NAGISING ako na wala na si Yaya Ising sa aking kwarto. I have no choice, kundi ang mag-impake ng sariling mga gamit. Kailangan kong umalis dito. Napasulyap ako sa orasan. Alas tres na ng madaling araw. Sigurado akong heto na ang tamang oras na gawin ko ang nais. Bahala na talaga si Batman. May naipon pa naman akong pera. Pagtitiyagaan ko na lang iyon. Mula sa aking bag ay inilapag ko ang ilang mga credit cards, ATM at ang aking cellphone sa bedside table. Hindi ko dadalhin ang mga iyon para hindi ako ma-trace ni daddy at Royce. Kung anuman ang mangyari sa akin sa labas. Wala na akong magagawa. Buwis-buhay ang gagawin ko. Naligo muna ako, pagkatapos kong maligo ay nagbihis na rin ako. Pinili kong magsuot ng loose pants at black hoodie. Isang maliit na bag na ang laman ay ilang gamit ko