Kabanata 5

1728 Words
KINABAHAN agad ako sa banta ni Royce sa akin. Kaya mas pinili kong inumin ang lemonade na nasa aking harapan. Napansin kong may isang gwapong lalaking lumapit sa mesa ko. Kakamot-kamot pa ito sa batok. Kunot-noo na nakatingin lang ako rito sabay sulyap sa pinanggalingan nito. "Mga kasamahan mo ba ang mga 'yon?" Mataray kong tanong dito. "Oo, gusto ka rin sana nilang makausap at makasama. Kaya lang, nakakatakot pala ang kuya mo." "He's not my brother," maagap kong sagot dito. "Have a seat," paanyaya ko rito at iminuwestra ang katapat na silya. "Hindi ba't anak siya ng kinikilala mong ina?" "Oo, kaya lang wala akong choice kundi sundin siya. Iyon ang utos ng aking ama." Hindi pa man tuluyang nakaupo ang naturang lalaki, narinig ko na ang baritonong tinig ni Royce. "There are a lot of seats out there. Why did you choose here? Did you come here to flirt with my sister? I command you to stay away from my sister!" Royce's possessiveness irritates me. "Royce, you have no right to treat my guests like that!" I hissed. "Au, it's okay. Kahit ako naman sa part ni Mr. Fuentebella ay gano'n din ang gagawin ko," nakangiting sagot nito sa akin. "I need to go back to my place, Ms. Tan. I'm glad that you spent a little time with me in such a wonderful conversation." Alanganing ngumiti ako rito. Nasundan ko na lamang ng tingin ang papalayo nitong bulto. Pagdakay inis na pinukol ng nakaiiritang tingin si Royce. How dare you treat my guests like that?!" Mahina kong saad dito. "I'm just doing my responsibility as your brother, Aurora." "Stupid!" Asik ko rito sa mahina pa ring tinig. Aakalain ng marami ay nag-uusap lang kami nito ng normal, pero ang totoo, nagngingitngit ako sa galit. "That's not the right way to talk to your brother like that, Ms. Tan." "Well, for me you deserved it. I don't understand why you're so defensive, Royce. You know very well that your behavior towards my guests was completely unacceptable," I said firmly. Royce rolled his eyes and crossed his arms. "I was just trying to protect you, Aurora. You know how some people can be." "That's not an excuse for being rude and dismissive," I retorted. "But I need to do that in order to protect you," he stated. I can sense the finality in his voice. "Protecting me?" sarkastikong sagot ko rito. "Iyon ba ang tawag sa ginawa mo? Binastos mo ang kausap ko, Royce." "Did you not hear what he said earlier? If he were in my position, he would do the same thing to you." Mas pinili kong huwag ng makipagtalo pa rito. Wala rin naman akong mapapala. Eksaktong dumating si Sandra. Nakangiting kumaway ito rito at nang mapasulyap ito sa gawi ko, ngumiti ito sa akin. Wala akong choice kundi ang ngitian ito. Sandra is one of a kind person, tahimik, mabait, sexy, at higit sa lahat matalino. Nakipagbeso pa ito sa akin na agad ko namang pinaunlakan. "You look so pretty in your evening gown, Aurora." "Thank you so much, Sandra." "My pleasure, huhulaan ko. Nag-away na naman ba kayo ni Royce?" Bulong nito sa tenga ko. "Ano pa nga ba?" Inis kong sagot. Naramdaman ko ang mahinang pagpīsil nito sa aking palad. Tila ba sinasabi nitong 'relax lang.' Saka nito binalingan ang seryosong mukha ni Royce na agad ding napalitan ng kakaibang ningning nang makita nito ang matingkad na ngiti ng babaeng minamahal. Lihim akong nakaramdam ng ginhawa ng sa wakas ay hinatak ni Sandra si Royce sa dance floor para yayain na sumayaw. Naiwan akong nag-iisa sa mesa. Kaya nagpasya akong tumayo at tinungo ang terrace. Sinalubong agad ako ng malamig na simoy ng hangin. Pumikit ako at dinama ang pagyakap nito sa akin. I inhale and exhale. "Hi, bakit narito ang kapatid ng birthday celebrant?" Narinig ko ang baritonong tinig. Kaya napasulyap ako rito. The man is handsome. The man is attractive. The two sets of pitch-black eyes that are staring at me are bewildering. He is more alluring because of his commanding appearance. I couldn't help but ogle his flawless face and good looks. "To breathe some fresh air," simpleng sagot ko rito. Kitang-kita ko ang nakakaengganyo nitong mga dimples na nasa magkabila nitong pisngi. Mas hot itong tingnan. "Royce is a friend of mine, I'm glad to meet you, Ms. Tan. By the way, I'm Brandon." Nakangiting pagpapakilala nito sa akin. Pagdakay, inilahad nito ang isang palad sa aking harapan. Nakangiting tinanggap ko naman iyon. "Nice meeting you, Brandon?" "Ty," simpleng sagot nito. "I see," sagot ko rito. "I'm wondering kung bakit napakahigpit ni Royce when it comes to you," saad nito sa akin. Napansin ko ang hawak nitong kopitang may lamang alak. Medyo nailang ako sa kakaibang titig nito sa aking maamong mukha. Pero pilit ko na lamang iyong inig-nora. "Dahil iyon ang utos ng aking ama? He's a monster," nakangiting sagot ko rito. Narinig kong natawa rin ito sa sinabi ko. "I guess for your safety, since ikaw ang kaisa-isang unica-hija ni Mr. Tan." "Siguro nga, kilalang businessman si dad kaya wala akong choice kundi ang sundin sila ni Royce. Nakakaingit nga iyong ibang tao. They are free, kahit ano'ng nais nilang gawin sa buhay ay pwedeng-pwede," sagot ko na may pait sa mga labi. Narinig ko ang malalim na buntong-hininga ng lalaki. "Maswerte ka pa rin dahil buhay prinsesa ka, unlike me, isang illegitimate child na ikinahihiya ng sariling abuelo." Tila hinaplos ang puso ko sa narinig mula sa kwento ni Brandon. Kung pagmamasdan ito, hindi naman nalalayo ang hitsura nito sa mga Ty. "May iba't iba tayong kwento sa buhay, Mr. Ty. Ako na walang kalayaan, ikaw na may abuelong ikinahihiya ka. Hindi mo pa rin pwedeng isalarawan sa akin ang salitang ma-swerte ako," sagot ko rito. "Nasabi mo 'yan dahil hindi mo naman nadaanan ang mga paghihirap ko, Ms. Tan." Napasulyap ako rito. I find him handsome and masculine. Muli, nililipad ng mabining hangin ang aking mahabang buhok, dahilan para maamoy ko ang panlalaking amoy ni Mr. Ty. Hindi ko mapigilan na mapapikit. Nang bigla kong maalala ang kataksilan ni Kian sa akin. "You're such a tease, Ms. Tan." Bulong nit Brandon sa aking punong-tenga. Nagulat ako nang maamoy ang mabango nitong hininga, na ngayo'y dumadampi sa aking makinis na mukha. Idinilat ko ng dahan-dahan ang aking mga mata. Sinalubong ang kulay itim nitong mga mata na kasing itim ng madilim na gabi. Nagbigay iyon ng kakaibang kiliti sa aking himaymay. "Kiss me," utos ko rito. Ewan ko ba pero biglang naging hibang ako sa bango na hatid ng hininga nito na tila pinaghalong mint at alak. Muling pumikit ako at hinintay na maglapat ang aming mga labi. "As you wish, my queen," his husky voice sent shivers through my entire flesh. Naramdaman ko ang masuyong pagpulupot ng isang braso nito sa aking maliit na bewang at ang masuyong paghawak ng isang palad nito sa kabila kong pisngi. Tila bigla akong nauhaw sa sabik na mahagkan nito. Pero nagulat na lamang ako nang may biglang humila sa aking kabilang braso palayo sa hawak ni Brandon, napangiwi pa ako sa malakas na paghila ng kung sino, dahilan para idilat ko ang aking mga mata. Gimbal ako nang makita ang putok na labi ni Brandon na ngayo'y nakahadusay na sa marmol na sahig. "Oh, gosh!" Bulalas ko. "Royce, ano'ng ginagawa mo?!" Galit kong tanong dito. "Bukas na bukas ipapadala kita sa probinsya," ani nito at inis na hinatak ako nito palaalis sa terrace. Kinaladkad ako nito sa lugar kung saan hindi kami agaw pansin ng mga tao. "Dāmn you, Royce! Nasasaktan ako ano ba!" Singhal ko rito. Pero tila bingi ito. Hanggang sa marating namin ang likod bahay at umakyat kami sa isang daanan patungo sa sarili kong silid. "Don't tell me grounded na naman ako?" Inis kong tanong dito. Pero hindi nito sinagot ang tanong ko. Bagkus ay walang-awa ako nitong hinila paakyat hanggang sa marating namin ang sarili kong silid. Marahas nitong binuksan ang pinto ng aking kwarto at marahas ako nitong itinulak papasok sa loob. "Hindi ka lalabas diyan hangga't hindi natatapos ang party sa baba, do you understand?" Galit nitong utos sa akin. "How dare you!" Sigaw ko rito. Inis na nilapitan ko ito at pinagsusuntok ang dibdib nito. Hinayaan lang ako nito hanggang sa mag-sawa ako. "Fūck you!" Lumuluha kong tugon dito. "I don't care, hindi na magbabago ang desisyon ko, ipapadala kita sa probinsya." "You're such a monster, Royce!" "I am," sagot nito. "Mamatay ka na sana!" Inis kong tugon dito at sinampāl ko ng pagkalakas-lakas ang pisngi nito. Nakita ko kung paano umigting ang mga panga nito. Aaminin kong nagulat ako sa nagawa ko. Kaya napaatras ako rito. Hindi makatingin ng diretso sa mga mata nito. Kitang-kita ko ang pagdurugo sa sulok ng labi nito. Gawa ng matalas kong mga kuko. "Subukan mo ulit at hindi mo magugustuhan ang gagawin ko, Ms. Tan." Agad na umalpas ang kaninang galit sa aking puso nang marinig ang sinabi nito. Kaya biglang nagkaroon ako ng lakas ng loob na harapin itong muli. Sumilay ang pilyang ngiti sa aking mga labi. Awtomatikong tumaas ang isang kilay ko. "Nagseselos ka ba? May gusto ka ba sa akin? Iyon ang totoo, hindi ba?" Lakas-loob kong turan dito. Napangiwi ako ng marahas ako nitong hawakan sa aking kabilang braso. "You're not my type; stop dreaming," sagot nito dahilan para maramdaman ko ang kakaibang kirot sa sulok ng aking puso? Ang pakiramdam na iyon ay bago sa akin. What was that? Hindi lingid sa akin na isa akong head-turner when it comes to men. Walang lalaking hindi napapalingon sa kagandahang tinataglay ko. "Really?" Hindi makapaniwalang ani ko rito, may pilyang ngiti sa mga labi. "Sandra is more beautiful; true beauty is on the inside, Ms. Tan." Saka ko lang naalala si Sandra nang ipaalala nito iyon sa akin. Tila para akong binuhusan ng malamig na tubig sa mismong harapan nito. Saka ako nito marahas na itinulak palayo rito na tila nandidiri. Hayan na naman ang munting kirot na hindi ko naintindihan. At narinig ko ang malakas na pagsara ng pinto ng aking kwarto. Halos mabingi ako sa lakas niyo'n. Alam ko kung gaano kamahal ni Royce si Sandra. Kaya imposibleng may gusto ito sa akin. Malayung-malayo ako kay Sandra. Dāmn, bakit ko ba ikinokompara ang sarili rito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD