaya ko 'yong boses ni Robin kaya binato nila ako ng mga unan.
"Hoy! Maawa naman kayo sa mga punda ko! Ako kaya ang naglalaba sa mga 'yan!"
Pinagpupulot ko ang mga ito sa sahig saka ko pinaupo sa tabi ko.
"Sus! Dapat lang na maglaba ka naman para gumaspang naman konti 'yang pangbabae mong mga kamay." pang-aasar sa akin ni Kevin.
Inirapan ko lang sila. "Talagang smooth lang itong mga kamay ko! Namana ko pa mga ito kay Mommy kaya 'wag kayong inggit!" pinanlakihan ko sila ng mga mata ko.
"Bakit sana kami maiinggit?" nakakapikon talaga ang Vince na 'to!
"Bahala nga kayo! Haha." Muling tumingin si Vince kay Bryle. "May plano ka bang palitan si Dr. Jose Rizal Men?" tanong niya.
Sa aming apat, si Bryle ang pinakamatalino. Nasa dugo na talaga niya 'yon. Nasasabik na akong pumasok mamaya kasi bukod sa maraming chicks sa University, may maganda din kaming balita na malalaman mamaya.
"I'm not interested." napangisi si Bryle.
"Basta 'yong pa-kokey mo ha? Sure na 'yon kaya wala ka nang takas pa! Ilang taon mo na kaming nililibre. Kung tutuusin, parang nakagawian na natin ito taon-taon." pagpapaalala ko sa kanya.
"Ofcourse." ngumiti lang siya sa amin.
Iyan ang gusto ko sa kanya. Mabilis din siyang kausap pagdating sa pagkain. Hindi siya madamot sa mga kaibigan.
Kung babae lang ako, uupakan ko siya. Lol, alangan liligawan ko siya? Ayaw kong maging babae. Joke ko lang naman.
"Kamusta pala ang pagbisita mo sa US?" biglang tanong ni Kevin.
Napatingin kaming lahat kay Bryle. Nagtungo kasi siya doon para kumalap ng mga impormasyon tungkol sa taong matagal na niyang hinahanap. Mukhang hindi naging maganda ang paglalakbay niya.
"It's hell." malamig niyang sagot.
Nagkatinginan lang kaming tatlo.
"Sinong manlilibre maliban kay Master?" napakunot noo ako kay Vince.
"Ano na naman bang trip 'yan?"
"Gusto ko lang ibahin ang usapan" bulong naman niya sa akin.
"Gets ko na." nag-iinit kasi si Master kapag 'yon ang topic.
"Fine! Ako na ang manlilibre!" salo ni Vince. "Sa isang kondisyon!"
"Aba! May pakondisyon-kondisyon ka pang nalalaman!" asar ko sa kanya.
"Oo naman! Apat na bituka lang naman ang palalamunin ko kapag nagkataon!"
"Men, lima kaya! Dalawa ang bituka ni Jace! Haha!" si Kevin.
Nakakainis man pero totoo iyon. Matakaw lang naman ako pero sexy at hot boy pa rin. Walang makakapigil sa kagwapuhan ko. In born ata ito! Alam kong mayabang ako pero honest naman.
"Ang mahalaga ay hindi ako iniiwan ng mga abs ko. Gifted ata 'to!"
"Ang daming alam! 'Yong kondisyon ko ang tinatanong!"
Bwisit talaga ang Vince na ito. Lagi na lang niya akong kinokontra! Palibhasa, mas gwapo ako sa kanya. Sorry na lang sa kanya.
"Tsk! Sa Jollibee tayo kakain!"
"Men sigurado ka? Mahal doon!" si Kevin.
"Bakit ba? Mayaman ako. Hindi 'yon poblema!" with matching ngising-tagumpay. "Iyon ay kung... Hindi magta-top one si Bryle... Hihihi!"
Nalaglag naman ang panga naming dalawa. Si Bryle ay nakatitig lang kay Vince.
"Men, ang sarap mong ihulog sa kumukulong mantika. Gusto kitang lapnusin!" inis na sabi ni Kevin.
Napatakip lang siya sa bunganga niya habang tumatawa. Alam kasi naming malayong hindi magtop-one si Bryle. Ibig sabihin, wala kaming libre.
Mula pagkabata, guardian angel na ni Bryle si Mr Wisdom at Genius. Ang sarap ngang gawing key chain 'yong utak niya. Ang talino eh!
"Ang sarap na ikulong sa bote ng suka!" umiiling na dagdag ko.
"Aminin niyo, umasa kayo? Hihihi... Aminin!" tukso niya sa amin.
"Pwede ba? Ang pangit mo!" si Vince.
Napatingin kaming lahat kay Bryle nang bigla siyang tumayo.
"Bryle, saan ka pupunta?" tanong ko.
"I'll just drop this at my Condo." tukoy niya sa box. "Mag-ayos na kayo."
Wala na kaming nagawa nang tuluyan na siyang lumabas ng Condo.
END OF JACE'S POV
"Papa?"
Gulat na gulat si Trity nang makita niya ang ama sa tapat ng bahay niya. Agad siyang naglakad palapit dito.
"Trity..." bigkas nito sa pangalan niya nang makalapit na siya.
"Papa, what are you doing here?"
"Hindi mo man lang ba ako kakamustahin o papapasukin man lang sa bahay mo?" nagtatampong balik naman ng matanda.
"This is not my house. Nakikitira lang ako. Kung nandito kayo para itanong si Kuya at ang anak niya, hindi ko po alam." seryosong wika niya.
"Ilang taon kang nawala dito sa Japan. Talagang pinapaniwala mo akong wala kang alam." nang-uuyam naman nitong saad.
"Sige, aamin na ako. I am with Amarah for almost ten years. Pero hindi ko na alam kung nasaan na siya ngayon." amin nito.
"And you want me to believe that?"
"No Papa. Believe me or not, it's your choice!"
"Bakit ka ba ganyan sa akin anak? I'm still your father! Pareho lang kayo ng Kuya mong walang pakialam sa akin!"
"Kuya Richard has a reason and he doesn't want me to know that. Papa, hindi ko din maintindihan kung bakit ayaw niyang malaman mo ang kalagayan nila ni Amarah. Wala akong alam kung ano ba talaga ang totoong nangyayari!" inis na bulalas niya.
"Ayaw lang ng Kuya mong malaman ko dahil gusto niyang protektahan ang apo ko! Mas mainam daw kung walang nakakaalam. I still badly need to know!" galit naman nitong balik.
"Really Papa? Bakit parang hindi? Why don't you just tell me the truth?
"I have nothing to hide from you Trity."
"Ako din Papa. I don't know where is Amarah. Gamitin mo na lang ang mga tauhan mo sa paghahanap sa kanya. Total, diyan ka naman magaling."
"Are you asking me to leave?"
"Yes Papa. Bumalik na po kayo sa Pilipinas."
"Matanda na ako Trity..." malumanay na bigkas ng matanda.
Napayuko naman si Trity. "May ginawa ka Papa. Kahit hindi niyo sabihin, alam kong meron. Go home Papa. Sooner or later I'll be with you again at the mansion. Mas ligtas kayo doon kaysa dito sa Japan. I know you took the helicopter with you."
Malungkot naman na tumalikod si Chander. Nalulungkot siya sa inasta ng kanyang anak. Nagpasya siyang lisanin na lang ang bansang Japan. Nararamdaman kasi niyang wala siyang makukuhang impormasyon sa sariling anak.
"Papa... Please, take good care of yourself. Sana magawa mo akong hintayin at pagkatiwalaan." Bulong niya.
SHARA'S POV
Napabalikwas ako ng bangon nang biglang tumunog ang kampana sa buong Lungsod ng Manila. Dumagdag pa ang ingay ng mga taong dumadaan, ang away at sigawan ng mga kapitbahay, ang busina ng mga sasakyan at ang ingay at ugong ng mga makina sa pabrika.
Hindi ako sanay sa mga ganitong ingay. Kung noon, ang huni ng mga ibon, lagaslas ng ilog at mahinang hampas ng mga halaman at mga puno ang nasasaksihan ko sa umaga, ngayon ay kabaliktaran na. Nakasimangot akong nagtungo sa banyo para maligo.
Totototo you have a call.
Totototo you have a call.
Totototo you have a call.
Mabilis kong itinapis ang tuwalya ko sa katawan saka nagmamadaling lumabas ng banyo. Nang mahawakan ko na ang phone ko, hindi na ulit ito nag-ring.
"Si Tita Trity. Bakit kaya siya napatawag?" bulong ko sa sarili.
Napatingin ako sa phone ko. Gusto ko siyang tawagan pabalik kaso wala akong pang-load. Nagtitipid kasi ako sa pera. Mahirap kayang mamuhay sa Lungsod!
Hindi rin ako maaaring humingi ng tulong kay Dad. Nangako ako sa kanya na kaya ko na ang sarili ko. Babalik lang ako sa kanya kapag kaya ko nang pamahalaan ang kumpanya niya.
Hinantay ko ang phone kong mag-ring ulit pero hindi na ulit ito tumunog.
Gumayak na ako pababa ng apartment ko. Bumili ako ng bakery breads sa pwesto sa baba. Kumakain ako sa gilid ng tinapay habang naghihintay ng Jeep na dadaan sa University.
Ngayon ko makukuha ang result sa Entrance test namin last week.
"Ate Rasha!"
Napalingon ako sa taong sumigaw. Si Chiki, ang anak na lalaki ng kapitbahay ko. Tatlong taong gulang pa lang siya.
Ngumiti ako sa kanya. Siya lang naman ang tumatawag sa akin ng Rasha. Binaliktad kasi niya ang pangalan ko na Shara sa Rasha.
"Chiki! Kamusta!"
Lumuhod ako para mayakap siya dahil tumatakbo siya papunta sa akin.
"Ate, pinalo ako ni Mama ng stick kanina." Sumbong niya sa akin.
"Talaga? patingin nga..."
Ibinaba ko nang bahagya ang maliit niyang short sa likod. Namumula nga ito. Bumakat pa ang stick na ipinalo sa kanya.
"Masakit ba?" Tanong ko habang hinihipan ko ang puwet niya.
"Hindi po masakit kapag hinihipan mo." Tumatawa niyang sagot. Pinatayo ko na siya ulit at hinaplos sa ulo.
"Ano na naman ba kasi ang ginawa mo? hindi ka naman papaluin kung wala kang ginawang hindi maganda di ba?"
"Nag-draw ako sa wall namin kaya pinalo niya ako. Siguro, hindi nagustuhan ni Mama ang drawing ko." Seryosong sagot niya.
"Huwag mo nang uulitin ok? Makinig ka lagi sa Mama mo dahil para din sa 'yo 'yon. Masuwerte ka, may Mama ka pa."
"Nasaan po ang Mama mo?" inosenteng tanong niya.
Hindi ko na sinagot ang tanong niya. Hindi ko naman kasi alam kung asan talaga siya. Binuhat ko siya bago ako naglakad papunta sa bakery shop. Tahimik lang siyang nakatingin sa mukha ko.
"Manong Canor, dito po muna si Chiki ha? Kapag hinanap siya, sabihin mo na nandito po siya."
Si Manong ang may-ari nitong bake shop. Malapit kaming pareho ni Chiki sa kanya.
"Oh sige Hija, ipaupo mo lang diyan." ani naman nito.
"Salamat po. Magpakabait ka dito Chiki para may tinapay ka mamaya ha?" Nagliwanag naman ang mukha niya.
"Opo ate." masayang sagot niya.
Lumabas na ako ng Shop. Agad akong pumara ng Jeep. Pagkababa ko ng jeep, tuloy-tuloy na akong pumasok sa gate. Wala akong I.D kaya hindi ko alam kung makakapasok ako.
Nginitian ko na lang si Manong Guard nang pagkatamis-tamis habang diretso lang akong naglalakad. Nginitian din naman niya ako pabalik kaya hindi na niya napansin. Iba talaga kapag Friendly.
Napangiti ako dahil sa malaking bulletin na nabungaran ko sa pagpasok ko dito sa loob ng gym.
HOWWARD COLLIE UNIVERSITY, FOURTH YEAR LEVEL, SECOND SEMESTER, ENTRANCE EXAM RESULT 2015
Top 1 SHARA MAI COE Score: 199 out of 200
Top 2 BRYLE DANN LAVISTA SY Score: 197 out of 200
Top 3 SHANELLE TAN MERCADO Score: 18O out of 200
Top 4 JAIME FLOR TENOR KORTE Score: 179 out of 200
Top 5 JAZZ JESRAEL LAVISTA SY Score: 178 out of 200
Napapa-isip ako habang naglalakad palapit.
"Hmmm... Ano kaya 'yong isang mali ko? Imposibleng may mali ako. Binasa ko kaya nang maayos ang bawat tanong pati ang panuto." Bulong ko sa sarili.
Nakisingit ako sa mga ibang estudyante para makadaan. Dumagsa na kasi ang maraming tao sa gym. Ang iba ay nag-iiyakan, nagtatawanan at nagtatatalon sa tuwa.
"Excuse me po... Padaan lang saglit."
Sa sobrang busy nila, hindi nila magawang pakinggan ang hinaing ko.
Sari-saring ingay ang maririnig. Hindi ko naman sila masisisi. Ang makapasa sa pinakasikat at pinakamagandang eskwelahan sa bansa ang isa sa pinakamagandang achievements na makukuha mo sa buhay bilang estudyante.
Nagulat ako nang biglang nagsi-alisan ang mga tao sa gitna ng gym. Pumagilid silang lahat kaya pati ako ay naisama. Ano bang meron?
Nakita ko ang apat na lalaking naglalakad sa gitna. Sino naman kaya ang mga 'yon. Nakatayo silang lahat habang nakapamulsa ang mga kamay. Nakaangat lang ang paningin nila sa bulletin.
Sumingit ulit ako papunta sa harap kasi hindi ko makita at hindi na rin ako makahinga nang maayos. Naiipit kasi ako.
POKKK!
"Arayyy..." mahinang sambit ko nang mauntog ako sa poste ng basketball ring dito.
Bakit kasi sabay-sabay silang naglalakad sa iisang direksiyon? Para tuloy akong nakikipagkarera sa malakas na alon.
Nang makapunta na ako sa harap, narinig kong nagtawanan ang tatlong lalake sa gitna maliban sa isa na ngayon ay nakatingin lang sa bulliten.
"Men first time 'to ah. Anong nangyari?" nakangising sabi ni Guy one.
"Hmmm... May nakatalo na sa 'yo. Inagaw ang pwesto mo Men!" si Guy two.
"Sino naman kaya siya? Babae ata mga Men? Magandang kaganapan ang mangyayari." Natatawang sabi ni Guy three.
"s**t! Wala na tayong pa-kokey mamaya!" malungkot na sambit ni Guy two.
Anong pa-kokey na pinagsasabi niya? Napatingin silang lahat sa lalaki sa gitna nila.
"Ayaw ko din namang kumain kay baklang bubuyog mamaya." seryosong ani naman ni Guy one.
"Ang arte mo talaga! May pera ka naman. Mahal nga siguro sa Jollibe pero masarap naman." saad naman ni Guy three.
Si Jollibee pala 'yong tinutukoy niyang baklang bubuyog. Kung hindi lang ako nababahala sa isang lalaking kasama nila, baka kanina pa ako natawa.
"Yes! Manlilibre ka pala mamaya! Hindi siya nag-top one!" Masayang bulalas ni Guy one.
"Tsk! Oo na! Ang ingay! Marinig ka niya!" inis naman na balik ni Guy three.
Humarap bigla si lalaking nakatalikod. Seryoso lang siyang nakatingin sa lahat. Napabuntong hininga siya nang malalim.
Napakurap ako sa pagkakatitig sa kanya kasi parang pamilyar siya sa akin. Hindi ko lang alam kung saan at kelan ko siya nakita.
Maaaring kamukha lang niya o baka hindi siya. Nag-iisip ako baka maalala ko pero wala akong matandaan.
"Ang hot talaga ni Bryle shemmay!" Tili ng girl sa likod ko.
"Hi Bryle!!!" Tili ng mga girls sa pinaka-bandang likod.
"Ok lang kahit mukha siyang laging galit basta para sa akin, perfect siya!" Kinikilig na sambit ng girl sa side ko.
"Mainit ang ulo niya. Hindi siya ang top one." Anas ng lalaki sa harap ko.
"Lagot kung sino man siya. Baka mapatalsik pa siya dito. Ngayon lang nangyari 'to." Sagot ng kasama niya.
Ano daw?
"Who is Shara Mai Coe?!" Malakas na sigaw ng lalaki sa harap.
Nagulat ako nang bigla kong marinig ang pangalan ko. Ano bang problema nila sa akin? Masama bang mag top one? Hindi ko kasalanan kung iyon ang kinaya ng utak ko.
"Who is Shara Mai Coe?!" ulit niya at mas linakasan pa niya.
Seryoso lang ang mukha niya at parang nagpipigil lang sa galit. Nagbubulong-bulungan na din ang mga tao dito sa loob. Hindi ako natatakot sa kanya. Nakakainlove lang! Tili ng aking ulirat. Umiling na lang ako.
"Hindi ko kilala. Ngayon ko lang narinig ang pangalan niya."
"Patay na."
"Kung ako sa kanya, wag na lang akong magpapakita"
"At aalis na lang tapos mag-aaral na lang sa ibang University."
Ang sari-sari kong naririnig.
"Miss, kilala mo ba ang taong tinutukoy niya?" tanong sa akin ng katabi kong babae.
Napalunok na lang ako sabay yuko. Ako lang naman 'yon.
Tumingin ulit ako sa kanya. "Ano bang mangyayari sa taong iyon?" nagtatakang tanong ko.
"Bibitayin lang naman." ngumiti siya nang nakakaloko. "Ako ang bibitay sa kanya dahil binangga niya ang Prince Charming namin."
Prince Charming? Tumingin ulit ako sa lalaking iyon. Oo nga, hindi maikakailang may itsura talaga siya. Bitay talaga?
"Talaga? Gawin mo 'yan. Aasahan ko. Gusto mo mamaya na eh!" ngumisi ako sa kanya.
Ipinilig ko ang ulo ko para paalalahanan ang sarili ko. Nandito pala ako para magpakabait. Ang hirap naman kasing iwasan ang dati mo nang nakagawiang gawin.
"Huh?" kunot noong turan naman niya. Humarap ulit ako sa kanya.
"Ako si Shara Mai Coe." seryosong ani ko sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata niya.
Humakbang ako paharap saka ako naglakad papunta sa kanila. Nanlalaki naman ang mga mata ng mga barkada niya nang makita nila ako.
"Siya?!" narinig kong tanong ni Guy one sa katabi niya.
Nang nasa harapan na ako ni lalaking sungit, saka lang ako naalibadbaran. Gwapo nga siya!
"Siya ang dahilan kaya wala tayong pa-kokey mamaya."
Ayan na naman sila sa Kokey nila. Hindi ba nila alam na nasa Yekok si Kokey ngayon? Hindi na nga malaman kung kailan siya babalik muli.
"Ako. Bakit?" taas kilay kong tanong sa kanya.
Sabay-sabay na napanganga ang mga barkada niya sa likod. Natigilan ako nang tuluyan ko nang masilayan ang mukha niya sa mas malapitan. Napagtanto kong, parang nakita ko na talaga siya noon.
END OF SHARA'S POV