NAISIPAN kong maligo muna kaya hinubad ko ang sariling damit. Ngunit nagulat na lamang ako nang biglang bumukas ang pinto ng aking private suite at iniluwa roon si Royce. What the! Awtomatikong napayakap ako sa sarili at inis na dinampot ang suot kong hoodie kanina sa marmol na sahig at tinakpan ang sarili. Nanginginig ang aking mga tuhod sa sobrang takot at kaba nang makita ang madilim nitong anyo. Mabilis na pumasok sa loob ng aking private suite si Royce at inilang-hakbang lang nito ang pagitan namin. Napangiwi ako nang marahas nitong hawakan ang aking kabilang braso at nilagyan ng posas. "Ano'ng ibig sabihin nito, Royce?" takang-tanong ko rito. Nagbabagang-tingin ang ipinukol ko rito. "To prevent you from escaping my grasp any longer. You will come with me, whether you like it or