"YES, sir." Sagot ko na lamang at hindi ko na nilingon pa si Royce. Sana lang hindi nito nakalimutan ang tindig at likuran ko. Well, sino ba ako para maalala nito? Pagdakay, mabilis ang kilos na naglakad ako. Halos liparin ng aking mga paa ang kusina. Nang marating ko ang kusina, saka ko ibinuhos ang lahat ng sakit na nadarama. "Au, may problema ka ba, hija?" May pag-aalala na tanong sa akin ni Aling Perla. Hindi ko ito sinagot, bagkus ay yumakap ako rito. Naramdaman ang mahigpit nitong yakap. "Sshhh... tahan na hija." Sa pagluha kong iyon ay agad na nakaramdam ako ng ginhawa sa puso. Ang isipin na nag-suffer ang ama ko dahil sa kapabayaan ko ay totoong masakit sa aking parte. "Nagkasakit ang daddy ko dahil sa ginawa kong paglalayas." Sa wakas ay pag-amin ko rito. "Susmaryusep! Totoo