"AKO ANG kinakabahan sa plano mong iyan, Au," palatak ni Carol. Inis na pinukol ko ito ng nakamamatay na tingin.
"Kung ayaw mo, ako na lang ang gagawa!" Inis kong tugon dito at tinalikuran ito.
"Au!" Sigaw ni Carol sa aking pangalan. As usual, nag-cutting classes na naman ako. Dumiretso ako sa canteen.
Nang dumating ako sa canteen hinahanap ng aking mga mata si Daniela. Nakangiting lumapit ako rito.
"Hi, Dani!" Masiglang bati ko rito.
"Hulaan ko, nag-cutting classes ka na naman, no?"
"Yeah, at wala kang pakialam don," nakangiting sagot ko rito.
"Naku, sigurado akong magagalit na naman sa'yo si Royce at ang daddy mo niya'n, Aurora."
"Problema ko na 'yon," sagot ko rito.
"Ano'ng kailangan mo?" tanong nito sa akin, nakatitig ito sa nakangiti kong mukha.
"I need your service," saad ko rito.
"Really?"
"Yeah, how about fifty thousand para akitin ang daddy ko?" nakangiting ani ko rito. Nanlaki ang mga mata nito sa narinig mula sa aking mga labi.
"What?!" Bulalas nito.
"A you've heard, iyon lang ang gagawin mo, Dani."
"Teka, bakit ba ginagawa mo ito sa daddy mo? Ayaw mo bang maging masaya siya?"
"Pwede ba, 'wag kang maraming tanong. Oo at hindi lang ang dapat mong isagot at nang makahanap ako ng ibang gagawa sa nais ko."
"Malaki rin 'yan, sige na nga!" ani nito. Lumapad ang aking ngisi.
"Paunang bayad ko sa'yo is twenty five thousand, saka na ang other twenty five kung nagawa mo na ang pinapagawa ko sa'yo, ano deal?"
Pinakatitigan ako ni Daniela sa mga mata. Bakas sa anyo nito ang tila hindi makapaniwala. I will do everything to drive Rosalie out of my father's life.
That is my main plan.
"You know what? Time will come that you will regret doing such nasty things, Aurora. You can't just go around hurting people and expect to get away with it. Karma has a way of catching up to those who do wrong. Maybe one day you'll realize the error of your ways and try to make amends for the pain you've caused."
"Hindi ako narito para sermonan mo, Daniela," mataray kong tugon dito. "Aalis na ako."
"Wait! Oo na!" Sigaw nito. Lumapad ang aking ngisi.
"Papayag ka naman pala, ang dami mo pang sinasabi," ani ko rito.
Mula sa aking bag ay kumuha ako ng cheque at sinulatan iyon at pinirmahan. "Just do it. Alam mo ang kaya kong gawin oras na hindi mo natupad ang napagkasunduan natin, siguraduhin mo lang na gagawin mo ang nais ko," ani ko pa rito.
"Nagipit lang talaga ako, Aurora. Pero wala akong choice," sagot nito sa akin.
"Mas mabuti na wala kang choice. Aalis na ako, tatawagan na lamang kita, okay?" nakangiting saad ko at tuluyan na nga akong lumabas ng canteen.
Lumabas na ako ng gate ng unibersidad, eksaktong nakita ko sa may gate ang isang pamilyar na bulto. Si Kian. Lumihis ako ng iba daan pero sinundan ako nito. Kaya nagpasya akong harapin ito.
"Please... 'wag sa maraming tao, Au."
"At saan mo gusto tayo mag-usap?" tanong ko rito na hindi ngumingiti. Naikuyom ko ang dalawang-kamao.
"Inside my car," sagot nito. Kitang-kita ko ang tila frustration sa anyo nito. Napansin kong nangayayat ito. Mukhang mas broken hearted pa yata ang lalaking ito kaysa sa akin. Sino ba ang niloko at sinaktan, hindi ba't ako?
Nang tuluyan na kaming makapasok sa mismong looban ng kotse nito, mabilis na dumapo sa kabilang pisngi nito ang aking isang palad, kasabay ng pagsunud-sunod na pag-agos ng mga luha mula sa aking mga mata.
"How dare you cheat on me!" Singhal ko rito. Sapo nito ngayon ang nasaktang pisngi.
"Kaya nga gusto kong makausap ka, Au."
"Para ano?"
"To clarify things."
"I don't need your dāmn explanations, Kian. Sapat na sa akin ang nasampal kita ng pagkalakas-lakas," ani ko rito at mabilis na binuksan ang pinto ng kotse nito. Pero bago pa man ako tuluyang makalabas nahagip nito ang isa kong braso dahilan para mapaharap ako rito.
"I won't let that happen, you're mine, Aurora!" Galit nitong tugon at walang-gatol nitong inangkin ang aking mga labi. Nanlaki ang aking mga mata at nagpūpūmiglas mula sa mahigpit nitong hawak. Binalot ng matinding kaba at labis na takot ang aking buong-pagkatao sa mga oras na iyon hanggang sa manginig. Dāmn!
"Hmp!" Pilit itinitikom ang aking bibig. Kalmot, sipa, at sinubukan kong itulak si Kian mula sa akin pero walang silbi iyon dahil mas malakas ito sa akin.
Hanggang sa bumaba ang halik nito sa aking leeg. Sumigaw ako ng tulong pero alam kong walang silbi iyon, not until I heard a loud bang on Kian's car window.
Kapwa kami napalingon doon at ang nagngangalit na mukha ni Royce ang aking nasilayan. At doon ako nagkaroon ng pagkakataon na makawala sa mga hawak ni Kian. Siguro ay nagulat ito sa biglang pagdating ni Royce kaya ito nahimasmasan. Nagmamadaling binuksan ko ang pinto ng kotse ni Kian at mula roon lumabas ako.
"What the hēll, Aurora!" Singhal sa akin ni Royce. Napayuko ako rito, damang-dama ko pa ang kakaibang takot na ginawa sa akin ni Kian.
Mas lalo akong nagulat nang hilahin nito si Kian mula sa sarili nitong kotse at walang-gatol nitong inundayan iyon ng isang malakas na suntok.
"Oh gosh, Royce!" Narinig ko ang tili ni Sandra na ngayon ko lang din napansin na narito pala.
Napayakap ako sa sarili. First time na ginawa iyon sa akin ni Kian. At hinding-hindi ko akalain na magagawa nito sa akin iyon. Para akong na trauma sa experience na iyon.
Napansin ko kaagad ang ilang police na dumating. Bugbog sarado si Kian. Nagulat ako nang harapin ako ni Sandra at hindi ko inaasahan ang ginawa nito. Nagulat ako sa malakas na sampal nito sa aking kabilang pisngi.
"Matagal na akong nagtitimpi sa'yo. Puro na lang ikaw! I hated you!" Singhal nito sa akin at mabilis ako nitong tinalikuran at maagap na niyakap nito si Royce na walang kaalam-alam sa ginawa ni Sandra sa akin. I feel helpless.
Mas lalo akong nanginig sa takot nang lumapit sa akin si Royce at marahas nitong hinila ang aking braso patungo sa kotse nito. Nakasunod lang sa amin si Sandra.
Nanatili akong tahimik dahil sa labis na takot na aking nadarama kanina. Nanginginig pa rin ako. Ano bang nangyayari sa akin?
Marahas na binuksan ni Royce ang back seat at itinulak ako nito papasok doon. Wala pa rin akong imik, ang alam ko'y takot na takot ako.
"Ilang lalaki na ang nakagalaw sa'yo, Aurora?" tanong sa akin ni Royce. Mas lalo akong napayakap sa sarili. Nakayuko.
Hanggang sa hinatid nito si Sandra pauwi. Nagpatiuna na akong lumabas ng kotse. Naglakad ako papasok sa loob ng aming mansion. Naramdaman ko pa rin ang labis na panginginig at takot.
Sinalubong agad ako ni Dad. At nagulat na lamang ako nang salubungin ko ang isang malakas na sampal nito sa aking pisngi. Dinaluhan agad ako ni Rosalie na ngayo'y lumuluha habang yakap-yakap ako nito.
"What have you done, Arnold!" Sigaw ni Rosalie sa aking ama.
"Umalis ka riyan, hindi pa ako tapos sa babaeng 'yan!" Sigaw ni Dad, pero matigas si Rosalie at nagmamakaawa pa ito kay Dad. Hanggang sa walang magawa si Dad at inis na tinalikuran nito kami.
"Sweetie, please... ako na ang humihingi ng tawad sa ginawa ng daddy mo," lumuluhang ani nito sa akin. Nakatitig lang ako sa mga mata nito. Nanatiling nakayakap ako sa aking sarili na may panginginig. Ako man ay hindi ko maintindihan kung ano'ng nangyari sa akin.
"Mom, hayaan mo siya!" Sigaw ni Royce.
"No, Royce! Alam mo bang sinampāl siya ng ama mo?!" Sigaw nito sa pagmumukha ni Royce. Napansin ko ang pag-igting ng magkabila nitong panga.
Ang totoo, hinang-hina na ang katawan ko, kaya mas minabuti ko na lamang na tunguhin ang aking kwarto. Pumanhik ako sa grand staircase ng aming mansion. Narinig ko ang sigaw ni Yaya Ising at Rosalie pero dire-diretso lang ang naging lakad ko hanggang sa makapasok ako ng tuluyan sa aking kwarto. Ni-locked ko ang aking pinto at dumiretso sa aking kama. Napayakap ako sa sariling tuhod habang nanatiling nanginginig parin ako sa takot. Mukhang na-trauma talaga ako sa nangyari sa akin sa ginawa ni Kian na siyang inakala naman ni Royce na may nangyari sa amin ni Kian sa loob ng kotse nito.
I never thought that such things would happen to me. Muntik na akong pagsamantalahan ni Kian. I pity myself. In these perilous times, it's difficult to trust someone you don't even know.