NARINIG kong tumunog ang aking cellphone. Nagmamadaling tinungo ko ang aking study table kung saan naroon ang aking bag. Binuksan ko iyon at kinuha ang cellphone. Si Carol ang nasa kabilang linya.
"What's up, kumusta ka na?" tanong agad nito sa akin.
"I'm grounded!" Inis kong sagot dito.
"What?!" Bulalas nito. "Ginawa iyon ng daddy mo?"
"Nope, kundi ang sampid na si Royce!" Inis kong sagot dito.
"Oh, uh. Sana all grounded. Aba't kong si Royce lang din naman ang gumawa niya'n sa akin, walang problema." Tila kinikilig na turan nito sa kabilang linya.
"What the hēck, Carol!" Galit kong saad dito.
"Kidding, alam mo namang patay na patay ako sa step-brother mong 'yan. Mas okay 'yan para matuto ka."
Nagsalubong ang dalawa kong kilay sa narinig mula rito. "Seriously, Carol?"
"Kidding nga lang, ano ka ba," natatawang sagot nito sa kabilang linya. Alam ko namang gusto lang nitong patawanin ako.
Narinig ko ang katok mula sa aking pinto. "It's me, dala ko ang pagkain mo."
"Omg, is that Royce!" Bulalas ni Carol sa kabilang linya. Inis na pinatay ko ang tawag. Inilapag aking cellphone sa study table.
Wala talaga akong maaasahan sa kaibigan kong si Carol kahit kailan. But I can say that she was a good influence to me. Hindi tulad nina Kath at Olive.
"Hindi ako gutom!" Asik kong sagot. Bumukas ang pinto ng aking kwarto at iniluwa roon si Royce. Dala nito ang isang tray.
"Gano'n ba, then ibalik ko na lang ito sa kusina kung gano'n?" sagot nito at akmang lalabas ng pinto ng aking kwarta. Natakam pa naman ako sa dala nitong pagkain. Dāmn!
"S—sandali lang, umalis ka na pero... iyang pagkain ilapag mo rito!" Inis kong sagot dito, pero hindi ko pa rin maitatago kanina ang pagka-utal dahil sa sobrang gutom.
"Akala ko ba hindi ka gutom?" Sumilay ang pilyong ngiti nito sa mga labi nitong mapang-asar. Pinukol ko lang ito ng nakamamatay na tingin.
"Nagbago ang isip ko, hindi ko kayang tanggihan ang pagkaing luto ng aming kasambahay," ani ko rito na hindi nawawala ang bahid na inis at irita sa tuwing kausap ko ito.
"I'm the one who cooked this dish. Cooking has always been a passion of mine, and it brings me so much joy to share my creations with others," bida nito na tila nang-uuyam pa. Halatang gusto nitong makita ang natakam kong reaksyon. Awtomatikong tumaas ang isa kong kilay sa narinig mula rito.
"As if I want to know your passion. I don't care of course!" Nailing na lamang ito sa inasal kong iyon. Pagdakay, inilapag nito sa glass center table ang tray na dala nito. At lumabas na nga ito ng aking kwarto. Pinukol ko ito nang nagbabagang-tingin.
Nagmamadaling nilapitan ko ang pagkain at walang-gatol na naupo sa sofa. Dinampot ko ang kutsara at tinikman ang pagkain. Nang biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto. Nasa ganoon akong akto ng masilayan ang pilyong ekspresyon sa mukha ni Royce.
"Oh, I see..."
"What?!"
"Kunwari ka pang hindi gutom. Really, Ms. Tan?" Panunudyo nito.
Sa inis ko'y itinaob ko ang tray at nagkalat ang mga pagkain sa mesa at sa marmol na sahig. Galit na galit ako kaya ko iyon nagawa.
"What the fūck, Aurora!"
"Dalhan mo ako ng pagkain ngayon din dahil nagugutom na ako," nakangising sagot ko rito.
"You, brāt!" Salubong ang kilay nito. Kinakabahan ako nang maglakad ito palapit sa akin, pero nagulat ako ng lampasan ako nito at inis nitong dinampot ang aking cellphone sa study table. "Punishment for a brāt like you," sarkastikong saad nito.
"No way!" Inis kong sagot dito.
Inis na nilapitan ko ito at mula rito ay sinubukan kong kunin ang sariling cellphone. Sa malas ay mas matangkad ito sa akin. Hanggang didbib lang ako nito.
"Give it back to me!"
"Not until you clean that mess!" May awtoridad nitong utos sa akin sabay turo nang itinaob kong pagkain.
"Sino ka para sundin ko? Ang kapal talaga ng mukha mo!"
"I'm your brother who wants to teach you to become a good one, honey."
"You can't change me, idïot!"
Sinubukan ko ulit na kunin dito ang aking cellphone pero hindi pa rin ako nagtagumpay. Nang biglang magkaroon ako ng ideya. Tulad ng mga nakikita ko sa TV. Tinuhod ko ang pagitan ng hita nito at nabitiwan nito ang aking cellphone. Sobrang saya ko nang magawa iyon.
"Fūck!" Malutong nitong mura. Kitang-kita ko kung paano ito namilipit sa sakit.
"Royce, what's happening in here?" Napalingon ako sa pinto nang marinig ang pamilyar na boses ni Rosalie. Napatakip ito sa sariling bibig nang makita ang nabasag na plato.
"Mom, it's hurt..."
"Goodness!" Bulalas nito at nagmamadaling nilapitan ang unico-hijo nito. Sumunod na pumasok si Yaya Ising. Napasulyap ito sa akin. Biglang nag-iba ang maldita kong ekspresyon sa tila mala-anghel kong awra.
Mayamaya ay dumating ang ilang mga katulong at inutusan ito ni Rosalie na ipahanda ang kotse at dadalhin daw sa hospital si Royce. Pero tumanggi ito.
"Ikaw ba ang may gawa nito, hija?" Malungkot na napatango ako. Nagmamadaling nilapitan ako ni Yaya Ising at niyakap ng mahigpit.
"Hija, bakit mo naman ginawa iyon? Hindi ikaw ang Aurora na dati kong nakilala. Nasaan na ba ang mabait at mapagmahal kong alaga? Tuluyan na ba talagang nilamon ng poot at galit ang puso mo, hija?"
Saka tumulo ang mga luha mula sa aking mga mata. Inis na pinalis ko iyon. Ako na naman ang kasalanan, iyon ang tingin ng ama ko.
"Alam mong hindi ko sila tanggap, Yaya Ising. Kaya hindi mo ako masisisi."
"Pero hija, pamilya mo na rin sila dahil pinakasalan ng daddy mo si Ma'am Rosalie."
Napasulyap akong muli sa mag-ina. Kitang-kita ko kung paano nag-alala si Rosalie sa anak nito. Naalala ko na naman si mommy. Ang mga alaala nito na siyang tangi kong iniingatan dito sa puso ko.
"Hindi ko sila pamilya, at hinding-hindi magbabago ang pananaw kong ibang tao sila!" Inis kong sagot kay Yaya Ising.
"Halika na sa baba at ipaghanda kita ng makakain."
Inalalayan ako ni Yaya Ising. Pero hindi ko maitatangging abut-abot ang kaba na nadarama ko. Tiyak kong lagot na naman ako kay daddy nito.