Kabanata 2

1027 Words
PANGALAWANG araw ngayon sa punishment na ipinataw sa akin ni Royce. Mabuti na lamang at hindi ko napuruhan ito kahapon na siyang lihim ko namang ipinagpasalamat. Pero hindi pa rin pala nito nakalimutan na kunin ang aking cellphone. Hindi pa naman ako sanay na walang cellphone'ng dala. "Au!" Nilingon ko ang pamilyar na tinig. Si Hunter, as usual dala nito ang guitar na laging nakasukbit sa balikat nito. "Hindi ka yata nag-reply sa akin?" "Wala akong cellphone, kinuha ng walang-hiyang sampid na si Royce!" Naiirita kong sagot dito. "I see." "O, bakit nga pala? May kailangan ka ba sa akin?" tanong ko rito sabay sulyap sa aking relong-pambisig. "Narito ako para paalalahanan kang 'wag sumama kina Dianne, hindi mapagkatiwalaan ang mga kaibigan no'n." "Sino ka para paalalahanan ako, Hunter?" Inis kong tanong dito. "Kung ayaw mong makinig sa'kin mapipig—" I cut him off. "Isumbong kay Royce?" Taas-kilay kong ani rito. "Dahil kailangan, hindi na ikaw ang nakilala kong Aurora noon." "People change, Hunter. Remember that!" Ani ko at inis na tinalikuran ito. Eksaktong dumating ang kotse nina Dianne sakay ang mga kaibigan nito. Sasama ako sa mga ito para magliwaliw. Maaga kasing na-dismissed ang aming klase. "Au, let's go!" Sigaw ni Dianne. Nagmamadaling naglakad ako patungo sa kotse na sinakyan nito. Pero bago pa man ako makapasok sa loob narinig ko na ang pamilyar na tinig ni Royce. "Don't you dare, Aurora!" "Oh, gosh! Si Royce!" Kinikilig na ani Dianne. "Ang gwapo talaga niya." "Super hot, te." "Gusto ko ng himatayin sa kilig." Nagpanting ang dalawang-tenga ko sa narinig mula kay Dianne at sa mga kaibigan nito. Inis na nilingon ko si Royce. "Hindi siya pwedeng sumama sa inyo, pwede ba 'yon?" Seryosong ani Royce na ang tingin ay nasa namumulang pisngi ni Dianne na agad namang sinang-ayunan nito. Dāmn it! "Sige, pero ikaw pwede?" Pa-cute pang tugon ni Dianne rito. "What?!" Bulalas ko. Inis na tinalikuran ko ang mga ito at nagngingitngit sa sobrang inis. "Aurora!" Narinig kong tawag ni Royce sa aking pangalan. "Shut up!" Singhal ko rito. Pero nagulat na lamang ako nang may biglang humablot sa kabila kong braso dahilan para mapaharap ako rito. Sinalubong ko ang maitim nitong mga mata. Kitang-kita ko ang pagpipigil nito kasabay ng pag-igting ng perpekto nitong mga panga. "You're such a stubborn, brāt." "I am," sarkastikong sagot ko rito. Sumilay ang pilyang ngiti sa aking mga labi. Naaaliw ako sa galit na nakikita ko sa anyo nito. "Ano bang dapat kong gawin para matanggap mo kami ni mommy?" "Simple lang naman ang nais ko, ang mawala kayo sa buhay ng aking ama. Is that enough?" "Palibhasa'y napaka-bata mo pa para intindihin ang ilang mga bagay. Sana naisip mo rin ang kaligayahan ng iyong ama." "Bakit, iniisip ba niya ang kalagayan ko bilang anak niya?" "Sa tingin mo ba, hindi?" "Ano sa tingin mo? Magkakaganito ba ako?" "Dahil sarili mo lang ang iniisip mo. Now, get inside my car," utos nito at marahas ako nitong binitiwan. Napansin kong pinagtitinginan na kami ng mga ilang estudyante at takaw-pansin na naman ulit kami. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang ilang pag-iling ng mga subject teachers ko. Tila ba nagpapahiwatig na napaka-tigas talaga ng ulo ko. Well, sanay na akong hindi maganda ang record ko sa paaralang ito. Wala akong choice kundi ang sundin ang utos nito. Inis na naglakad ako patungo sa kotse nito. Pumasok ako sa loob at pabalang na isinara ang pinto ng kotse. Nagulat ako nang makita si Sandra Montreal, pero agad din akong nakahuma. Ang long time girlfriend nito. Tahimik lang itong nakaupo sa front seat. Na una nitong inihatid muna si Sandra sa bahay nito saka kami tuluyang umuwi sa bahay. Nauna na akong umibis mula sa kotse nito. As usual, sinalubong ko na naman ang sermon ni daddy. "George, kailangan lang naman ng hinahon para disiplinahin si Aurora," malumanay na tugon ni Rosalie sa aking ama. "Attempting to feign genuine concern, are you? Para ipalabas sa harapan ng daddy ko na concern ka sa akin? You can't fool me, Rosalie," sarkastik0ng ani ko rito. "Did you hear? She lacks the ability to show you proper respect, tapos kinukunsinti mo? C'mon, Rosalie!" Galit na tugon ng aking ama. "George, anak mo si Rosalie. Wala akong pakialam kung ano'ng sasabihin niya tungkol sa akin. Pero bilang pumpangalawang ina niya, karapatan ko ring labanan ang aking anak." "I can confidently assert that your performance as an actress was exceptional, deserving of recognition for its sheer excellence," I teased. I taunted, observing Royce's jaw tense in fury at my remark directed towards his mother. "Mali ang kunsintihin ang anak ko, Rosalie." Natuwa ako nang tila napansin kong nag-sagutan na ang mga ito. "Ano ba dad ang nais mong i-sermon sa akin? Look, I am fatigued from my academic pursuits, and it is this unenlightened discourse that will serve as your greeting in lieu of me?" "Dahil wala kang respeto sa babaeng minahal ko. Ano bang dapat kong gawin para matanggap mo sila, ha?!" Ilang beses ba akong nakarinig ng singhal mula kay daddy? Well, hindi ko na mabilang. Simula ng dumating ang mag-ina rito sa mansion naging parang impiyerno na ang buhay ko. "Nothing, dad. Hindi mo rin naman ako pakikinggan. Sa bibig mo na mismo nanggaling na mahal mo si Rosalie. Hindi ba't kapag mahal mo ang isang tao, lahat gagawin mo para sa kanya? Then, nothing is my answer," sagot ko rito at mabilis na tinalikuran ito. "Aurora!" Galit nitong tawag sa pangalan ko. "George, hayaan mo na siya. Pakiusap." Nagmamadaling pumanhik ako sa grand staircase ng aming mansion at mabilis ang kilos na tinungo ko ang aking silid. Pumasok ako sa loob at sumampa ako sa aking malambot na kama habang nakadapa. Saka ko ibinuhos ang lahat ng sakit. Humagulgol ako sa labis na pagtatampo. Kasalanan ko bang hindi matanggap agad ang bagong asawa ni dad? I feel utterly helpless and drained. My heart aches for my dear mother, her warm embrace, soothing voice, and every facet of her being. Narinig ko ang muling pagbukas ng aking pinto, at ang yabag na papalapit sa akin. Yabag pa lang kilala ko na kung sino.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD