HINDI naman nagtagal ay dumating na kami sa isang resort. "Huwag kang mag-alala mabait ang mga taong pinagkatiwalaan ni Tita Ella, alam na nila na darating ka," saad ni Carol sa akin. "Maraming salamat sa inyo," tugon ko kina Carol at Hunter. "That's what friends are for, as they say, right?" nakangiting sagot naman ni Hunter sabay kindat sa akin. Nailing na lamang ako rito. "Sige na, bumaba ka na. Tawagan mo na lang ang mga taong pinagkatiwalaan mo sa mansion na nasa mabuti kang kalagayan. Pero huwag mong sasabihin sa kanila kung nasaan ka, mahirap na at baka malaman pa ni Sandra," ani Carol sa akin. "At least, alam na natin kung sino ang tunay na salarin. Update na lang kita regarding sa mga taong pumapasok at lumalabas ng kwarto ng daddy mo," saad ni Hunter sa akin. Ngumiti ako