"HIJA, pagpasensiyahan mo na ang iyong ama," malumanay na turan ni Yaya Ising. Naramdaman ko ang masuyong paghaplos nito sa aking likuran.
"I hate him, yaya!" Lumuluhang sagot ko rito.
"Napaka-bata mo pa para maintindihan ang lahat, hija. Alam ko balang-araw ay matatanggap mo rin sina Tita Rosalie at Kuya Royce mo."
"I desire their removal from my existence. Hindi ko kailangan ng bagong ina, no one can supplant the irreplaceable love of my dear mom!" Galit kong tugon.
"Hindi ko na alam kung ano'ng gagawin ko sa'yo, hija. Subukan mo lang na matanggap sina Rosalie at Royce. Hindi mo ba nakikita na masaya ang daddy mo, hija?"
"Ako ba yaya nakita niyang naging masaya?"
"Hindi ko alam kung paano sagutin ang tanong mong iyan, hija. Ang nais ko lang naman ay magkaro'n ng kapayapaan ang mansion na ito. Pero mukhang malabong mangyari ulit iyon."
"That assertion is implausible, as it hinges on the continued presence of Rosalie and Royce!"
"Pasensiya ka na, hija. Dumudugo ilong ko sa'yo, masyadong malalim iyang English mo. Pwede bang magtagalog ka?" Reklamo ni Yaya Ising sa akin, dahilan para sumilay ang ngiti sa aking mga labi.
"Yaya naman, e," ani ko. Humarap ako rito.
"Kitams? Mas maganda ang alaga ko kapag nakangiti kaysa umiyak at magmaktol," ani nito at masuyong tinuyo ang mga luha mula sa aking mga mata. Heto na lang ang meron ako. Yumakap ako rito.
"Tahan na, ha?" ani pa nito. Dahan-dahan akong napatango.
"I love you, Yaya Ising."
"Mas mahal ka ng yaya, hija. Sige na, kailangan mo ng maligo dahil mukhang hindi na kanais-nais ang amoy mo," biro pa nito sa akin.
"Sige po," ani ko at mabilis na kumalas dito ng yakap.
Ngumiti ito sa akin. Inipit pa nito ang ilang hibla ng aking buhok sa aking punong-tenga. "Ihahanda ko lang ang dinner mo."
"Salamat, yaya." Tumayo na ako at dumiretso sa aking banyo. I require a reposeful state for both my physique and psyche. Masyado na akong na stressed sa mga bagay-bagay.
Pagkatapos kong maligo ay agad na rin akong nagbihis. Naupo ako sa aking study table kung saan naroon ang aking laptop.
As I powered up my laptop, a delightful surprise awaited me in the form of a tender message from Kian Uy - my beloved boyfriend hailing from another academic institution.
Greetings, dear Au. I trust that you are faring well and thriving in your endeavors. Your absence has left a void within my heart, and I yearn for the warmth of your presence once again.
Kinikilig agad ako nang mabasa ang short message nito pero nagbigay na iyon ng kakaibang saya at kilig sa aking puso.
Pero ang hindi ko inaasahan ay ang biglang video call na ginawa nito. Nagmamadaling tumayo ako at ni-locked ang pinto ng aking kwarto. Hindi pwedeng malaman ni Yaya Ising na may boyfriend na ako. Saka ako naupo na muli sa aking upuan at sinagot ang video call na iyon ni Kian.
Sinalubong ko ang nakangiti nitong mukha. Awtomatikong nagsalubong agad ang kilay nito nang tila mapansin nitong kagagaling ko lang sa pag-iyak.
"Has something occurred once more, my love?"
"I am not expressing anything significant; it is simply that I viewed a film which elicited an emotional response," I lied.
"I remain unconvinced. Please be forthright with me, my love."
"I am speaking truthfully, Kian," I retorted.
"Narito na ang pagkain mo, hija." Narinig ko ang boses ni Yaya Ising sa intercom. Nagmamadaling nagpaalam ako kay Kian. Kailangan dahil nariyan na si yaya.
"I must bid you farewell, Kian. Farewell!"
"I love you, love."
Ang huli nitong sinabi para sa akin, sumilay ang matingkad na ngiti sa aking mga labi. Ngunit mabilis ang kilos na isinara ko na ang sariling laptop. Abut-abot din ang kaba sa aking puso. Hindi pwedeng malaman ng lahat na may boyfriend na ako. Paniguradong magagalit sa akin si daddy.
"Nariyan na po," sagot ko kay Yaya Ising.
Naalala ko ang aking cellphone. Well, may password naman iyon, hindi mababasa ni Royce ang ilang mga sweet messages ni Kian para sa akin, at ng ilang mga unknown admirers ko.
Binuksan ko ang pinto at iniluwa roon si Yaya Ising dala ang tray na may lamang pagkain. "Kumain ka na."
"Salamat po, Yaya Ising."
Pumasok ito sa aking kwarto at inilapag sa aking kama ang tray. "Aalis na ako, please next time huwag na sanang maulit pa na ibagsak mo lahat ng subjects mo para naman hindi na magalit sa'yo ang daddy mo."
"Wala na po akong ganang mag-aral, yaya. I'm tired of everything."
"Hija, 'wag mong gawin 'yan alang-alang sa mommy mo. Nakalimutan mo na ba ang pangako mo sa kanya?"
"Hindi mo ako naintindihan, Yaya Ising."
"Sige na, maiwan na kita at may ipinag-utos si Ma'am Rosalie sa akin. Birthday ngayon ni Royce, hindi mo ba alam?"
"Wala po akong pakialam," sagot ko rito.
"Dito na lang daw sa bahay ang party magaganap. Mukhang doon sa malawak na hardin."
"Ang kapal ng mukha nilang gamitin ang bahay namin as their venue!" Inis kong sagot.
Narinig ko na lamang ang malalim na buntong-hininga ni Yaya Ising, saka ito tuluyang nagpaalam sa akin.
Hinarap ko ang aking pagkain. Tiyak kong marami na namang bisita mamaya. Pagkatapos kong kumain ay agad na lumabas ako ng aking silid dala ang aking tray.
Naglakad ako patungo sa kusina. Eksaktong nakasalubong ko ang isang kawaksi. Hindi nakaligtas sa aking paningin na tila busy nga ang lahat. Mukhang naghahanda ang mga ito.
"Ma'am, ako na po."
"Ako na, sige na magtrabaho na kayo. By the way, kumain na ba ang lahat sa inyo ng dinner?"
"Hindi pa po, inutusan po kasi kaming lahat ng daddy niyo na dapat matapos namin ang paglilinis sa buong kabahayan at sa may hardin."
"Tawagin mo ang lahat, kailangan niyo munang kumain bago niyo gawin ang pinatrabaho ni daddy. Paano kayo makapag-concentrate kung walang laman iyang mga tiyan niyo?" Mataray kong sagot.
"P—pero, baka po pagalitan kami ni sir, ma'am."
"Ako na ang bahala, tawagin mo ang lahat."
"Sige po."
Ako na mismo ang naghugas ng aking pinagkainan. Nasa ganoon akong akto nang dumating si Royce dala ang ilang mga pinagkainan din nito.
"I never anticipated that you had the ability to clean dishes." His facetious demeanor provokes my irritation.
"What is your perception of me as a person with disability? Of course, my mom has instructed me on some household tasks!" I responded with an irritable tone.
"Here, I return this item to you as your punishment has been fulfilled. It is my duty to oversee your discipline, as per our father's instructions."
Tila nabuhay ang aking dugo nang sa wakas ay ibinalik nito sa akin ang aking cellphone. Eksaktong tapos na ako sa ginagawa. Maagap na kinuha ko iyon mula rito. Umirap lang ako rito. Pero hindi ko nagustuhan ang sinabi nito. Hindi ko ito tunay na kapatid at wala itong karapatang pagbawalan ako dahil lang sa inutusan ito ng aking ama. Never!
Dinampot ko ang hinugasang mga pinagkainan at inilagay sa gilid. Hinayaan ko na iyon doon. Since iyon ang sabi ng isang kawaksi sa akin. Kailangan pa kasi iyong matuyo bago ilagay sa lalagyan niyo'n.
"As your brother, it behooves you to concentrate on your academic pursuits and avoid any potential diversions such as Kian. It is imperative that you refrain from engaging in romantic relationships at this point in time, Aurora, given your tender age."
"I do not see how it concerns you. Kian and I share a deep love that cannot be broken by anyone. Our bond is unbreakable, despite your interference," I hissed through gritted teeth, suppressing my rage.
Ang kapal ng mukha nitong pakialam ang aking sariling cellphone. Paano nito nalaman ang password ko? Hindi ko akalaing halos wala na pala akong maitago sa bwēsit na lalaking ito.
"It's my concern, ako ang pinagkatiwalaan ni daddy na tumingin sa'yo habang wala siya. Iisang paaralan lang kung saan tayo nag-aaral, Aurora. Kaya sa ayaw at sa gusto mo. Ako pa rin ang masusunod. Mas matanda ako sa'yo at karapatan kong pangalagaan ka bilang kapatid mo!"
"Damn you!" Singhal ko rito at mabilis itong tinalikuran. Humigpit ang pagkakahawak ko sa aking sariling cellphone. Inis na tinungo ko ang hardin.
Nadatnan kong busy ang lahat. Lalo na si Rosalie. Alanganin itong ngumiti sa akin. Sa huli ay mas pinili nitong mag-focus sa lahat ng mga ginagawa.
Pansin kong wala rito ang ilang mga katulong. Maybe, sinunod ng mga ito ang nais sinabi kong mag-breakfast muna bago gawin ang malawakang trabaho na gaganapin ng mga ito para sa walang-kwentang birthday party para kay Royce.
Naglakad ako patungo sa swing. Ang lugar sa hardin kung saan paborito namin ni mommy. Dumidilim na rin. Mukhang mamaya na mag-start ang naturang party. Well, hindi ako lalabas mamaya ng aking kwarto. Asa namang sasali ako sa pagtitipon na walang kwenta?
Binuksan ko ang aking cellphone. Nakita ko ang ilang mga text messages ni Carol, Diane, Kian, Hunter at sa ilang mga unknowns numbers. May mga ilang missed calls din.
Ngunit, may nakapukaw ng aking pansin. Isang unknown number na tila ba pinapagaan nito ang aking mabigat na dalahin sa dibdib dahil sa isang mensaheng ipinadala nito. Sino kaya ito? Tapos may pa-girly flowers and pink heart pa na emoji.
Halatang babae, hindi kaya si Dawn Montenegro ito? Ang aking best friend na nasa US? I miss her already. Hindi na rin kasi kami nag-uusap nito dahil kapwa kami busy sa aming mga kaniya-kaniyang buhay.