Flashback
10 years ago
Hawak-hawak ko ang pinakapaborito kong picture namin ni Mommy. Pinahid ko ang mga luha sa mga pisngi ko. Ito 'yong panahong masaya kaming naglalaro.
Sobrang miss na miss ko na siya. Kung maaari lang na ibalik ang mga nakaraan, mas gugustuhin kong mabuhay sa mga panahon na 'yon.
"Mommy... Nasaan ka na ba?"
Niyakap ko ang picture frame na hawak ko. Muling nagsilabasan ang masasaganang mga luha ko.
Knock!
Knock!
Knock!
"Amarah! Amarah! Lumabas ka na diyan please?! Natatae na ako! Ako naman please?" tawag sa akin ni Lalaine habang pinagkakatok niya ang pintuan.
Nandito kasi ako sa loob ng C.R. Siya ang kaisa-isa kong Bestfriend dito sa school. Mabilis kong itinago ang picture frame sa bag saka ko siya pinagbuksan.
Napalunok ako nang makita ko siyang may hawak-hawak na dalawang upuan.
"Anong ginagawa mo?" kunot noong tanong ko sa kanya.
Napakamot naman siya. "Hehe. Ang tagal mo naman kasing lumabas diyan sa cubicle kaya sisilipin na sana kita. Itinakas ko pa ang mga 'to sa office ni Sir Principal ah-" ngumiti lang ako sa kanya. "Natatae na rin ako." dagdag niya.
"Haha. Marami namang bakanteng cubicles diyan eh."
Natawa lang siya nang mahina. "Gusto ko nga diyan sa 'yo." palusot naman niya.
Napa-ismid lang ako sa kanya. "Sus. 'Wag ka nga diyan!"
"Iyong totoo? Narinig kitang umiiyak... Gusto lang kitang samahan. Ang tibay mo talaga! Natiis mo ang amoy diyan sa loob?"
Natawa lang ako sa kanya. Halata kasing nandidiri 'yong ekspresyon ng mukha niya.
"Malinis naman eh-" ibinaba niya ang mga upuan.
"Hmmm..."
"Ok ka lang?" lumapit siya sa akin saka niya ako niyakap.
Naiyak na naman tuloy ako dahil sa ginawa niya.
"Shhh..." alo niya sa akin.
"Alam mo, nakakainggit ka. Kompleto ang pamilya mo samantalang ako-" natigilan ako nang kumalas siya sa pagkakayakap sa akin.
"Huwag mong intindihin ang mga sinasabi ng ibang tao Amarah... Hindi mo kasalanan kung wala kang Mommy." Tinitigan niya ako nang seryoso. "Huwag kang mawalan ng pag-asa. Kapit lang sabi ng Tarsier 'di ba?"
Nagkulong ako sa C.R dahil sa mga classmates kong bullies. Sinabihan nila akong 'wag na lang dumalo sa school field trip kasi daw Daddy lang ang mayroon ako.
"Nandito lang ako."
Salamat kay Lalaine. Sa kanya ko lang nasasabi ang mga saloobin ko.
"Tara na? mag-recess na tayo." sabay kaming lumabas ng Women's Room.
Habang kumakain kami dito sa cafeteria, sulyap siya nang sulyap sa akin.
"May dumi ba ako sa mukha?" natawa naman siya sa tanong ko.
"Wala. Hahaha. Eh 'di sana tinanggal ko na kung meron o hindi kaya pinagtawanan na kita nang malakas." napa-iling siya saka niya ininom ang juice niya.
"May problema ka ba?" kunot noong tanong ko sa kanya.
"Wala." ngumiti siya sa akin. "Ikaw kaya ang may problema sa atin!"
"Medyo gumaan na ang pakiramdam ko dahil sa 'yo. Salamat Lalaine..."
"Wala iyon... Ang magkaibigan, nagdadamayan. 'Wag mo na ulit gagawin 'yon ha?"
"Huh?"
"Iyong ginawa mong pagmumukmok sa loob ng cubicle. God, you made me feel nervous! I thought you're going to commit suicide!" bulalas niya.
Nabigla naman ako sa sinabi niya. Talagang pinag-alala ko siya. "I won't do that! Next month is my Mom's birthday kaya nalulungkot na naman ako... Ilang taon na pala siyang nawawala. The same pain is striking me again. I don't know when will this pain ends?"
"Begin again Amarah... The pain will be there. Hindi mawawala ang mga pasakit sa buhay ng isang tao."
Naiiyak na naman ako. "How can I start again? I don't even know if my Mommy is still alive or what. Paano kung..." tuluyan nang tumulo ang mga luha ko.
"No! Don't say that!" saway niya sa akin. "Hangga't hindi pa natin nakikita ang katawan ni Tita, buhay siya. Tama na Amarah..." alo niya sa akin. "Iba na lang ang pag-usapan natin. Iyong masaya naman para hindi ka nagkakaganyan."
Tumungo ako bilang pagsang-ayon. "Sorry for being so emotional." paumanhin ko.
"She's your mother. I can't blame you. Change topic na tayo." ngumiti siya sa akin para siguro mapanatag na ako."Kilala mo 'yong sinasabi kong crush ko na taga-Jouvard Academy Elementary Department?"
"Ah, 'yong madalas mong i-kwento sa akin? Bakit siya?" biglang lumungkot ang mukha niya.
"Wala na siya sa Jouvard..." malungkot na balita niya.
"Bakit? Saan siya nagpunta?" maang kong tanong.
May crush siya na madalas niyang i-kwento sa akin pero hindi ko alam ang pangalan dahil ayaw niyang sabihin. Nag-aaral ang lalaking 'yon sa kabilang School. Matindi ang paghanga ni Lalaine sa nilalang na 'yon.
"Sabi ng pinsan ko, matagal na daw siyang hindi pumapasok eh. Ang balita ko, may nangyari raw na trahedya sa pamilya nila pero hindi ko alam kung ano 'yon. Sayang nga eh, baka hindi ko na siya maabutan kasi aalis na ako-" natigilan siya sa pagsasalita saka siya nag-aalangang tumingin sa mga mata ko.
"Aalis ka?" bigla akong kinabahan.
Hindi pwedeng mawala si Lalaine. Siya na lang ang natitirang kaibigan ko na totoo.
Napalunok naman siya. "Aalis ka Lalaine?" ulit ko.
Para akong maiiyak ulit. 'Wag naman sana... Sana mali ang narinig ko.
"Amarah..." yumuko siya. "Sorry Best. Biglaan kasi eh. Si Papa kasi. Gusto na niyang manirahan kami sa New York. Ang sabi ko sa kanya, ayaw ko doon pero nagalit siya sa akin. Alam mo naman si Papa, kung ano 'yong gusto niya, 'yon dapat ang masunod."
Tuluyan na akong naiyak. So, aalis talaga siya.
"Pero Lalaine... Ikaw na lang ang nag-iisang kaibigan ko. Pati ba naman ikaw, iiwan mo na rin ako?" hinawakan niya ako sa mga kamay.
"Syempre hindi kita iiwan. Ang Friendship natin ay walang pinipiling kondisyon. Magkakalayo lang tayo pero 'yong pagkakaibigan natin, hindi 'yon matitibag." sabi niya nang seryoso.
Napailing ako sa sinabi niya. "Paano na ako kapag wala ka na sa tabi ko? Ang dami-daming nang-aaway sa akin dito sa School di ba? Alam mo namang hindi ako marunong lumaban. Ikaw lang naman ang matapang sa atin eh. Dito ka na lang please... Ako ang bahala sa 'yo. Kakausapin ko si Daddy na pag-aralin ka niya tapos maninirahan tayo sa iisang bahay. Sa Mansion."
Ngumiti lang siya sa akin. "Matapang ka Amarah... Hindi mo lang kasi alam 'yan. Salamat na lang pero hindi pwede."
Napayuko ako dahil sa pagtanggi niya sa alok ko. "Una si Mommy, tapos si Daddy at ikaw naman ngayon? Lahat na lang..."
Nakita kong naiiyak na rin siya.
"Meron pa naman si Tito. Ang Daddy mo... Ama mo siya kaya hinding-hindi ka niya pababayaan."
Mas lumakas pa ang pag-iyak ko. "Si Daddy? Lagi siyang wala sa Mansion... Lagi akong mag-isa kapag umuuwi ako doon kaya parang pati siya nawala na rin sa akin. Nalaman kong itinigil na niya ang imbestigasyon sa pagkawala ni Mommy." Humawak ako sa kanya nang mahigpit. "May mga ginagawa silang imbestigasyon pero hindi na kasing seryoso kumpara noon. Sinukuan na ni Daddy si Mommy... Paano na kami makukompleto ngayon sa ginawa niya?"
"Kung ano man ang naging desisyon ni Tito, siguradong may dahilan siya. 'Yon ang dapat mong malaman." Natawa ako nang mapakla sa suhestiyon niya.
"Hinding-hindi ko matatanggap ang dahilan niyang 'yon!" may halong hinanakit kong tugon sa kanya. "Siya ang dahilan kaya nawala sa amin si Mommy..." Muli akong tumingin sa kanya "'Wag kang umalis Best..." pagsusumamo ko sa kanya.
"Kung ako lang ang masusunod, gusto kong manatili dito sa Pilipinas. May pamilya rin kasi ako Amarah. Pamilya na rin kita pero paano sila?"
Napapikit ako sa sinabi niya. "Kailan ang alis mo?"
Bakit ganoon? Lahat na lang ng mga taong mahal ko ay iniiwan din ako?
"Next week." napayuko siya. "Patawarin mo ako Amarah. Nandito lang ako lagi para sa 'yo ok? Tawagan mo ako lagi, mag-skype tayo, mag-chat tayo at face-time. May communication pa rin naman 'di ba?" ngumiti lang ako sa kanya nang mapait. "Mahal na mahal kita Amarah. Parang isang tunay na kapatid na ang turing ko sa 'yo."
"Ihahatid kita sa airport kapag aalis ka na."
Ngumiti siya sa akin saka niya ako niyakap nang mahigpit.
Lumipas pa ang mga araw. Tuluyan na ngang lumipad patungong New York si Lalaine kasama ang pamilya niya. Wala na ang tagapagtanggol ko sa School. Nawalan na rin ako ng ganang pumasok dahil wala naman akong mga kasundo doon.
Nag-uusap naman kami lagi sa internet pero habang tumatagal, madalang na rin kaming magpalitan ng mga messages sa isa't isa. Siguro naging abala na siya sa buhay niya doon. Nawalan na naman ako ng taong nagmamahal sa akin.
Lumaki ako sa mundo ng kalungkutan. Hindi na ako nagpatuloy sa pag-aaral ko sa Calacstine Academy. Mas pinili kong mag-homeschooling.
Mga katulong namin ang lagi kong kasama dito sa Mansion. Kapag may mga okasyon kagaya ng Birthday ko, lagi ring mga katulong namin ang imbitado.
Pagkatapos kong kumain ng dinner, nagtungo ako sa garden namin sa likod. Maaga akong kumakain. Alas singko pa lang ng hapon, kumakain na ako. Iyon na ang dinner ko.
Mag-isa lang naman akong kumakain sa malaking table namin sa Mansion. Dapat kasi, ipaampon na lang nila ako sa bahay ampunan para naman magkaroon din ako ng mga kalaro.
Umakyat ako sa bakod namin dito saka ako tumakbo paalis. Lagi na lang akong nakakulong sa amin kaya ang tumakas ang ginagawa ko paminsan-minsan.
Napadpad ako sa Candy Shop. Dito ang paborito kong lugar na malapit sa kinatitirikan ng Mansion namin. Masasarap kasi ang mga candies at chocolates dito kahit medyo may kamahalan. Bumili ako nang maraming-maraming candies and chocolates.
Nagtungo ako sa isang squater area sa malapit. Natuwa 'yong mga bata nang ipamigay ko ang mga candies sa kanila. Kung pwede ko lang silang ampunin lahat, gagawin ko kaso alam ko namang hindi papayag si Daddy.
Pagkalabas ko sa squater area, biglang may sumunggab na lalaki sa akin. Hinawakan niya ako sa kamay saka niya ako pilit na pinaghihila.
"Kuya, bitawan mo ako!" naiiyak kong samo sa kanya. "Maawa ka sa akin..."
"Bakit sana Seniorita?" nakangising ani niya.
Napatakip ako sa bibig ko nang may biglang lumitaw na isang lalaki.
"Let her go Archie!" sigaw niya sa lalaking may hawak sa kamay ko.
"Nako naman! Alam mo na nga lang na kailangan ko ng pera!" mukha siyang nadismaya.
"I'll give you money just let her go." ma-owtoridad naman niyang utos.
"What if I don't?" hamon naman niya sabay higpit ng hawak niya sa akin.
"I don't have a choice. I'll kill you for sure." kalmado ngunit madiin nitong sagot.
"Ok, Ten thousand. Pambili lang ng mga gamot ni Nanay."
"Fine. Wait me at the Site.
Ngumisi naman 'yong lalaki saka siya naglakad paalis.
"Hihintayin kita!" pahabol niyang sigaw bago siya tumakbo.
"Next time, 'wag kang tatanga-tanga." napalunok ako sa sinabi niya.
Naglakad na siya paalis. Hindi siya matanda. Magka-height lang kami kaya alam kong halos magka-edad lang kami. Nakapamulsa siya habang naglalakad. Tahimik lang akong nakasunod sa kanya. Napasinghap ako nang bigla siyang humarap.
"What do you think you are doing? Stop following me!" masungit niyang ani.
Napasimangot ako. Bakit ganoon 'yong mukha niya? Ang dami-dami niyang galos pati sa mga braso niya. Sinasaktan kaya siya ng magulang niya? Ten years old pa lang kami. Tapos siya, nakakaranas na siya ng kalupitan.
Mukha siyang Gangster Leader pero imposible naman 'yon kasi ang bata-bata pa niya. 'Yong damit niya kasi parang laging sumasabak sa gulo ang dating.
Naka-ragged jean siya. Nakadamit siya nang itim na t-shirt na may print pa ng bungo. Medyo may kahabaan at magulo ang ayos ng mga buhok niya. May nakatali rin na dambana paikot sa ulo niya.
"Baka... balikan ako eh-" nauutal kong rason.
"Sa susunod, 'wag kang magsusuot ng mga damit pangmayaman kung may plano kang magtungo sa mga ganitong klaseng lugar." seryosong saad niya.
"Oo..." mahinang sang-ayon ko. "Dumaan lang talaga ako para idaan 'yong mga candies at chocolates sa mga bata. Hanggang shop lang sana ako." inginuso ko 'yong Candy Shop sa di kalayuan.
"Follow me." malamig niyang ani.
Sumunod naman ako agad sa kanya. "You want to eat? My treat." aya ko sa kanya. Humarap naman siya sa akin. "As my thanksgiving to you. For saving me."
I am now staring at his beautiful face. My baby heart is pounding so fast. Kahit maraming sugat at mga pasa ang mukha niya, hindi maikakaila na may itsura siya. Kanina pa kami magkasama pero hindi man lang niya magawang ngumiti.
"I'm not hungry. Save your money for the children." seryosong lang niyang sagot.
Kung umasta siya akala mo hindi siya bata.
"Anong pangalan mo?"
Nakatitig lang siya sa mukha ko. Hindi lang siya sumagot na para bang 'yong tanong ko ang pinakawalang kwentang tanong sa mundo.
Nakatayo kaming dalawa sa gilid ng daan habang naghihintay kami ng masasakyan. Tahimik akong napapasulyap sa kanya. Gwapo siya. Namula ako nang mahuli niya akong nakatingin sa kanya. Sakto naman na may dumaang taxi. Tumigil ito sa tapat namin.
Naglakad siya saka niya ako pinagbuksan. "Get in." utos niya.
Sumunod naman ako agad. Nang makasakay na ako, isinara na niya. Nagulat ako kasi akala ko magsasabay kami.
"Sabihin mo kay Manong Driver kung saang lupalop ka man nakatira para maihatid ka niya. Manong bayad. Keep the change."
Akmang bubuhayin na ni Manong ang makina nang pigilan ko siya.
"Saglit lang Manong."
Lumabas ako sa taxi. Inilabas ko mula sa bulsa ko ang isang heart chocolate. Paborito ko kasi ito.
"Oh- Paborito ko 'yan. Tikman mo." inabot ko ito sa kanya. "Thank you for saving me." ngumiti ako sa kanya.
Natuwa ako nang abutin niya ito. Tumalikod na ako saka ako sumakay muli sa taxi. Kumaway ako sa kanya sa huling pagkakataon saka tuluyang umandar ang taxi.
One Week After
"Seniorita..." tawag sa akin nang isang Maid namin sa labas. "Tinatawag po kayo ng Daddy niyo. Nandiyan din ang Lolo mo. Mag-usap daw po kayo. Hihintayin daw nila kayo sa baba." inirapan ko lang siya.
Hindi naman sa bastos ako pero 'yong inuutasan niya akong kausapin ko sila ang ayaw ko.
Dinampot ko ang headphones ko sa table. Nakauwi na pala sila. Halos hindi ko na namalayan ang mabilis na paglipas ng mga araw. Buti naman naisipan pa nilang umuwi dito. Isang beses sa isang taon lang naman silang magtungo rito kaya hindi ako sanay sa presensiya nila.
Nakasalpak ang headphones sa mga tainga ko. Yeah! Naka-full volume ang rock music na pinapakinggan ko. Kanina pa nagsasalita ang Maid ko sa harapan ko pero wala akong balak na pakinggan siya. Wala talaga.
Nakikita kong medyo naiiyak na siya dahil hindi niya ako makausap nang matino. Ilang minuto pa ang lumipas bago niya naisipang lumabas ng kwarto ko. Mabuti naman umalis na siya.
Napapikit ako nang mariin at napasandal sa likod ng upuan. Napamulagat ako nang biglang may humablot ng headphone sa mga tainga ko.
Si Daddy...
"Amarah! Why do you keep doing these shits? I really can't believe you can ease my father! You owe your life to my Father! Your own Grandfather! Now get up and talk to him now!" Nagpupuyos sa galit si Dad.
"Don't call me Amarah for pete's sake Dad!" Kalmado ngunit madiin kong sagot.
"Amara-"
"I'm Ricky!" putol ko sa iba pa niyang sasabihin.
Walang karapatan ang kahit na sinong tawagin akong Amarah. Kung meron mang nag-iisang taong pwedeng tawagin ako sa pangalan na 'yon, ang Mommy ko lang at wala ng iba.
Napabuntong hininga si Dad. Nakita kong medyo kumalma na siya.
"I know you are mad, frustrated and deeply wounded but-"
"I'm dead." putol ko sa iba pa niyang sasabihin. "I died the moment you gave up to my Mom. I'm physically alive but everytime I see you... you almost tear me! No, I mean, you completely destroyed me! She is all I've got and you take her away from me! You killed me!" Nag-uunahan nang tumulo ang mga luha ko.
"I'm sorry. Yes, I killed you both emotionally but... I did that because I love you and your Mom so much. I wanna make you understand but you are too young and naive. Blame me for eveything, I will going to understand. I'll protect you as long as I live." mahinahon niyang turan.
Pinigilan ko ang muling pagpatak ng mga luha ko. Huminga ako nang malalim bago ako muling nagsalita.
"Train me then, make me like you." Mahinang sabi ko sa kanya.
Halata ang pagkagulat sa mga mata ni Daddy. Halos hindi na niya maalis ang tingin sa akin. He is now staring at me with confuse facial expression.
"Ama- I mean Ricky. Hindi 'yan ang pangarap ko para sa 'yo. You have to study for your future. Malalagay lang sa alanganin ang buhay mo kapag pinili mong maging ako. Mamuhay ka nang normal at tahimik iyon ang gusto namin ng Mom mo. Iyon ang nabuong pangarap namin sa 'yo..." paliwanag niya.
"That was before... Noong kasama pa natin siya pero ngayon? Wala na siya dahil sinukuan mo na siya! Ikaw ang dahilan kaya nasira ang pamilya natin. Ikaw Dad!" Naiyak na ako nang sobra.
My Mom has been missing for almost seven years. I was five years old back then. I don't know if she is still alive until now. I hardly hope that she is.
My Dad including my Grandfather is into illegal business partners. They trade drugs and other illegal products in the country. They don't use those products but they have been playing a very import roles to export ang import those legally in the different parts of the world.
My Dad is a famous Mafia Boss. He inherited those responsibilities from my Lolo.
My Mom got caught because my Dad decided to quit. Until now, we are still longing for her. As years passed, my Dad gave up to my Mom. There are still certain investigation but not as relevant as before. I will never gave up on her. I will find my Mom no matter what.
I just stared at him blankly. Tumayo ako habang nakatingin sa kanya. Hinugot ko ang baril sa likod ko pagkatapos itinutok ko sa kanyang ulo.
Nagulat si Dad sa ginawa ko. Nakatuon lang ang mga mata niya sa aking mga mata. Muling tumulo ang mga luha sa mga mata niya. Hindi siya natinag sa pagkakatitig sa akin.
Para sa isang ten years old na batang babae katulad ko, sino nga bang mag-aakalang magagawa ko ito sa sarili ko pang ama?
Iniangat ko ang baril mula sa ulo niya at itinutok sa sarili kong ulo.
Napatayo si Dad sa sobrang pagkagulat sa sumunod na ginawa ko.
"Ricky, please no! Anak please..." Pagmamakaawa niya. Napalunok ako.
"Train me." Mahinang sagot ko.
"Oo... Yes, I will just please put it down." samo niya. "I Promise. I- I will..." Dagdag niya.
Sobrang natataranta na siya sa pananalita at galaw niya. Huminga ako nang malalim bago ko inalis ang baril na nakatutok sa ulo ko. Inihagis ko ito sa tapat niya.
"We have a deal. Do it" Madiin kong sabe."Pinatay niyo na ako noon, 'wag niyo na akong patayin ulit." Dagdag ko bago ako tuluyang lumabas ng kwarto ko.
Nang nasa sala na ako, nakasalubong ko si Lolo. Hindi kami close. Hindi ko alam kung bakit ang layo ng loob ko sa kanya. Wala talaga akong balak na lumapit sa kanya.
"Amarah." Tawag niya sa akin.
"I am leaving."
Napakunot noo siya. "I came here because of you. Hindi ka man lang ba magmamano sa akin?"
"Lolo Chander, bakit ganoon? Bakit pakiramdam ko, hindi ka mapagkakatiwalaan?" Ngumiti ako nang alanganin. "Iba ang nararamdaman ko tuwing nandiyan ka."
"Ilang beses mo nang ipinaparamdam sa akin 'yan Amarah."
"Matanda na ho kayo. Dapat magbagong buhay na kayo ni Dad. Ano bang napapala niyo sa pagiging Mafia niyo? Hindi pa ba sapat na nawala si Mommy sa atin?"
"Ako ba ang sinisisi mo?"
"Hindi po." Napayuko ako. "Ang trabaho niyo ang sinisisi ko. Bakit pati si Dad idinamay mo? Di ba kung Tatay ka, pro-protektahan mo ang anak mo?"
"Nasa pamilya na namin 'yon. Hindi na 'yon mababago." Seryosong ani niya.
"Tama kayo. Hindi na 'yon magbabago. Aalis ako. I want to follow your path."
Napalunok siya. "Your Dad won't let you. Your life is already planned. Maganda ang plano ni Richard sa 'yo." Nanlalaki ang mga matang wika niya.
"Pumayag na siya Lolo. Ipapadala niya ako. Magiging katulad ko din kayo." Matigas kong sambit.
"No!" Umiling-iling siya. "You don't have any idea what a Mafia world is!"
Ngumisi ako. "I know. Magulo at mapanganib. Pamilya ang kapalit kapag nakilala ka nila. Correct me if I'm not."
"Ginagawa mo ba 'yan dahil sa Mommy mo?" Nanatili akong tahimik. "How many times do I have to tell you? Hindi na siya babalik! Hindi ang trabaho namin ang dahilan kaya nawala siya. Talagang ginusto niyang iwan kayo!" Galit niyang sabi.
"That's not true!" Naiiyak kong sumbat sa kanya. "Gagawin ko ang lahat para mahanap siya. Papatunayan kong mali ka!"
"You're not leaving!" Maowtoridad niyang utos.
"Aalis ako kahit ano pang mangyari! Nag-usap na kami ni Dad. 'Wag na kayong makialam sa buhay ko dahil wala naman kayong karapan sa akin." Matatag kong ani. "Excuse me." Nilagpasan ko na siya.
I started doing my trainings at the age of ten. Ipinadala ako ni Daddy sa iba't ibang kuta nila sa iba't ibang Bansa mainly Korea, Thailand, China, US, Japan and others.
Tinuruan nila ako sa mga iba't ibang martial arts, trainings how to deal with weapons and learned how they are made up. Natuto akong humawak ng iba't ibang klase ng mga baril.
Sa paglalakbay ko, nalaman ko ang bawat kultura ng bawat bansa. Kung saan-saan ako nakarating ngunit hindi ko nahanap ang taong matagal ko nang gustong makita, ang Mommy ko...
Ipinagpatuloy ko pa rin ang buhay ko kahit malabong mahanap ko pa siya. Kahit papaano, maipaghihiganti ko siya sa mga kumuha sa kanya. Hahanapin ko pa rin siya.
Na-try kong tumira sa liblib na lugar kung saan mabundok at walang masyadong tao. Itinago ako ni Dad sa mga sindikatong kasosyo nila ni Lolo. Ang buong akala ng lahat, walang anak si Dad.
Namuhay akong mag-isa kasama si Tita Trity sa bawat lugar na linilipatan ko. Siya ang Tita ko mula sa Japan. Siya ang nag-alaga sa akin, nagturo, gumabay at nagsilbing Nanay ko hanggang ngayon. Nag-Homeschooling ako kaya isa din siya sa mga naging guro ko.
May mga kaibigan ako sa bawat lugar na napupuntahan ko ngunit iniiwan ko din sila makalipas ang ilang taon o buwan dahil lumilipat kami sa ibang lugar. Nakilala ko sila sa mga Gang fights and illegal gatherings na dinadaluhan ko. Walang nakakakilala sa tunay kong pagkatao.
I'm Ricky Amarah Fortania Lavitus
Shara Mai Coe ang ginagamit kong pangalan sa ngayon.
Binansagan akong LADY BLACK FIRE dahil sa bawat laban na dinadaluhan ko, nag-iiwan ako ng bakas nang itim na apoy. Necklace Fire kung tawagin.
Tanda ito ng tagumpay ko mula sa mga laban ko.
Bago ako umaalis sa isang lugar, dumadalo ako sa isang pinakabigating Fight of the Century. After ng laban, umaalis na kami agad ni Trity dahil hahanapin at hahanapin ako para malaman kung sino ako.
Ilang beses na akong ipinahanap at ipinapatay ngunit maagap ako kaya naiiwasan ko ang mga iyon. Kinabisado ko ang bawat galaw ng mga nakakalaban ko. Ang mapatay ako ang makakapagpasaya sa kanila.
Wala pang nakakatalo sa akin kaya malaki ang galit nila sa akin. Tama si Dad, nasa bingit ng kamatayan ang buhay ko dahil sa klase ng buhay na pinili ko. Pero masaya ako sa ginagawa ko.
Hindi ako pumapatay. Nakikipaglaban ako para ipaintindi sa lahat na hindi lang sa pamamagitan ng pagpatay maipapakita na matapang ka.
I draw a mask tattoo on my face everytime I have a fight to attend to. Through this, I am not be able to be recognize by the people around me. Hindi ito matatanggal nang ganoon-ganoon lang dahil nakadikit ito sa balat ko.
Hindi ko na nasundan ang mga yapak ni Dad bilang Mafia pero gumawa ako ng sarili kong daan. I am trained partially. Isa akong Gangster na may kakaibang misyon sa lipunang ginagalawan ko.
Nakikipaglaban ako nang buong puso upang maiparating ang mensahe ko sa lahat.
"Fight through your mind, heart and soul not to shed blood just for fame."
Ang totoong fighther, hindi pumapatay...
END OF FLASHBACK