NAKATITIG ako sa dalawang pares na mga mata. Napuno iyon ng pagtataka at pagkalito. Awtomatikong tinalikuran ko ito at mabilis na naglakad palayo rito. "Au, sandali lang!" Hindi ko ito nilingon, bagkus ay mas lalong binilisan pa ang aking paglalakad, lakad-takbo ang ginawa ko. Hanggang sa namalayan kong narating ko na pala ang madilim na bahagi ng hardin. Nag-uunahan sa pagtulo ang aking mga luha. Sana hindi ako makita ni Hunter dito. Ano kayang ginagawa nito rito sa party ni Mr. Lee? Inis na pinalis ko ang mga luha mula sa aking mga mata, saka ako nagpasyang pumasok na sa loob. Naisipan kong dumaan sa may likod diretso sa may kusina. Hindi ko inaasahan na makasalubong si Aling Mel. Napuno ng pagtataka ang anyo nito. "Umiiyak ka? May nambastos ba sa'yo, hija?" Bakas sa mukha nito ang