UNANG sabak ko sa trabaho ay naaliw na ako. Lalo na sa presensiya ni Manong Lito. Palabiro ito at totoong masayahin. "Magmula ng umalis sina Ma'am Rose rito sa mansion ay kami-kami na lamang ang narito." "Ano'ng ibig niyo pong sabihin, Manong Lito?" kunot-noo na tanong ko rito. Kasalukuyang dinidiligan ko ang mga halaman. Hindi sinasadyang na curious ako sa kwento ni Ma'am Rose. Nang biglang sumingit si Aling Linda. "Au, baka pwede mo kaming tulungan mamaya. Uuwi raw si Mr. Lee. Balak daw kasi ni sir na dito i-celebrate ang birthday ng kanyang girlfriend." Napalingon kami ni Manong Lito sa gawi ni Aling Linda. "Sige po, walang problema. Malapit na po akong matapos dito," nakangiting sagot ko kay Aling Linda. "Ang bilis, a?" "Aba, sisiw lang yata ang trabaho ko, Aling Linda," pagma