IMBES na makapagpahinga ako o 'di kaya'y matulog ay hindi ko nagawa, hanggang sa nagpasya na akong maligo at magbihis ng uniform. Pero hindi ako lumabas agad ng aking silid, bagkus ay nanatili akong nakaupo sa malambot kong kama. Napaigtad ako nang marinig ang malakas na katok mula sa aking pinto. "Au, si Aling Linda mo ito. Hinahanap ka na ni Aling Mel." "Susunod na po ako pakisabi po kay Aling Mel," sagot ko. Napahilot ako sa sariling sentido. Hindi kaya kapangalan lang iyon ni Sandra? Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga. Bigla akong nanliit sa sarili. Naalala ang mga sinasabi ko patungkol sa mag-ina. Paano kung sila ang may-ari ng mansion na ito? Wala akong alam kung ano'ng apelyido nina Rosalie at Royce, at malakas ang kutob kong sila ang may-ari ng mansion na ito, p