"UMALIS ka sa ibabaw ko, Royce!" Mahinang asik ko rito. Kitang-kita ko ang pag-igting ng magkabila nitong panga. Agad naman itong umalis sa ibabaw ko. Tulad ko'y nagulat din ito. Halos mabingi ako sa malakas na t***k ng aking puso. Narinig ko ang malalim nitong buntong-hininga at mabilis ako nitong tinalikuran. Nasundan ko na lamang ito ng tingin. Napasulyap ako sa orasan. Hapon na pala. Hindi ko akalaing nakatulog pala ako sa kotse nito. Bakit hindi ako nito ginising? Naputol ang aking iniisip nang biglang tumunog ang aking cellphone. Mula sa aking bag ay kinuha ko ang sariling cellphone. Si Carol ang nasa kabilang linya. "Carol, napatawag ka?" "Nakauwi ka na ba?" "Yeah, thank you. Kayo ni Hunter, nakauwi na ba kayo?" tanong ko rito. "Si Hunter nakauwi na, hinihintay ko pa si