Kabanata 4

1767 Words
NAGISING ako sa mahinang tapik sa aking pisngi. "Hija, gising." Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata. Naalimpungatan ako. Hanggang sa masilayan ko ang nakangiting mukha ni Yaya Ising. "Yaya," ani ko at nagmamadaling bumalikwas ng bangon. "Bakit dito ka natulog?" "Hindi ko rin po napansin na nakatulog na pala ako rito," sagot ko rito. "Inutusan ako ng daddy mo na bihisan ka. Nasa kwarto mo na ang damit na susuotin mo. Binili ng daddy mo iyon para sa'yo." "Ayokong isuot 'yon, Yaya Ising!" Matigas kong sagot dito. "Hija, kahit konting respeto man lang para sa Kuya Royce at Mommy Rosalie mo," malumanay na tugon sa akin ni Yaya Ising. "Kung gusto mo Yaya Ising, ibigay mo na lang 'yon sa mga batang walang damit. Wala akong ganang magpakita sa party na walang-kwenta!" Asik ko. Inis na tumayo ako mula sa swing at mabilis na tinalikuran si Yaya Ising. "Hija!" Narinig kong tawag pa nito. Dire-diretso lang ang aking lakad. Ngunit hindi ko inaasahan na makasalubong ko si Dad. "Aurora!" May diing tawag nito sa aking pangalan. Wala akong choice kundi ang harapin ito. Napansin ko kaagad ang masuyong paghaplos ni Rosalie sa balikat ng aking ama. Tila ba pinapakalma nito si Dad. "Yes, Daddy?" Hindi ko maitago ang sarkasmo sa aking boses. Ni hindi ko binalingan ng tingin si Rosalie. "Isuot mo ang damit na ibinigay ko sa'yo. Kailangan kang magparticipate sa birthday ng Kuya Royce mo, do you understand?" "Wala akong panahon sa walang-kwentang bagay, Dad. So, please excuse me," inis kong sagot dito at mabilis itong tinalikuran. Ngunit bago pa man ako tuluyang makaalis ay hinawakan na ni Dad ang aking kabilang braso dahilan para mapaharap ako rito. Nanlaki ang aking mga mata. At akmang sasampalin ako nito pero agad iyong napigilan ng kung sino. "Dad!" Ani ng pamilyar na boses, si Royce. Pero hindi iyon dahilan para ma-impressed ako rito. No, way! "Arnold!" Narinig kong sigaw ni Rosalie. Nakita ko kung paano nito hinila si Dad, at gamit ang mga palad nito ay ikinulong nito ang makinis na mukha ng aking ama, pilit nito iyong pinakalma. "Honey, please...hayaan na natin si Aurora. Hindi natin siya pwedeng pilitin. Just let her do what she wants," malumanay na saad ni Rosalie sa aking ama. Pagdakay, niyakap nito si Dad ng mahigpit. Sumilay ang pait sa aking mga labi. So, that's it? At kaya na pala akong saktan ng aking sariling ama. Ang pagbuhatan ng kamay dahil sa lìntik na mag-inang ito. Hinarap ako ni Royce. "Fix yourself, magbihis ka na. Kahit man lang sa pagpapakilala ni Dad sa amin bilang parte ng pamilya niyo ay bigyan mo ng respeto." "You wish!" Asik ko rito. Pero agad ako nitong napigilan sa isang braso. Muli, napaharap ako rito. "Pumili ka, ang gawin ang utos ni Dad, o ang ipadala ka sa probinsya para doon mag-aral?" Bakas sa boses nito ang pananakot sa akin. "No, way!" Gulat kong tanggi rito. "Then, do what I just had said!" Iritadong utos nito sa akin. Wala akong choice kundi ang sundin ang nais nito. Maisip ko pa lang ang Probinsya na pinagdalhan ni Dad sa amin ni mommy noon, ay hindi ko kayang masikmura ang naturang lugar. Napangiwi ako. I can't stay there any longer. There's no wifi, and I can't live without it. And those restrooms where there is no bath tub or shower, it's disgusting! Pero ang hindi ko maipagpapalit sa lugar na iyon ay ang sariwang-hangin na nalalanghap ko. At ang kapayapaan at katahimikan ng paligid. "Hija!" Napalingon ako kay Yaya Ising. "Papayag na ako, Yaya Ising." "Salamat naman at umalis na sa utak mo ang masamang-espiritu," biro pa nito sa akin dahilan para mapanguso ako. She diverted my attention with her joke. I forgot what happen a while ago. When Dad tried to slap me on my face, it hurt me big time. Pilit ko na iyong inalis sa aking isipan para maiwasan ang pait na nadarama. "Yaya Ising naman," maktol ko rito at umakyat na sa grand staircase ng mansion. Nakasunod lang ito sa akin. "Tatawagan ko ba ang ilang mga make-up artist na kilala ni Rosalie?" "Huwag na, Yaya Ising. Hindi ko naman kailangang maging maganda. Okay na sa akin ang simpleng ayos. Isa pa, maalam naman akong maglagay ng light makeup sa sarili kong mukha." Hanggang sa marating namin ang aking silid. "Kailangan mo ba ang tulong ko?" "Hindi na, Yaya Ising. Ang gusto ko lang pong gawin niyo ay ang magpahinga kayo, okay?" sagot ko rito. "Sigurado ka bang talaga?" "Yes, po. Sige na, kaya ko na 'to. Malaki na po ang alaga niyo at hindi na kailangan pang turuan. But, God knows I still need you, Yaya Ising. Isa ka sa remembrance sa akin at isang alaala kay mommy." "Naku, ang alaga ko nag-lambing na naman," nakangiting saad nito at niyakap ako nito ng mahigpit. Pinipigilan ko ang mapaluha. Ewan ko ba, sa tuwing naalala ko si mommy hindi ko talaga mapigilan na manubig ang aking mga mata. Palagi ko kasi itong namimiss. Hanggang sa tuluyang nagpaalam na sa akin si Yaya Ising. Pumasok ako sa banyo at naligo. Pagkatapos ay agad na nagbihis. Nilapitan ko ang damit na binili ni Dad para sa akin. Binuksan ko ang malaking kahon. May nakalagay pang sulat. To my precious beautiful princess, this one is for you. Always remember that I always love you. Please wear this one, precious. Love, Dad A slight smile appears on my lips. I hate my Dad, but God knows how much I love him. He's my superman and I will always be his precious gem. But suddenly, reality hits me. He was happy now with his new wife. Then, tears fell from my eyes. I pick up my comb and fix my hair while staring at myself in the mirror. Hinayaan ko na lamang na nakalugay ang mahaba kong buhok. And I wear my favorite headband. A gift from my beloved mom. Naglagay na rin ako ng light makeup sa aking mukha. Binuksan ko ang lagayan ko ng mga alahas. At naisipan kong isuot ang kwintas na bigay ni mommy sa akin. A heart-shaped pendant. It is a white-gold necklace. Nang biglang tumunog ang aking cellphone. Nang makita ko ang caller, halos tumalon ang puso ko sa tuwa nang makitang si Kian ang tumawag. Agad na sinagot ko ang tawag nito. "K—Kian!" Bulalas ko rito. "This is not Kian, it's me Jannah. His girlfriend. May I know who you are?" Awtomatikong pinatay ko ang tawag nang marinig ang boses na iyon ng isang babae. Umigting ang panga ko sa labis na galit at sakit, kasabay ng pagkuyom ng isa kong kamao. I inhale, exhale. Trying to maintain my composure. Hindi ako pwedeng lumabas na tila galing nasaktan. Kailangan kong maging matatag. Nagpasya na akong isuot ang bestida na binili ni Dad para sa akin. At hindi nga nagkamali si Dad. It really suits my perfect figure. I was like a princess. Pinakatitigan ko ang sarili sa full length mirror. Kung kanina ay nasaktan ako dahil kay Kian. Ngayon naman ay napangiti ako dahil lang sa simpleng bestida na bili ng aking ama na totoong bumagay sa akin. "Hija, hinahanap ka na ng daddy mo, at ni Mommy Rosalie mo." Narinig ko ang boses ni Yaya Ising. "Akala ko ba natulog ka, Yaya Ising?" tanong ko rito gamit ang intercom. "Hindi ako makatulog, kaya nagpasya na lamang akong puntahan ka. Nagsisimula na ang party hija. Kanina ka pa raw hinahanap ng daddy mo." "Lalabas na po ako," sagot ko rito. Naglakad na ako palapit sa pinto ng aking silid at binuksan ang pinto niyo'n. "Oh, wow!" Bulalas ni Yaya Ising nang makita ako. "Yaya..." "Parang ikaw ang may birthday, ang ganda naman talaga ng alaga ko. Manang-mana sa akin," nakangiting sabi pa nito. Eksaktong dumating si Royce at hindi nakaligtas sa paningin ko na tila nagulat ito nang makita ako. Ako man ay gano'n din. Bagay na bagay dito ang suot nitong damit. Awtomatikong nagsalubong ang dalawa kong kilay. Agad naman itong nakahuma. At lumapit sa aming gawi ni Yaya Ising. He looks like a perfect prince of a beautiful princess. His clean-cut hair suit his perfect features. That aristocratic nose, thin lips, and his undeniable perfect masculine figure which every girl dies to touch. "Let's go," seryosong ani nito sa akin. Inilahad nito sa akin ang sariling kanang bisig. At tinanggap ko naman iyon. "Happy birthday, hijo!" Masayang bati ni Yaya Ising dito. "Salamat po, Yaya Ising." Saka kami kapwa humaba ng naturang grand staircase ng mansion. At ganon na lamang ang gulat ko nang makita ang maraming mga tao. Hinahanap ng mga mata ko sina Dad at Rosalie. Maraming camera ang naririnig kong nag-click. Hindi na ako magtataka kung dudumugin kami ng ilang mga media. Isang kilalang negosyante ang aking ama na si Arnold Lucio Tan. "Ang gwapo talaga nitong si Royce, no?" "Simple lang ang suot ni Ms. Tan pero ang ganda niya." "Narito kaya ang girlfriend ni Royce?" "Oo, nakita ko kanina." Ang ilan sa mga narinig ko galing sa mga Marites. Hanggang sa mapako ang aking mga mata kung nasaan sina Daddy at Rosalie, napansin ko ang kakaibang tuwa sa mukha ng mga ito. Pero, heto na naman ang pamilyar na kirot sa aking puso. Bigla ko kasing naalala ang 15th birthday ko noong buhay pa ang aking pinakamamahal na ina. Inalalayan ako ni Royce sa mesa kung saan kami dapat maupo. Hindi ko akalaing marami palang bisita ang dadalo sa birthday nito. Naupo ako sa silya. Kaharap ko ang ilang pagkain, aaminin kong bigla akong nakaramdam ng pagka-bored. Iniwan ako saglit ni Royce para bigyan ng pansin ang ilang mga bisita nito. Mostly ay mga kaibigan nito at mga kamag-aral. Nakikita ko ang ka-team nito sa basketball. At hindi nakaligtas sa akin ang panay sulyap ng mga ilang kalalakihan sa aking gawi. At para ma-turn-off ang mga ito. Eksaktong lumapit ang isang waiter sa aking gawi. Mula sa tray nito ay kumuha ako ng isang kopitang may lamang alak. Nang makaalis na ang naturang waiter. Sinalubong ko naman ang nagbabagang tingin ni Royce. Nagbabantang tingin na akala mo ay nakagawa ako ng isang malaking kasalanan. Saka ko naalala ang banta nito. Dāmn it! Inis na inilapag ko ang kopitang may lamang alak sa mesa. Hinarap ko na lamang ang lemonade na nasa harapan ko. Lumapit si Royce at walang-gatol nitong dinampot ang kopitang may lamang alak. "Do not do things that are against my will; otherwise, what I am telling you may happen and bring you to the province," he threatened me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD