"PAANO tayo makakapasok?" tanong ko kina Hunter at Carol. "Kami na ang bahala. Pero alam mo, Au. Ngayon ang oras na kailangan mo ang tulong ni Ma'am Rosalie. Alam kong maniniwala siya sa'yo," suhestiyon ni Carol sa akin. "Hindi pwede, Carol. Lalo na at malapit lang siya kay Royce. Hindi inatake si Dad sa puso. Nalaman ko mula mismo sa mga bibig ni Sandra na nilason niya si Dad. Regarding sa biglang paglubog ng kompanya namin, kagagawan ni Sandra ang lahat. Hindi ko alam kung ano'ng rason niya, pero iyon ang nais kong alamin. Alam kong mahirap paniwalaan dahil wala sa hitsura ni Sandra ang gumawa ng masama. Pero nagtatago si Sandra sa mala-anghel niyang mukha," mahabang saad ko kina Carol at Hunter. "Naniniwala kami sa'yo, Au," sagot ni Carol. Kasalukuyang binabagtas namin ang daan pat