"KINAUSAP lang po ako ni dad, Yaya Ising," sagot ko sa tanong nito. "Pwede ko bang malaman kung ano iyon, hija?" "Nais niya akong ilayo patungo sa Paris kasama sina Tita Edna at Emma, Yaya Ising," malungkot kong sagot dito. "Hindi po ba't unfair iyon sa side ko? Ako ang tunay na anak pero ako pa ang lumalabas na kontrabida sa pamamahay na ito." "Hija, ikinalulungkot kong marinig ang balitang iyan." Naramdaman kong muli ang mahigpit ni Yaya Ising. Damang-dama ko ang sakit sa puso ko. Tila ba pinapalabas ng sarili kong ama na wala akong karapatan sa bahay na ito kundi sila lang ng kanyang bagong pamilya. Ni hindi man lamang nito naisip na may itinatago akong trauma sa nangyari sa akin sa kamay ni Kian. Magpahanggang ngayon nasasaktan pa rin ako sa pambalewala ni Dad sa nararamdaman ko