Kabanata 6

1820 Words
MAGBIBIHIS na sana ako nang marinig ko ang mahinang katok sa aking pinto. "Come in," sagot ko. Dahan-dahang bumukas ang pinto ng aking kwarto. At iniluwa roon si Rosalie. "Hinahanap kita kaya lang hindi kita makita, and Royce told me that you're here." Pinipilit nitong ngumiti ng matamis, pero nanatiling blangko ang aking ekspresyon. Ibinaling ko ang tingin sa remote ng aking flat screen TV. "If you want something to eat, just tell me." "Ang gusto ko ay ang umalis ka dahil naalibadbaran akong makita iyang pagmumukha mo, pwede?" Mataray kong sagot dito nang hindi ko na mapigilan ang matinding iritasyon para rito. "Alright, paakyatin ko na lang si Yaya Ising mo," malumanay pa rin nitong tugon sa akin. Dāmn, ewan ko ba, pero ramdam kong ka-plastikan lang ang ipinapakita ni Rosalie. "Just get out of here, will you?" Mataray kong ani rito. Nasa pinapanood ko ang akin atensyon, ngunit ang totoo, wala roon ang aking focus. Tahimik na umalis si Rosalie na totoong ipinagpasalamat ko. Saka naman ako nakahinga ng maayos. Ibinagsak ko ang sariling katawan sa aking malambot na kama. Pumikit ako. I'm so tired this day. Muling narinig ko ang katok sa aking pinto. Hindi ko pinansin iyon, bagkus ay nanatili akong nakadapa sa aking kama. Namroblema ako sa sinabi ni Royce. Ang dalhin ako nito sa probinsya. Bumukas ang pinto ng aking kwarto. Narinig ko ang pamilyar na yabag ni Yaya Ising. "Hija, totoo ba itong naririnig ko na ipapadala ka ng Kuya Royce mo sa probinsya?" "That jerk is a monster! Ang kapal ng mukha niyang magdesisyon ng walang pahintulot ni dad!" Inis kong sagot kay Yaya Ising. "Hija, lahat ng sinasabi sa'yo ni Royce ay pinahintulutan ng ama mo. Alam kong alam mo na 'yan. Hindi mo lang matanggap dahil ang nasa isip mo ay ikaw ang anak, at walang karapatan si Royce at si Rosalie sa lahat. Tama ba ako, hija?" "Oo, aaminin ko Yaya Ising, iyan ang nasa isip ko. Totoo naman po, hindi ba?" "Hija, para sa ikabubuti mo ang lahat ng ginagawa ni Royce at ng daddy mo. Magmula ng namatay ang mommy mo ibang-iba ka na sa Aurora na nakilala ko." "Dahil hindi mo ako naintindihan, Yaya Ising." "Naintindihan kita, hija. Dahil hindi mo matanggap na mag-asawa ulit ang iyong ama, hindi ba?" Hindi ako nakasagot sa sinabi na iyon ni Yaya Ising dahil totoo ang sinasabi nito. "Paano ko sila matatanggap gayong galit na galit ako sa kanila. No one can replace my mom, Yaya Ising. Nag-iisa lang si mommy." Tumulo na naman ang mga luha mula sa aking mga mata. Nilapitan ako ni Yaya Ising at niyakap ng buong-higpit. "Umaasa akong matatanggap mo rin sina Rosalie at Royce, hija." "Hindi ko kailanman sila matatanggap," sagot ko rito. Inis na pinalis ko ang mga luha sa aking mga mata. "Hindi ka ba nagugutom?" tanong nito sa akin. "Yaya, sa probinsya ba may private school din?" "Hindi ko alam, hija. Ang alam ko wala." "I don't like public schools. Mas gusto ko sa private school, Yaya Ising." "Sa tingin ko naman mukhang tinakot ka lang ni Royce. Narinig kong nakipaghalikan ka raw sa isang lalaki na kakilala ni Royce, totoo ba 'yon?" Sasagutin ko na sana si Yaya Ising nang marinig ko ang malakas na pagbalibag ng pinto ng aking silid. "Arnold, maghunos-dili ka!" Narinig kong ani ni Rosalie at nagmamadali itong lumapit sa aking gawi. Tila ba pinoprotektahan ako nitong huwag masaktan ni dad. "Umalis ka riyan, Rosaloe!" "No, Arnold. Just tell her instead of hurting her physically!" Matatag na turan ni Rosalie sa aking ama. Kitang-kita ko kung paano umigting ang panga ni Dad. Matinding pagpipigil ang napansin ko sa anyo nito. Well, ano pa nga ba? Of course, for the sake of her beloved wife Rosalie. "Sumusobra ka na, Aurora. Pinapahiya mo ako sa mga behavior mo. Alam mo bang nakuhanan ka ng scoop ng isang media? At kung hindi dahil kay Royce malamang hindi ko malalaman ang mga pinanggagawa mong kalandian dito mismo sa pamamahay ko! Bukas na bukas ipapadala kita sa probinsya. At doon ka na rin mag-aaral, and that's final!" Asik ng aking ama. Tigagal ako at tila parang gumuho ang mundo ko sa narinig mula kay daddy. "No way, you can't do this to me, Dad!" Naiiling kong tugon dito. "Yes, I can. And no one can stop me, darling. Ako ang ama mo at hangad ko ang ikabubuti para sa'yo. Now, Yaya Ising, please prepare all her things for tomorrow." Seryoso ang mukha ni Dad ng sabihin iyon. "This is too much, Dad. Alam mo na ayaw na ayaw ko sa probinsya. And here you are trying to put me in that disgusting place?" "Dahil iyon lang ang paraan ko para magtanda ka!" Malakas nitong singhal sa akin. Naikuyom ko ang aking kamao sa narinig. Kasalanan ito ni Royce. "Tama na, Arnold. Please...hayaan na muna nating magpahinga si Aurora." "Yaya Ising, do what I say!" Iritadong utos ni dad. "Sir, pwede po ba akong sumama kay Aurora sa probinsya?" tanong ni Yaya Ising. "Hindi pwede, dito ka lang sa mansion. Ako ang masusunod at ayokong may komontra pa sa nais ko!" "What?!" Bulalas ko. "That's unfair!" Hindi makapaniwalang ani ko rito. "Arnold, baka naman pwede niyang isama roon si Yaya Ising?" Segunda na turan ni Rosalie. "Ako ang padre de pamilya sa pamamahay na ito, Rosalie. Para ito sa ikabubuti ng anak ko. Suporta mo ay sapat na. Hindi magtitino ang anak kong 'yan kung puro na lang kunsinti ang ipapakita mo sa akin." "Hindi ko kinunsinti ang anak mo, Arnold. Gusto lang kitang paalalahanan. Iyon lang, natatakot lang naman akong baka sa sobrang galit mo ay mapagbuhatan mo ng kamay ang iyong anak. At iyon ay pinaka-ayaw kong mangyari." Awtomatikong tumaas ang isa kong kilay sa narinig mula kay Rosalie. "Kahit naman ano'ng gawin mong pagpapa-impress sa akin ay hindi kita matatanggap bilang ina ko, Rosalie." "Pero umaasa pa rin akong balang-araw ay matatanggap mo rin kami ni Royce, Aurora." "You wish!" Mataray kong sagot dito. "At iyan ba ang klase ng tao ang ipagtatanggol mo, Rosalie?!" Inis na tanong ni Dad dito. "Oo, hangga't kaya ko pa," matapang na sagot ni Rosalie sa aking ama. Hindi naman nagtagal ay lumabas na rin ng aking kwarto sina Dad at Rosalie. Pumikit ako at nag-inhale, exhale. Ibinagsak ko ang aking buong-bigat sa aking malambot na kama. "Dadalhan kita ng dinner," ani Yaya Ising. "Sige po, nagutom na rin po ako." Napasulyap ako sa orasan. Alas onse na pala ng gabi. Since nakabukas ang bintana ng aking kwarto, naririnig ko ang ingay ng tugtog mual sa hardin kung saan idinaos ang main event ng birthday party ni Royce. Nang biglang tumunog ang aking cellphone. Maagap na tiningnan ko ang caller. It's Kian cellphone number na kahapon lang ay binura ko. Useless pa rin ang ginawa kong pagbura, dahil memorize ko ang phone number nito. Inis na pinatay ko ang tawag. Nagpasya na lamang akong tumayo mula sa aking kama at tinungo ang banyo. Gusto kong maligo para ma refreshen ang aking utak at katawan. Pumasok na nga ako sa banyo para maligo. Itinapat ko ang sarili sa shower. Makalipas ang ilang minuto ay natapos na ako sa paliligo. Nagbihis na agad ako, eksaktong dumating na yata si Yaya Ising. Kaya hindi na ako nag-aksaya pang magsuot ng bra. I wear my sexy night gown. Naglakad na ako patungo sa pinto at mabilis na binuksan ang pinto. Nanlaki ang aking mga mata nang masalubongang seryosong mukha ni Royce. Awtomatikong napatakip ako sa aking magkabilang dibdib. "Dāmn it!" Malutong kong mura. "Nasaan ba kasi si Yaya Ising? Bakit ba ikaw ang nagdala niya'n dito?" "As if naman na malaki ang dede mo?" Pang-aasar nito sa akin. Nagpanting ang dalawang-tenga ko sa narinig mula rito. "Bastos!" Asik ko rito. Inis na kinuha ko mula rito ang tray na may lamang pagkain at inis na isinara ang pinto ng aking kwarto. Padabog na inilapag ko sa glass center table ang dala kong tray. Bigla tuloy akong na conscious sa sarili. Talaga bang flat chested ako? Sabagay, malaki ang dede ni Sandra, hindi ba? Lihim kong sinita ang sarili. Why should I compare myself to others? Continuing to compare yourself to others is a never-ending cycle that will only lead to unhappiness. Everyone has their own unique journey in life, with their own strengths and weaknesses. By comparing yourself to others, you're only focusing on their strengths while ignoring your own. Instead, try shifting your focus towards your own progress and growth. Celebrate the small victories along the way, no matter how insignificant they may seem. By doing so, you'll be able to build a positive mindset that encourages self-love and self-acceptance. Remember that everyone has their own path in life, and comparing yourself to others will only hold you back from reaching your full potential. Embrace your individuality and focus on creating a fulfilling life for yourself based on your own values and goals. Napaigtad ako nang marinig ang malakas na katok sa aking pinto. Palibhasa'y nasira ang aking intercom kaya kailangan ng malakas na pagkatok para marinig ko kung may tao sa labas o wala. Nagmamadaling kumuha ako ng roba sa aking mala-higanteng wardrobe at isinuot iyon. Inis na naglakad ako pabalik sa aking pinto at binuksan ulit iyon. Pinukol ko ng isang matalim na tingin ang nakakairitang titig ni Royce sa akin. "Is it right for you to close the door on me while I'm still talking to you?" "And am I the one who is rude and has no manners? How pathetic are you, aren't you?" I glared at him. Nailing na lamang si Royce sa sinabi ko. Kaya inis na umalis na lamang ito. Ilalapat ko na sana ang pinto ng aking kwarto nang hindi sinasadyang makita ko ang panyong nahulog mula sa bulsa nito. It's color pink. Halatang bigay ni Sandra rito. Dinampot ko iyon. Pagdakay isinara ang pinto ng aking kwarto. Inilapag ko sa bedside table ang naturang panyo. Saka ako nagpasyang harapin ang aking pagkain. Nasaan na kaya si Yaya Ising? Muli, tumunog ang aking cellphone. Hindi ko iyon pinansin, pero nang message alert tone ang naging tunog, dinampot ko ang aking cellphone mula sa kama at tiningnan kung sino ang nag-text. Kumunot ang noo ko nang maalala ang isang unknown number na palaging nagpapadala ng sweet messages para sa akin. Aaminin kong napapangiti ako sa mga quotes messages nito. Parang naging stress reliever ko na nga ang mga pa quotes nito. Sino kaya ito? Sabagay, sa dami ba naman ng mga admirers ko. Nabitiwan ko ang aking cellphone nang tumunog ang call alert tone. Si Royce ang tumawag. "What?!" "Matulog ka ng maaga, maaga tayo bukas. Ako ang maghahatid sa'yo sa probinsya." "Go to hell!" Inis kong sagot dito at pinatay ang tawag. Sa inis ko'y, I turn off my phone. Hindi ako luluwas ng probinsya bukas. Never!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD