Kabanata 7

1672 Words
YAKAP-yakap ko ang larawan ni mommy. Hindi ko naman siguro kasalanan na matagal akong naka-move-on sa pagkamatay ng aking ina. Hinayaan ko na lamang na tumulo ang mga luha mula sa aking mga mata. Hindi rin ako makatulog sa isiping dadalhin ako ni Royce sa probinsya bukas. And I don't like it there. Inis na pinalis ko ang mga luha mula sa aking mga mata. Mas lalo lamang akong makukulong sa labis na kalungkutan kapag dinala ako roon. Mas marami kaming alaala ni mommy sa probinsya kaysa rito sa bahay. Palibhasa'y, paborito ni mommy bakasyunan ang lugar na iyon. Napasulyap ako sa aking orasan. Mula sa aking kama ay tumayo ako at tinungo ang aking bintana. Sinilip ko ang hardin, still the party is going on. Kitang-kita mula rito ang ilang mga nagkasiyahan. Pero hindi ko makita si Royce at Sandra. Pakialam ko ba sa mga iyon? Narinig ko ang katok mula sa aking pinto. Nagmamadaling bumalik ako sa aking kama at nagkunwaring tulog. Sigurado akong si Dad iyon. Nanatili akong walang imik. Hinihintay kong bumukas ang pinto ng aking silid, pero hindi ito pumasok. Siguro naisip nitong tulog na ako. Saka ako nakahinga ng maayos. Pumikit ako dahil mukhang dinadalaw na nga ako ng antok. KINABUKASAN, nagising ako sa mahinang tapik ng aking pisngi. Nang idilat ko ang aking mga mata, ang nakangiting mukha ni Yaya Ising ang aking nabungaran. "Good morning!" Masiglang bati nito sa akin. "Good morning, Yaya Ising. Walang maganda sa araw ko ngayon, yaya." Kumunot ang noo nito na tila nagtataka. "Bakit mo naman nasabi 'yan, hija?" "Ayokong pumunta sa probinsya," sagot ko rito na nakabusangot ang mukha. "Mukhang hindi matuloy, busy si Royce ngayon dahil ngayon ang araw ng kanyang training para sa Tan Industries Corp." "Handa na pala siya sa 100 days bilang new CEO ng kompanyang hindi kanya? Ang kapal ng mukha!" Inis kong sagot. "Dahil siya lang naman ang kayang pagkatiwalaan ng daddy mo, hija. Pero ilang taon din daw na mawawala si Royce dahil plano niyang magkaro'n ng experience sa ibang bansa para ready na siya sa hinaharap." "Kailan ba siya naging mayaman? Hindi ba't sampid lang silang mag-ina rito sa pamamahay na ito? Kaya lang naman pinatulan ni Rosalie ang aking ama dahil sa mayaman si Dad, kung si daddy nauto nila, ako hindi!" Galit kong tugon. "Ako ang nangingilabot sa mga paratang mo sa mag-ina, hija. Hindi naman yata gano'n ang mag-ina." Napasimangot ako sa narinig mula kay Yaya Ising. "Ewan ko sa'yo, Yaya. Makaligo na nga," ani ko rito na may bahid na inis sa aking boses. "Dapat lang, dahil late ka na. Ang alam ko may pasok ka raw ngayon?" "Opo, kaya kailangan ko ng maligo," sagot ko rito at mabilis na pumasok sa loob ng banyo. Gumaan ang pakiramdam ko. Buong akala ko talaga sa probinsya ang bagsak ko ngayon. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na rin ako ng aking uniform. Saka ako lumabas ng kwarto dala ang aking bag. Naglakad ako patungo sa dinning table, eksaktong naabutan ko sina Dad, Royce at Rosalie. Napansin ko ang ilang mga pagkain sa mesa. Halatang nagluto na naman si Rosalie dahil iba't ibang putahe na naman ang nasa hapagkainan. "Good morning!" Nakangiting bati ni Rosalie sa akin. Hindi ko ito pinansin, bagkus ay naupo ako sa silya kung saan nasa kaliwang pwesto ako, nasa katapat ko lang si Rosalie. Katabi nito si Royce na masama ang tingin sa akin. Tumaas lang ang isang kilay ko at hinarap ang aking pinggan. "Manang, pwede bang lutuan mo ako ng ham at beacon? Hindi ko kayang kainin ang nasa mesa ngayon," inis kong utos. "Yes, ma'am." Napansin ko kaagad ang isang palad ni Rosalie na ngayo'y masuyong nakapatong sa mga kamay ni Dad na ngayo'y nakakuyom dahil sa sinabi ko. "Arnold, please...kumain na lamang tayo," pakiusap ni Rosalie sa aking ama. Lihim na nagdiwang ang aking diwa nang makitang nagtimpi sa galit ang aking ama. Habang narito ang mag-ina sa pamamahay na ito ay hindi ako matahimik. Makalipas ang ilang minuto ay dumating na rin ang pinaluto kong ulam, eksaktong natapos na rin sa pagkain sina Dad, Rosalie at Royce. Lihim akong nakaramdam ng ginhawa. "Dad, ayokong dalhin niyo ako sa probinsya. Kung talagang pipilitin niyo ako. Baka mapilitan akong maglayas," matapang kong habol dito. "I change my mind, dito ka na lang. Naisip ko rin na hindi ka makakapag-move-on lalo sa pagkamatay ng iyong ina kung ipapadala kita roon. Mas marami pa naman kayong memories doon kaysa rito sa mansion." Nang marinig iyon mula sa bibig ni Dad, totoong napanatag ang aking loob. "Pero hindi ibig sabihin na magbabago ang pakikitungo ko sa mag-inang dinala mo rito," ani ko pa. Nakita ko kung paano umigting ang magkabilang panga ni Dad. Well, siya ang nagdala sa mag-ina rito, hindi ako ang siyang mag-adjust kundi ang mga sampid. "Rosalie, samahan mo ako," ani Dad kay Rosalie. "Royce, ikaw ang maghatid kay Au sa school." "Kay Manong driver ako sasabay," matigas kong ani kay Dad. "May lagnat si Manong, kaya wala kang choice kundi ako ang maghahatid sa'yo!" Gigil na tugon ni Royce sa akin, halata sa boses nito ang labis na pagtitimpi. Inis na pinukol ko ito ng matalim na tingin, nang mapako ang aking tingin kina Rosalie at Dad ay mas lalong nainis ako nang maglapat ang mga labi ng dalawa. "What the!" Mahina pero may matinding emosyon na ani ko. "Hindi ikaw ang magiging dahilan para maghiwalay sina daddy at mommy. Nagsisimula ka pa lang, nakahanda na ako, Ms. Tan," may diing tugon sa akin ni Royce. "Lalaban ako hangga't kaya ko, hindi mo alam kung ano'ng kaya kong gawin, Royce," nakangiting sabi ko rito. Naglalaro sa aking isipan ang matinding plano na kailangan kong maisagawa para tuluyang mapaalis ang mag-ina. Mukhang kailangan ko ang tulong ng aking mga kaibigan. "Do it, at talagang makikita mo ang hinahanap mo, Ms. Tan." "Hindi ako natatakot sa mga pagbabanta mo. Gagawin ko ang lahat mapalayas lang kayong mag-ina sa pamamahay na ito!" Asik ko rito. "Really?" Nakangising tugon ni Royce, at nagulat ako nang walang-awa nitong hinila ng marahas ang aking kabilang braso. Damang-dama ko ang pag-baon ng mga kamay nito sa aking braso. "Dāmn you, it hurts me!" Inis kong reklamo rito sa mahina lamang na boses. "Hindi lang 'yan ang kaya kong gawin. Huwag mo akong susubukan, baka hindi mo kakayanin ang mas kaya ko pang gawin. Huwag na 'wag mong pag-iisipan ng hindi maganda ang aking ina. Dahil sinasabi ko sa'yo, ako ang makakalaban mo!" Kitang-kita ko ang matinding galit at poot sa mga mata ni Royce. Pero hindi ako nagpatinag dito. Nag-ipon ako ng sapat na lakas at marahas na kumawala sa hawak nito. "You, asshole!" Singhal ko rito. Naglalaro sa mga labi nito ang mapanudyong ngiti. "Fix yourself at aalis na tayo," utos nito sa akin at mabilis ako nitong tinalikuran. Naiwan akong nagngingitngit sa galit at inis. Wala akong choice kundi ang sumunod dito. Heto ang maghahatid sa akin patungo sa school. At least, hindi ako nito dinala sa probinsya na totoong ipinagpasalamat ko ng lihim. Buong-akala ko talaga sa probinsya ang bagsak ko at maging isang probinsya girl na ako. Inis na binuksan ko ang pinto ng backseat. Pero bago ko pa man iyon mabuksan, narinig ko ang maawtoridad na boses ni Royce. "Hindi mo ako driver, Ms. Tan. Kaya rito ka sa front seat," turan nito sa malalim na boses. "Mukha ka namang driver, oa mo!" Inis kong sagot dito. "Hot driver, that's the exact thing you can call me," nakakalokong pagtatama nito sa akin. Halatang inaasar ako nito. "Ang kapal naman ng mukha mo," ani ko rito. Ngumisi lang ito at mabilis na naupo sa driver seat. "Fasten your seat belt, honey," ani pa nito. "Alam ko, hindi mo na kailangan pang ipaalala sa akin." Nakangiting nailing na lamang ito sa sinabi ko. Nang biglang tumunog Ang cellphone nito. "Yes, babe?" Awtomatikong tumaas ang isa kong kilay nang marinig ang endearment nito para kay Sandra. Ibinaling ko ang tingin sa labas ng bintana ng kotse, trying to enjoy the view outside. Hanggang sa matapos nito ang pakikipag-usap nito kay Sandra. Makalipas ang ilang minuto, narating na rin namin ang unibersidad kung saan kami nag-aaral. Mabilis na umibis ako mula sa kotse. Hinanap agad ng aking mga mata si Carol at Hunter. Inis na napanguso ako nang hindi ko makita ang mga ito. "Au, narito kami!" Sigaw ng pamilyar na tinig. Namataan ko ang mga ito na nasa paborito naming hide out. Lumapit ako sa mga ito. "Ano'ng ginagawa niyo?" tanong ko sa mga ito. "Gumagawa ng assignment. Ikaw ba may assignment na?" tanong nito na ang tingin ay nasa kinaroroonan ni Royce. "Hindi ko pinoproblema ang assignment ko. T'saka wala naman akong balak magpasa ng assignment," balewalang sagot ko sa mga ito. "Kung makatingin ka parang walang bukas, a?" "Naku, sigurado akong sermon na naman ng daddy mo ang matitikman mo kapag ganyan ang ugali mo, Au," palatak ni Carol sa akin. "Siyempre, nakita ko ang crush ko, e." Mula sa aking balikat ay kinuha nito ang aking bag. "Ano na namang ginagawa mo, Carol?" "Gagawan kita ng assignment, pasalamat ka talaga at naging best friend kita. Maiba nga tayo, sina Sandra pa ba at Royce?" Sumilay ang matamis na ngiti sa aking mga labi. "Magpapalibre ka lang naman kaya mo ginagawa 'yan. Huwag ka na kasing mag-effort. Kung tatanungin mo ako, tungkol kay Royce at Sandra, oo sila pa. At pwede ba hindi ka bagay kay Royce. He's a gold digger tulad nang ina niya." "Grabe ka naman kung makapanghusga, Au. Naku, iyang ugali mo, ha? Hindi na 'yan healthy," nakasimangot nitong sagot sa akin. Saka nito inumpisahan ang assignment ko para mamaya. Masasabi kong blessed ako sa pagkakaroon ng kaibigan na katulad ni Carol. Napasulyap ako kay Hunter. Seryosong nagsusulat lang ito. Nailing na lamang ako rito. Kahit kailan talaga ito ang pinaka-tahimik sa amin. Muli, iniisip ko ang plano na dapat kong maisagawa para mapalayas sina Royce at Rosalie sa mansion.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD