"S—SANDRA..." Sa wakas ay ang namutawi sa mga labi ko. "I knew it, ikaw nga iyong nakita ko kanina!" Saad pa nito. "Sandra, pakiusap lang huwag mong sabihin ito kay Royce." "Au, alam mo bang nasa hospital ngayon ang daddy mo?" Malungkot nitong balita sa akin. "Sandali!" Turan nito at mabilis na nilisan ang kabilang balcony. Hinanda ko ang sarili. Wala akong choice kundi ang harapin ito. Mula sa balcony ay pumasok ako sa loob. Isinara kong muli ang glass sliding door at pumasok sa loob. Naupo ako sa aking kama, napasulyap sa orasan. Alas dose y medya na pala ng hating-gabi. Ang totoo, hindi ako makahinga ng maayos sa labis na kaba na namayani ngayon sa aking puso. Inihanda ko ang sarili. Alam kong sasabihin nito kay Royce na nakita ako nito. Makalipas ang ilang minuto ay walang Sa